Tuesday, April 26, 2011

chap10 (accidentally inlove )

CHAPTER TEN
Mahinhing naglalakad si James sa pasilyo ng simbahan at nakasunod sa mama ni Ivan. Kakatapos lamang ng pang-umagang misa. Hindi na sumama ang mag-ama ng ginang dahil kailangan pa nitong maghabol ng empake sa mga gamit na dadalhin nito kinagabihan.
Tumigil ang kanyang auntie at nagsalita, “Ahh, James, pupunta lang ako sa loob ng kumbento at mag-uusap lang kami ni Sr. Perlie. Kung gusto mong umuwi na, mauna ka na lang.”
“Oh, I’ll wait for you auntie. I’ll just sit here,” sabi ni James. “Are you sure? Baka mabagot ka lang sa paghihintay sa akin. Matagal siguro kaming matapos,” sagot ng kanyang auntie. “I insist auntie, and besides mabuti ng antayin ko kayo dahil may dala naman akong sasakyan,” pagdadahilan pa niya. Ayaw din naman niyang ma-hassle pa ang kanyang auntie sa pagsakay ng taxi. “Sige, ikaw ang bahala. O, pupunta na ako, dito na lang tayo magkita.” Pagsang-ayon na lang nito. Ngumiti lang siya at iniwan na siya ng babae.
Umupo siya sa pinakamalapit na upuan. Kukunti na lamang ang mga tao sa loob ng simbahan. May ilan lang na nagsisindi ng kandila, o ‘di kaya ay nagdarasal pa sa kanilang upuan. Abala naman ang mga sakristan sa pagligpit at pag-ayos sa altar. May nagsisimula na ring magwalis sa gilid.
Maliban sa ayaw niyang mapagod ang kanyang auntie kaya niya ito hihintayin ay gusto rin niyang mapag-isa kasama ang Diyos. May nais kasi siyang sabihin sa Maykapal. Lately, nararamdaman niyang may mabigat siyang dinadala. Naghahanap siya ng kausap kaso wala naman siyang makausap. Nahihiya pa kasi siya sa kanyang auntie at uncle lalung-lalo na kay Ivan.
“Oh God…” panimula ni James. “I need your comfort today. I don’t know what to do. Lord, please call my name for me to feel your presence within me at this moment…”
At siguro nga ay sadyang mapagbigay ang Diyos, “James!?” Narinig ni James ang pagtawag sa kanyang pangalan. “God? Is that you?” muling sambit ni James. “James!” bulalas muli ng tinig.
Tumayo ang lahat ng buhok ni James at nanginig na siya. “Oh God, is that really you?” pilit pa rin niyang kinakalma ang tinig. Nagdadalawang-isip din siya dahil tila boses babae ang kanyang narinig.
 “James…” tawag na naman nito.
Tuluyan ng hindi mapakali ang lalaki. Mahina naman siyang bumulong. “Lord! I never thought you are really listening to me. Hmm, whew, Lord, if it’s really you, can you pat my back?”
Nakaramdam siya ng mahinang tapik mula sa kanyang likod. Nagulantang ang lalaki at namutla na ang kanyang mga labi. Ramdam niyang tila nababaliw na siya. “Oh, Lord Almighty, ah, I never thought I am that strong at you…” bulong niya sa pagitan ng takot. “I-I think I need to go to the bathroom first. Okay? L-Lord, please stay here a minute…” hindi malaman ni James ang mararamdaman. Mukang tinatawag na talaga siya ng Maykapal.
Kimi siyang tumayo at tumalikod nang muntikan na niyang mabunggo ang isang pigura. Mas lalo siyang nanginig. Ayaw niyang makita ang mukha ng nabangga. “Oh, God…” sambit niya.
“James, ikaw nga!” tugon ng pigura.
Tuluyan ng lumuhod ang binata. Natakot na siya. Akalain ba naman niyang magpaparinig at magpapakita sa kanya ang Diyos. Naniniwala kasi siyang tuwing malapit ka lang mamatay kung magpakita ang Diyos sa iyo. Nagkamali pala siya. Hindi pa niya kayang harapin ang Maykapal. “Lord Almighty, I was just joking! Y-you know, I-I’m not ready to face you, I-I can’t face you… Oh, Lord, please forgive me…” his voice shivered in tense.
Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Napakurap siya. “Gosh…”
“James? Ano bang nangyayari sa’yo?” tanong ng tinig.
Nagitlang muli si James. Sa iilang ulit na pagsambit ng tinig ay batid niyang tinig babae ito’t hindi lalaki. Naguguluhan na siya. Hindi ba’t lalaki ang Diyos?
“James, tumayo ka nga.” Muli na naman nitong sabi.
Maybe God is with an angel. I mean, He brings a speaker… inosenteng naisip ni James.
Niyugyog siya ng pigurang humawak sa kanya. “Hoy, okay ka lang girl? Ano ba? Ikaw ba talaga si James?”
