chapter SEVEN
Maagang gumising si Devon. Maliban sa ayaw na niyang mahuli sa klase ay gusto rin niyang pagmasdan ang sunrise. She was inspired from her dream last night. Sa panaginip niya ay kinasal siya in beach at sunrise; it was so romantic! May calla lilies sa kanyang aisle at red carpet iyon na may maraming petals na nakakalat. Ang kanyang mga bisita ay dazzling sa mga suot nilang kulay golden-yellow, her favourite color. Sa unahan ay may arkong hugis puso na pinaggagayakan ng mga bulaklak na tila kumikinang. And she was wearing her favourite wedding gown na hango sa suot ni Jasmine ng Aladin and the Magic Lamp. Ang kanyang groom ay naka-white tuxedo at kahit malabo ang mukha nito’y alam niyang abot-langit ang ngiti nito. It seemed so perfect! Ayaw na nga niyang magising kaso tumunog ang kanyang phone.
Si Ivan. Nag-greet na ng good morning. Nagreply din siya at agad nang bumangon.
Pagkatapos maligo ay agad na siyang lumabas. Saktong papasikat na rin ang araw. Tila nakangiti ito. Hmm, nakikibagay yata si Mr. Sun. Bulong niya. Mapang-akit ang naturang pagbubukang-liwayway. Mahina siyang nagpasalamat sa Maykapal, Lord, thank you! Ang ganda ng morning ko. Sana buong araw ko’y ganito rin kaganda.
Hindi nagtagal ay pumasok na si Devon sa kanilang bahay at nadatnan na ang kanyang ina na nagluluto ng almusal. “O anak, ang aga mo yatang lumabas ng bahay?” sabi ni Mommy Lyn.
“Good morning ma!” bati niya. “Tumingin lang po ako ng sunrise, ang ganda kasi.”
“Ahh, ganon ba. O, magbihis ka na’t tulungan mo si mama mo,” paglalambing ng kanyang mama.
“Haay naku ma! Kalian ko pa ba matatanggihan ang beautiful mama ko?” pabiro niyang sagot. Tumawa din ito. Sa dalawa nilang magkakapatid, masasabi niyang siya ang pinaka-close sa kanyang mama kahit na siya ang panganay. Kasi nama’y siya ang kasakasama ng kanyang mama tuwing nag-di-deal pa ito ng mga damit sa mga kliyente nito. Nang tumungtong na sa ika-pitong taon ang kanyang kapatid ay minabuti na nitong tumigil sa bahay at kapwa sila alagaan.
Nagbihis siya ng simpleng white shirt at jeans at tsaka bumababa dala ang kanyang bag. 6:17 am na ayon sa kanyang alarm clock. Maaga pa nga. Alas-siyete y medya pa kasi ng una niyang klase.
Napatingin sa kanya ang kanyang ina. “Akala ko’y natakot ka ng mahuli sa klase kaya’t maaga kang gumising,”
“Eh, medyo lang po.” Aniya habang hinihiwa ang patatas.
“Bakit medyo lang? Hindi ka ba pinagalitan ng professor mo kahapon?”
Bigla niyang naalala ang mga nangyari noong nagdaang araw. Napangiti siya. “Ahh, napagalitan po...”
“Napagalitan? Eh, may napagalitan bang ngumingiti?” puna ng kanyang mama. Tumawa na siya. Minsan talaga’y umaasta siyang baliw! “Naku! Masama bang ngumiti ako mama ko?” biro niya.
“Ewan ko sa’yo, Devon. Nag-aalala lang naman ako sa’yo, baka ikaw pa ang unang baliw sa pamilya natin? Tsk!”
“Susmaryosep! Mama naman! H’wag naman po kayong magbiro ng ganyan,”
Napahagikhik ito. “Akin na nga iyang patatas at baka bumaba na ‘yong papa’t kapatid mo,” iniabot niya iyon. “At sa susunod maging conscious ka sa mga inaasal mo,” ganting biro nito. Tumawa na rin siya. What a nice start for the day!
