Saturday, September 29, 2012

chap22(accidentally inluv)


Chapter TWENTY-TWO
Lumapit kay Devon ang nakangiting dalaga. Sa tingin niya ay mabait naman ito at friendly. Naisip niyang isa mga pinsan ito ng nobyo at sinurpresa rin si Ivan. Ngumiti rin siya.
“Hello, naku, hindi ka man lang pinaupo ni manang. Upo ka muna,” anyaya nito. Tatanggihan niya sana ngunit umupo rin ito sa bakanteng sofa. Sumunod na lamang siya.  “Ano nga pala ang pinunta mo dito?”
“Ah, hinahanap ko sana si Ivan,” sagot niya.
“Oh, well I think he left awhile ago. May inasikaso lang yata.” Sabi nito. “Akala ko ikaw ‘yong pinadala ni mommy na event coordinator,”
Humigikhik siya. Nagmukha na pala siyang coordinator sa suot niya. “Naku, hindi. May party ba dito mamayang gabi?”
“Yes,” tipid nitong sagot. Tila ba nawala ito ng gana sa tanong niya. “Hm, kung, kung ‘di ka ang coordinator, I assume classmate o kaibigan ka ni Ivan?” pag-iiba nito ng paksa.
Tumango lamang siya. Hindi niya nakasanayang magpakila sa ibang tao na syota siya ng binata.
“Wow, nice dahil nakilala na ako ng isang kaklase niya. You know, I’m excited to meet his friends. Ang sabi kasi niya hindi pa raw pwedeng distorbuhin kayo ‘coz your busy with your thesis,”
Devon is confused. “Pinsan ka ba ni Ivan?”
Pagak itong tumawa. “Nakalimutan kong magpakilala sa’yo. I’m Trixie Bersola, Ivan’s future fiancée,” iniabot nito ang kanang kamay.
Parang binagsakan ng langit si Devon sa narinig. Tila ba lahat ng kamalasan sa mundo ay pumunta sa kanya at hinihila siya pababa. Hindi niya magawang tanggapin ang kamay ng dalaga. Napautal siya, “F-fiancee?”
“Future-” diniinan nito ang pagkasabi. “fiancée pa lang. Tonight will be our engagement party. I hope you could come,”
Gusto niyang sabunutan ang babae. Manhid ba ito at ‘di napansin ang kanyang hinagpis?
Nagpatuloy ito. “You look surprise. I mean, siguro hindi pa niya ito nasabi sa barkada niyo. Unplanned naman talaga ang party na ito. Naku kung alam mo lang ang pinagdaanan naming dalawa…” Bingi na si Devon. Ayaw na niyang makinig ngunit para bang gusto niyang alamin kung kailan nagsimula ang relasyon ng dalawa. “I first saw Ivan back there in Nueva Ecija a year ago. Pinakilala siya sa akin ng mama ni James. Siguro kilala mo siya. You go to the same school, di ba?” kwento pa rin nito habang ang luha niya’y unti-unti nang namumuo sa kanyang mga mata. “Magkababata rin kami ni James. Aaand, well balik tayo kay Ivan. Ha-ha. I find him cute talaga, but I never thought na I will fall in love with him…”
“A-a-alam b-ba ‘to ni J-James?” pigil ang luha siyang nagtanong.
“I texted him three days ago, but he didn’t reply on my text.” Sagot nito. “How well you know James?” Narinig niya ang tanong na iyon subalit wala sa sarili siyang tumayo at ang nais lang niya ay lalayo sa lugar. Lalayo nang lalayo. Ngunit natigil siya ng may sinabi si Trixie, “Alam mo ba, ‘yang si James, ang lupit! Grabe! Naisipan pa naman n’yang magbaklabaklaan para lang magalit ang stepdad niya.” Tumawa pa ito.
“Ano?!”
“James is not a gay. Never! Natawa nga ako nang ipadala siya rito nina tita. At first, hindi ko inamin sa kanila ang secret namin, but I did the right thing naman kalaunan,”
Mas lalong natigilan ang dalaga. Daig pa niya ang tinamaan ng tsunami o nawalan ng bahay dahil sa sunog. Sinaksak ang puso niya nang paulit-ulit. Sinuntok siya ng masakit na katotohan. Pakiramdam niya nasa loob siya ng isang malaking maze at pinaglalaruan ng mga jack o clowns. Tumulo na ang kanyang luha. She felt terrible. The pain was unexplicable.
“Oh my! Why are you crying? Did I say something wrong?” nataranta si Trixie at siya’y nilapitan.
“Don’t, no, h’wag kang lumapit…” humakbang si Devon paatras. “Ayoko ng marinig ang iba mo pang sasabihin. I-I-I n-need t-to g-go,” She grabs for the door.
Humabol ito sa kanya. “Sino ka nga ba talaga?”
At sa huling pagkakataon, nilingon niya ang dalaga. “I’m Devon…”
“Devon,”
“Yes, Devon Serano, Ivan’s g-girlfriend.” At patakbo na siyang lumabas ng bahay. Her tears race down her cheery cheeks. Nabura na nito ang koloreteng kanyang nilagay. Wala siyang pakialam sa itsura niya. Ang gusto lamang niyang mangyari ay umuwi sa kanilang bahay at umiyak. Umiyak lang nang umiyak.
Truth hurts.
Totoo pala ang kasabihang iyon. Nagmukha siyang tanga sa dalawang lalaking naging parte ng kanyang buhay. Puno ng inis at sakit ang kanyang puso nang malamang pinagtaksilan siya ng kasintahan. Inaamin niyang pinagdudahan niya ang kanyang sariling pag-ibig kay Ivan, subalit nagawa niya itong pigilan bagkus sinikap niyang pagtibayin ang kanilang relasyon. But now, after what she heard, everything turns upside down. Si Ivan pa pala ang nagsinungaling.
Pati si James. Si James who she thinks she could trust all her life. Nagsinungaling din ito. Binigo nito ang kanyang tiwala. They are liars. Tila nalimutan nilang may pakiramdam siya.
Diyos ko! Bakit ang sakit?! Ganito ba talaga ang pag-ibig? Ginawa ko ang lahat upang masalba ang relasyon namin ni Ivan, nilayuan ko si James, sinisi ko ang sarili ko tapos malalaman ko na lang na engage na siya?! Sino nga ba ako sa buhay niya? Laruan? O pampalipas oras lang sa paaralan? Dalawang taon siyang nagsinungaling sa ‘kin. Two years…Ba’t ‘di niya nagawang aminin sa akin ang totoo? Makikinig naman sana ako…
Iyak nang iyak si Devon. Mula sa subdibisyon hanggang sa pagsakay ng jeep, ‘di pa rin mapigil ang pagtulo ng kanyang luha. Ang mga taong kanyang nasalubong ay nakatingin lamang sa kaniya. Nagtataka siguro sila kung ano ang nangyari sa kanya.
Hawak-hawak pa rin niya ang regalo sana sa nobyo. Gusto niya itong itapon. Isang malaking kahihiyan lang ang bagay na ito.
She cried so, so hard that she almost trip off as she opens the gate. Napasandal pa siya sa rehas at umiyak ulit.
Ang sakit.
Bago pumasok sa loob ay pinahid niya ang kanyang luha; ayaw niyang makita siya ng mama niyang ganoon ang istura. Mag-aalala iyong masyado. Akala niya makakahinga na siya pag-uwi ng bahay ngunit naabutan niya si Ivan sa loob.
Napatayo ang binata at agad siyang nginitian. “Devon, ang sabi ni auntie-”
“Umalis ka na Ivan.” Hindi na niya hinayaang makatapos ito. Naging bato na siya para sa lalaki. “Devon? What do you mean?” he asks confusingly.
“I said, umalis ka na.” galit na siya.
“I won’t go anywhere unless you tell me what’s happening, Devon.”
She snapped, “Why don’t you go back to your engament party with Trixie Bersola?!?”
Natameme si Ivan.
“See, you can’t even defend! Kasi ‘di ba ‘yon ang totoo? Ang kapal din ng mukha mong pumunta dito!!!”
“Baby Devon…”
“Don’t you call me baby. I hate you! Sinungaling ka!” dahil sa galit ay hinagis niya ang regalo sa lalaki. Mabuti na lang at nakailag ito. Umakyat na siya sa taas. Sa ingay na nangyari ay napapasok ang kanyang ina mula sa paglalaba. “Ano ba ‘yong ingay, Devon, Ivan?”
“Ma, please, paalisin niyo na ang lalaking iyan.” Pakiusap ni Devon.
Kumunot ang noo nito. “MA, please.” Pag-uulit niya. “Devon, mag-usap tayo please.” Pagmamakaawa ni Ivan. He pleaded hard. Tumalikod na ang dalaga. Kahit nalilito man ay pinaalis na ng ina ni Devon si Ivan. “Iho, umalis ka na. Ako na ang nagmamakaawa sa’yo. Go home, please.”
Nagmatigas pa si Ivan. “Please, Ivan. Go.” Ulit nito.
“Devon!” si Ivan.
Ngunit bingi ang babae. Hindi ito lumingon. “Umalis ka na Ivan. Sige na.” pantataboy ng mama niya.  Lihim na umiiyak si Devon. Kahit pa gusto niyang marinig ang paliwanag nito ngunit ang sakit pa ng sugat sa kanyang puso. Manhid na ito sa ano mang pagmamakaawa.
Naramdaman niyang laylay ang balikat na lumabas si Ivan sa kanilang bahay. Bumuntong hininga siya nang may maalala. Mabilis niya itong tinawag. “Ivan,”
Agad itong napalingon na ang mata’y nagsusumamo.
“N-nakalimutan kong sabihin na- na b-break na t-tayo. W-we’re… over.”
Iyon lang at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kanyang silid. She cried and cried and cried.