Teka! Napaisip si James. Her voice is familiar…
Unti-unting niyang inangat ang ulo at nakita ang kilalang mukha. Yes, she’s one of Devon’s friend, naibulong ni James. “Uyy, James, ikaw nga. Why are kneeling in front of the...” at lumingon ito likod at muling bumalik sa kanya. “…the entrance door and not in the altar?”
Dagling tumayo si James. He was hell embarrassed. Inayos niya ang kanyang pantalon at kinalma ang sarili. “Ah, hmm, I-I was supposed to g-genuflect… nagkamali ako ng h-hinarapan…” rason niya. OHEEMGEE!!! Sigaw niya sa isipan.
“Oh, akala namin na napano ka.” Sabi na lang nito. “Oo, kasi kanina pa kami tawag ng tawag sa’yo, hindi ka naman lumilingon,” nagsalita ang kasama nito. Si Fritzie, naalala niya ang pangalan. Sa likuran naman nito ay may kasama pa itong isang kilalang pigura. Kahit tinatago man nito ang tawa ay batid niyang humahagikhik ito. Masasaya ang ngiti nito.
“Uhmm, I’m okay. Ahh, you also attend the mass?” pang-iiba na lamang niya ng paksa.
Yumango so Fritzie. “Oo. Papauwi na nga kami nang makita ka nitong si Jenny,”
“Uhuh. So, nagsimba ka rin? Ikaw lang, o baka may kasama ka pang iba…” tuksong sabi ni Jenny. “I’m with auntie actually. I’m waiting for her; she’s inside the convent,” sagot niya. Laking pasasalamat niya nang hindi na nang-usisa pa ang mga babae.
“Talaga? Eh, nandito din ba si Ivan?” si Jenny pa rin.
Hindi niya sinasadyang tapunan ng tingin si Devon na pigil pa rin ang tawa. “W-wala. Hindi sila sumama ni uncle,” muli niyang sagot. “Ahh, naku James ha? Bakit hindi ko naririnig iyong mga vhakaness eklavutch language mo ngayon?” puna ulit ni Jenny. Makulit talaga ang dalaga.
Napangiti si James. “Oh, I must excuse the place of God,”
“Oo nga naman. Si Jenny talaga,” singit ni Fritzie. “Ay best, ‘di ba may sasabihin ka kay James?” tumingin ito kay Devon. Biglang natauhan si Devon sa kakapigil ng kanyang tawa at pangitingiti pang nagsalita. “Ay! Yes. Naalala ko may sasabihin pala ako sa’yo,”
Makakayang tingnan ni James ng buong araw ang masasayang mata ng dalaga. Could those eyes be mine? Naisip ni James.
“Ah, pinapaalala ko lang pala sa’yo ‘yung lessons natin…” sambit nito.
Bumulusok sa alaala niya ang napag-usapan nila sa loob ng sasakyan ni Ivan. It was weeks long ago. Iyon ay tungkol sa request ni Devon na gawin siyang tunay na lalaki. Pumayag nga pala siya sa gusto nito. “Hmm, yes. What about it?” tanong na lamang niya.
“Tutal, sembreak pa, sisimulan na natin ang proper lessons natin…” sabi nito. “…starting this afternoon, okay lang?”
This afternoon kaagad? Nagreact ang kanyang isipan. Nagmamadali ang babae para sa kanyang Papa Ivan yata.
“James, wala ka naman sa sarili mo. Okay lang?” pukaw na naman ng dalaga sa lumilipad niyang isip.
Tumingin siya sa dalaga at nagsalita. “Hmm, yes. It’s okay for me. So, what’s the plan?”
Ngumiti ang dalaga. Batid niyang nasiyahan ito sa kanyang cooperation. “Ah, alam mo ba kung saan iyong Gems Park? Doon na lang tayo magkita mamayang alas-dos ng hapon. Bring ballpen and notebook, copy?” Nangunot ang noo ni James. Bakit may ballpen at notebook? Is she really going to give me a class? “And please, don’t be late.” Dagdag pa nito.
“Devs, pwedeng sumama mamaya?” singit ni Jenny. Napatingin naman si Fritzie sa kaibigan at pinagdilatan ng mata. “Jenny, ‘di ba may lakad tayo mamaya? Pupunta pa tayo sa dangwa, hmm.” Nais ni Fritzie na bigyan ng oras ang dalawa na sila lang para walang distorbo’t madaliong magawa ni Devon ang kanyang gusto. Nagmaangmaangan pa si Jenny. “Ha? Mamaya pala iyon?”
“Oo, mamaya. Nakalimutan mo pala,” diin pa rin ni Fritzie.
Patawa namang sumuko si Jenny. “Ay, yup! You’re right! We had another plan this afternoon,”
Ang dalawa naman ay iba ang iniisip. Para kay James, what he was feeling was a mixture of excitement and fear. Excitement because atlast there will be more than enough time to spent with Devon. He missed having silly conversation with her. And the fear- fear what will be the outcome. He was not yet ready. Sa kabilang banda, naisip ni Devon na kahit pa nagsisirko na ang kanyang nararamdaman sa gagawin nilang lessons ay batid niyang masaya siya. She could feel fulfillment. She don’t know why.
