Friday, June 24, 2011

chap 14(accidentally inlove)

CHAPTER FOURTEEN
Abala ang mga Serano sa loob ng kanilang kusina. Pinakiusapan kasi ni Devon ang kanyang papa na lutuin ang putahe nito na sisig na bangus, at sa kanyang mama naman ang ginataang manok. Pinabili naman niya ang kanyang kapatid ng maanghang na mani. Mabuti na lamang at naintindihan ng magulang niya ang kanyang hiling. Kahit alam na nito ang kanyang napasukan ay palagi pa rin nitong pinapaalala sa kanya na mag-ingat sa tukso dahil ano pa man ang pinapakita nito ay lalaki pa rin daw ito. Iyon na lamang ang kanyang laging iniisip. Kahit pa minsan ay iba talaga ang dulot ng presensya ni James sa kanya.
“Ate Devon, kainin na natin itong mani. Ang sarap eh,” nakatingin si Dhemy sa isang mangkok na mani na handang-handa nang kainin kung papayag man siya.
Inilipat niya ang mangkok sa ibabaw ng ref, “Dhemy, h’wag mo ‘tong pagnasaan, ha? Mamaya na, maghintay ka.”
“Tsk, bakit ba ate? Ipapakain mo ba iyan kay kuya James? Naku, mabuti pa siya binibilhan mo ng ganyan,” pagmamaktol nito. “Uyy, nagseselos ba itong kapatid ko? Eh, binibilhan naman kita, ‘di ba?” pang-aamo niya at ginulo na niya ang buhok nito.
Pinigil iyon ni Dhemy. “Ate, tama na nga. Umaasta kang parang si kuya eh,”
“Si kuya lang ba ang pwedeng magganyan sa iyo?” At mas ginulo ni Devon ang buhok ng kapatid. Naiinis namang winawakli ni Dhemy ang kanyang kamay.
“Magsitigil nga kayong dalawa. Mabuti pa ligpitin niyo na itong mga kalat at tulungan ang mama niyo sa kanyang lulutuin,” sita ng kanilang papa.
Tumigil na sila at nagsimula nang ligpitin ang mga kalat. Nagkomento na ulit ang kanyang kapatid. Marami nga itong napansin! “Ate, ang dami mo yatang handa ngayon, ha? Pansin ko lang, ‘pag si kuya Ivan ang pumupunta dito, simple lang iyong mga pagkain, ngayon si kuya James, ang dami!”
Napatingin lamang si Devon kay Dhemy. Sinalo na siya ng kanyang ina na kakapasok lamang ng kusina at narinig ang sinabi nito. “Dhemy, alam mo naman na kapag kaibigan niyo na first time pa lang pumunta dito ay hinahandaan talaga natin,”
“Oo, Dhemy. Mabuti na rin ‘yong gan’un para makilala talaga naming mabuti ang mga kaibigan ninyo,” segunda naman ng kanyang ama.
Whew! Salamat papa at mama! Naibulong ni Devon. “At tsaka, kasali pa rin naman ito sa lesson namin eh,” pagdadahilan niya.
Tila naniwala naman ito at nagkibit-balikat na lamang. Sinimulan na nilang hiwain ang mga putahe para sa ginataang manok ng kanyang mama nang tumunog ang kanilang doorbell. Si Dhemy ang nagbukas ng gate. Pagbalik nito sa kusina ay abot-tenga na ang ngiti nito. Kasama na nito si James.“Eherm, nandito na si kuya James,”
“Good noon po,” bati nito. He was handsomely dressed. White long sleeve at tinernuhan niya ito ng maong jeans. Wala na itong light make-up. Napatingin na lamang si Devon sa binata.
“Iho, magandang tanghali.” Ganti ng mama niya. Tumango lang ang kanyang papa. “Devon, mabuti pa samahan mo muna siya sa sala kasi tatapusin ko lang ang niluluto ko.” Utos ng mama niya sa mahinang boses.
“Ahh, opo, ma.” Wika niya at lumapit na kina James. “Hmm, doon muna tayo sa salas?”
Tumingin din sa kanya si James at ngumiti. “Sure. Hmm, ang bango naman ng luto niyo.”
“Ayy, naku, iho. Sana magustuhan mo ang lulutuin kong ginataang manok,” pambibida ng kanyang mama.
“Ginataang manok? Wow, that’s my favorite.” Tugon naman nito. “Actually, my mom loves to cook that one, and she also taught me how.”
