Friday, June 24, 2011

cahp17(accidentally inluv)

CHAPTER SEVENTEEN
Lakad-takbo ang ginawa ni Devon. Alastres-y-media na siyang pinayagan ng papa niyang lumuwas ng Maynila. Ginunita nila ang pangalawang ataw ng Undas sa Laguna, ang probinsya ng kanyang papa. Mas lalo siyang natagalan sa pagpunta sa DAMP nang tawagan siya nina Jenny na kailangan niyang magcasual dress. Ayon sa kanila na nag-organisa sa date-examination ni James habang wala siya, ay isang ‘prestihiyusong’ pagkakataon ito kaya naman kailangang paghandaan. Naniwala naman siya sa mga ito dahil batid niyang isang espesyal na okasyon ito, hindi lamang kay James maging din sa kanila.
Sinuot niya ang binigay na asul na bestida ng kanyang mama. Hanggang tuhod lamang ito at may pink ribbon ito sa bewang. Bagsak ang kanyang buhok at gumamit na lamang siya ng pink headband. Nakasapin siya ng baby-pink ng doll-shoes at ternong baby blue na sling bag. Konting pulbo lamang ang kanyang nilagay, at agad na siyang dumiretso sa lugar.
Natanaw niya sina Jenny at Ftretzie na nakangiti. Nang makalapit na siya sa mga kaibigan ay napansin niyang nakapantalon lamang ito’t t-shirt.
“Teka, akala ko ba casual wear tayo ngayon?” agad niyang tanong.
Ngumisi si Jenny. “We said YOU must wear casual, and not WE must wear casual.”
Nasamid siya. Bakit ba hindi niya iyon inintindi? Pakiramdam niya ay na-overdress siya sa okasyon.
“But Devs, you look dashing kaya ‘wag kang mag-alala. Fit na fit ang dress mo ngayon,” sabi naman ni Fretzie. Nagtaka siya sa mga tinuran ng kaibigan. “Ah, ano bang plano ninyo sa date na ito? Hindi porke’t nanghingi ako ng tulong sa inyo about this dahil nasa Laguna ako ay hindi niyo na sasabihin sa akin ang mga plano niyo,” sabi niya.
“Kaya nga eh, may sasabihin nga kami sa’yo.” Si Fretzie.
Tumango naman si Jenny, “Bret and Ryan are still not here. May kailangan pang ayusin doon sa may bangka. Paano na ‘yon?”
Napahawak siya sa kanyang batok. Ayaw na ayaw niyang mapapalpak ang examination nila. Baka mapahiya pa si James sa kadate nito. “Wala pa ba si James?”
“Wala pa.” sabay na sagot ng dalawa.
“Hmm. Good. Titingnan ko na lang kung ano ang problema sa bangka, and I’ll see if I can fix it, okay? Kayo naman ihanda niyo ang dapat na ihanda since kayo naman ang may mas alam sa date na ito.”
Kapwa tumango ang dalawa. Nagsimula na siyang lumakad papunta sa ilog nang magtaka siya kung sino ang kadate ng lalaki. Sa dalawang araw na hindi sila nagkita ng binata ay nakaramdam siya ng lungkot. Tila nadagdagan pa ito ng malaman niyang may nakita na itong kadate. Nagmistula kasing sabik na ang lalaki na matapos ang kanilang lessons.
“Guys?” tawag niya. Lumingon ito sa kanya. “Ahh, s-sino ba ang kadate ni James?” tanong niya. Ngumiti lamang ang dalawa, at si Jenny ang sumagot, “You’ll know later. But I heard she looks dashing tonight,”
“Ahh, ganun ba. Thanks.” Pagkatalikod niya ay sumimangot ang kanyang mukha. Dashing? Magkatulad pa naman kami ng adjective ng babaeng ‘yon. Wala sa sariling pagmamaktol niya. Ewan kung bakit naiinis siya na isipin ang date ng binata.
Maliban sa maliwanag na kubo ay nadatnan niyang may nakatayo ng Umbrella-tent sa gitna ng malawak na damuhan. May mesang pangdalawahan at inayos pa itong mabuti. Candle-light dinner ang drama nito. Nang makalapit na sa bangka ay nakita niya na inayusan talaga ito ng mabuti at bagong pintura pa. Sa may upuan ay may hugis ice-cream na unan. May basket na marahil ay pinaglagyan ng mga pagkain nina James at ang kadate nito. Tatlong puting rosas ang nakapatong sa basket. May portable dvd din sa gilid.