Umimik si James. “Hmm, I’ll just ask Ivan where is Gems Park. Don’t worry, I’ll be there before two,”
Mas lumiwanag ang mukha ni Devon. “That would be perfect. Magkita na lang tayo doon. Sige, mauuna na kami,” paalam nito. “Tayo na Fritz, Jen…”
“Okay!” sabay na tumugon ang dalawa. “We’ll go ahead James! Bye!” sabi ni Ftritzie. “Baboosh girl!” paalam naman ni Jenny. Ngumiti naman si James at sumagot. “Babhu!” At lumakad na palabas ang tatlong dalaga.
HALATANG napaaga si James sa Gems Park. Ala-una y media pa lang ay umalis na siya sa bahay. Pagkauwi nila kanina ay tinanong na niya kaagad kay Ivan kung saan ang parke. Kahit hindi man nagtatanong si Ivan kung bakit niya iyon inusisa ay alam niyang batid nitong magsisimula na ang kanilang lessons. After lunch ay umalis na siya. Baka kasi mawala pa siya ngunit kaydali naman pala itong hanapin. Naghintay siya sa upuan sa ilalim ng malaking puno ng Acacia.
Quarter to two pa sa kanyang relos. Napabuntunghininga siya. Habang papunta siya sa parke ay iba-iba ang pumasok sa kanyang isipan. Hindi siya mapakali at ang masaklap pa ay hindi niya alam kung bakit. Nais man niyang kumalma ngunit ‘di niya magawa. At ngayon ay nasa lilim na siya kahoy at nag-aantay sa dalaga. He felt losing ground.
Anek ba itech napasukan ko? Naisip niya. Malaysia Pakistan! Hmm. Ganitech ba talaga?
Sa hindi kalayuan naman ay nakita na ni Devon ang lalaki. Bahagya siyang tumigil at tinitigan ang lalaki. Natawa siya. Parang kalian lang nang maabutan siya nitong nagmumuni ngunit ngayon siya naman ang nakahuli sa binata na nagmumuni. Ang pagkakataon nga naman. Nagagalak siya at mas nauna pa sa kanya ang lalaki. It signified that he was taking the lessons seriously. Nakangiti siyang lumapit kay James.
“Uhurm,” agaw niya sa atensyon nito. “You just landed on Earth’s surface at exactly 2:00 pm. Welcome home and thank you for flying with us!” napaangat ng tingin ang lalaki. Ngumiti siya. “Ang lalim ng iniisip mo ah,”
Ngumiti rin ito. “Wiz naman,”
“Hindi naman, you mean?” sagot niya at umupo katabi ang lalaki. Sumunod ang tingin nito sa kanya. “How come you know about it?” tanong nito.
“C’mon, I won’t come here without any knowledge about gay lingos. Mapahiya pa ako sa student ko no?” rason niya. Tumawa ang lalaki. “Echus ka talaga Diday-girl! You prepare pa for this lesson,”
“Ganyan talaga. Akala mo ikaw lang ang girl scout, ako rin kaya,” nakisakay siya sa biro nito. “Eh, nagdala ka ba ng notebook and pen?”
Magaan itong yumango. “Ambulansya hanggang China!” napailing ang dalaga. “Hmm, mabuti. Ngunit alam mo may yes naman o ‘di kaya’y oo na word para mas madaling sabihin ngunit doon ka pa rin sa mataas na statement,” puna niya.
Bahagyang lumaki ang mata ng lalaki at mas lalong ngumiti. “Infairness, you know talaga! Kaloka ka!”
Tumawa na rin siya. Nakakagaan ng feeling ang mga pagkakataong ito. “Siguro naman may ideya ka na sa first lesson natin,” sabi niya.
“Hmm?” napaisip ito. “Gay lingos ba Diday-girl? D’ya want me to teach yah ?”
“Kung suntukin kaya kita. Ikaw pa ngayon ang magtuturo sa akin?” patawa niyang reaksyon. “Ako po ang teacher mo ngayon, at ikaw ang student, okay?”
Ngumiti ito. “If that’s what you plan, okay, but I’m always open for changes,”
“Talaga lang,” humagikhik siya. “Pero walang changes na mangyayari ano?”
“We don’t know what will happened noh,” rason nito. “Baka pa nga maging lason pa aketch,”
Pigil naman ang tawa ni Devon at sinuntok ang braso ni James. “Ouch. It hurts,” sambit nito. “Is it included in the lesson proper?”
“Opo, kung ‘di mo titigilan ang pag-iisip na mas magiging babae ka dahil sa lesson na ito,” sagot niya.