“Talaga? Marunong ka pa lang magluto?” silang dalawa ang nag-uusap. Nagkatinginan na lamang sina Devon, Dhemy, at ang kanilang ama. “Hmm, slightly.” Sagot nito. “Mabuti pa iho, tulungan mo akong magluto,” pag-anyaya ng kanyang ina.
Napalingon sa kanya si James na tila kumukonsulta. Kumunot lamang ang kanyang noo. “Hmm, I’m afraid it might give a bad result…”
“Sige na, iho. Minsan lang akong manghihingi sa’yo ng pabor,” nakangiti ito sa kanya.
Muli itong lumingon kay Devon. Nag-aalinlangan naman itong ngumiti. “Ahh, okay. Sure, I’ll help you auntie,” at lumapit na ito sa mama niya. Walang nagawa sina Devon kundi tumulong na lang sa kusina. Masigla namang nagluluto ang kanyang ina at si James. Nagkasundo ang dalawa na kapwa paborito ang pagluto. Nakuha ni James ang kanyang galing sa pagluto mula sa kanyang ina. Pinangakuan naman ito ng mama niya na tuturuan siya ng iba pang resipe.
Nang malapit ng maluto ang ginataan ay kinuha na nina Devon at Dhemy ang mga bagong plato sa cabinet. Nakagawian na nilang gamitin ang mga bagong plato kapag may bisita. Napatigil si Devon sa pader ng kanilang kusina at tiningnan ang masayang pag-uusap ng kanyang papa, mama, at James.
“Ate,” untag ng kapatid na nakasunod na pala sa kanya. “Can you give me a favor?”
“Ano?”
“Kung lalaki na si kuya James, sabihin mo sa kanya na ligawan ako. Tutal, graduating na ako sa high scholl, magco-college na ako. Hindi masyadong malayo ang age gap namin,” seryosong sambit nito na nakatingin din sa mga ito.
Pinagdilatan niya ito. “Kung sabihin ko kayang h’wag na siyang makadalaw dito dahil may umaaligid sa kanyang linta?”
“Grabe ka naman, as in, to the highest degree! Joke nga lang iyon,” wika nito. “Mabuti dalian mo na d’yan para makakain na tayo. Gutom na ako.” Tanging nasabi niya at tuluyan nang lumakad. Napagtanto niyang nasaktan siya sa sinabi ng kapatid. Tila ba nagseselos siya kahit hindi naman dapat.
PAGKATAPOS maihanda ang mesa ay kumain na sila. Tila ginanahan si James sa nakita niyang pagkain sa hapag. Mapapakain talaga ako nito, naisip niya. Matapos magdasal ay kanya-kanya na silang kuha ng kanin. Magkatabi sila ni Devon. Biglang tumayo si Devon, “Naku, may nakalimutan ako.”
May kinuha ang dalaga at nang bumalik na ito ay dala nito ang isang pinggang sisig na bangus. ‘Di sinadyang napangiwi siya. Tinapat iyon ng dalaga sa kanya. Napatingin siya nito. Kay tamis ng ngiti nito. “Hmm, ito ang specialty ni papa, sisig na bangus. Naku, maraming sili ang inilagay dito. Try mo James, it’s delicious!”
Hindi siya umimik. Tinitigan lamang niya ang pagkain.
“Ayaw mo ba ng sisig, iho?” tanong ng papa ng dalaga.
“Ahh…”
“Pa, baka naman allergic si kuya James ng bangus. Sana ‘yung mukha na lang ng baboy ang ginamit mo.” Pag-aalala ni Dhemy.  “Allergy ka ba ng bangus, iho?” konsulta din ng mama niya.
“Hmm, no. Hindi naman ako allergic ng bangus.” Sambit nito.
“Ganun naman pala, eh. ‘Di kailangan i-try mo itong sisig ni papa,” Devon insisted. “And James, you know, hindi ito masyadong maanghang. Why don’t you give it a try?”
Napalunok muli si James. Hindi sa ayaw niya ng sisig ngunit natatakot lang talaga siyang tumikim ng maanghang. “Diday-girl, I really can’t. I don’t like eating spicy foods,” bulong niya sa dalaga.
Pabulong din itong sumagot. “James, pagkain lang iyan na maanghang, kung ‘di mo kayang kainin ang maanghang, paano mo kaya haharapin ang ilan pang nakakatakot na bagay sa mundo?” nakapagtanto siya. “And besides, every real guy is brave- brave enough to face dare especially eating spicy foods,” she added. Sumimangot siya.