Na-touch si Devon sa nakita. Hindi niya akalaing ang date na ibibigay ng mga kaibigan kay James ay katulad sa gusto niyang date. Yet she felt miserable. Ito ang kanyang dream date pagkatapos iba pa talaga ang makikinabang. She couldn’t blame James. Pareho sila ng gusto.
Iwinakli na niya ang panibughong iyon at tiningnan na ang bangka kung ano ang problema. Maayos naman ang tali nito at halatang handa na ang mga gamit sa loob. Aabutin pa sana niya ang sagwan upang suriin ng ‘di sinadyang nadulas siya. Muntikan na siyang mahulog sa ilog nang may nakasalo sa kanya sa likod.
Bumagal ang takbo ng isipan ni Devon. Kilala niya ang mga bisig na iyon, pati na ang pabango nito. Naalala niya ang pangalawang pagkikita nila. Tila ba bumalik ang oras kaso ngayon ay hindi na siya nagalit bagkus sabik siyang makita ang binata.
Pinaharap siya ng binata na hindi man lamang binibitiwan. Niyakap pa rin siya nito. “Don’t you dare soak this dashing dress in the river. Mahaba pa ang gabi natin,”
Tanging malalim lang na titig ang naisagot ni Devon. Nawalan siya ng salita.
Marahan nitong pinisil muli ang kanyang ilong at nagsabing, “Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako sa dalawang araw na hindi tayo nagkita? I miss you so much Devon,”
Muntikan na siyang muling mahulog. Mabuti na lang at malakas ang mga bisig ni James kahit pa hindi naman ito kalakihan. Lumunok siya. At nagmalikmata. Ngunit ang mga nakangiting mata pa rin ng binata ang kanyang nakita. Bigla siyang natauhan. Isang malakas na suntok ang kanyang ibinigay sa braso nito. Bigla siyang nabitawan nito sa kaliwang kamay. And on a reflexive manner, napayapos siya sa batok nito.
Naramdaman niyang mas humigpit ang pagkayakap ng kanang kamay nito sa kanyang bewang. Naguluhan na talaga siya sa nangyari kaya naman agad siyang bumitiw at naiinis na nagsalita, “Ano ba James? H’wag mo nga akong utu-utuhin sa mga praktis mo! Maghanap ka ng ibang kausap d’on! Paepal ka talaga!”
Hinimas na nito ang kanyang braso. “So far, iyon ang pinakamasakit na suntok mo,”
Hindi niya iyon pinansin. “Ewan ko nga sa’yo. Mabuti pa sunduin mo na ang kadate mo at para maaga tayong  matapos dito. November 2 pa po kaya,”
“But she’s already here,”
Kumunot ang kanyang noo. “Eh, di kung nandito na, nasa’n? Naku, baka hinayaan mo iyong pumunta dito. At dahil diyan alanganin kang makapasa sa exam natin. Mawala kaya iyon, mabuti pa tawagan mo na.”
“Ahh—” akmang magsasalita ito nang matigilan. At sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti. Gamit ang kanang kamay ay kinuha nito ang kanyang phone at nagsimulang magdial. Umiling na lamang siya at lumakad na paalis sa lugar.
Kring!
Biglang tumunog ang kanyang phone. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang pangalan ng tumawag. Tiyak ay si Dhemy na naman iyon. Nangungulit sa mga pangyayari sa date ng kuya James nito.
“Hello?” walang-ganang sagot niya.
“Oh, you’re voice seems so cheerless. And I hate to hear it,” sabi ng boses sa kabilang-linya. Nakilala niya ang tinig. She abruptly turned around. James beamed wholeheartedly. “Bakit ba tila bugnutin ka ngayong araw na ito?”
“Now what? Nawrong-dial ka lang siguro,” tugon lamang niya at pipindutin na sana niya ang end button subalit humabol pa ito, “You can’t put it down. I’m not mistaken; I’m calling the right person.”
Wala na talaga siyang naintindihan sa mga sinasabi nito.
Nagpatuloy ito. “Hmm, Ms. Devon Seron, I know you’ll hate what I’m going to ask right now, but I have no choice, my heart tells me to do so. Ahh, will you be my date tonight?”
Muntikan nang mabitawan ni Devon ang phone. A man, James Keid, was asking her on a date. That was a priviledge! “Are you insane? Assignment ko ‘yan sa’yo na maghanap ka ng kadate tapos ngayon you’re requesting me to play the role?”