chap21(accidentally inluv)


chapter TWENTY-ONE
Abala sina Devon, Fritzie, at Jenny sa paggala sa mall. Nagpasama si Devon upang mamili ng bibilhing regalo para kay Ivan. Kaarawan na ng kanyang kasintahan kinabukasan, at nais niya itong sorpresahin.
“Devs, may party ba si Ivan bukas? Parang wala siyang sinasabi ‘no?” tanong ni Jenny.
Nasa men’s section sila ng magbukas ng usapan si Jenny. “Wala rin naman siyang sinasabi sa ‘kin. Ewan ko. Susurpresahan ko na lang siya,” sagot ni Devon.
Sumabat si Fritzie, “Eh, wala bang nasabi si James sa’yo?”
Natigilan ang dalaga. Ilang linggo na ang dumaan nang hindi na sila masyadong nag-uusap ni James. At aminado siyang miss na niya itong kasama. “’Di ba tatlong araw nang lumiban si James sa klase? Umuwi yata siya dahil nagkasakit ang kanyang papa,”
“Ay, oo nga pala. Pero napansin ko lang ha? Ba’t ‘di na kayo masyadong nagkikwentuhan ni James? I mean, both of you seem to be affected on Ivan’s presence.” Komento ni Jenny.
Tinapunan siya ng tingin ni Fritzie. Napalunok siya, “Ahh, hindi naman. Masyadong busy lang talaga sa school,”
“Ganun ba. Pero at least naging anghel ka sa buhay niya dahil natutunan niyang patawarin ang papa niya,” sabi na lamang nito.
Hindi na umimik si Devon. Nais niyang pagtuunan ng pansin ang pamimili ng regalo para sa kasintahan. Sapat na ang ilang gabing iniyakan niya dahil sa kalituhan at katanungan. Sa pagkakataong ito ay determinado na siyang ituon ang atensyon kay Ivan.
Siniko siya ni Fritzie, “Hm, ito na ang ibigay mo. Para lagi niyang isuot,” ipinakita nito ang isang black-leather strap Timex watch. “Wow, ang ganda. ‘Yan ang bibilhin ko sa kanya,” sabi niya.
Nagulat ito, “Sure ka? Hindi mo man lang ako tatanungin sa presyo nito?”
“Fritzie, gusto ko talagang ibigay sa kanya ang best gift sa birthday niya. At feel ko ito na iyon,”
“Talaga lang ha?” tanong na naman nito. “Oo nga. Dali ito na ang bibilhin natin at gabi na kaya,” ngumiti ito at kinuha ang relos. Fritzie is left astounded. Ang mahal kaya n’on.

TAHIMIK na nakatanaw si James sa labas ng bahay. Kakatapos lang niyang samahan ang kanyang amain sa pagkain at nauna na rin itong natulog. Sa tatlong araw niyang paglagi sa mansyon ay mas tumibay na ang relasyon nilang mag-ama. At masaya siya dahil labis na nagalak ang kanyang ina sa kanilang pag-aayos.
“Anak, ba’t nandito ka? Aren’t you going to sleep?” Nasa likod ang kanyang ina at may dalang isang baso ng gatas. “O, inumin mo ito.”
“Thanks mom.” He smiles. “May iniisip lang po ako,”
Tumabi ito sa kanya at nagsalita, “Ano bang iniisip mo? Share mo sa akin,”
Humigop muna siya, “Wala lang po. Gusto ko lang po sanang mag-sorry sa lahat ng pagsisinungaling ko,”
“Kahit kalian hindi ko ‘yon inisip na pagkakamali mo. At matagal ko ng alam ‘yon. Sinabi sa akin ni Trixie.”
“Sorry po talaga kasi nasaktan ko pa kayo,”
“Past na iyon, ‘nak. Ang mahalaga ay ang bagong simula ng pamilya natin.” Ngumiti ito. Niyakap siya nito nang mahigpit. “Salamat po. Si Trixie pop ala, nakauwi na? Tuwing hapon na ang pumupunta sa kanila ngunit wala pa rin ito,” tanong niya. Gusto niyang kausapin ang kababata kahit pa humingi ng pabor sa kanya si Ivan.
Binitawan siya ng ina, “Ang pagkakaalam ko’y sa susunod na linggo pa ito uuwi.”
“Ang tagal naman niya,”
“Hindi pa ba sinasabi ng pinsan mo na ngayon ang engagement party nila?”
Kumunot ang kanyang noo sa naging tugon ng kanyang ina, “What are you saying, mom?”
“Your tito texted me na matutuloy daw ang engagement nila. Imbitado pa nga tayo,”
Agad na napatayo ang binata. “Mom, I think you’re wrong. Hindi pwede! Hindi maaari!” Tumayo na rin ito at kinalma siya, “James, may problema ba?”
Balesa pa rin si James. Hindi siya mapakali. Kailangan niyang tawagan si Devon at sabihin ang nalalaman. Ngunit nangako si Ivan na aayusin niya ang lahat. Baka mapipigil pa ito ng pinsan niya. Dapat magtiwala siya. “James, don’t tell me, may gusto ka sa kababata mo at ayaw mong matuloy ang selebrasyon?”
“Ma, parang kapatid ko lang si Trixie, ‘yun lang po ang tingin ko sa kanya.”
“Then, why are you reacting like that?”
He starts to mellow down. Sa tuwing napag-uusapan ang tungkol kay Devon ay nanghihina siya. Tila ba ‘di niya matiis ang dalaga. “Mom… remember the girl that I used to talk to you over phone calls? Si Devon?”
Tumango lang ito. At siya’y nagpatuloy.
“Kasintahan siya ni Ivan until now. Dalawang taon na sila. Ang totoo niyan, nahulog ako sa kanya. Ang bait niya, kay ganda, at walang deskripsyon ang makakapantay sa kanyang katauhan. Pero… I know she loves Ivan much. She’s ready to risk everything for him… If the wedding will push through, paano na si Devon, mom? Hindi ko kayang masaktan siya…”
“Anak,”
“Kahit ano gagawin ko lumigaya lang siya. Even it will take a lifetime sacrifice from me just to let her happy, kakayanin ko…”
Muli siyang hinagkan ng ina, “Ganyan talaga ang pag-ibig, anak. Hindi mo kayang pigilan, puno ng sakripisyo at pasakit… ngunit magbubunga ‘yan ng isang maganda at masayang relasyon. Maybe this lifetime is not  intended for your lovestory, malay mo baka sa susunod n’yong buhay kayo na,”
“Anong gagawin ko? I need to comfort her. kung kaya ko lang ibigay sa kanya ang lahat,”
Kinulong ng mga palad ng ina ang kanyang namumulang mukha. “Naisip ko lang, how can you give her everything if on the first place, you can’t give her the truth?”
Bumaba siya ng tingin. “Hindi niya ako mapapatawad…”
“Lahat ng tao nagpapatawad. Tsaka mo lang makikita ang halaga ng pagsasakripsyo mo para sa kanya if you both settle things with each other,”
Ngumiti siya sa ina. Lahat ng sinabi nito ay totoo. Niyakap niya ito. Tomorrow, I’ll do what is the right thing to do. This is for Devon. Only for her.

TINANGHALI nang gising si Devon. Mabilis siyang pumunta sa banyo at pakantakanta pang naligo. Kaarawan ng kasintahan at gusto niyang bumawi dito. Naisip niya na tiyak masusurpresa ang lalaki sa pagpunta niya sa bahay nito at may regalo. Excited na siya. Pagkatapos maligo ay sinuot na nito ang isang simpleng asul na bestida at naglagay ng manipis na kolorete sa mukha.
Tinitigan niya ang repleksyon sa salamin. Bakit ‘di niya makita ang saya sa kanyang mata bagkus lungkot ang kanyang nakita. Naalala kasi niya ang naging date nila ni James. Magkatulad na bestida ang kanyang sinuot noon. Ugh, ano ba Devon! Isipin mo si Ivan, siya lang dapat. Iwinaksi na niya ang alaalang iyon at lumabas na sa kwarto.
Sumakay na lang siya ng taxi papunta kina Ivan matapos makapagpaalam sa kanyang ina. Tila kinakabahan siya. Ewan kung bakit. Ang alam lang niya, kailangan niyang puntahan ang binata. Pagkarating niya sa bahay nito ay nakita niya ang mga malalaking sasakyang nakaparke sa tapat ng gate nito. May ilang lalaki ring nagbubuhat ng lamesa’t silya sa loob. Nagulat siya. Walang natanggap na imbitasyon ng isang birthday party ang barkada mula sa kasintahan, maging siya wala.
Nagpatuloy na lamang siya. Baka sa ibang event gagamitin ang mga iyon. Pinapasok siya ng katulong sa loob ng sala at iniwan na rin siya. Lumabas naman mula sa kumedor ang kakilala niyang yaya ng pamilya, si Manang Loring.
“Magandang araw po, Manang Loring.” Bati niya. “Iha, ang aga mo naman yata. Mamayang gabi pa ‘di ba ang party?” sagot nito.
Party? Magbibirthday party si Ivan?
“Po? Party?” pag-uulit niya. “Oo, ah, siguro ngayon ka pa lang iimbitahin ni Sir Ivan dahil nagmamadali ‘yong umalis sa bahay, eh.” Sagot nito. Tumango na lamang siya, “Ganun po ba,”
“Manang Loring, iyong mga flowers po nas’an na?-” mula sa hardin ay pumasok ang isang matangkad at seksing babae na nakasuot ng lilac jumpsuit dress. Maganda ito at meztisa. Napalingon sina Devon at Manang Loring, “Oh, may bisita pala tayo.”
“Ah, ma’am. Opo, ang bulaklak kukunin ko na. Maiiwan ko na po kayo,” dagli itong lumabas ng bahay. Naiwan ang dalawang dilag sa sala.