“Fine. I won’t think about it na ma’am,” suko nito. “Good. Let’s go back to our lesson number one,” tugon nito. Hindi na nagsalita sa James. Abala pa rin ito sa paghihimas ng kanyang braso. Nag-alala ang dalaga. Baka nalakasan niyang masyado. “Are you okay?” malumanay niyang tanong. “Oh, it’s okay.” walang buhay nitong sagot na ‘di man lang nag-abalang punan siya ng tingin.  Nasaktan nga talaga ito ng sobra. “I’m sorry. Hindi ko talaga sinasadya, I mean, yeah, parang sinadya ko talaga ngunit ganun talaga ako eh, hmm…” hinging paumanhin niya. She was bothered. Hindi ito umimik. “Sorry na talaga o, uyy, sori na.” pangungulit pa niya. Wala pa rin itong kibo.
Hinawakan na niya ang braso nito. “Ako na nga,” siya na ang naghimas sa braso nito. Sa paglapat ng kanyang palad sa makinis na balat ng binata ay nandoon na naman ang munting kuryenteng kanyang naramdaman. It tingled her senses.
Tumingin ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mata. And then, in a second, she found herself communicating to the same beautiful eyes she first saw at the airplane. While James felt more. It was an explosion- explosion of feelings. They were frozen until their senses butted in.
“Hmm, ahh, i-it’s okay Diday-girl,” pambabawi ni James at marahang tinanggal ang kamay ni Devon.
Napayuko din ang babae. “Ahh, okay. Sabi mo eh, but I’m really sorry,”
“I said it’s okay, fine. So, don’t get frustrated,” ngumiti ito sa kanya. “Go on, what’s our lesson number one again?”
Muling tinignan ni Devon si James. Nahihiya na siya sa lalaki ngunit alam niya na kung iisipin niyang wala lang iyon ay mas lalong mapadali ang kanyang trabaho. Trabaho lang ito, walang personalan…
“Ah, yup, the lesson one.” Sabi niya. “Junk the Lingo, ahh, iyan ang point one na hindi mo dapat kalimutan.” Kumunot ang noo nito. “Anech?”
“Junk the Lingo, ibasura ang lingo,” pag-uulit nito.
“Hmm, you want me to junk my language?” tanong nito.
“Tama! Kung hindi mo mapigilang gamitin ang mga words na Churva, chaka, waley, havey, shokal, at ano pang kachecheburetchehan ay mas mahihirapan ka sa pagbabalik-lalaki mo, so we are going to junk it!” bulalas niya. Laylay ang balikat ng bakla. “Tell me you’re joking,”
“I’m sorry, but I’m not.” ngiti pa niyang sabi. Napasimangot na ang lalaki. Nagdrama na ito. “Oh no! Why is this happening to me? No!”
Napahagikhik si Devon. “Hmm, dear student, shall we start our lesson proper?” Payamot namang sumagot si James. “What else shall we do?” ngumiti siya’t nagsalita. “Very good. Now get your notebook and pen,”

Sunday, April 24, 2011

chapter nine (accidentally inluv)

CHAPTER NINE
Abala ang mga mag-aaral dahil examination na sa unang semester, kaya naman ay miminsan ng magkita sina James at Devon. Ang mga pagkakataon lang na susunduin si Devon ni Ivan, o magkakatabi sila sa ilang room exams na kung sila’y magkita. Gayunpaman, hindi pa rin malaman ni Devon kung ano ang kanyang gagawin sa nalalapit nilang formal-lessons-for-manhood ni James. Nagsearch na siya sa world wide web, kumonsulta na siya sa kanyang mama, at inoobserbahan din niya ang kanyang papa ngunit wala pa ring pumapasok sa kanyang isipan na maaaring ituro. Kaya siguro maraming bakla dahil mahirap silang hanapan ng solusyon, naisip niya.
Pumasok nga sa kanyang isipan na sumangguni sa bakla nilang professor, si Mr. D for Mr. Dalaginding. Kaso baka mainsulto pa ito. Kilala kasi ito bilang isang lantad at aktibong bakla sa isang samahan ng kanilang kapatiran upang iangat at isulong ang karapatan ng mga bakla’t tomboy. Kaya erase ang ideyang iyon. Naisip din niya si Madam Madeline, ang kanilang psychology teacher. Nakausap na nga niya ito sa usapang ito ngunit pumapanig pa nga ito sa katayuan ni James. Para sa guro ay kung ano man daw ang lalaki ay dapat na lang itong tanggapin. Ang huli niyang nakausap ay ang seniority nila sa choir na kinabibilangan niya. Ang payo nito ay kausapin ang lalaki. Maganda ang payo niyo ngunit sapat na ba ang salita lamang? Nag-aalala kasi siyang baka sa kalaunan ay mas lalong bumakla pa ito. Isa na lang ang hindi niya nakakausap tungkol dito. Si Fritzie.
“Hello best? Labas tayo,” pangyayaya ni Devon. Sabado iyon at katatapos lang ng kanilang exam kaya nama’y tinawagan niya ang kaibigan. Hihingi na siya ng tulong sa kaibigan.
“Sige, wala na akong trabaho dito sa bahay. Saan ba tayo?” sagot ni Fritzie sa kabilang linya.