“Devs! Ang ganda na ng speech ni James-ko, sisirain mo pa?! Pumayag ka na!!!” may sumigaw sa kanyang likuran. Si Jenny, kasama niya sa loob ng kubo sina Fretzie, Bret at Ryan.
“Oo nga best! Mas okay na iyon kasi ikaw ang teacher, ikaw ang nando’n, alam mo kung ano ang ibibigay mong score!” sumang-ayon naman si Fretzie. Tawa lang nang tawa sina Bret at Ryan.
Humarap siya kay James. Hindi pa rin nawala ang ngiti nitong abot-tenga. Sinimangutan niya ito. “Hindi mo ba ibaba ang phone mo?”
“I don’t care. I won’t put this down, unless ka papayag ka,”Sagot nito.
“Nagsasayang ka lang ng load,”
“Kaya kong mag-aksaya ng load kapag para sa’yo.”
Inamin ni Devon sa sarili na kinilig siya sa mga binitawang salita ng binata. Naisip niyang tama ang kanyang mga kaibigan, mas mapapadali ang kanyang trabaho kapag siya mismo ang kadate ng binata. “Hmm. Sige na nga.”
“What? I can’t hear you,”
“Oo na, ako na ang kadate mo ngayon.”
“Talaga?” ulit pa rin nito.
Naasiwa na siya sa mga mata sa likod kaya hindi niya mapigilang magtaray. “Ahh, hindi, hindi! Sabi kung ako na ang kadate mo, parang ayaw mo naman. Hala, maghanap ka ng iba!”
“Oops, joke nga lang!” at in-off na nito ang kanyang phone. Napatawa naman siya. Nilapitan siya ng lalaki at ginaya papalapit sa bangka. Tinulungan sila nina Bret upang pumalaot na sila.
Nag-aalinlangan siya. Marunong kayang magsagwan ang binata? “Teka, alam mo ba kung paano magsagwan?”
“If you didn’t know, my father is a great sailor; he taught me well.” At iniabot nito ang tatlong putting rosas sa kanya.
Naniwala na siya sa binata. Pakiramdaman niya ay ligtas siya sa piling nito. Kayganda palang tignan ang DAMP mula sa gitna ng ilog. Malinis. Berde. Malamig sa mata.
Tahimik lang ang binatang nagsagwan. Bago pa lang niya napansin ang suot nito. Naka-white fitted long sleeve at black jeans ito. Simple ngunit ang angas tingnan. He was devastatedly handsome, ‘ika nga.
“Baka matunaw ako niyan.” Nahuli siya ng binata.
Umirap siya. “Ewan ko sa’yo. Ngayon ko lang nalaman na mayabang ka pala,”
Humagikhik ito. “You should congratulate yourself for that, instead. You really straightened me up,” Natuwa siya sa sinabi nito. “Gan’un pala iyon?”
“Yes. Ganun ‘yon.”
“Malay ko ba.” Sabi niya. “Hanggang saan ka ba magsasagwan?”
“May alam akong parte dito sa DAMP na magugustuhan mo. Maganda ang view doon kapag magtatakipsilim na.” sagot nito.
Hinayaan na lamang niya ang lalaki. Nagsagwan ito nang nagsagwan hanggang pumasok sila sa ‘di kasukalang lugar sa ilog. Napanganga siya ng makita ang mga malalaking puno na kukunti na lang ang dahon. Ang mga ugat nito ay tila bumagsak mula sa ulap. Well-trimmed ito’t may mga wild flowers ding nakatanim. Iba’t iba ang kulay nito, may kahel, lila, dilaw, o pula. Kung tumingala ka sa langit ay masisiyahan ka sa korteng-pusong naiporma ng mga sanga ng mga puno. Kitang-kita mo ang alapaap.
Saktong pagtigil nila ay nagsimula nang magtakipsilim. The sky was painted orange, yellow, and red. There were streaks that could captivate your imagination.
“Wow, paano niyo ginawa ang lugar na ito?” manghang tugon ni Devon. “Devon, we didn’t make it, God did. But we just made a little touch-up,” sagot nito. Hindi pa rin niya inalis ang mga mata sa magandang paningin. Pinabayaan siya ni James at inayos nito ang portable dvd. Medyo magalaw ang lalaki dahil lumipat ito sa kanyang tabi.
She was distracted. “James, can you stop moving? Tataob tayo sa ginagawa mo eh,”
Tiningnan siya ng lalaki na nagtagumpay na lumipat sa kanyang tabi. “And can you stop scolding me? Let me take care of everything, okay?”