chap20(accidentally inluv)


chapter TWENTY
Hi James! OHMYGOSH! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, sinabihan ko na rin ang ibang kababata natin. Ito na!!!
.
.
.
IM GOING TO BE ENGAGED. Whew. AND WITH YOUR OWN COUSIN, IVAN DORKNER. Hmm, may nasabi naba siya sau? Isn’t it exciting? I’m going there on his birthday. Missya. Mwatsup! HAHAHAHA.
Ilang ulit niyang binasa ang text message ng kababata ngunit ‘di pa rin niya akalaing ang Trixie na pinag-uusapan ng mag-ama kanina ay ang kabarkada niya mula pagkabata sa Nueva Ecija. Magkaibigan ang pamilya nilang dalawa. Malamang ay nakilala nito ng kanyang tito ang pamilya nito dahil sa kanyang mama. Mayaman sila Trixie Bersola. Konti lamang sa dalawampu ang pagmamay-aring sakahan at bukirin ng pamilya nito. At kahit pa siguro ilang naghihingalong kompanya ang nais na magpatubos sa kanila ay makakaya nila. Mabait ang pamilya nito. Kaya naman napaisip siya bakit nito kailangan ang pagpapakasal para lang tulungan ang kompanya ng mga Dorkner?
Agad siyang nag-empake ng gamit at nakatulog na sa kaiisip.
Kinabukasan, maaga siyang nag-almusal at hinintay na lamang ang pamilya Dorkner na bumaba sa kumedor upang siya ay makapagpaalam na. Hindi pa alam ng mag-asawa ang balita kaya marahil ay magugulat ito kapag nalaman nila ang kanyang dagliang pag-uwi.
Tinatapos pa niya ang kanyang gatas nang mabosesan na niya ang tinig ng kanyang tita, “James, may ipapamigay ka pa bang damit?”
Tumungo na siya sa sala, “Good Morning po tita, wala na po,”
“Eh, ano bang nasa loob ng bag mo? Bakit bulky ‘yan? May presentation ba kayo sa school ngayon?”
“Hm, tita, uuwi po sana ako ngayon saprobinsya,”
Nagulat nga ito, “Teka, bakit? May nangyari ba sa mama mo’t daglian yata?”
“Ah, mom’s better. It’s tito Roy who’s feeling ill. Bibisitahin ko lang po,”
Sumilay ang ngiti mula sa labi nito, “James, that’s a good idea. Alam kong gusto mo ring makasama ang foster dad mo,”
“Opo naman. Ngayon, mas natutunana kong pahalagahan ang mga taong nagmamalasakit sa ‘kin,” he also smiles. “Oh, of course, dear. Eh, ‘di nab a ‘yan mamove ngayong Sabado? Alanganin nang lumiban ka ng Miyurkules,” suhestiyon nito.
“Gusto ko po sana, tita, eh naghahanap na daw po kasi si tito. Gusto kong igrant naman iyong request niya,”
“Okay. Tell him to get well, okay? And pakikimusta ako sa mama mo,”
“Sure, tita.”
Niyakap siya ng kanyang tita. At siya rin namang pagbaba ni Ivan. Mugto ang mata nito at makikita ang pasa sa kanyang pisngi dahil sa suntok niya kagabi. Tiningnan lamang niya ito.
“Anak, hindi papasok ngayon si James. Uuwi siya ng probinsya,”
Tiningnan nito ang kanyang mama at pagkatapos ay siya naman. Sa akalang ‘di ito magsasalita ay nagpaalam na ang lalaki, “Sige po tita, aalis na po ako para maaga akong makarating doon,”
“Ahm, sige. Tawagin mo na lang si Gorio at pahatid ka sa terminal ng bus,”
“H’wag na  po. I’ll call a taxi na lang tita, salamat na lang po.”
Hindi na tumutol ang kanyang tita at kinuha na niya ang kanyang bag. Biglang umimik si Ivan, “Ako nap o ang maghahatid sa kanya ma. Mamaya pa namang ten ang klase ko,”
Pinabayaan na niya si Ivan. Ang totoo ay kakausapin din naman niya ang binata tungkol sa isyung kanyang narinig. Kinuha nito ang susi ng kotse. Pagkatapos ng pamamaalam ay umibis na ang kotseng lulan ng dalawang binata. Sa una ay walang kibuan ang dalawa. Nagkataong may rally kaya naman ay napatigi sila sa gitna ng matinding traffic. Binuksan ni ivan ang usapan. “Why did you punch me last night?”
“Akala ko ako ang mas may karapatang magtanong,” sabi ni James.
“Ano ba ang pinagsasabi mo?!” Ivan look puzzled.
Nakatingin lang siya sa labas, “Kagabi, ‘di ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ninyong mag-ama sa kusina,” simula niya. “And I hate what I heard. Ba’t hindi mo ipinagtanggol si Devon?”
Napatigil ito.
“Akala mo ba ikaw lang masasaktan kapag pumayag ka sa gusto ng papa mo? Mahal mo naman siya, ‘di ba?”
“Wala kang alam kaya h’wag kang magreact ng ganyan,” sagot ni Ivan. “At isa pa, bakit ka nakikisawsaw ng masyado sa aming dalawa ni Devon? Nagkasama lang kayo ng ilang linggo dahil sa walang kwenta mong transformation!”
“Oo nga, dalawang linggo lang kaming nagkasama at naging kaibigan ko na siya, ngunit sa loob ng panahong iyon nakita ko ang kanyang halaga. Eh, ikaw, bakit sa dalawang taong naging kayo, ‘di mo pa rin nakita iyon?” Si James.
“Matagal ko ng pinahalagahan si Devon, James. Kung alam mo lang kung gaano ko siya minahal…”
“Kung mahal mo siya, ‘di sana’y hindi ka pumayag sa papa mo.”
Tiningnan siya nito. “Naghihingalo na ang kumpanya James, at ito lang ang paraan upang makabayad sa mga utang.”
Seryoso siyang nagtanong, “Paano si Devon?”
“Sasabihin ko ang tungkol dito sa kanya…” sagot nito. “At ano? Hihiwalayan mo? Ivan, mahal na mahal ka ni Devon, alam mo ba iyon? Mahalaga ka sa kanya. Pumayag nga siya sa request mong kaibiganin at baguhin ako. Hindi niya iyon gagawin kung hindi dahil sa’yo!” tumaas na ang kanyang boses. Nawawalan na siya ng pasensya sa kausap. Hindi niya masakyan ang walang kwenta nitong dahilan.
“James, kung sana nga lang may magagawa ako. Kung sana nga lang may lakas ng loob akong aminin sa kanya ang lahat sa mas maagang panahon, ginawa ko na. Ngunit wala na akong magawa eh, nandito na.”
“You sound like all this time you cheated Devon. And what you are now seems you don’t care for her, instead you prioritize the company,”
“Mahal ko siya, James.” Pagdidiin ni Ivan.
“Sana panindigan mo ang pagmamahal na sinasabi mo,” Si James.
“Nakikiusap ako sa’yo James, h’wag mong sabihin ito sa kanya. Ako na ang magsasabi. At ako rin ang mag-aayos ng gusot na ito...”
Matiim niyang tiningnan ang lalaki. “Bakit?”
“Makakaya ko ito. Lahat aayusin ko,”
The cars behind them start to honk loudly. Umusad na ang trapiko, at pinaandar na ni Ivan ang sasakyan upang pawiin ang tensyon sa loob ng kotse. Nagitla siya sa mga katagang binitawan ni Ivan. Nanlumo siya sa sarili matapos ang komprontasyon.
Tahimik sila pareho hanggang marating nila ang terminal. Bumaba na si James at kinuha ang kanyang bagahe sa likuran ng sasakyan. Bumaba na rin si Ivan at tinawag ang pinsan, “James.”
Lumingon lang ang binata.
“Sino ba si Devon para sa’yo?”
Mapakla siyang ngumiti, “She’s my everything.” Nakita niyang nanlaki ang mata ng binata sa kanyang sinabi. “Ivan, salamat sa paghatid. At sana sa pagbalik ko ay mapapasalamatan na naman kita dahil hindi mo sinaktan si Devon.”

