Thursday, December 30, 2010

accidentally inlove(4)


CHAPTER FOUR

Sunod-sunod ang paglunok ni James. Kanina pa siya nagtitimpi na huwag lingunin ang nagsasalitang babae subalit ito na rin ang nagtulak sa kanya. Totoo, thrilled siyang makita ang babae, maka-usap at makatawanan ngunit iba talaga yata ang nangyari. Tama ang kanyang hinalang aawayin siya ng dalaga kapag nahanap siya nito, lalung-lalo na’t hindi niya naisuli ang phone nito.

He was staring straight to the same lady-in-green at the airplane seating beside him on the day way backed in the Philippines, and strangely caught his little heart’s admiration. Nakatingin siya ngayon sa matang tila bituin sa gabi’t busilak ng araw sa umaga. Nasorpresa ito, at maging siya. God, please let her say ‘Uhmm, hey, I’m Devon Serano, remember me?I miss chatting with you.’ dalangin ng munting boses sa kaibuturan ng puso ni James.

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Nagmistula silang na-estatwa sa kanilang kinatatayuan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng dalaga, at ayaw rin niyang isipin iyon. Hindi na siya mapalagay. Ang hirap, ah!

Sa wakas, nagsalita na siya. “Devon.” Binanggit niya ang pangalan, hindi iyon tanong o tawag.

Napamalik-mata ito’t bumalik na yata ang gunita. Napalingon ito sa kung saan at kinundisyon ang sarili. Si James nama’y napahawak sa kanyang sariling braso bilang pagkalma sa sarili. Nararamdaman niyang may pader nang nakahadlang sa kanila.

Hindi pa rin ito nagsalita. Napansin ng pinsan niya sa likuran ang kanyang ‘di mapakaling galaw o ang pagbanggit niya sa pangalan at lumakad ito sa tabi niya. Nagsimula na ring mag-usisera ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila dahil sa kanilang pagtigil.

Devon? Are you okay?” tanong ni Ivan sa dalaga.

He might know this lady, napabulong si James sa sarili.

Naging balisa ang dalaga. “Ahh, oo. O-oo,” napahakbang ang kanyang pinsan palapit kay Devon at hinawakan ang balikat. “Sigurado ka? Ah, ano ba iyong sinasabi mong phone? Hmm, nawala phone mo?” tanong nito na bakas ang labis na pag-aalala sa tinig. Nagtaka siya ngunit kaya niyang makinig sa usapan ng dalawa kahit umabot pa ito ng maghapon.

“Hmm, s-sigurado ako.” Tiningnan ni Devon si Ivan at tsaka umiwas. “’Y-yung phone ko kasi n-nawawala. A-akala ko kasi nasa k-kanya…” bahagyang napatingin ito sa kanya. “…ngunit w-wala ata sa k-kanya. N-nagkamali yata ako…”

Tumingin si Ivan sa kanya. ‘Yung tingin bang binibigyan siya ng babala na parang may masama siyang nagawa sa dalaga. “Ah, pa, may nabangga kasi ako kanina, katulad kasi ng p-pigura niya,” agaw ni Devon sa tingin.

Pa. What does it mean? Nahagip niya ang tawagang iyon. Mas naging balisa tuloy siya sa kinatatayuan at naguguluhan pati ang kanyang isip.

“Ganun ba?” naniwala na ang kanyang pinsan sa sinabi.

Napahawak siya sa kanyang bulsa, nasa loob doon ang cellphone ni Devon. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang pagtakpan ng dalaga. May dalawa ng missed call sa phone ngunit kung ibibigay niya ng harap-harapan ay baka mapahiya pa ang dalaga sa harapan ng maraming tao. Minabuti na lang niyang huwag munang ilabas. He let himself enjoyed playing the victim.

“Oo, ganun nga.” May ngiting sumilay sa labi nito. Hindi ito nalagpasan ng kanyang tingin. Oh, that same smile, wala sa sariling napaisip si James. “So, tayo na pa. Nandoon sina Fretzie at Jenny,” nagpaunang lumakad si Devon. Ngunit ikinabigla niya ang pagpigil ni Ivan sa dalaga. Hinawakan nito ang palad ng dalaga.