Tinaasan lang niya ng kilay ang lalaki. Pinisil nitong muli ang kanyang ilong at naglagay na ng disc sa portable dvd. “Hmm, gutom ka na ba?”
Napahawak siya sa kanyang tiyan. Namalayan na niyang kumakalam na ito. “Oo…”
Mula sa gilid ay kinuha nito ang basket at binuksan, “I was planning to prepare ice cream for you, but since I can’t because it might melt, I prepared fruits. Okay lang sa’yo?”
“Kelan pa ba hindi naging okay ang prutas sa akin? Okay na okay ‘yan sa akin,”
“Good. But nakita mo ang ice-cream pillow na ‘yan? I personally bought it para sa’yo upang ‘di mo masyadong ma-miss ang ice cream ngayon,”
Inabutan siya nito ng mansanas. Kumagat siya. Matamis ito. Nagsimula na ang palabas. Nanood sila ng isang short documentation tungkol sa pagmamahalan nina Prince William and Duchess Kate Middleton. Nadala si Devon sa napanood, sa bawat kagat niya sa kanyang mansanas ay pinipisil naman niya ang braso ni James. Yet, he couldn’t stop from smiling.
Dahil short film lang iyon, at hindi na nagdala ng ibang dvd si James ay nagkwentuhan na lamang silang dalawa. Kwentuhang lalaki sa babae. Kwentuhang getting-to-know-each-other. Kahit pang miminsan na silang nag-uusap ay hindi pa rin sila mawalan ng paksa. Paminsan-minsan naman ay sinusubuan ni James si Devon, maging ang dalaga sa binata. Naglaro din sila ng kahit anong maisip.
Makikita na ang buwan nang mapagpasyahan nilang bumalik na sa tabing-ilog. May nakitang alitaptap si Devon. Mabilis ang kamay ni James na hulihin ito. Maingat niya itong inilapit upang makita ng dalaga. Tila batang atat siya na makulong sa mga palad niya ang insekto. Kapwa sila nabighani sa munting ilaw na dala nito. Kahit pa nasiyahan siya ay pinalaya din niya ito. Nang makalipad na ito palayo sa kanila, pareho silang ngumiti.
Unang bumaba si James at inalayan si Devon. Hindi na sila nagsapin pa sa paa. Niramdam nila ang lamig ng damo sa bawat tapak na kanilang ginawa.
“Thank you so much. Honestly, binalik mo ang pagkabata ko,” pasasalamat ni Devon.
“You’re welcome. And I, too, must say thank you to you.” Sabi nito. Napahawak ito sa kanyang batok. “I don’t know, but everytime I’m with you, I’m at my best condition,”
“Ikaw lang? Ako din, no? Para bang opposite pole tayo na naatract sa positive energies.”
“Hindi naman tayo opposite, ‘di ba? Marami pa nga tayong common,”
“Ayy, ewan. Siguro. Hmm, let’s go na ba?” si Devon.
“Wait,” hinawakan nito ang kanyang palad. Nagitla ang dalaga. Nagpatuloy ito.“Can I say… ‘let’s go somewhere and live together forever’?”
“Ha?” she was tongue-tied.
“I love every bit of your personality Devon. I love every detail of your life. I love you more than you know,” marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha at unti-unti nang binaba ni James ang kanyang mukha sa kanya. Hindi na ito makapagtimpi. Ang mga mata nito ay tila ba nagsusumamo sa kanya na pagbigyan ito sa kanyang nais. She, on the other hand,  couldn’t urge her feelings to halt rather she closed her eyes and waited for his lips.
Pero! SWOOSH !
Umulan sa paligid nila. Bumukas ang lahat ng water-fountain sa DAMP. Natigilan sila. Nagkahiyaan, nagkatinginan at biglang paklang naghalakhakan. Kahit pa basa na ay tumakbo sila upang sumilong sa umbrella-tent. May nakitang towel si James at niyakap niya iyon kay Devon. He also warapped his self with a towel.  Wala pa halos silang hangin nang may pumutok sa kalangitan. Fireworks. Iba’t iba ang ang kulay. May mataas, may mababa.
Mas lalong namangha si Devon. She was at total awe. Hindi niya alam ang sasabihin. Lahat ng nangyari ay ayon sa kanyang ideal date. Tumulo ang kanyang luha. Kung noon ay siya ang sumusurpresa kay James, ngayon ay ang binata na mismo ang sumusurpresa sa kanya. Nasa likuran niya ang binata na nakatingin din sa fireworks. Nilingon niya ito na hindi man lang siya tinitigan. She smiled. At niyakap niya ang lalaki.