TANGHALI na nang dumating si James sa Nueva Ecija. Sorpresa ang kanyang pag-uwi kaya mag-isa lang siyang umuwi sa kanilang town house.  Ang huling naalala niya sa lugar na ito ay ang pag-aaway nilang dalawa ng kanyang stepdad. Galit na galit ito dahil hindi niya maatim ang kanyang pagkabinabae. Muntikan na siyang masuntok nito kung ‘di lang pinigil ng kanyang mama. Puno ng galit ang kanyang puso noon sa kanyang amain. He never intends to accept his stepdad. Ever. Subalit nagbago ang lahat nang makilala niya si Devon. Ang dalaga ang tumulong sa kanya na tanggapin ang mga bagay na hindi na maaari pang baguhin. At ngayon sa kanyang pagbabalik, dala niya ang paghingi ng tawad at pagtanggap sa kanyang amain.
Malaki ang kanilang tatlong palapag na mansyon. Ito ay pamana ng kanyang lolo sa kanyang ina. Spanish style ito na may malaking hardin sa harapan. Likas na mabait ang kanyang ina kaya naman ay mga pamangkin nitong walang bahay ay sa kanila na nakatira.
Before he push the doorbell, he takes a deep breath. Dalawang tunog lang at may bumukas na sa malaking gate. Nagkataon namang ang dating katulong nakabukas kaya’y nakilala siya kaagad. “Sir, kayo po pala. Pasok po kayo, sir. Welcome back!” magiliw nitong bati.
Ngumiti siya at agad na pumasok ng mansyon. Natanaw niya kaagad ang kanyang ina- kay ganda pa rin nito kahit pa medyo na nangayat. Nakaalalay ito sa isang lalaking payat na at sinemento ang kanang paa. Gayunpaman, masaya ang dalawa. Paika-ika pa ang lalaki at minsa’y natutumba ngunit tinatawanan lang nila ito.
Tuluyan na siyang lumapit, “Mom.”
Lumingon ang dalawang pigura. Nasurpresa ang dalawa at kapwa nagkatinginan. Pagkaup ng kanyang amain ay agad siyang niyakap ng kanyang ina. Ngumiti siya. Alam niyang maayos na ang pamilya niya.

Accidentally inlove (chap19)


Chapter nineteen
Napahigpit ang kanyang yakap sa kasintahan. Nais niyang maramdaman ulit ang kasabikan at kasiyahan sa piling ng binata. Pilit niyang binabalik ang dating sigla tuwing kasama niya ito- na sana ay mapawi ang kakaibang naramdaman niya kay James. At masasabi rin niya sa sariling wala siyang kasalanan. Na hindi siya naging ahas.
Hinaplos ng binata ang kanyang buhok. “Baby, namiss mo ba ako?”
“Ang daya mo. Bakit minsan ka lang tumawag?”
Binitawan siya nito’t tingnan siya. “I’m sorry. Masyado kasing busy sa States eh, maraming inasikaso si daddy. I’m really sorry,”
“Paano ba naman kita masisisi? Alam ko naman ang dahilan ng pinunta ninyo doon,”
“Salamat, baby. Palagi kitang iniisip doon, every second, every minute, every hour, every day…”
Napangiti siya at marahang . “Ikaw talaga. Bolero!”
“’Yun talaga ang totoo. Kumusta ka na? Miss na miss na miss talaga kita.”
“M-miss din kita…” tanging sambit niya. Hindi niya alam kung iyon ba ang tunay niyang nararamdaman ngayon. Dahil nag-iba na ang lahat simula ng umalis ang nobyo at naging malapit kay James. Kung noon ay nagagalit na siya tuwing nakakalimutan ni Ivan na tawagan siya, ngayon ay hindi na nga niya napansing malimit na lang ang kanilang tawagan. Nasanay na rin sana siya sa mga kanta ng Maroon 5 dahil iyon ang paborito ng nobyo subalit kamakailan lang ay naengganyo na siya sa mga kantang OPM na palaging pinapakinggan at ginigitara ni James. Sa kanilang muling pagkikita ay pilit niyang buhayin muli ang mga nakagisnan. Kailangan.
Hinaplos ni Ivan ang kanyang pisngi. “Are you okay, baby? Parang ang tamlay mo yata ngayon.”
Mahina siyang sumagot. “I’m fine. It’s just kailangan ko pa palang hanapin si Ms. Grimms. May ipapasa pa akong requirement,”
“Samahan na kita. Gusto kung bumawi sa dalawang linggong ‘di kita nakasama.” Suhestiyon nito. “I’ll report to my adviser, too.”
Mas lalo siyang naasiwa. Nakikita niya sa ekspresyon at gawi ng lalaki ang kasabikang makasama siya. “Okay.”
Bumuntong-hininga ito at nagsalita, “Hm, let’s go. Fritzie, hahanapin muna namin si Ms. Grimms, gusto mong sumama?”
“Ah, no! May hahabulin pa akong klase eh. And I know you both miss each other. Para na rin makapag-usap kayo.” Ngumiti ito at lumakad na palayo sa kanila.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at nagsimula ng lumakad. Sumunod din siya sa lalaki. Gusto niyang umiyak. Nahihiya siya sa kanyang sarili. Nalilito na talaga siya.

MATULING lumipas ang isang buwan mula nang dumating si Ivan mula sa States, at isang buong linggo ring walang kibuan sina James at Devon sa isa’t isa. Nagkakasama sila sa umpukan ng barkada o ilang activities sa paaralan ngunit hanggang tango at ngiti lamang ang kanilang kominakasyon. Ni minsan ay hindi sila nabigyan ng pagkakataong mag-usap na silang dalawa lamang. Naging abala silang lahat sa kanilang mga thesis at kanya-kanyang pagsisikap na upang makamartsa sa darating na Graduation. Bantay-sarado si Ivan kay Devon na halos sa pagtulog o pagkukubeta ng dalaga ay nakasunod ito. Ika nito ay nais lang nitong bumawi sa mahabang panahong pagkakawalay sa kanya. Si James naman ay nag-aastang manhid na lamang sa magkasintahan lalo na kay Devon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang pasanin ng dalaga. Napansin niyang masaya na ito sa piling ng kanyang pinsan. At naisip niyang isang temptasyon lamang ang kanyang nararamdan. Kaya kahit masakit ay lalayo siya. Siya ang magpaparaya.
Tanging si Bret lamang ang nakakaalam sa kanyang sikreto. Ayon nga nito ay mas mabuti pang isantabi muna ang nararamdam alang-alang sa kanilang pagkakaibigan. Mahirap nga ang magparaya ngunit sa pagkakataong ganito ay dapat mayroong gumawa ng sakrapisyo.
Malalim na ang gabi subalit nasa labas pa rin ng bahay si James. Maalinsangan kaya naisipan niyang magpahangin muna at mag-isip-isip na rin. Aminado siyang miss na niyang kasama si Devon. Tuwing naaalala niya ang kanilang ‘lessons’ ay napapangiti siya. Malilimutan ba niya ang Junk the lingos na kung saan pinagbawalan siya nitong magsalita ng Gay Lingos, ngunit kalaunan ay nahawa ito sa kanya. Dahil din sa lesson na ito kaya nahasa siya sa pagtatagalog. Maging ang Attitide Check at Male Panache lessons nila ay ‘di rin niya mabura sa kanyang isip. Naging lalaki kaya siya dahil dun. At ang paggala nila sa MOA sa lesson nilang Expunge fear na gabi-gabi niyang binabalikan at pagtago niya sa laruang binili sa isa’t isa ay ‘di niya mawaglit kailanman.
Bigla siyang nalungkot at nanlumo sa sarili. Naging sakim siya sa dalaga. Hindi siya naging totoo. Napaiyak siya. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito dahil sa isang babae. Sa isang babaeng natutunan niyang mahalin nang patago. Pinahid niya ang mga luha at tumayo. Alam niyang tama ang kanyang desisyon. Para rin naman iyon sa dalaga- ang kanyang mahal.
Pabalik na siya sa kanyang kwarto nang marinig niya ang ingay mula sa kusina. Tanging ang parting ito ng bahay ang maliwanag. Tinungo niya ito upang tingnan kung sino ang nandoon nang mabosesan niya si Ivan. Tumigil na lamang siya gilid at nakinig.
“Dad, what are you saying? I can’t do that. Don’t expect me to do it,” tiim baga nitong tugon.
Pabulyaw namang tumugon ang ama nito, “You can’t do that, son. Kailangan mong gawin ito, kung hindi, mapupunta sa alanganin ang kompanya natin.”
“Now what?! Paano ang buhay ko?”
“May buhay pa rin naman pagkatapos mong gawin ang nais kong ipagawa sa’yo…”
Mukang masyadong maselan ang pag-uusap ng mag-ama kaya balak na sanang magtungo sa kanyang kwarto si James. Subalit narinig niya ang isang pangalan. Napatigil siya. “Paano si Devon, dad? ‘Di ko siya kayang saktan,” si Ivan.
Si Devon.
“Anak, hindi lang naman siya ang babae sa mundo. Maaaring ngayon mo lang iyan mararamdaman,”
“Dad…”
“I know how good Devon is; however, you ought to choose what is better. Tutal naman mula naman sa magandang pamilya si Trixia. At mabait siya.”
Hindi na umimik si Ivan. At napansin niyang lumabas ito sa kumedor. Nagtago siya sa malaking vase sa gilid ng hagdan. Subalit parang wala sa sarili ang lalaki at tuloy-tuloy lang na umakyat sa itaas. Sinundan na lamang niya ito ng tingin.
Nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Iyon ang nais niyang paniwalaan. Batid niyang hindi magagawa ng kanyang tito ang pamimilit kay Ivan na pakasalan ang isang babaeng hindi nito mahal. Wala itong masamang sinasabi kay Devon at payag naman ito sa relasyon ng dalawa. Subalit narinig niya iyon nang tama at klaro. Nais nitong hiwalayan ng anak si Devon. ‘Di dapat masaya ako dahil hihiwalayan na ni James si Devon? Ngunit bakit galit ako kay Ivan? Ba’t ‘di niya ipinaglaban si Devon? Bakit hinayaan niya iyon?
Nagpupuyos sa sariling tinungo  niya ang kwarto ni Ivan. Hindi na niya kayang abutin pa ng bukas ang kanyang inis sa pinsan. “Ivan, can we talk?” tawag niya. “If that’s about thesis, I can’t help you now. I’m tired, James. Bukas na lang ‘yan,”
 Tugon nito.
“Open the door, and we’ll talk now.” Seryoso pa rin ang boses niya.
“Ano ba, alas dose na. Matulog ka na doon. Gigisingin mo lang sina mom sa kabilang kwarto,”
“If you don’t want them to wake up, then upen this goddamn door now.”
Narinig niya ang papalapit na yabag nito patungo sa pintuan. Binuksan nito ang pintuan. “Ano ba ang nangyayari sayo James? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman!”
Sa galit at inis ay nasuntok niya ang lalaki. Nasubsob ito papasok sa kwarto nito at napahawak sa kanyang panga. Kuyom pa rin ang kanyang kamao at tinitigan ng maigi lang ang lalaki. “Kanina ka pa nambwibwisit ha!” bulyaw nito at mabilis itong nakatayo at sinugod siya. Akma na siyang dadapatan nito nang pumasok sa eksena ang ama nito.
“Hey, anong nangyayari rito?!?”
Napaatras ito at padabog na bumalik sa kanyang kama. “Shit. Wala. Umalis na kayo sa kwarto ko ngayon din.”
“What happened James?” Sa kanya bumaling ang kanyang tito. “Wala po.” Iyon lang at iniwan na niya ang mag-ama. Bumalik na siya sa kanyang kwarto at ‘di pa rin makapaniwala sa narinig. Paano nila nagawang paglaruan si Devon?
Humiga siya sa kanyang kama at kinuha ang cellphone. Nais niyang tawagan si Devon. Gusto niya itong kausapin at… ANO? Sasabihin ang nalaman? Baka siya pa ang makakalala sa sitwasyon. Isa pa, hindi pa niya narinig ang saloobin ni Ivan. Nasuntok nga lang niya ito. Isinantabi na niya ang phone nang mapansing may text messages siya. Malungkot ang balita mula sa kanyang mama. At napagtanto niyang umuwi muna at hanapin muli ang sarili matapos ang nangyari. Ngunit mas nakakagulat ang nabasa niyang mensahe mula sa kababata- si Trixie.