Believe it or not, lumaki ang mata ni James. It was unexcpected- para sa kanya.

Nagsimula nang umalis ang mga nakapaligid. Na-boringan na siguro. “Devs, teka. May ipapakilala ako sa iyo,” sabi ni Ivan.

Lumingon ito sa lalaki. Naaasiwa ang dalaga, ramdam niya. “Sino?”

Akala niya’y matutulungan siya ng kanyang pinsan ngunit mas ikinabigla pa niya ang sumunod na usapan nilang tatlo. Bumaling sa kanya ang lalaki. “Pinsan,” tawag nito. Ngumiti siya. “I heard kanina na kilala mo siya.”

“Hmm, uh, sort of. I think it was at the airplane…”mahinang sagot  niya.

“Ahh, I see. But I supposed you only know her in first name. By the way, this Devon Serano, my girlfriend.” Pakilala nito. Now, it had made all sense. Alam niya bakit pa, siguro papa o papi o ano pang ‘pa’ na sweet pakinggan. “And baby, si James. James Keid, my cousin.” Bumadha pa ang pagkagulat sa mukha ng dalaga. She was speechless. Why?

Mauubos na siguro ang laway ni James sa kalulunok. Alangan naman, kay hirap ng parte niya. He extended his hand and smile, “Hi Devon! Can I call you Diday?” lumabas sa kanya ang mga katagang iyon na tila mapaklang kanta ng isang baklang asumera. Hindi naman sana siya nahihirapan ng ganito noon, bakit ngayon kay hirap?

HA? Ahh, ulitin nga ? naguguluhang tanong ni Devon sa isipan. Nais niya iyong sabihin. Hindi iyon ang tinig ng lalaki- tinig ng isang James Keid na nakilala niya sa eroplano. He souns like- GAY. Eww.

Ngumiti si Ivan. “James, your mother was definitely right that you really need a help,”

James smiles flirtatiously. “As if you don’t know mom. She always blurts out I need help, in the first I don’t need any. I am what I am!” at tuluyan na niyang iwinaksi ang kamay sa ere. Ang gaan tingnan.

Napanganga na lang si Devon sa nasaksihan. Parang kailan lang, pinupuyat niya ang kanyang sarili sa kaiisip kung bakit kailangan pa niyang maging unfaithful kay Ivan ng konti dahil lang sa lalaking ito ngunit, ARGH! bakla pala ito?

“Oh, pinsan! I love your school! Hindi mo ba ako i-tou-tour?” sabi nito kasabay sa marahang paghaplos nito sa buhok.

“Ahh, about that, parang hindi yata…”

Sumimangot si James na may kasamang pa-cute. Effortless lang naman itong nagpacute eh, kasi cute na ito noon pa man. Isip ni Devon.

“…but don’t worry, I already have plans for it.”dagdag ni Ivan.

“What?” si James.

Tumingin muna si Ivan kay Devon na parang hindi pa nakarecover sa mga pangyayari tsaka nagsalita, “You will be with Devon. She’s going to tour you around the campus, right babe?”

“Ha?” nagulat si Devon. Ako?

Natulala si James. Ano kaya ang nasa utak ng mokong na bakla na ‘yan? bulong ni Devon. Kung alam lang niyang mas balisa si James sa ideyang iyon dahil sa kanyang kalokohan. Bagkus, mabilis na nakabawi sa James sa gulat at nagpaunang lumakad- o kumendeng. “Er, well, why not? I’ll be glad to make friends with my future cousin-in-law,” pakli nito sabay tingin sa kanya.

Hindi na napigilan ni Devon na harapin ang mga mata ni James. Ang matang kulay asul na nakapagduda sa kanyang nararamdaman ni Ivan.

“Ganun naman pala. Wala na tayong problema pa,” agaw ni Ivan. Awtomatikong napabaling ang kanyang tingin kay Ivan. “Ah, okay…” kiming pakli niya.

“Good! Good! Well, if that’s it, I will go proceed now to my room. I still have my first class at nine,” sabi nito. “Where can we meet Diday?” tanong niya sa akin.
Diday. Tahimik na napatawa si Devon. Para kasing hindi si James ang nagsasalita. Hindi iyong baritonong boses ang naririnig niya ngayon kundi manipis at mahinhing tinig.