“Salamat. Salamat talaga.”
Niyakap rin siya ng lalaki. “Sabi ko namang basta para sa’yo, gagawin ko,”

chap16(accidentally inluv)

CHAPTER SIXTEEN
“Bibigyan na lang kita ng assignment,” sabi ni Devon habang pinagmasdan ang malawak na ilog.
Nasa DAMP sila ng araw na iyon. Nagtagisan lamang sila nang palayuan ng tapon ng bato. Inienjoy nilang dalawa ang masarap na simoy ng hangin. Si James na ang nagtapon ng bato. Malayu-layo ang inabot nito. “Why? Aren’t we going to take our lessons today?” tanong nito.
“Uuwi kasi ako ng maaga dahil tutulungan ko pa si mama para bukas. Alam mo, undas na.” rason niya. Siya naman ang tumayo at tumapon ng bato. Mas malayo ito.
“Oo nga pala. Mag-uundas na pala,” sambit nito. “What’s our assignment, by the way?” Pinisil muna nito ang kanyang ilong at tumayo na. Ito naman ang nagtapon.
Hinimas niya ang kanyang ilong. Nasanay na talaga ang binata sa kilos na ito. “Ano ba ‘yong ideal date mo? Isulat mo ‘yan sa one-whole paper. Ibigay mo sa akin bukas, okay?”
“Ideal date?”
“Oo, ideal date. ‘Yung between a lady and a man…”
“For what?” pag-uusisa nito. “Para sa examination mo, okay?” sagot niya.
“Ahh, ideal date, right?” nag-isip ito at tumabi sa kanya. Nakaupo sila sa damuhan. Nguya lang nang nguya ng chichirya si Devon. Hinintay niya ang sasabihin ng lalaki. Manakanaka namang sumubo si James.
Wala siguro itong maisip kaya ito naman ang nagtanong, “Ikaw, what’s your ideal date?”
Tumigil sa pagsubo ng pagkain si Devon at ngumiti. Hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ang tanong ng lalaki. Sa tanang lalaking nakakwentuhan niya, tanging si James lamang ang nakapagtanong sa kanya kung ano ang gusto niyang date. “Hmm, gusto ko iyong simple ngunit masaya tapos nakakakilig. O ‘di kaya’y kakaiba.”
“Kakaiba? Like eating kwek-kwek inside a Five-star hotel?”
“Tama!” nasiyahan niyang tugon. Naiintindihan talaga siya ng lalaki. “O, ‘di kaya ay candle-light dinner in the middle of a squatter’s road,”
“Or go on to beach using a mountainbike,” dugtong nito.
“Pwede ding movie-marathon sa isang bangka?” she asked in wit. “Then, nasa loob kayo ng isang masukal na gubat tapos kitang-kita mo ang buwan at bituin. Mas maganda siguro kung may mga alitaptap din.”
Napangiti ito. “’Yan din ang naisip ko, isn’t it nice din kung umulan? Tapos nagfi-fireworks,”
“Oo nga. Kapag ganun ‘yun, siguro mahal talaga ng lalaki ang babae dahil kaya niyang gawin ang lahat para lang sa kanya,” napasandal siya sa balikat ng lalaki habang nagninilaynilay.
Tinitigan lamang siya ni James. “’Di ba maganda naman ang ganoong date? Simple pero unforgettable talaga,” tanong niya na hindi man lang pinagkaabalahan ng tingin ang lalaki. “Yes. That’s the best date I could picture out,” sumegunda ito.
Napaayos siya nang upo nang may pumasok sa kanyang isipan. Pinaharap niya ang lalaki sa kanya. “Teka! Noong… noong beki ka pa…” kumunot ang noo nito. “…ahh, nakapagdate ka din ba ng ganun?”
“H-ha?”
“I mean, honestly ha? Ahh, pero ‘wag mo masyadong dibdibin ang sasabihin ko,” nahirapan siyang  sabihin ang kanyang naisip. “Maganda ka. Ahh, I mean maganda kang bakla kaya naisip ko na wala bang mga lalaking nagkagusto sa’yo o naidate ka… alam mo na,”
He chuckled, then said. “That’s a wish every gay is praying for, but it doesn’t turn out good once nandoon na,”
Sumimangot siya. Kahit pa goal niya ang gawing tunay na lalaki si James ay naaawa pa rin siya sa binata. “I’m sorry. Alam kong hindi madaling maging bakla,”
Muling pinisil ni James ang kanyang ilong. “But I’m not a gay anymore, right? So, don’t get sad.”