“Magkita na lang tayo sa Gems Park,” tinutukoy niya ang parke sa kanilang subdivision. Isa iyon sa paborito niyang lugar dahil malawak iyon at marami pang punong nakatanim. Malinis din ito’t maraming laruan. Isip bata pa kasi siya para sa kanya.
“Okay! Magbibihis lang ako. Bye!”
“Oo, bye!” naghang-up na siya. Nagbihis siya at nagbisikletang papuntang parke. Hindi naman iyon kalayuan sa kanila.
Nakita niya ang kaibigan sa isa sa mga upuang bakal doon. Kumaway ito sa kanya. She swerved down towards her. Tumigil siya at umupo katabi ni Fritzie. “Tumakbo ka ba? Ang dali mo, ah.” Puna niya.
Ngumiti ito. “Lumabas sa subdivision si papa kaya nakisakay na ako sa kanya,”
“Ahh, ganun ba.” Sambit ni Devon.
“Oo! Eh, bigla ka yatang nang-anyayang lumabas? May problema ba?” panimula nito. Kilala na talaga siya ng kaibigan. Alam nito kung kailan siya masayang-masaya o naninibugho o hihingi ng payo.
Yumuko siya. “Best… hindi naman ito masyadong mabigat eh,”
Tumingin lang ito sa kanya.
“Tsk.” Sabi niya. “Wala bang sinasabi si Best Jenny sa iyo?”
“Kailan pa ba nawalan na sasabihin si Jenny? Eh, mukhang magtatayo pa yata iyon ng news station eh, dahil hindi iyon mawalan ng balita,” biro nito. Tumawa siya. “Oo nga naman, nakalimutan ko.”
“Pero may nasabi siya tungkol kay James,” bawi nito. Siya naman ang napatingin sa kaibigan. Pinabayaan niya itong magsalita. “Ang sabi niyang may plano ka daw na gawing lalaki si James,”
“Oo, tama.” Kiming sagot niya.
“May plano ka na ba?” tanong nito. “Iyan nga ang problema. Sembreak na ngayong Lunes at magsisimula na ang formal lessons namin ngunit wala pa akong maisip,” pagtatapat niya. “Any suggestions?”
Napaisip ito. “Ahh, one step at a time na lang. ‘Wag mong madaliin,”
“Eh, paano iyon? Alam mo namang hindi ako anti-gays kaya wala pang pumapasok na tactics sa isipan ko upang gawin silang lalaki,”
“Basic ka na lang muna. ‘Yung mga dress styles nila o the way they speak, ‘yun ang punahin mo,”
Napaisip na rin siya, Tama ang sinabi ng kaibigan. Magsisimula siya sa mga simpleng bagay. Nagsimula nang umikot ang kanyang imahinasyon sa mga ideyang kanyang naisip upang gawing lalaki si James. Plano niyang samahan ng fun and thrill ang kanilang sessions upang mas mapadali ang transformation ng lalaki. Masaya pa siyang tumayo at malakas na nagsabing, “Tumpak ka diyan, best! Havey na havey ang suggestion mo!”
Nagitla namang tumawa si Fritizie. “Ganun? May ideya ka nang nakuha kaagad?”
“Ahh, oo! Actually, naisip kong by level gawin ‘yung lessons o ‘di kaya’y by sections, ‘di ba?” sabi niya. “At since dalawang linggo lang ang timeline ko sa transformation niya ay i-introduce ko sa kanya lahat iyon in two weeks span at applications na for the whole month!!!”
“Wow, nakaisip kaagad ng plan? Ang bilis, ha?”
“Naku best, kailangan especially iilang buwan na lamang tayong magkakasama. Ayos ba ang plano ko?” magiliw niyang tanong at umupo na ulit sa tabi ni Fritzie. “Hmm, ayos na ayos! Wala ka ng dapat problemahin dahil tiyak mata-transform si James,” sagot ng dalaga. Ngumiti siya. Nakikita na niya ang kanyang pagkapanalo sa task na ito. “Sana best. Kasi nafe-feel ko nang makakapagsabi din ako ng ‘Ako ang Nagwagi!’”
Kapwa sila tumawa ng malakas. Kahit pa dinadaan lang ni Devon sa biro ang mga ideyang kanyang naisip ay batid niyang natatakot din siya sa maaaring mangyayari. Kabado siya, ewan kung bakit. Siguro may pressure mula kay Ivan o ‘di kaya ay may hidden force mula kay James na nakakapagpalito sa kanyang damdamin. Pero wala ng atrasan ito. Go na kung go! Yay! Bulong ni Devon sa sarili.