“Ahh, iho, kung ayaw mo nitong sisig ko ay ‘di na kita pipilitin,” sabi ng ama ni Devon. “Sayang naman ‘tong niluto ko na para talaga sa’yo.”
Napalingon siya nito, at tsaka sa sisig sa mesa. Lumunok ulit siya. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng laway. Sa kanyang likuran naman ay hindi niya napansin ang pagkindat ni Devon sa kanyang papa at ito naman sa dalaga. “Uhh, no, sir. Actually, I want to try it…” alanganin niyang sambit.
“Ano? Ulitin mo nga?” pangungulit ng dalaga. “I said, I want to try it.” Muli niyang sabi.
“Oooh?” pa-cute nitong reaksyon.
Napangiti si James. He couldn’t fail to miss the smile of this lady seated next to her. Kinuha na niya pinggan na may sisig at kumuha ng piraso. Tinikman niya ang ulam. Sa una ay tumikhim siya ngunit kailangan niya itong kayanin, sumubo pa siya sa pangalawang pagkakataon. Mainit na ang kanyang pakiramdam. Nakatingin lang sa kanya ang buong Serano. Ngumisi lamang siya.
“Ayy, kumakain naman pala si kuya James ng sisig, eh.” Bulalas ni Dhemy.
Tinapik siya ni Devon at nagthumb-up sign. Tumugon din siya nito sa pamamagitan ng thumbs-up. Sa kalaunan ay hindi na naaanghangan si James sa sisig. At masigla na silang kumain. Tumagal ang kanilang kainan dahil sa kwentuhan at tawanan. Nang matapos na ay hindi na siya pinayagan ng mama ni Devon na tumulong sa paghugas ng pinggan. Hindi na rin siya nagpumilit at dumiretso na sa labas. Nakita niya si Dhemy na abala sa kanyang gitara.
Umupo siya katabi nito. “You play guitar.” Pambubukas niya ng usapan.
Tumigil ito sa kanyang ginagawa at humarap sa kanya. “Naku, hindi naman po masyado,”
“Is this your guitar? It’s nice.”
“Ahh, opo. Regalo ng kuya ko sa akin.Marunong po ba kayong maggitara?” tanong nito.
Tumango siya. “I have one at home,”
“Ganun po ba? Gusto niyo pong maggitara? Ito po,” iniabot nito ang gitara sa kanya. Nahihiya naman niyang tinanggap ito. “Tuturuan na lang sana kita,” sabi niya. “Hmm, gusto ko pa talaga. Pero, pwede magrequest?” sambit nito.
“What is it?”
“Kumanta po muna kayo. Please!” pagmamakaawa nito. “Ha? Uhh, ikaw na lang,” nahihiya niyang tugon. “Sige na kuya. Please?” niyugyog na siya nito. Napakamot siya sa kanyang ulo. “Hmm, sige na nga.” Sumuko na siya at binigyan ng sample ang dalaga. Nakangiti naman itong nakatingin sa kanya habang kumanta siya ng Your Call ng Secondhand Serenade.
Napapalakpak ito nang matapos na siya. “Ayee, kuya ang galing mo palang maggitara at kumanta.”
Ngumiti siya. “Salamat, pero may mas magaling pa sa ‘kin, ‘no?”
“Naku, ikaw ang da best sa ‘kin kuya,”
He chuckled, then remembered something. “Dhemy, can I ask something?”
“Ano po iyon?”
Bahagya siyang lumapit dito at bumulong. “Ang ate Devon mo, does she sing?”
“Ay! Kuya, ‘di mo alam magaling kumanta ang ate ko. Mas magaling pa iyon sa akin,”
“Really?”
“Really. Pakantahin mo mamaya para malaman mo,” suhestiyon nito. “Hmm. Sige, pakakantahin natin mamaya.” Salo din niya. Lumabas ang papa nito at inutusan si Dhemy na bumili ng softdrinks. Magkakantahan daw muna sila habang naghihintay kay Devon. He agreed, and he loved it.
SA gilid ng pintuan ay nakatanaw si Devon. Naisip niya kung gaano kadali naging close si James sa kanyang pamilya, hindi katulad ni Ivan. Siguro ay may mga bagay na magkahawig ang pamilya niya at si James kaya ganun. Bumuntong-hininga siya. Malapit na ang pasukan nila, at malapit na ring umuwi si Ivan. Ibig sabihin niyan ay malapit na ring matapos ang kanilang lessons. Kahit pa maikling panahon lamang silang nagkasama ng binata ay tiyak malulungkot siya. Parang ‘di pa niya kayang magmove-on.