“Tsaka muna ‘yan sabihin kapag nakapasa ka na sa examination mo,”
“I already gave my ideal date, parehas pa nga tayo.” Rason nito. “No, no, hindi ka pa tapos. May isang assignment ka pa.” sabi niya. “Uh-oh.” Si James.
Mahinang sinuntok ni Devon ang braso nito. “H’wag ka ngang ‘uh-oh’ ng ‘uh-oh’ d’yan. Don’t worry pagkatapos nito ay graduation na natin, ‘yan kung makakapasa ka sa exam.”
Hinimas lang nito ang kanyang braso. “You’re getting used in punching me. Tsk. I got battered already,”
Humagalpak ng tawa si Devon. “Ang ilong ko kaya, hindi ba namumula sa palagian mong pisil?”
“Atleast, tumatangos na ‘yang ilong mo.” Pagdahilan nito. “Hay naku, ilang ulit ko bang sasabihing matangos na ang ilong ko?” ganti niya. “And how many times should I comment, confidence huh?” nakalusot pa rin ito. They ended laughing out loud.
Iniabot ni James ang isang chichirya sa kanya at nagtanong. “Can I ask something?”
“What, what, what?” at kinuha niya ang iniabot. “Ah, si Ivan ba hindi pa nagawa ang ganoong date sa’yo?” pagtataka nito.
“Ha? Bakit mo naman naitanong?”
“Kasi nararamdaman ko lang na hindi pa eh,” maingat nitong tugon.
Bahagya siyang natigilan tapos mapaklang ngumiti. “Ang mga date kasi namin ng pinsan mo, iba… iba sa pinipicture-out ko. Ahh, I mean hindi kulang, nasobrahan pa nga,”
Matiim lang itong nakatitig sa kanya. Iyong titig na nagsasabing ‘go on, I’ll listen.’ “Masaya naman ako. Kinikilig. Nararamdaman ko talaga ang sinseridad niya.” Pinagpatuloy niya ang usapan. “Kaso, iba talaga tayong mga babae, ‘di ba? Minsan talaga hinahanap natin ang mga gusto natin…”
Nagmistula na siyang nagkikwento sa kapwa niya babae at iyon ay si James. Sa sandaling oras ay nakalimutan niya ang dapat niyang gawin sa lalaki. Nagpapasalamat pa ng siya dahil may James na kayang makinig sa kanya tungkol sa mga bagay na ayaw niyang pag-usapan  sa kanyang mga kaibigan.
Hinawakan nito ang kanyang palad at nagsalita. “Diday-girl, I superduper understand you. Boys will always be boys, but they do listen.”
Nakikita niya ang binata bilang isang kaibigan. Hindi na niya binigyang kulay ang gesture nito. “Salamat sa advice.”
“No problem. What are friends are for?”
“Tama!” kinuha na niya ang kanyang mga palad at tumingin sa kanyang relos. “Hm, kailangan ko na palang umuwi. Iyong assignment mo pala, kailangan mong maghanap ng kadate,”
Inilalayan siya nito sa pagtayo. “Ano? Kailan?”
“Before November 2. Babae, ha?” sabi niya. “Hindi lalaki.”
“I’ll think about it,” pakli nito. “Kung hindi mo iyan magagawa, bagsak ka na sa lessons natin.” Tugon niya at lumakad na paalis sa lugar.
KASAMA ni James ang kanyang tita sa pagbisita sa puntod ng kanyang lolo. All Saints’ Day at unti-unti nang napupuno ang mga sementeryo. Maghapon silang tumigil sa libingan at maghapon ding abala ang isip niya kung sino ang babaeng yayayain niya ng date.
May naisip na sana siya kaso sigurado naman siyang hindi ito papayag. Isa pa ay kailangan niyang subukang maging malapit sa mga babae para lang makita ni Devon na tagumpay ito sa kanyang layunin. Nang mabagot siya ay nagpasya siyang maglakadlakad sa loob ng parke. Dininig nga marahil siya ng mga patay sa himlayan dahil sa ‘di pa kalayuan ay nabangga niya ang isang kilalang pigura. Si Ericka Villa, isa sa mga pinakamagandang babae sa kanilang paaralan.
“I’m sorry,” una niyang sambit.