PAPAUNAT pa si James sa kanyang kama. Naninibago pa siya sa puting kisame’t asul na dingding sa kanyang bagong tulugan. Pangalawang araw pa lang kasi niya sa silid na iyon, at sa bahay ng kanyang pinsan na si Ivan. Doon kasi sa Nueva Ecija ay puno ng mga palamuti ang kanyang kwarto na all in shades of pink. May mga butterflies at flowers pang kasama ang mga decorations sa loob ng dati niyang silid. Malaking kasalungat naman ang kanyang bagong silid. Simple lang ang mga gamit dito; ang kama niya’t cabinet, may cd sets, isang maliit na tv, study table, at ang kanyang kulay red na gitara. Kahit na gusto niyang itransform ang kanyang bagong silid ay hindi siya pinapayagan ng kanyang auntie.
Alas sais y media pa ng umaga kaya naman ay natatamad pa siyang bumangon. Gugulong pa sana siya sa kabilang dako ng kanyang kama nang madaganan niya ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at napansing may text.
Kay Devon iyon kagabi. Nag-your welcome lang ito sa kanyang tinext. Napangiti siya sa komento nito about Bret. Nagsisisi tuloy siya kung bakit maaga siyang nakatulog kagabi. Ang totoo’y umaasa siyang sasagot ang dalaga sa text niya ngunit tila natagalan ito kaya nama’y tuluyan nang nalaglag ang kanyang mga mata. Argh! I should have drink coffee last night! Naisip niya. Totoo nga ang kasabihang ‘Nasa huli ang pagsisisi’.
Napabalikwas siya ng bangon. May pumasok sa kanyang isipan, I should make it up to her. He unintentionally smiled. Namalayan na lamang niya na nagti-text na siya kay Devon ng good morning. Tumayo na rin siya’t naligo. Kadalasan ay umabot siya ng isang oras sa banyo, ngayon ay tatlumpong minuto na ligo lamang ang kanyang ginawa. Maingat niyang sinuklayan ang kanyang buhok, naglagay ng manipis na foundation, nag-lotion, at tsaka nag-perfume ng paborito niyang pabango na Victoria Secret.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tsaka tiningnan kung may reply mula sa dalaga ngunit wala. He was somewhat disappointed. Maybe she’s still sleeping...
Binitbit na niya ang kanyang mga gamit at lumabas na sa kanyang kwarto. Tahimik pa ang pasilyo, at tanging ang mga galaw lang ng mga katulong sa baba ang maririnig. Balak niyang tumulong na lang din muna sa mga katulong sa paghahanda ng almusal dahil tila napaaga nga siya masyado.
Naglalakad siya malapit sa kwarto ni Ivan nang eksaktong bumukas ito. Nakabihis na rin ang binata at handa na ang mga gamit nito.
“Insan! Good morning! Ang aga mo ngayon ha?” nakangiti nitong bati.
Ngumiti si James. Nagdahilan siya. “Yup! I have a class at seven. I was thinking that maybe I’ll get bonggang-bonggang traffic if I don’t wake up early,”
“Ahh, okay.”
“Early bird ka nga din cuz,” malambot niyang sabi.
Mas lalo itong ngumiti. “Oo. Nais ko kasing bumawi kay Devon. Absent kasi ako kahapon, balak ko siyang sunduin sa bahay nila,”
Natigilan siya. Bakit may nararamdaman siyang ouch sa kanyang puso? Oh, it’s just hallucination GIRL! Bulong niya sa sarili.
“May sinsasabi ka James?” si Ivan.
“Ahh, waley! Echus ka naman! Ang sweet sweet ng cousin kong itech!” tangi niyang nasabi.
Tumawa ito. “Alam mo, h’wag mo nang masyadong gamitin ang language na ‘yan kasi hindi naman kita maintindihan eh,”
“I’ll teach you na lang,” anyaya niya. Mas lalo pa itong tumawa, “No, no, thanks! Bakit hindi ka na lang sumama sa amin? Para hindi ka na masyadong ma-traffic dahil malapit lang ang bahay nina Devon sa school,”
Napaisip siya. Hindi rin siguro siya guilty sa feelings niya- why deny the offer?
“Sureness insan! No problemo!” sabi niya.
Wala nga bang problema?
“DEVON! Bumaba ka na, nandito si Ivan.”