“Baby? Saan daw kayo magkikita?” pukaw ni Ivan. Ulit, napamalikmata siya. “Er, ah, sa canteen na lang. Wala na akong klase after 10 up to lunch time,” sabi niya. “That would be fine, but can you wait for 30 minutes, may class pa ako until 10:30,” sagot ni James. “Okay.” Tipid niyang tugon. That was the shortest talk ever since they met each other.

“Okay, okay! I’ll be going! Baboosh girl, couz! See yah!” nagpaalam na ito’t nagpauna nang lumakad ang lalaki. Sinundan na lamang nang tingin ni Devon ang papalayong lalaki. I must be in a nightmare!

Marahang pinisil ni Ivan ang kanyang braso. “Baby Devs, okay ka lang ba talaga? Is it my cousin?” tanong nito. Tumingin siya sa lalaki, “Ah, bakla siya. Hindi mo iyon sinabi sa akin,” sabi niya.

“Does it matter?”

Napailing siya. “No. I was just shock. Hindi ko man lang nalaman iyon,”

“Isa iyon sa dahilan kung bakit pinapunta siya dito ng mama niya. Nais kasi ni aiuntie na maging lalaki yun si James,”

“Ah, sice childhood ba o kamakailan lang nagladlad?”

“I really don’t know, but alam mo na, gusto rin naming tulungan si auntie.” Tugon ni Ivan. Ah, then kailangan kung malaman kung ano ang tunay na dahilan! Determinadong pasya ni Devon. “I hope you’ll help me with him. I could see na magkaka-vibes kayo, sana huwag mong masyadong i-tolerate ang kanyang mga gawing pambabae, okay?” pakiusap ng lalaki.

“Ahh, oo naman, I’ll help you,”

“Salamat,” pakli nito. “Di ba may klase ka pa? Halika na, ihahatid na kita.” Mabuti na lang ay ipinaalala nito ang kanyang klase kung hindi maghapon siyang nakatunganga doon at iisipin kung ano ang kanyang napasukan. 

Monday, December 27, 2010

accidentaly inlove(3)

CHAPTER THREE

Lakad-takbo ang ginawa ni Devon papuntang auditorium. Late na kasi siya ng ten minutes sa kanyang English 4. Bakit pa naman kasi tinanghali siya ng gising? Pagkapasok niya kasi kagabi sa bahay ay kailan pa niya naalala na may term paper pa siyang kailangang tapusin, idagdag pa ang ingay ng tawa ng kanyang kapatid sa kabilang kwarto na maharil ay kausap na naman ang mga barkada nito. Bago pa niya maipikit ang kanyang mga mata ay pumasok pa sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ni Ivan, ang tungkol sa pinsan nito.

Excited siya, totoo. Hindi niya maipaliwanang ang naramdaman. Siguro ganoon lang ang pakiramdam kapag may makikilala kang bagong kapamilya ng boyfriend mo. Iniisip mong kailangan itong paghandaan upang maging close kayo at magustuhan nito para maging parte sa pamilya. Katulad ng una siyang ipakilala ni Ivan sa magulang nito, at sa mismong 1st anniversary pa nila. Akala niya’y mamatay na siya sa kaba at hiya nang makita niyang malalim lang na nakatitig ang mga ito sa kanya, lalo na ang ama nito. Mabuti na lang at nagkasundo sila agad ng mama nito. No worrries agad ang naramdaman niya.

Bitbit ang mga librong hindi nagawang ipasok sa bag at ang pouch ng cellphone niya ay lumiko siya sa may corridor. Halos wala ng estudyanteng nag-uumpukan dahil nag-uumpisa na ang klase. Urrgh, sa susunod na a-attend ako ng party ay magdadala na ako ng assignment! Pagmamaktol niya.

Sa bilis ng kanyang paglakad at magulong isip ay hindi niya nagawang tingnan ang kanyang dinaraanan at sa kasamaang palad ay ‘di sinasadyang nabundol niya ang isang lalaki na marahil ay nagmamadali din. Lumipad ang kanyang mga gamit.

Whoosh.