“Iha? Baka mabitawan mo pa ang mangkok kung hindi mo pa iyan ilalabas,” pukaw ng mama niya sa likuran.
Muntikan na niyang maitapon ang mani dahil sa gitla. “Mama naman, nanggugulat.”
“Ano bang tinitingnan mo diyan ha?” nakitayo rin ito sa kanya. “Si James ba?” panunukso nito.
“Mama! Hindi ah,” she denied. “May naisip lang ako kaya ako napatigil,”
“Talaga? Eh, ano na naman ba pumasok sa isipan mo?”
Pabiro siyang ngumiti sa kanyang mama at nagtanong. “Ma, nasaan ba iyong Oddie ni kuya? Nasa kwarto niya pa ba?”
Pinalo muna siya ng kanyang mama tsaka nagsermon, “Ikaw’ng bata ka! Wala ka na talagang magawa sa buhay, ano? Bakit pati ang alaga ng kuya mo, gusto mong pakialaman? Naman, iha, kung matakot si James at tumilapon ‘yong hayop? Lagot tayo sa kuya mo,”
“Talagang matatakot siya, takot ‘yan sa mga ganun eh.” Cool niya pa ring sagot. “Besides ma, don’t worry, I’ll take care of everything. Akong bahala!”
“Ewan ko sa’yo. Ilabas mo na ‘yang mani at makain na iyan. Samahan mo iyan ng tubig dahil maanghang iyan, kawawa na si James.” Sabi nito at lumabas na.
Sumunod na rin siya sa ina. Wala siyang planong kumuha ng tubig. Ang gusto niya ay masanay ang binata sa pagkain ng maanghang. “Peanuts!” inilapag na niya ang pinggan. “Magbibihis lang muna ako James tapos lakad na tayo,”
“Wait. You sing first,” pinigilan siya nito sa kamay. Napatitig siya sa kanyang kamay. “Hindi pwede. Namamalat ako.” Tanggi niya at sinubukang kumalas ngunit lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. “Okay lang. Tayo lang naman,” giit ni James.
“Sige na anak. Kumanta ka na. i-share mo naman iyang talent mo,” singit ng kanyang mama.
Pinanghinaan siya ng loob ngunit wala siyang planong bumigay. “Hindi talaga pwede. Baka masira pa itong bahay natin kapag kumanta ako,”
Nagsalita na rin ang kanyang papa, “Okay lang ‘nak kung masira, may house insurance naman tayo sa bangko.”
Lumaki ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Tila ba pinapaboran pa ng kanyang mga magulang ang mokong na si James kesa sa kanilang sariling anak. Nilagyan yata ng gayuma ni James ang kanyang nilutong pagkain upang bumait ang mga magulang niya sa kanya.
“Hay naku, ‘wag nga kayong maniwala kay ate, hindi naman ‘yan namamalat eh. Kumanta pa nga ‘yan kanina habang naliligo,” pambibisto ng kanyang kapatid na kakapasok lang sa loob ng bahay bitbit ang nabiling softdrinks.
Kulang na lang ay sugurin niya ang kapatid at kurutkurutin upang tumahamik lamang. Pinagkakaisahan na talaga siya ng buong pamilya. Pangiti-ngiti naman siyang pinagmasdan ni James na binitawan na ang kanyang kamay. Wala na talaga siyang lusot.
“Fine. I’ll sing. Pero bago muna iyan, gusto kong nandito si Oddie.” Sabi niya.
“Who’s Oddie?” tanong ng binata.
“Anak, sure ka ba?” sambit naman ng kanyang mama.
“Makikilala mo rin siya James, and mom, I’m sure.” She mischievously smiled. “Dhemy, pakikuha mo naman siya, please.” Baling niya sa kapatid. Nag-aalinlangan itong bumulong sa kanya. “Ate, ‘yong alaga ni kuya? Baka matakot si kuya,”
Bumulong din siya. “May iba bang Oddieng alaga si kuya? Wala naman, ‘di ba? And I know, he’s going to love it. Kaya kunin mo na,” tinulak niya ang kapatid, at napilitan itong pumanhik sa itaas. Hindi mapawi ni Devon ang pilyang ngiti habang puno naman ng pagtataka si James. Her parents couldn’t stop worrying.                                                                               

No comments:

Post a Comment