Monday, November 28, 2011

dd&mmchap18


Chapter eighteen
Kaya ko ‘to. Kakayanin ko.
Tahimik lang na nakatitig si James sa likuran ni Devon. Nakaumpok ang barkada sa loob ng klasrum maliban kay Fritzie. Kababalik lang nila pagkatapos ng dalawang linggong semestral break. Abala sila sa pag-uusap tungkol sa bago nilang professor. Nakatutok naman ang mga mata ng mga estudyante sa kanila o siguro ay kay James. Nagulat sila sa bagong anyo ng binata. Mas lalo itong gumwapo’t lumakas ang appeal.
Kinalabit siya ni Jenny. “James, hoy, ano bang nangyari sa’yo? Kanina ka pa walang imik d’yan, ha?”
Nabaling ang atensyon ng barkada sa kanya. Humarap din sa kanya si Devon. Napasulyap siya sa dalaga at nagsalita. “Hmm, nothing. I just remember something.”
“Ano ba ‘yon? Hindi naman ziguro azzignment kasi kapapachok pa lang natin.” Usisa ni Ryan. “Yeah. It’s not an assignment. It’s actually about-” Ngunit ‘di natapos ang binata nang si Jenny na ang tumapos sa kanyang sasabihin. “Maybe it’s actually about your total transformation! Siguro, naaasiwa ka pa?”
“Ah, yeah. Of course. I f-felt a l-l-little uncomfortable…”
Ramdam niya ang pagkakatitig ng dalaga sa kanya at ‘di niya matiis na ‘di tingnan ito. Nang gawin niya ito’y bumaba naman ito ng tingin. “Naku, ganyan lang talaga ‘yan.” Si Jenny. “Devs, ang galing mo namang magturo at very successful ang lessons ninyo ni James,”
Tumango lang ito na ‘di pa rin makatingin sa kanya. “She’s a very good teacher…the best pa nga. Hindi lang niya ako ginawang lalaki, binigyan pa niya ako ng bestfriend,” sabi niya na ang mata’y nasa dalaga.
Then, there was an awkward silence. It was like a rotation of world between Devon and James na silang dalawa lang ang nakakaintindi. Inaamin ni Devon sa kanyang sarili na hindi siya asiwa sa mga  titig ni James bagkus takot siyang tingnan ito. Baka mas lalo niyang hindi maintindihan ang sarili. Si James naman ay takot din. Takot na baka ito na ang huling matitigan niya ang dalaga na mataimtim at sa kanya lamang.
“Eherm.” Pamumukaw ni Bret at inakbayan si James. “Oo naman, James. Binigyan ka talaga ni Devs ng bestfriendSSS.” At diniinan ang S sa huli.
Pumalakpak naman si Ryan. “Ahahaha! Oo! Tayo ‘yon!”
Tumawa na lamang sila. Tinapik siya ni Bret na tila ba sinasabi sa kanyang maghinay-hinay lang at alalahanin ang kanyang limitasyon. May syota na ang dalaga’t isang pagtataksil ang maaari niyang planuhin. Tinapik din niya ito’t nagsimula nang lumakad.
“I better get going, guys. I still have a class to catch up,” sabi niya. “O, sige, James. Kita na lang tayo mamaya.” Tugon ni Bret.
Subalit nagitla siya nang magpaalam na rin si Devon sa barkada. “Ayy, kailangan ko pa palang hanapin si Ms. Grimms. Mauuna na rin ako.” Lumapit ito sa kanya. “Sabay na lang tayo, James?”
How could he refuse? Agad naman siyang tumango na tinatago ang ngiti sa labi.  
Magkasabay silang umalis. Kapwa tahimik ang dalawa. Nagpakiramdaman. Tila naiilang. Hangga’t ‘di na makatiis si Devon. “James. Ano ba talaga ang iniisip mo kanina?”
“Ha?”
“Alam kong nagsinungaling ka sa barkada kanina. Ano ba talaga ang dahilan?”
Nagpatuloy lang siya sa paglakad. “Teka nga. Akala ko ba bestfriends tayo? Bakit ‘di mo ma-share ang burdens mo diyan sa loob mo?” at pinigilan niya ito sa siko. Napaharap sa kanya si James. “Ano ba ang gusto mong malaman, Diday?”
Ngumiti muna siya. Nakikiliti talaga siya sa pangalang Diday. “Eh, gusto ko lang namang malaman kung ano ba talaga ang iniisip mo. Akala ko kasi hindi ka na masyadong thinker pagkatapos ‘yong lessons natin. Akala ko nabago ko na rin iyong attitude na’yon.”
“Diday, it’s not all the time you can change the attitudes of others. Sometimes it stays the same.”
Yumuko lang siya. Tama ang binata. Hindi lahat ng pagkakataon pabor sa kanyang kagustuhan.
“Pero kung gusto mong malaman, I’ll tell you.” at pinisil nito ang kanyang ilong. “Alam kong masisiyahan ka rin naman ‘pag nalaman mo ito.”
Tiningnan na niya si James. Mapakla itong ngumiti. “It’s about Ivan.”
“Ivan? B-bakit?” hindi niya maintindihan ang sarili. Tila ba mas tumindi ang takot at pag-aalinlangan.
“He’s- he’s here.” He finally managed to utter. “Kahapon lang siya dumating.”
Matutuwa ‘di ba dapat ako? Naisip ni Devon. Bakit ‘di niya matagpuan ang kasiyahan at kasabikan sa pagbabalik ni Ivan? Dalawang linggong nawala si Ivan at sa loob ng mga linggong iyon ay halos limang beses lang tumawag ang syota. Dapat na niyang ma-miss ang binata. Ngunit tsaka lang niya iyon naisip nang tapos na sila ni James sa kanilang lessons. Ang totoo’y pakiramdam niyang siya ay taksil. Para bang wala siyang maihaharap kay Ivan. O baka wala nga TALAGA.
“Devon!” alam niyang ibang boses iyon at hindi si James. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si Fritzie iyo at kumakaway. “Devon! Hulaan mo kung sino ang kasama ko ngayon.”
“Ah, s-sino ba?” nasabi rin niya kahit pa kinolekta pa niya ang kanyang diwa. “Sino pa ba? Eh di si Papa Ivan mo!” banggit nito’t nasa likuran na nito si Ivan na may dalang tulip.
Buong ngiti nitong ibinigay ang paboritong bulaklak. “Para sa pinakanamiss at pinakamaganda kong baby Devon.” Ang tanging nagawa niya’y titigan ang tinanggap na tulip. Nababalisa siyang tingnan si Ivan. Niyakap siya nito.
At sa gilid ng kanyang mata’y nakita niya si James na lumakad palayo sa kanila. May kirot siyang naramdaman sa paglayo ng binata. Nais niya itong habulin at aluin. Subalit hindi niya iyon magagawa. BAWAL. Kailangan niyang maging tapat sa syota dahil ganoon siya bilang babae. Dahil ganoon kahalaga si Ivan. Ganoon dapat kahit pa batid na niyang nasasaktan siya.
James.