Hinila niya ang kaibigan. Dahil sa labis na kagalakan ay naisip niya itong ilibre. “Halika Fritzie, ililibre kita ng kwek-kwek, kahit ilan ang gusto mo, go lang! Ako ang magbabayad,”
“Naku talaga lang ha? Baka makaubos ako ng isang dosenang kwek-kwek. Wala ka ng pambayad niyan,”
“H’wag kang mag-alala, may dala akong pera.” Paninigurado niya sa kaibigan. “Ayaw mo yata eh,”
“Hindi. Tayo na nga, baka magbago pa ang isip mo,” Sumabay na rin ito sa kanya. Dala ang kanyang bisekleta ay tinungo nila ang stall ng kwek-kwek. Nakasanayan na nilang bumili ng ganitong street food tuwing namamasyal sila sa parke ngunit kaniya-kaniyang pera ang ginagamit. At miminsan lang kung manglibre si Devon sa barkada. Ika nga, isang malaking prebilihyo’t pagkakataon kung ang isang Devon Serano ay manglilibre sa iyo.
Natutuwang kumakain si Fritzie sa kanyang pangatlong kwek-kwek nang magsalita ito, “Devs, may tanong ako,”
“Ano ba iyon?” sagot ni Devon.
“Ito hindi isang biro o ano, ha? Masinsinang tanong ito, seryoso,” si Fritzie na tila wala naman sa mukha ang kaseryosohan ng kanyang tanong. “Ano nga iyon? Pinapakaba mo naman ako eh,” sabi ni Devon, at totoo iyon.
Nilunok muna ni Fritzie ang pagkain at tsaka nagpatuloy, “Alam naman natin na may konti kayong nakaraan ni James, and inamin mo din sa amin na nagkaroon ka ng kunting admiration sa lalaki. Don’t you think na bakit ginagawa mo ang lahat upang maging lalaki siya dahil you are still expecting that he’s a real man?” uminom siya ng juice. “And baka umaasa ka pang madugtungan ‘yung nakaraan ninyo,”
Natigilan siya. Bakit nga ba binibig deal niya ang sitwasyon ni James? Siya itong pilit na problemahin ang estado ng pagkakalalaki ng binata. Siya itong maiging naghahanap ng solusyon upang masagip ito sa kabaklaan. Siya itong palagiang naghahanap ng magandang rason sa kanyang sarili kung bakit ginagawa niya ang lahat ng ito.
Napasandal siya sa poste ng stall. “Ginagawa ko ito para kay Ivan…”
“Devs, I’m not saying ha, na hindi ako naniniwala sa sinabi mo ngunit hindi mo naman kailangang lokohin ang sarili mo.”
“Magiging unfair ako kay Ivan kung ibang bagay ang iisipin ko, best.” Saad niya. “Ayokong maging taksil sa lalaking itunuturing ko ng buhay ko. I believe na out of friendship’s sake lang ang ginagawa ko kay James, magkaibigan din naman kami,”
Bumuntang-hininga si Fritzie. “Okay. I’m glad you’re faithful to Ivan. But best, if something is not already in the right place, feel free to seek our help. You know we’ll always rescue you,”
Ngumiti siya. Alam niyang hindi siya pababayaan ng kanyang mga kaibigan. Subok na sila eh.
“Kung may if, pero kung wala, alam niyo naman na kering-keri ko ang lahat. Yay!” bulalas ni Devon. Ngumiti na rin si Fritzie. “Tama! Yay!” kumuha pa siya ng dalawang stick ng kwek-kwek, isa sa kanya at ang isa naman ay kay Fritzie. “Thank you soooo much best! The best talaga kayo,” nagagalak namang kinuha iyon ni Fritzie, “The best talaga, the best pa sa kwek-kwek ni Manong Tonyo,” tinutukoy nito ang suki nilang matandang lalaki na siyang nagtitinda ng kwek-kwek sa parke.
“Sinali niyo pa ako sa kadramahan niyo. Mga bata nga naman ngayon,” hirit din nito. “Si manong talaga, KJ pagdating sa drama,” biro ni Devon. “Hindi kaya ako artista ineng, tindero po ako,” sagot naman nito. At ang maingay na hagikhikan ang pumuno sa parteng iyon ng parke.
KINAGABIHAN ay bumisita si Ivan sa dalaga. May dala itong pancit palabok na kadalasang ginagawa nilang pulutan habang nagkwekwentuhan. Malapit na kasi ang binata sa pamilya ni Devon. Una niyang niligawan ang ama ng dalaga. Noon, tuwing Sabado ay tinutulungan niya ang ama nito na magsibak ng kahoy para may panggatong silang gagamitin sa maliit nilang karinderya at tuwing hapon naman ay nandoon na siya sa bahay nila Devon upang makipaglaro ng chess sa papa nito. Chess player kasi ang ama nito. Sunod niyang niligawan ay ang kapatid nito. Hindi naman sa talagang masungit ito ngunit sadyang isnabera lang. Ayon sa kapatid nito, hindi naman daw bad shot si Ivan ngunit iba lang daw ang aura niya sa lalaki. Akalain mo pa naman, dalawang buwan pa siyang sinuyo ng lalaki, eh si Devon nga ay isang buwan lang at kalahati. Ang huli niyang niligawan ay ang mama ng dalaga. Ito ang pinakamabilis ngunit pinakamahirap na ligawan. Pinaluto pa siya ng mama nito. Kahit kailan kasi ay ‘di pa siya nakakahawak ng mga gamit sa kusina. Ni isa sa kanyang pamilya ay walang nahilig sa pagluluto. Kaya kahit kabado man ay pinaunlakan niya ang hiling nitong magluto siya ng pochero, ang paborito ni Devon. Mabuti na lang at tumalab ang isang linggo niyang pagsasanay, at 99.9% lang naman ang nakuha niyang grado mula sa ina ng dalaga ngunit mas higit pa doon ang pagpayag nito na ligawan si Devon.