Kasali na doon ang term paper niya. Muntik pa siyang mawalan na balanse. Gayunpaman naging maagap ang lalaki sa pag-alalay sa kanya. “Ouch,” tugon niya habang nakapikit na hinawakan ang ulo. “Oops, I’m so sorry miss,” alangan nitong sabi na nararamdaman niyang nakatingin sa kanya. Yumuko siya’t dumilat. Ewan, ayaw niyang tingnan ang lalaki- sa mata. Kilala niya yata ang boses ng lalaki, pamilyar iyon.

“Okay lang,” sinimulan na niyang kunin ang mga nahulog niyang gamit. Bumitaw na ito sa pagkakapit niya. Naisip niyang tila kilala niya pati ang pigurang nito, maging ang perfume nito ngunit hindi ito ang tamang oras para hulaan ang nakabangga. At tila wala itong planong tulungan siya dahil nakatayo lamang ito sa kanyang harapan. Nagmukha tuloy siyang yaya na kakatapos lang pagalitan ng monster na amo. “Mister, kung wala kang planong tumulong, pwede bang umalis ka sa harapan ko dahil hindi ko makuha ang iba kong gamit,” patutsada niya.

Nagulat ang lalaki at nagmamadaling pinulot ang mga gamit niyang malayo ang niliparan. Hay naku, nasobrahan yata ito ng kape, isip niya dahil sa pagkakabigla nito ng todo-todo. “Here,” abot nito. Pagkatapos kunin ang mga papel ay hindi na niya nagawang magkomento pa sa lalaki na sa isip niya’y aawayin niya ito dahil sa oras na nakarehistro sa kanyang relos. Beinte minutos na siyang late! She couldn’t afford another minute! Grr, palalampasin ko muna ang pang-aaway ko ngayon! Ito ang tanging naisip niya at kumaripas na nang takbo.

BAD MOVE, isip ni James.

Kanina pa nawala sa paningin niya si Devon ngunit nakatayo pa rin siya sa mismong lugar na nabunggo niya ang babae. Hindi siya nagkakamaling si Devon nga ang babaeng nabunggo dahil kanina lang na nakapikit ito’t nasapo ang ulo ay matiim niyang natitigan ang mukha nito. Siya pa rin iyong may mapupugay na pilik-mata’t magandang lips kaso hindi lang ito nakangiti ngayon. Minus points pa ang plano niyang pagpapakilala sana ng ma-frozen siya sa kinatatayuan niya at hindi man lang natulungan ang babae. Sinungitan siya tuloy.

Mas lalong kuminis ang balat nito ng hindi sinasadyang masalo sa pagka-outbalanced nito. At kay gaan ng dalaga. Kumakain kaya ito?

Natigilan siya. Ano ba itong iniisip niya? Masisiyahan ba siya na sa iisang paaralan lang sila pumapasok ni Devon? Siguro. Wala naman siyang dapat ikabahala, ikatakot ‘di ba? Wala. Wala NGA ba ?

Napailing siya. Unang araw niya sa school na ito’t ito kaagad ang tumambad sa kanya. Isang insidenteng hindi niya akalaing mangyayari- hindi niya napaghandaan. Oh, what on earth I have gotten to? Bulong niya sa sarili.

Nang sabihin ng mama niyang ipapadala siya nito sa Manila upang dito na mag-aaral ay agad siyang pumayag sa plano nito No ifs, no buts. Ito ang pinakahihintay niyang makawala sa bahay nila sa Nueva Ecija kaso iba ang sitwasyon ngayon…iba ang dahilan. Huminga siya ng malalim.

A dilemma I must escape … dagdag niya sa kanyang isipan …a dilemma I should solve,

Napatingin siya sa kanyang relos. Alas-otso y media na pala. Ang unang klase niya’y alas-nueve pa. I think I should look first for my room, pasya niya sa sarili. Akmang lalakad na siya ng mapansin niya ng kulay orange na pouch sa corridor. Pinulot niya ito’t binuksan. Cellphone. Maybe Devon’s, pumasok sa kanyang isipan. Nagmamadali ito kanina at hindi na niya siguro na-check ang kanyang mga gamit.