Friday, June 24, 2011

cahp17(accidentally inluv)

CHAPTER SEVENTEEN
Lakad-takbo ang ginawa ni Devon. Alastres-y-media na siyang pinayagan ng papa niyang lumuwas ng Maynila. Ginunita nila ang pangalawang ataw ng Undas sa Laguna, ang probinsya ng kanyang papa. Mas lalo siyang natagalan sa pagpunta sa DAMP nang tawagan siya nina Jenny na kailangan niyang magcasual dress. Ayon sa kanila na nag-organisa sa date-examination ni James habang wala siya, ay isang ‘prestihiyusong’ pagkakataon ito kaya naman kailangang paghandaan. Naniwala naman siya sa mga ito dahil batid niyang isang espesyal na okasyon ito, hindi lamang kay James maging din sa kanila.
Sinuot niya ang binigay na asul na bestida ng kanyang mama. Hanggang tuhod lamang ito at may pink ribbon ito sa bewang. Bagsak ang kanyang buhok at gumamit na lamang siya ng pink headband. Nakasapin siya ng baby-pink ng doll-shoes at ternong baby blue na sling bag. Konting pulbo lamang ang kanyang nilagay, at agad na siyang dumiretso sa lugar.
Natanaw niya sina Jenny at Ftretzie na nakangiti. Nang makalapit na siya sa mga kaibigan ay napansin niyang nakapantalon lamang ito’t t-shirt.
“Teka, akala ko ba casual wear tayo ngayon?” agad niyang tanong.
Ngumisi si Jenny. “We said YOU must wear casual, and not WE must wear casual.”
Nasamid siya. Bakit ba hindi niya iyon inintindi? Pakiramdam niya ay na-overdress siya sa okasyon.
“But Devs, you look dashing kaya ‘wag kang mag-alala. Fit na fit ang dress mo ngayon,” sabi naman ni Fretzie. Nagtaka siya sa mga tinuran ng kaibigan. “Ah, ano bang plano ninyo sa date na ito? Hindi porke’t nanghingi ako ng tulong sa inyo about this dahil nasa Laguna ako ay hindi niyo na sasabihin sa akin ang mga plano niyo,” sabi niya.
“Kaya nga eh, may sasabihin nga kami sa’yo.” Si Fretzie.
Tumango naman si Jenny, “Bret and Ryan are still not here. May kailangan pang ayusin doon sa may bangka. Paano na ‘yon?”
Napahawak siya sa kanyang batok. Ayaw na ayaw niyang mapapalpak ang examination nila. Baka mapahiya pa si James sa kadate nito. “Wala pa ba si James?”
“Wala pa.” sabay na sagot ng dalawa.
“Hmm. Good. Titingnan ko na lang kung ano ang problema sa bangka, and I’ll see if I can fix it, okay? Kayo naman ihanda niyo ang dapat na ihanda since kayo naman ang may mas alam sa date na ito.”
Kapwa tumango ang dalawa. Nagsimula na siyang lumakad papunta sa ilog nang magtaka siya kung sino ang kadate ng lalaki. Sa dalawang araw na hindi sila nagkita ng binata ay nakaramdam siya ng lungkot. Tila nadagdagan pa ito ng malaman niyang may nakita na itong kadate. Nagmistula kasing sabik na ang lalaki na matapos ang kanilang lessons.
“Guys?” tawag niya. Lumingon ito sa kanya. “Ahh, s-sino ba ang kadate ni James?” tanong niya. Ngumiti lamang ang dalawa, at si Jenny ang sumagot, “You’ll know later. But I heard she looks dashing tonight,”
“Ahh, ganun ba. Thanks.” Pagkatalikod niya ay sumimangot ang kanyang mukha. Dashing? Magkatulad pa naman kami ng adjective ng babaeng ‘yon. Wala sa sariling pagmamaktol niya. Ewan kung bakit naiinis siya na isipin ang date ng binata.
Maliban sa maliwanag na kubo ay nadatnan niyang may nakatayo ng Umbrella-tent sa gitna ng malawak na damuhan. May mesang pangdalawahan at inayos pa itong mabuti. Candle-light dinner ang drama nito. Nang makalapit na sa bangka ay nakita niya na inayusan talaga ito ng mabuti at bagong pintura pa. Sa may upuan ay may hugis ice-cream na unan. May basket na marahil ay pinaglagyan ng mga pagkain nina James at ang kadate nito. Tatlong puting rosas ang nakapatong sa basket. May portable dvd din sa gilid.
Na-touch si Devon sa nakita. Hindi niya akalaing ang date na ibibigay ng mga kaibigan kay James ay katulad sa gusto niyang date. Yet she felt miserable. Ito ang kanyang dream date pagkatapos iba pa talaga ang makikinabang. She couldn’t blame James. Pareho sila ng gusto.
Iwinakli na niya ang panibughong iyon at tiningnan na ang bangka kung ano ang problema. Maayos naman ang tali nito at halatang handa na ang mga gamit sa loob. Aabutin pa sana niya ang sagwan upang suriin ng ‘di sinadyang nadulas siya. Muntikan na siyang mahulog sa ilog nang may nakasalo sa kanya sa likod.
Bumagal ang takbo ng isipan ni Devon. Kilala niya ang mga bisig na iyon, pati na ang pabango nito. Naalala niya ang pangalawang pagkikita nila. Tila ba bumalik ang oras kaso ngayon ay hindi na siya nagalit bagkus sabik siyang makita ang binata.
Pinaharap siya ng binata na hindi man lamang binibitiwan. Niyakap pa rin siya nito. “Don’t you dare soak this dashing dress in the river. Mahaba pa ang gabi natin,”
Tanging malalim lang na titig ang naisagot ni Devon. Nawalan siya ng salita.
Marahan nitong pinisil muli ang kanyang ilong at nagsabing, “Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako sa dalawang araw na hindi tayo nagkita? I miss you so much Devon,”
Muntikan na siyang muling mahulog. Mabuti na lang at malakas ang mga bisig ni James kahit pa hindi naman ito kalakihan. Lumunok siya. At nagmalikmata. Ngunit ang mga nakangiting mata pa rin ng binata ang kanyang nakita. Bigla siyang natauhan. Isang malakas na suntok ang kanyang ibinigay sa braso nito. Bigla siyang nabitawan nito sa kaliwang kamay. And on a reflexive manner, napayapos siya sa batok nito.
Naramdaman niyang mas humigpit ang pagkayakap ng kanang kamay nito sa kanyang bewang. Naguluhan na talaga siya sa nangyari kaya naman agad siyang bumitiw at naiinis na nagsalita, “Ano ba James? H’wag mo nga akong utu-utuhin sa mga praktis mo! Maghanap ka ng ibang kausap d’on! Paepal ka talaga!”
Hinimas na nito ang kanyang braso. “So far, iyon ang pinakamasakit na suntok mo,”
Hindi niya iyon pinansin. “Ewan ko nga sa’yo. Mabuti pa sunduin mo na ang kadate mo at para maaga tayong  matapos dito. November 2 pa po kaya,”
“But she’s already here,”
Kumunot ang kanyang noo. “Eh, di kung nandito na, nasa’n? Naku, baka hinayaan mo iyong pumunta dito. At dahil diyan alanganin kang makapasa sa exam natin. Mawala kaya iyon, mabuti pa tawagan mo na.”
“Ahh—” akmang magsasalita ito nang matigilan. At sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti. Gamit ang kanang kamay ay kinuha nito ang kanyang phone at nagsimulang magdial. Umiling na lamang siya at lumakad na paalis sa lugar.
Kring!
Biglang tumunog ang kanyang phone. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang pangalan ng tumawag. Tiyak ay si Dhemy na naman iyon. Nangungulit sa mga pangyayari sa date ng kuya James nito.
“Hello?” walang-ganang sagot niya.
“Oh, you’re voice seems so cheerless. And I hate to hear it,” sabi ng boses sa kabilang-linya. Nakilala niya ang tinig. She abruptly turned around. James beamed wholeheartedly. “Bakit ba tila bugnutin ka ngayong araw na ito?”
“Now what? Nawrong-dial ka lang siguro,” tugon lamang niya at pipindutin na sana niya ang end button subalit humabol pa ito, “You can’t put it down. I’m not mistaken; I’m calling the right person.”
Wala na talaga siyang naintindihan sa mga sinasabi nito.
Nagpatuloy ito. “Hmm, Ms. Devon Seron, I know you’ll hate what I’m going to ask right now, but I have no choice, my heart tells me to do so. Ahh, will you be my date tonight?”
Muntikan nang mabitawan ni Devon ang phone. A man, James Keid, was asking her on a date. That was a priviledge! “Are you insane? Assignment ko ‘yan sa’yo na maghanap ka ng kadate tapos ngayon you’re requesting me to play the role?”
“Devs! Ang ganda na ng speech ni James-ko, sisirain mo pa?! Pumayag ka na!!!” may sumigaw sa kanyang likuran. Si Jenny, kasama niya sa loob ng kubo sina Fretzie, Bret at Ryan.