Narinig ni Devon ang sigaw ng kanyang mama sa baba. Si Ivan! Nasorpresa siya sa biglaang pagsundo sa kanya ng kasintahan. Minsan lang kasi nitong gawin ang mga ganitong bagay. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang phone na nakapatong sa mesa tsaka bumaba. Nakaiilang hakbang pa lamang siya nang mapansin niyang hindi ito nag-iisa.
Lumapit sa kanya ang kanyang mama. “Sinusundo ka ni Ivan, anak. Sumama ka na lang sa kanya para si Dhemy na lang ang ihatid na papa mo,” Isang supervisor ang kanyang ama sa isang kompanya ng sapatos habang si Dhemy, ang kanyang kapatid ay graduating pa sa high school.
“Ahh, opo.” Sambit niya.
Ngumiti si Ivan. Ngumiti din siya ngunit lumagpas ang kanyang tingin sa kasama nitong lalaki. Napansin siya ng kasintahan kaya nama’y nagsalita na ito. “Baby Devs, si James, pinsan ko. Naalala mo?”
Sino ba naman ang hindi makakaalala nito? The blast from the past? Naisip niya. Si James nga ang kasama ng binata. Kimi itong ngumiti sa kanya. “Hi De- Diday-girl.”
“Hi James!” magiliw niyang bati. “Teka, nakilala mo na si mama?” tanong niya kay James.
“Uhm, yes yes! Insan James let me pakilala your momsie!” sabi nito.
Ngumiti siya lalo. Oh my! Ano ba naman? Hindi niya yata mapigilan ang ngumiti. “Ganun ba? Mabuti. Tayo na pa?” binalingan na niya si Ivan. Sa muling pagtama ng mata nila ni Ivan ay tila may nararamdaman naman siyang guilt. Ewan. Alam n’yang hindi naman talaga iyon kailangan.
“Sige. Tita aalis na po kami,” paalam nito.
“Auntie dear? Baboosh na kame?” si James. Natutuwang kumaway ang mama niya.
“Bye ma!” tawag rin niya. Pagkasakay nila sa gray sports car ni Ivan ay pinaandar na niya ito.
Tahimik ang loob ng sasakyan. Si Ivan ang nasa driver’s seat habang siya naman ay nasa tabi nito. Si James ay nasa likod. Malimit niyang napapansing nakatingin sa kanya ang lalaki. Sa totoo lang ay naiinis siya tuwing tumatama ang mga malalim na titig ng lalaki sa kanya; para siyang hinuhubaran nito. Hindi na siya makatiis kaya naman ay nakipagkwentuhan na siya kay James.
“Hey James?” pauna niya.
Tumingin lang to sa kanya. Ugh, the eyes...
“Ahh, how do I look today?” biro niya. “Devon!” saway ni Ivan sa kanya na nakatingin pa rin sa daan. “Bakit ba pa?” tanong niya nang patawa. “Don’t ask James questions like that. Mas lalong masisiyahan ‘yan sa pagiging bakla niya,” rason nito sa mahinang boses.
Tumingin siya sa lalaki na nag-aastang hindi nakikinig. “Ah,”
“Baby, ask him more manly queries,” suhestiyon ng kanyang kasintahan.
“Manly? Eh, baka mga cover boys pa sa men’s magazine ang gusto nitong usapang lalaki?” pabulong na maktol niya. Mahinang humagikhik ang lalaki. “C’mon, try.” Paglalakas loob nito sa kanya.
“Teka, bakit ako ang makikipag-usap sa kanya? Eh, dapat ikaw iyon kasi magpinsan kayo at puro pa mga lalaki. Naman!”
Gamit ang libreng kamay ay hinawakan nito ang kanyang palad at bumulong. “I need your help. Alam ko namang makakaya mo, ‘di ba?”
Tinitigan niya ang magkahawak nilang kamay. “Kakayanin ko naman lahat, eh.” Ngumiti si Ivan.