Bahagya nitong inayos ang damit tsaka tumingin sa kanya. Tila nagulat ito, “James! Ikaw pala,”
“Hmm. Ericka, right?”
“Yes. Ericka Villa.” Inilahad nito ang kamay at inabot naman niya iyon. “And James Keid here,”
“Oo, sino nga naman ang hindi makakakilala sa’yo? The most surprising student in school,” mangha nitong sambit.
Nagitla siya sa tinuran nito. “Surprising… that’s an interesting topic about me,”
“Yeah. Marami kasi ang nasorpresang ang isang James Keid na ubod ng gwapo ay isang bakla pala,” sambit nito. Napatawa lamang siya. “But I think they are wrong. You don’t look gay to me right now,”  dagdag nito.
Alas! Hindi ako mahihirapang yayain ito. Naisip niya. “Oh, you take the impression correctly.”
“Oh, hindi ka talaga bakla.” Lumawig ang ngiti nito.
“Not a bit.”
“Hmm, well, anong maipaglilingkod ko sa’yo Mr. James Keid?”
“Ahh,” sabi niya. “Mind if I ask you out?”
Mas lalo siyang tinitigan ng babae. “You’re asking me on a date, right?”
“Hmm. Well, yes. If that’s okay with you. I really wanted to know you.” Totoo naman ang kanyang sinabi. “Kelan?” sabik rin ito sa kanyang hiling. “Tomorrow, 5pm. How about that?” sagot niya.
Nawala ang ngiti nito. “Bukas? Sa araw ng mga patay? Nagmamadali ka ba?”
“Ah, no.” nabitin siya sa kanyang sinagot. Wala siyang maisip na rason.
“James, why don’t we move the date? I mean, after undas?” suhestiyon nito. “I really can’t.” sagot niya.
Nagkibit-balikat ang dalaga. “Kung hindi mo kaya I resched ang date na hinihingi mo, then, I’m sorry, I can’t go with you. Look, I am a scary person. I won’t spend my Halloween dating,”
Oops, proposal decline! Kahit pa hinindian siya ng dalaga ay wala siyang naramdamang hinayang. “Ah, it’s okay. I understand.”
“James, sa ibang araw na lang, kung gusto mo pa,” pahabol pa nito.
Ngumiti siya sa babae. “Ahh, sure. But let us be friends first, right?”
“Hmm, precisely. Mauuna na ako. Nice meeting you again James,”
“Nice meeting you too, Ericka.” Sabi niya at tuluyan na itong lumakad palayo sa kanya.
Mas lalong nag-alala si James kung sino ang kanyang yayaing magdate. Talagang nakakapagod palang maghanap na kadate lalo na kung may iba kang gustong i-date. Dahil sa katamaran ay tinawagan na niya sina Jenny. Hihingi na siya ng payo dito.
Mabuti na lamang at marami itong alam. Nasiyahan siya sa plano nito. At dahil doon ay hindi na siya mapakali na dumating ang bukas.

chap15(acidentally inluv)

CHAPTER FIFTEEN
Maingat na iniabot ni Dhemy ang kahon kay Devon. Pinagmasdan ni James ang kahon. Nagtaka siya kung ano ang laman nito. Si Devon naman ay pangiti-ngiting sinilip ang loob. “James, ready ka na bang makita si Oddie?”
“Ahh, yes, of course! I’m eager to see Oddie, whatever he is,” kalmante pa niyang sagot.
“That’s a perfect answer.” Ngumiti si Devon. “James, meet Oddie, ang paboritong alaga ng kuya ko,”
Inilapag na nito ang kahon at maingat na kinuha ang takip. Sumilip rin siya sa loob. At kung gaano man siya kabilis sumilip sa kahon ay gan’on din kabilis siyang tumayo at napahawak sa kanyang dibdib. Ilang beses siyang napamalikmata. Humingal siyang napakapit sa posteng malapit sa kanyang kinatatayuan. “It’s …” ‘di niya nagawang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. Takot na takot siya.
“It’s spider, specifically, a tarantula.” Pagmamalaking sambit ni Devon.
Namutla siya sa kumpirmasyon. Totoo nga ang nakita niya. Isa iyong tarantula, isa sa mga hayop na kinatatakutan niya.
“Alam mo, James, maamo iyan si Oddie. Paborito pa nga iyan ng mga barkada ni kuya,” patuloy nito. Tumango lamang siyang hindi man lamang tinitigan ang hayop. “Tingnan mo naman, James…” pangungulit nito.