Para kay Ivan, si Devon na ang babae para sa kanya. Si Devon na ang kanyang simula at wakas. Makakaya niyang ialay ang kayang buhay para lamang sa babaeng pinakamamahal. Alam niyang walang perpektong buhay ngunit para sa kanya ay perpekto na ang bawat oras na magkasama sila.
“Ang lalim ng iniisip mo ah,” pukaw ni Devon sa kanya. Umupo ito sa tabi niya sa kawayang upuan sa labas ng bahay. Malamig ang gabi at maraming bituin sa langit. Napatingin siya sa kasintahan. “Hindi naman,” sagot ni Ivan. “Ano bang iniisip mo?” tanong nito.
May naisip na kalokohan ang binata. Ngumiti siya’t tumugon. “Ahh, ano kaya kung pakasal na tayo ngayon? As in ngayong oras na, papayag ka ba?”
Nagulat ang dalaga at pinalo siya sa braso. “Aray! Ang sakit nun ha?” napahawak siya sa kanyang braso dahil sa lakas ng pagkakapalo. Ngunit nakasanayan na niya ang ganoong galaw ng dalaga sa tuwing naaasar ito sa kanya. Imbes na masaktan siya’t magdamdam ay mas tila haplos pa nga ito ng isang anghel.
“H’wag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi pa ako ready sa ganyang bagay. Mabuti ka’t secured na ang future mo, eh ako? Hindi pa nga tayo nakaka-graduate, at wala pa nga akong trabaho,” pabalang na sagot ng dalaga.
Pagak siyang napatawa. “Kaya nga pakasal ka na sa akin, hindi mo na kailangan pang maghanap ng trabaho dahil sa bahay ka na lang at mag-aalaga sa mga anak natin,”
“Pangit ang suggestion mo,”
Tiningnan niya ang katipan na kumakain ng mani at nakatingin sa kabilang banda. “Bakit naman? Gusto mo ba pa ring magtrabaho?”
“Oo naman, sayang naman iyong pinag-aralan ko kung hindi ko naman magagamit, ‘di ba? At isa pa, gusto ko munang tulungan sina papa at mama. Papaaralin ko pa si Dhemy,” sabi nito.
“Eh, kung sasabihin kong ako na lang ang magpapaaral kay Dhemy, bibigyan ko na rin ng suporta ang mga magulang mo, will it change your mind?”
Tumingin na ito sa kanya sa mata. “Pa, iba pa rin kasi ‘yung feeling na nakikita mo ang fulfillment sa sarili mong pamilya na ikaw talaga ang nagsikap para sa kanila. Binuhay nila ako’t inalagaan, kaya ako din dapat ang magsukli sa ibinigay nilang buhay at alaga sa akin,”
Matiim niyang tinitigan ang dalaga. Iba talaga si Devon. May paninindigan at mapagmahal sa pamilya. Siguro ay dapat siyang mahiya sa sarili dahil pinipilit niya ang sariling kagustuhan, at hindi man lamang inisip ang nais ng katipan. Ngumiti siya’t hinawakan ang kanyang palad. He kissed it gently. He smiled again. And then, there was an abrupt urge from his heart to kiss her. At tila hindi nga niya masusupil ang gusto. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa dalaga at akmang hahalikan. Subalit, “ARAAAY!!!” napasigaw si Ivan sa sakit ng kurot ng dalaga. “Ano na naman ‘yun?!?”
“Hoy! Mr. Dorkner, isa sa mga rules and regulations natin sa bahay na walang kiss na dapat mangyari! Baka nakalimutan ‘yan…” pagsusungit nito at tumalikod na.
Hinimas niya ang ang balikat. Pulang-pula ito. “Eh, sorry na baby Devs. Nakalimot lang si papa. Bakit sobrang sakit nun?” Bahagya itong tumingin sa kanya. He showed a face of an innocent, yet hurt baby. May sumilay na ngiti sa labi ng dalaga. “Oops, sorry. Masakit ba masyado?” tiningan na din nito ang kanyang balikat at hinimas.
Sinamantala na niya ang pagkakataon. “Ang sakit, ang sakit-sakit nga.” Nagdadrama pa siyang umiiyak.
“Ay naku, teka, kukuha ako ng gamot sa loob,” tatayo na sana ito nang pigilan niya ang dalaga. Mas nagdrama pa ang binata. “H’wag na, haplusin mo na lang.”