“Oo nga best! Mas okay na iyon kasi ikaw ang teacher, ikaw ang nando’n, alam mo kung ano ang ibibigay mong score!” sumang-ayon naman si Fretzie. Tawa lang nang tawa sina Bret at Ryan.
Humarap siya kay James. Hindi pa rin nawala ang ngiti nitong abot-tenga. Sinimangutan niya ito. “Hindi mo ba ibaba ang phone mo?”
“I don’t care. I won’t put this down, unless ka papayag ka,”Sagot nito.
“Nagsasayang ka lang ng load,”
“Kaya kong mag-aksaya ng load kapag para sa’yo.”
Inamin ni Devon sa sarili na kinilig siya sa mga binitawang salita ng binata. Naisip niyang tama ang kanyang mga kaibigan, mas mapapadali ang kanyang trabaho kapag siya mismo ang kadate ng binata. “Hmm. Sige na nga.”
“What? I can’t hear you,”
“Oo na, ako na ang kadate mo ngayon.”
“Talaga?” ulit pa rin nito.
Naasiwa na siya sa mga mata sa likod kaya hindi niya mapigilang magtaray. “Ahh, hindi, hindi! Sabi kung ako na ang kadate mo, parang ayaw mo naman. Hala, maghanap ka ng iba!”
“Oops, joke nga lang!” at in-off na nito ang kanyang phone. Napatawa naman siya. Nilapitan siya ng lalaki at ginaya papalapit sa bangka. Tinulungan sila nina Bret upang pumalaot na sila.
Nag-aalinlangan siya. Marunong kayang magsagwan ang binata? “Teka, alam mo ba kung paano magsagwan?”
“If you didn’t know, my father is a great sailor; he taught me well.” At iniabot nito ang tatlong putting rosas sa kanya.
Naniwala na siya sa binata. Pakiramdaman niya ay ligtas siya sa piling nito. Kayganda palang tignan ang DAMP mula sa gitna ng ilog. Malinis. Berde. Malamig sa mata.
Tahimik lang ang binatang nagsagwan. Bago pa lang niya napansin ang suot nito. Naka-white fitted long sleeve at black jeans ito. Simple ngunit ang angas tingnan. He was devastatedly handsome, ‘ika nga.
“Baka matunaw ako niyan.” Nahuli siya ng binata.
Umirap siya. “Ewan ko sa’yo. Ngayon ko lang nalaman na mayabang ka pala,”
Humagikhik ito. “You should congratulate yourself for that, instead. You really straightened me up,” Natuwa siya sa sinabi nito. “Gan’un pala iyon?”
“Yes. Ganun ‘yon.”
“Malay ko ba.” Sabi niya. “Hanggang saan ka ba magsasagwan?”
“May alam akong parte dito sa DAMP na magugustuhan mo. Maganda ang view doon kapag magtatakipsilim na.” sagot nito.
Hinayaan na lamang niya ang lalaki. Nagsagwan ito nang nagsagwan hanggang pumasok sila sa ‘di kasukalang lugar sa ilog. Napanganga siya ng makita ang mga malalaking puno na kukunti na lang ang dahon. Ang mga ugat nito ay tila bumagsak mula sa ulap. Well-trimmed ito’t may mga wild flowers ding nakatanim. Iba’t iba ang kulay nito, may kahel, lila, dilaw, o pula. Kung tumingala ka sa langit ay masisiyahan ka sa korteng-pusong naiporma ng mga sanga ng mga puno. Kitang-kita mo ang alapaap.
Saktong pagtigil nila ay nagsimula nang magtakipsilim. The sky was painted orange, yellow, and red. There were streaks that could captivate your imagination.
“Wow, paano niyo ginawa ang lugar na ito?” manghang tugon ni Devon. “Devon, we didn’t make it, God did. But we just made a little touch-up,” sagot nito. Hindi pa rin niya inalis ang mga mata sa magandang paningin. Pinabayaan siya ni James at inayos nito ang portable dvd. Medyo magalaw ang lalaki dahil lumipat ito sa kanyang tabi.
She was distracted. “James, can you stop moving? Tataob tayo sa ginagawa mo eh,”
Tiningnan siya ng lalaki na nagtagumpay na lumipat sa kanyang tabi. “And can you stop scolding me? Let me take care of everything, okay?”
Tinaasan lang niya ng kilay ang lalaki. Pinisil nitong muli ang kanyang ilong at naglagay na ng disc sa portable dvd. “Hmm, gutom ka na ba?”
Napahawak siya sa kanyang tiyan. Namalayan na niyang kumakalam na ito. “Oo…”
Mula sa gilid ay kinuha nito ang basket at binuksan, “I was planning to prepare ice cream for you, but since I can’t because it might melt, I prepared fruits. Okay lang sa’yo?”
“Kelan pa ba hindi naging okay ang prutas sa akin? Okay na okay ‘yan sa akin,”
“Good. But nakita mo ang ice-cream pillow na ‘yan? I personally bought it para sa’yo upang ‘di mo masyadong ma-miss ang ice cream ngayon,”
Inabutan siya nito ng mansanas. Kumagat siya. Matamis ito. Nagsimula na ang palabas. Nanood sila ng isang short documentation tungkol sa pagmamahalan nina Prince William and Duchess Kate Middleton. Nadala si Devon sa napanood, sa bawat kagat niya sa kanyang mansanas ay pinipisil naman niya ang braso ni James. Yet, he couldn’t stop from smiling.
Dahil short film lang iyon, at hindi na nagdala ng ibang dvd si James ay nagkwentuhan na lamang silang dalawa. Kwentuhang lalaki sa babae. Kwentuhang getting-to-know-each-other. Kahit pang miminsan na silang nag-uusap ay hindi pa rin sila mawalan ng paksa. Paminsan-minsan naman ay sinusubuan ni James si Devon, maging ang dalaga sa binata. Naglaro din sila ng kahit anong maisip.
Makikita na ang buwan nang mapagpasyahan nilang bumalik na sa tabing-ilog. May nakitang alitaptap si Devon. Mabilis ang kamay ni James na hulihin ito. Maingat niya itong inilapit upang makita ng dalaga. Tila batang atat siya na makulong sa mga palad niya ang insekto. Kapwa sila nabighani sa munting ilaw na dala nito. Kahit pa nasiyahan siya ay pinalaya din niya ito. Nang makalipad na ito palayo sa kanila, pareho silang ngumiti.
Unang bumaba si James at inalayan si Devon. Hindi na sila nagsapin pa sa paa. Niramdam nila ang lamig ng damo sa bawat tapak na kanilang ginawa.
“Thank you so much. Honestly, binalik mo ang pagkabata ko,” pasasalamat ni Devon.
“You’re welcome. And I, too, must say thank you to you.” Sabi nito. Napahawak ito sa kanyang batok. “I don’t know, but everytime I’m with you, I’m at my best condition,”
“Ikaw lang? Ako din, no? Para bang opposite pole tayo na naatract sa positive energies.”
“Hindi naman tayo opposite, ‘di ba? Marami pa nga tayong common,”
“Ayy, ewan. Siguro. Hmm, let’s go na ba?” si Devon.
“Wait,” hinawakan nito ang kanyang palad. Nagitla ang dalaga. Nagpatuloy ito.“Can I say… ‘let’s go somewhere and live together forever’?”
“Ha?” she was tongue-tied.
“I love every bit of your personality Devon. I love every detail of your life. I love you more than you know,” marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha at unti-unti nang binaba ni James ang kanyang mukha sa kanya. Hindi na ito makapagtimpi. Ang mga mata nito ay tila ba nagsusumamo sa kanya na pagbigyan ito sa kanyang nais. She, on the other hand,  couldn’t urge her feelings to halt rather she closed her eyes and waited for his lips.
Pero! SWOOSH !
Umulan sa paligid nila. Bumukas ang lahat ng water-fountain sa DAMP. Natigilan sila. Nagkahiyaan, nagkatinginan at biglang paklang naghalakhakan. Kahit pa basa na ay tumakbo sila upang sumilong sa umbrella-tent. May nakitang towel si James at niyakap niya iyon kay Devon. He also warapped his self with a towel.  Wala pa halos silang hangin nang may pumutok sa kalangitan. Fireworks. Iba’t iba ang ang kulay. May mataas, may mababa.
Mas lalong namangha si Devon. She was at total awe. Hindi niya alam ang sasabihin. Lahat ng nangyari ay ayon sa kanyang ideal date. Tumulo ang kanyang luha. Kung noon ay siya ang sumusurpresa kay James, ngayon ay ang binata na mismo ang sumusurpresa sa kanya. Nasa likuran niya ang binata na nakatingin din sa fireworks. Nilingon niya ito na hindi man lang siya tinitigan. She smiled. At niyakap niya ang lalaki.
“Salamat. Salamat talaga.”
Niyakap rin siya ng lalaki. “Sabi ko namang basta para sa’yo, gagawin ko,”