Kay Devon nga. Ito pa rin ang blue 5320 niya. Naalala niyang kinuha nito ang phone habang tinawagan ang tatay nito sa airport. Weird mind, it remembered. Napagtanto niya. Nag-aalala siyang baka may importanteng tawag para sa dalaga’t hindi niya maibigay kaagad kaya naman napagdesisyunan niyang hanapin ito. Ngunit paano? This school is big.

Pumasok sa kanyang isipan ang kanyang pinsan. Maybe it’s the time. He took a deep breath again, staigthened his shirt, and walked down the corridor amiably. Hahanapin iya si Ivan, baka kakong sa dami ng estudyante dito’y kilala niya ang isang Devon Serano.

DEVON, bakit ka na-late?” tanong ni Fretzie pagkatapos ng klase nila. Naglalakad na sila palabas sa room. “Tinanghali ako sa paggising, kakainis nga.” Sagot niya. “Bakit? Ano bang ginawa mo kagabi? ‘Di ba mga eight ka pa umuwi kagabi?” balik na naman ni Fretzie.

“Hindi ko pa pala natapos ‘yung term paper ko kaya kailangan kong tapusin,”

“Ahh, ganun ba. I supposed eight ka na gumising kasi 8:26 ka na to be exact, dumating sa room. Na-traffic ka pa siguro,”

Naalala ni Devon nag nangyari kanina. Uminit tuloy ang kanyang ulo. “Na-traffic nga! Grabe may banggaan pa ngang naganap,” sarktiskong niyang sabi.

“Ha? Saan banda?” bumadya ang pagkabahala sa mukha ng kaibigan. Hayan, over- exaggerating kasi kung magkwento! Pang-aaway ng isip ni Devon.

Pero hindi pa rin nagpaawat si Devon, “Doon! Doon sa may corner ng corridor sa Physics lab! Doon nangyari ang banggaan!”

“Ha? Sure ka, best?” paninigurado nito. Umirap siya nito. “Alam mo, hindi mo siguro dinala sa ospital ‘yung biktima o baka iniwan mo na lang kaagad, or! Medyo nasabit ka kaya inaway mo na lang? Saan ba iyong tama?” biro nito sa kanya.

“He! Grabe ka naman kung makasalita,” sita niya. “Ano ba kasi ang nangyari?” pagpupumilit ni Fretzie.

“Ganito ‘yong nangyari,” at kinuwento nga niya ang insidente. Hindi naman mapigilan ni Fretzie na ngumiti, alam niyang magkokomento na naman itong umaasta siyang tila walang inspirasyon sa buhay dahil madaling magalit. “Eh, best…” pauna nito.

“Ano?!” irap niya.

“Best naman! Baka nga nabigla lang talaga iyong mama. Baka nagmamadali nga rin gaya ng sinabi mo, o baka naman bago lang iyon dito. Sige ka, hindi na iyon babalik,” asar man iyon o hindi ay hindi pa rin niya maintindihan ang kaibigan. Ang daming options na pinagsasabi eh.
“I don’t know! Basta na-offend ako sa ginawa niyang tumunganga lang at hindi man lang ako tinulungan. Where is the virtue of a true gentleman doon?” inis niyang sagot. Hindi na ito nagsalita pa. Sumuko na ito dahil kahit anong salita pa ang gawin nito ay hindi na nito mababago ang impresyon niya sa lalaki.

Sinalubong sila ni Jenny na kumakaway. Kakatapos lang din ng klase nito ng Soc.Sci. Unti-unti na ring napupuno ng mge estudyante ang corridor dahil kadalasang break time o lilipat na ng room ang iba para sa susunod na klase.

“There you are,” tawag nito. “Kanina pa ako tawag ng tawag sa phone niyong dalawa. I was going to treat you for snack,”

“Ah, ganoon ba? Eh, sorry. Nasa bahay yong phone ko,” sagot ni Fretzie.

Alanganin namang napasagot si Devon, “I think na-silent mode yung phone ko,” at hinalukay niya ang loob ng bag niya. Wala ito sa loob, maging sa pocket niya. “Teka,” kinapa niya ang bulsa ng maong niya ngunit wala din ito.

“Nawawala ang phone mo?” nababahalang tanong ni Jenny.

“I think so,” sagot niya.

Huminto sila sa malapit na upuan sa corridor at tinulungan na siya nina Jenny at Fretzie na i-double check ang kanyang bag, kaso minalas nga yata siya sa araw na ito at wala ang cellphone niya doon.