“Ah, okay…” at hinaplos naman ng dalaga. Pangiti-ngiti pa siya habang dinadama ang malambot na palad ng dalaga sa kanyang balikat. “Masakit pa ba?” tanong nito. “Ayy, oo! Masakit pa, ouch!” pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay hindi na iyon masyadong masakit.
Nagtataka na ang dalaga. “Talaga? Eh, kukuha na nga talaga ako ng gamot doon sa loob,”
“No! H’wag na nga baby…” pagpipigil na naman niya.
“Anong gagawin ko diyan? Baka pagalitan pa ako ni Tita niyan ‘pag nakitang may maga sa braso mo,”
“Halikan mo na lang,” pilyong suhestiyon niya.
Nanlaki ang mata nito’t akmang papaluin ang kanyang balikat. “Ganun ha?! Eh, kung paluin ko na lang kaya?!”
Tumawa nang tumawa ang lalaki. “Oops, joke lang po!” naiinis namang tumalikod si Devon. Kumain lang siya nang kumain ng mani. “Uy, nag-eemote ang baby ko,” pambabawi ni Ivan sa dalaga. Hindi pa rin ito lumingon. “Baby…” tawag niya ulit ngunit dedma pa rin ito. “O sige, uuwi na lang ako,” pananakot pa niya ngunit mas lalo pa itong tumalikod sa kanya.
Wala nang maisip na paraan si Ivan kundi haplusin ang mataas at makintab nitong buhok. Ito kasi ang isang paraan upang mapakalma ang dalaga. “Baby, sorry na talaga. Promise hindi na magbibiro si papa.”
Hindi pa rin ito kumibo. Ipinagpatuloy niya ang paghagod sa buhok nito hanggang sumuko na ito’t hinarap siya. “Mabuti’t gwapo ka at ‘di kita matiis kundi matagal na kitang iniwanan,”
Ngumiti na rin siya. “Well, I thank God He gave me good looks.” Humagikhik na rin ito. “Confidence ha?”
“Magiging liar ako kung hindi ko tatanggapin ang statement na iyan,” biro niya. “Hay naku! Umuwi ka na nga at gabi na.” tinataboy na ni Devon ang lalaki. Napatingin pa siya sa kanyang relos. “Maaga pa naman,” pagdadahilan niya. “I don’t want you to drive home late at night, okay?” rason pa rin ng dalaga.
Bumuntong-hininga ang lalaki at tumayo. “Okay, para hindi ka na mag-alala.”
“Umuwi ka na diretso,” bilin pa nito.
“Ma’am, yes, ma’am!!!” sagot nito at naghand-salute pa. Tinapik na naman niya ang binata. Nagdrama na naman itong nasaktan. “’Di mo na ako madadala sa mga kadramahan mo Mr. Ivan Dorkner,” saway nito. Malutong siyang tumawa at sumabay na rin ito. Hinatid siya ni Devon hanggang gate. “Teka, hindi ako nakapagpaalam sa papa’t mama mo,” naalala niya.
“Natutulog na iyon. Ako na lang ang magpapaalam sa’yo,” sabi nito.
Sumang-ayon naman siya. “Devon, mawawala pala ako ng two weeks. Isasama ako ni papa sa States, may aasikasuhin lang daw kaming negosyo doon,” pagbibigay-alam niya sa kasintahan. Naging malungkot ang masayang mukha ng dalaga. “Kailan ba ang flight niyo?” tanong nito.
“Bukas ng gabi. Don’t worry, I’ll call you immediately pagdating namin doon.” Paninigurado niya.
She sighed. “Ano pa bang magagawa ko eh, bukas na pala ang flight niyo,”
“H’wag ka ng sad. Two weeks lang naman,”
“Two weeks nga at sembreak pa natin,” sabi pa nito. Malungkot pa rin ang mukha nito.
May pumasok na ideya sa kanyang isipan. “Baby, mas mabuting time ito na gawin ang plano mo para kay James. ‘Di ba ngayong week ang schedule no’n,”
Lumiwanag na rin ang mukha nito’t sumang-ayon na rin sa kanyang sinabi. “Tama! Hmm, h’wag kang masyadong mag-alala doon. Ako ang bahala sa pinsan mo. Pag-uwi mo may changes na na mangyayari kay James. Promise!”
“O, ‘di ba? Wala ng problema.” Sambit niya. “Aalis na ako. Good night! Dream of me tonight.”
Yango lang ang naging tugon nito at binuksan na ang gate nila. Lumakad na siya papunta sa kanyang sasakyan. Iniisip pa rin niya ang nabitin niyang halik sa dalaga. Hihirit pa siya. Sana ngayon ay pagbigyan na. “Devon?” tawag niya sa dalaga. “Pwede pa-kiss? Isang kiss lang, good night kiss…” hiling niya.
Ngumiti ang dalaga. Nag-isip muna’t nagsalita. “Hmm, dali! Baka magbago pa ang isip ko. Sa cheek lang ha?”
“Okay na iyon kesa sa wala,” sabi niya’t patakbong lumapit sa dalaga. Hinalikan niya ito sa pisngi at alam niyang makakatulog na siya ng mahimbing.