chap16(accidentally inluv)

CHAPTER SIXTEEN
“Bibigyan na lang kita ng assignment,” sabi ni Devon habang pinagmasdan ang malawak na ilog.
Nasa DAMP sila ng araw na iyon. Nagtagisan lamang sila nang palayuan ng tapon ng bato. Inienjoy nilang dalawa ang masarap na simoy ng hangin. Si James na ang nagtapon ng bato. Malayu-layo ang inabot nito. “Why? Aren’t we going to take our lessons today?” tanong nito.
“Uuwi kasi ako ng maaga dahil tutulungan ko pa si mama para bukas. Alam mo, undas na.” rason niya. Siya naman ang tumayo at tumapon ng bato. Mas malayo ito.
“Oo nga pala. Mag-uundas na pala,” sambit nito. “What’s our assignment, by the way?” Pinisil muna nito ang kanyang ilong at tumayo na. Ito naman ang nagtapon.
Hinimas niya ang kanyang ilong. Nasanay na talaga ang binata sa kilos na ito. “Ano ba ‘yong ideal date mo? Isulat mo ‘yan sa one-whole paper. Ibigay mo sa akin bukas, okay?”
“Ideal date?”
“Oo, ideal date. ‘Yung between a lady and a man…”
“For what?” pag-uusisa nito. “Para sa examination mo, okay?” sagot niya.
“Ahh, ideal date, right?” nag-isip ito at tumabi sa kanya. Nakaupo sila sa damuhan. Nguya lang nang nguya ng chichirya si Devon. Hinintay niya ang sasabihin ng lalaki. Manakanaka namang sumubo si James.
Wala siguro itong maisip kaya ito naman ang nagtanong, “Ikaw, what’s your ideal date?”
Tumigil sa pagsubo ng pagkain si Devon at ngumiti. Hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ang tanong ng lalaki. Sa tanang lalaking nakakwentuhan niya, tanging si James lamang ang nakapagtanong sa kanya kung ano ang gusto niyang date. “Hmm, gusto ko iyong simple ngunit masaya tapos nakakakilig. O ‘di kaya’y kakaiba.”
“Kakaiba? Like eating kwek-kwek inside a Five-star hotel?”
“Tama!” nasiyahan niyang tugon. Naiintindihan talaga siya ng lalaki. “O, ‘di kaya ay candle-light dinner in the middle of a squatter’s road,”
“Or go on to beach using a mountainbike,” dugtong nito.
“Pwede ding movie-marathon sa isang bangka?” she asked in wit. “Then, nasa loob kayo ng isang masukal na gubat tapos kitang-kita mo ang buwan at bituin. Mas maganda siguro kung may mga alitaptap din.”
Napangiti ito. “’Yan din ang naisip ko, isn’t it nice din kung umulan? Tapos nagfi-fireworks,”
“Oo nga. Kapag ganun ‘yun, siguro mahal talaga ng lalaki ang babae dahil kaya niyang gawin ang lahat para lang sa kanya,” napasandal siya sa balikat ng lalaki habang nagninilaynilay.
Tinitigan lamang siya ni James. “’Di ba maganda naman ang ganoong date? Simple pero unforgettable talaga,” tanong niya na hindi man lang pinagkaabalahan ng tingin ang lalaki. “Yes. That’s the best date I could picture out,” sumegunda ito.
Napaayos siya nang upo nang may pumasok sa kanyang isipan. Pinaharap niya ang lalaki sa kanya. “Teka! Noong… noong beki ka pa…” kumunot ang noo nito. “…ahh, nakapagdate ka din ba ng ganun?”
“H-ha?”
“I mean, honestly ha? Ahh, pero ‘wag mo masyadong dibdibin ang sasabihin ko,” nahirapan siyang  sabihin ang kanyang naisip. “Maganda ka. Ahh, I mean maganda kang bakla kaya naisip ko na wala bang mga lalaking nagkagusto sa’yo o naidate ka… alam mo na,”
He chuckled, then said. “That’s a wish every gay is praying for, but it doesn’t turn out good once nandoon na,”
Sumimangot siya. Kahit pa goal niya ang gawing tunay na lalaki si James ay naaawa pa rin siya sa binata. “I’m sorry. Alam kong hindi madaling maging bakla,”
Muling pinisil ni James ang kanyang ilong. “But I’m not a gay anymore, right? So, don’t get sad.”
“Tsaka muna ‘yan sabihin kapag nakapasa ka na sa examination mo,”
“I already gave my ideal date, parehas pa nga tayo.” Rason nito. “No, no, hindi ka pa tapos. May isang assignment ka pa.” sabi niya. “Uh-oh.” Si James.
Mahinang sinuntok ni Devon ang braso nito. “H’wag ka ngang ‘uh-oh’ ng ‘uh-oh’ d’yan. Don’t worry pagkatapos nito ay graduation na natin, ‘yan kung makakapasa ka sa exam.”
Hinimas lang nito ang kanyang braso. “You’re getting used in punching me. Tsk. I got battered already,”
Humagalpak ng tawa si Devon. “Ang ilong ko kaya, hindi ba namumula sa palagian mong pisil?”
“Atleast, tumatangos na ‘yang ilong mo.” Pagdahilan nito. “Hay naku, ilang ulit ko bang sasabihing matangos na ang ilong ko?” ganti niya. “And how many times should I comment, confidence huh?” nakalusot pa rin ito. They ended laughing out loud.
Iniabot ni James ang isang chichirya sa kanya at nagtanong. “Can I ask something?”
“What, what, what?” at kinuha niya ang iniabot. “Ah, si Ivan ba hindi pa nagawa ang ganoong date sa’yo?” pagtataka nito.
“Ha? Bakit mo naman naitanong?”
“Kasi nararamdaman ko lang na hindi pa eh,” maingat nitong tugon.
Bahagya siyang natigilan tapos mapaklang ngumiti. “Ang mga date kasi namin ng pinsan mo, iba… iba sa pinipicture-out ko. Ahh, I mean hindi kulang, nasobrahan pa nga,”
Matiim lang itong nakatitig sa kanya. Iyong titig na nagsasabing ‘go on, I’ll listen.’ “Masaya naman ako. Kinikilig. Nararamdaman ko talaga ang sinseridad niya.” Pinagpatuloy niya ang usapan. “Kaso, iba talaga tayong mga babae, ‘di ba? Minsan talaga hinahanap natin ang mga gusto natin…”
Nagmistula na siyang nagkikwento sa kapwa niya babae at iyon ay si James. Sa sandaling oras ay nakalimutan niya ang dapat niyang gawin sa lalaki. Nagpapasalamat pa ng siya dahil may James na kayang makinig sa kanya tungkol sa mga bagay na ayaw niyang pag-usapan  sa kanyang mga kaibigan.
Hinawakan nito ang kanyang palad at nagsalita. “Diday-girl, I superduper understand you. Boys will always be boys, but they do listen.”
Nakikita niya ang binata bilang isang kaibigan. Hindi na niya binigyang kulay ang gesture nito. “Salamat sa advice.”
“No problem. What are friends are for?”
“Tama!” kinuha na niya ang kanyang mga palad at tumingin sa kanyang relos. “Hm, kailangan ko na palang umuwi. Iyong assignment mo pala, kailangan mong maghanap ng kadate,”
Inilalayan siya nito sa pagtayo. “Ano? Kailan?”
“Before November 2. Babae, ha?” sabi niya. “Hindi lalaki.”
“I’ll think about it,” pakli nito. “Kung hindi mo iyan magagawa, bagsak ka na sa lessons natin.” Tugon niya at lumakad na paalis sa lugar.
KASAMA ni James ang kanyang tita sa pagbisita sa puntod ng kanyang lolo. All Saints’ Day at unti-unti nang napupuno ang mga sementeryo. Maghapon silang tumigil sa libingan at maghapon ding abala ang isip niya kung sino ang babaeng yayayain niya ng date.
May naisip na sana siya kaso sigurado naman siyang hindi ito papayag. Isa pa ay kailangan niyang subukang maging malapit sa mga babae para lang makita ni Devon na tagumpay ito sa kanyang layunin. Nang mabagot siya ay nagpasya siyang maglakadlakad sa loob ng parke. Dininig nga marahil siya ng mga patay sa himlayan dahil sa ‘di pa kalayuan ay nabangga niya ang isang kilalang pigura. Si Ericka Villa, isa sa mga pinakamagandang babae sa kanilang paaralan.
“I’m sorry,” una niyang sambit.
Bahagya nitong inayos ang damit tsaka tumingin sa kanya. Tila nagulat ito, “James! Ikaw pala,”
“Hmm. Ericka, right?”
“Yes. Ericka Villa.” Inilahad nito ang kamay at inabot naman niya iyon. “And James Keid here,”
“Oo, sino nga naman ang hindi makakakilala sa’yo? The most surprising student in school,” mangha nitong sambit.
Nagitla siya sa tinuran nito. “Surprising… that’s an interesting topic about me,”
“Yeah. Marami kasi ang nasorpresang ang isang James Keid na ubod ng gwapo ay isang bakla pala,” sambit nito. Napatawa lamang siya. “But I think they are wrong. You don’t look gay to me right now,”  dagdag nito.
Alas! Hindi ako mahihirapang yayain ito. Naisip niya. “Oh, you take the impression correctly.”
“Oh, hindi ka talaga bakla.” Lumawig ang ngiti nito.
“Not a bit.”
“Hmm, well, anong maipaglilingkod ko sa’yo Mr. James Keid?”
“Ahh,” sabi niya. “Mind if I ask you out?”
Mas lalo siyang tinitigan ng babae. “You’re asking me on a date, right?”
“Hmm. Well, yes. If that’s okay with you. I really wanted to know you.” Totoo naman ang kanyang sinabi. “Kelan?” sabik rin ito sa kanyang hiling. “Tomorrow, 5pm. How about that?” sagot niya.
Nawala ang ngiti nito. “Bukas? Sa araw ng mga patay? Nagmamadali ka ba?”
“Ah, no.” nabitin siya sa kanyang sinagot. Wala siyang maisip na rason.
“James, why don’t we move the date? I mean, after undas?” suhestiyon nito. “I really can’t.” sagot niya.
Nagkibit-balikat ang dalaga. “Kung hindi mo kaya I resched ang date na hinihingi mo, then, I’m sorry, I can’t go with you. Look, I am a scary person. I won’t spend my Halloween dating,”
Oops, proposal decline! Kahit pa hinindian siya ng dalaga ay wala siyang naramdamang hinayang. “Ah, it’s okay. I understand.”
“James, sa ibang araw na lang, kung gusto mo pa,” pahabol pa nito.
Ngumiti siya sa babae. “Ahh, sure. But let us be friends first, right?”
“Hmm, precisely. Mauuna na ako. Nice meeting you again James,”
“Nice meeting you too, Ericka.” Sabi niya at tuluyan na itong lumakad palayo sa kanya.
Mas lalong nag-alala si James kung sino ang kanyang yayaing magdate. Talagang nakakapagod palang maghanap na kadate lalo na kung may iba kang gustong i-date. Dahil sa katamaran ay tinawagan na niya sina Jenny. Hihingi na siya ng payo dito.
Mabuti na lamang at marami itong alam. Nasiyahan siya sa plano nito. At dahil doon ay hindi na siya mapakali na dumating ang bukas.