Nagsalita si Jenny, “Maybe you left it at home too.”

“No. Kinuha ko pa nga iyon sa table ko,” paninigurado ni Devon. Kaisa-isa pa naman niyang cellphone iyon at regalo pa ng tatay niya noong sweet 16 niya. Napasimangot siya. Saan na kaya ‘yun?

“Then, where is it nga?” nagugulong tanong ni Jenny. Nag-iisip silang dalawa nang may maalala si Fretzie. “Devs, ‘di ba may nabunggo ka kanina?” pukaw nito.

Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya sa dismaya. Pinaalala pa naman ng bestfriend niya. “Naman! O, bakit ba?”

“I supposed tumilapon din ang phone mo. You told us that you just picked it up, baka naman hindi mo naipasok sa bag mo.”

Natigilan siya. Maaari nga ang sinabi ni Fretzie. Ni-rewind na ng isipan niya ang mga nangyari at tama ngang naipatong lang niya ang kanyang pouch sa ibabaw ng mga dala niya. At nabuo pa sa isipan niya na ginusto ng nakabunggo sa kanya ang nangyari upang manakaw ang phone niya. Ngunit bakit siya pa ang napagtripan?!

“So, saan natin siya hahanapin?” Si Jenny.

Nang tila dinala nga ng panahon ang pamilyar na pigura malapit sa kanila. Kalmado lang itong naglalakad sa corridor, may hinahanap yata. Mabilis ang mga mata ni Devon at awtomatiko siyang tumayo at sinundan ang lakad nito. Determinado siyang hindi nagkamali ang kanyang akala. She was not going to let him go this time. It will be a definite clash! “Devon, saan ka pupunta?” tawag ni Jenny.

“To retrieve what is mine!” mariin niyang sagot. Walang nagawa ang dalawa niyang kaibigan at napatingin na lang sa isa’t isa.

Iniwan na niya ang mga kaibigan at lumakad na palapit sa lalaki. Tiyak siya sa pigurang sinusundan, dagdag pa ang kulay gray na shirt na suot nito. Same color kanina. Ahh, parang walang pakialam ha? Bulong niya sa sarili. Patuloy lang itong naglakad hanggang huminto ito sa gitna ng corridor na may maraming estudyante. Nakapansin na yata ang snatcher. Bulong niya.

Ngunit ngayon hindi na siya papatalo pa. Humugot muna siya ng malalim na hininga’t nagsimula ng magsatsat, “Hoy, Mr. Snatcher-in-gray-shirt!!! Akala mo ba hahayaan na lang kitang matangay ang phone ko?! May guts ka pang maglakad sa loob ng campus na ito matapos mong pagplanuhan ang pagkuha ng phone ko?! Kaya pala hindi mo ako tinulangan sa pagpulot ng mga gamit ko dahil busy ka sa pagtago ng phone ko! Wala ka bang phone?! Eh, bakit pumasok ka sa paaralang ito kung iyan lang naman ang habol mo?! Marami ka namang pagnakawan sa mall o sa palengke! Ngayon, ibigay mo na ang phone ko, kung hindi!!!” nagsisimula ng magsitinginan ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Care ko sa kanila! Itinaas pa ni Devon ang kanyang mukha. This is confidence, and revenge!

Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya makita ang ekspresyon nito. Para yatang may kausap ito sa harapan. “Excuse me?! Wala ka ba talagang manners?!” away pa niya. Ang totoo’y hindi niya mapigilang kabahan sa pagharap ng lalaki. It was excitement she felt rather than sternness

Kabadong lumingon sa kanya ang lalaki, alam niya. Ngunit tila siya pa ang na-shock sa pagkakita sa lalaki, pati sa pinagsasabi niya. She must be hell wrong! Was she barking at a wrong tree, or what???

Naipikit niya ang kanyang mata’t dumilat muli. Ngunit nasa harapan pa rin niya ang binata na halata ding nagulat tulad niya. And then, all she could utter was, “James?”

God, sana sabihin niyang ‘Er, I’m not James. I’m the snatcher!’ dalangin ng munting boses sa kaibuturan ng puso ni Devon.