Sa likuran naman ay nababagot na si James. Kanina pa niya nahuhuling nagbubulung-bulungan ang mag-sweethearts sa unahan. Ayaw man niyang aminin ay aminado siyang nagseselos siya sa sweetness ng dalawa. Why do I need to suffer this way? Ang churvaness naman kasi ng mga eklatch ko! Hay naku! Kelan kaya darating si papa Robert Pattingson ko, o ‘di kaya’y sa Sugary Orlando Bloom ko???
Nililibang na lamang niya ang kanyang sarili sa mga establisyementong nakikita sa daan. Ngunit he was bothered with her presence, actually. He didn’t know, but there was an urge for him to look at her even the slightest glance he could make. Siguro’y nagustuhan lamang niya ang pink na clip o ang cute dangling earrings nito.
Akma sana niyang titingnan muli si Devon nang bigla din itong lumingon sa kanya. Tila nag-slow mo ang oras niya. Ang masayang galaw ng dalaga ang nagpadala sa kanya ng kakaibang saya sa kanyang dibdib. He, then, smiled; smiled that could launch a thousand ship.
“James! Ang cute ng smile mo!” pukaw ni Devon.
Biglang na-concious si James. Umiral na naman ang kanyang pagkababae. “Ah, naman! Beauty ko ‘iyan girl, eh!” pambabawi niya.
Humagikhik si Devon. Napataas naman ang kilay ni Ivan. “James?”
Napangiwi ang babaeng-binata. Kahit kalian, kontrabida talaga itech insan ko,
Hinawakan ni Devon ang kamay ng lalaki habang nakangiti. Tumingin si Ivan sa dalaga. Tila ba binibigyan nito ng assurance ang lalaki upang magiging okay ang kanilang usapan. Muli na naman itong lumingon sa kanya. “So, what can you say about my style?”
Sinipat niya ng maigi ang babae. Maganda ito sa suot nitong simpleng jeans at white shirt. Hindi nakaka-irita ng mata. “It’s simple but gorgeous,” komento niya. “Weeh? Talaga?” sagot ni Devon. “Of course chakaness! You’re asking me then you don’t believe?” maarte niyang tugon.
“Ang emote mo naman. Ayy, thanks ha?” nasisiyahang sabi nito. As always, Masaya pa ring kasama ang babae. Naisip ni James. “Ahh, alam mo James, mas bagay sa ‘yo kung gumamit ka ng more darker colors sa shirt mo, hindi ‘yung mga pastel colors...” dugtong nito.
Ngayon, siya naman ang nagtaas ng kilay. “Oh?”
Pinipigilan nito ang tumawa. “Yes. At least you’ll look straighter...”
“Is that an insult?”
“No!” biglang bulalas ng dalaga. Tila silang dalawa lang ang nag-uusap dahil walang kibo pa rin si Ivan sa driver’s seat. “It’s just a... suggestion... to think over,” then, she simply smiled.
“Your bottom line?”
“Er, look. Just give me time to help you...”
Lalo siyang naguluhan. “Churva! What help are you talking about?”
“Okay! This is it, I want to try.”
He intensely looked at Devon. Hindi nga nagbibiro ang babae tungkol sa napag-usapan nila. “Please?” si Devon na kay tamis ng ngiti. Pabiro din nitong tinapunan ng tingin si Ivan na hindi nakatingin sa kanila, ‘yon bang nagsasabing ‘sige na, para sa kanya’.
Pumasok na ang sasakyan nila sa school campus at tsaka huminto sa parking area. “Fine. So what now?” sumuko na siya sa pagmamatigas. Naawa na kasi siya kay Devon. “Yes!” narinig pa niya ang pagbulalas ni Devon.
“Next week will be the proper lessons. Just prepare!” magiliw nitong sabi.
Nahiwagaan siya sa maaaring gawin ng dalaga. Oh my!
Sa wakas ay umimik na rin si Ivan. “Okay! Nice to hear that one. G’luck insan!” sabi nito. So, he was listening! Naisip ni James. Lumabas na sila sa sasakyan. Humarap pa muna sa kanya si Devon bago lumakad papunta sa school building. “I need to go na baka kasi mahuli na naman ako, but thank you for the cooperation pala, and BTW! Good morning,” kumindat ito sa kanya at tuluyan ng lumayo kasama si Ivan. “Sige insan, kita tayo mamaya.”
He was left puzzled.