Umiling siya. “No, thanks.”
“Kuya? Takot ka ba sa mga gagamba?” maang tanong ni Dhemy.
“I just hate it…” mahina niyang sagot.
“Naku, ganun naman pala. Devon isauli mo na itong si Oddie sa itaas at nanginginig na si James sa takot.” Utos ng papa nito. Ngunit ‘di pa rin natinag ang dalaga sa kinatatayuan niya. “Pa, ‘di ba may kasabihan tayong ‘we must face our fears’? Ngayon na ang time na gamitin ni James ang kasabihang iyon,” rason nito . “So? You want me to die in fright dahil lang sa gagambang iyan?” pang-aaway niya.
“Well, sino ba ang may sabi na mamamatay ka kung titingnan mo ang gagambang iyan?” sagot naman nito.
“What’s with that tarantula that you want me to see?”
“I want you to see yourself! I want to let you know how coward you are, and that you already need to revise yourself,” makahulugan nitong sagot. Natigilan siya pati na ang pamilya nito. Nilapitan ng mama nito ang dalaga at hinimas ang likuran nito. “Devon.” Sabi nito. Huminga muna ito ng malalim tsaka nagsalita, “I’ll sing later. Magbibihis lang ako,” at tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan silang nakatingin sa papasok na dalaga. “Iho, sori sa dalaga ko ha? Siguro nagiging mahigpit na siyang masyado sa iyo,” panghihingi na paumanhin ng ama nito.
Ilang minuto muna siyang nag-isip. Tumingin siya dito at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “She had never been too much to me, rather she’s just enough.” And with all courage he could collect, he took a glimpse on the crawling creature inside the box.
NAGDALAWANG-ISIP si Devon na lumabas. Nag-alala kasi siya na baka nasobrahan siya sa pagpapahiya sa lalaki kanina. Hindi naman sana ganoon kagrabe ang gusto niyang mangyari kaso gan’on ang lumabas. Paano kung umalis na si James? Paano kung nagalit siya? Anong gagawin ko? Naisip ng dalaga. Eee, nakakainis ka naman kasi Devon! Hindi mo napigilan ang bunganga mo! Sa harap pa mismo ng magulang mo siya pinagalitan, pang-away niya sa sarili. Tatalikod na sana siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. “Diday-girl,”
Napalingon siya. Bahagya siyang ngumiti.
“Are we going now?” tanong ni James. Maaliwas na ang mukha nito, at mismong nasa harap pa nito ang kahon na naglalaman kay Oddie, the tarantula.
“Ahh, oo, sana.” Lumapit na siya sa kanila. “Okay. But we won’t leave unless you’ll sing. You promise that to us,” sabi nito. “Hmm,” lumunok muna siya. “C’mon, auntie and Dhemy told me you have a nice voice,” pang-eengganyo nito. “At hindi lang naman kami ang naghihintay sa kanta mo, pati si Oddie gusto ka ring marinig.” Sinilip nito ang hayop sa loob ng kahon tsaka ngumiti. Batid ni Devon na hindi na ito masyadong takot sa tarantula. Gayunpaman, halata pa rin ang mabagal na kilos nito tuwing sumisilip.
Nasiyahan naman ang kanyang magulang sa nakita. “Well, tumutupad ako sa pangako kaya ano bang kanta ang gusto niyong kantahin ko?”
“Ate, mag-duet na lang kayo ni kuya James,” suhestiyon ng kanyang kapatid.
“Tama ka, anak, magduet na lang kayo,” pagsang-ayon ng kanyang mama.
 Tsk. Si Dhemy at mama nga naman! “Okay lang ba sa’yo, James?” konsulta niya sa lalaki.
“Walang problema Anong kanta ba ang gusto niyo?” mas nasiyahan pa nga ito sa ideya. Napasubo nga talaga siya. “Kuya, ate, kantahin niyo ‘yung paborito kong kanta. Hmm, Two is better than one,” si Dhemy.
“Alam mo ba ‘yon?” tanong niya kay James. “C’mon, aketch ang numero unong fanatxt ni Taylor Swift!” pabiro nitong sagot. Tumaas ang kanyang kilay at akmang susuntukin ang lalaki ngunit ‘di niya iyon natuloy nang magsimula na itong maggitara at kumanta. Palalampasin kita ngayon, pero mamaya humanda ka, bakla ka! Pagmamaktol niya sa sarili.
Subalit, kalaunan sa kanilang kanta ay naramdaman ni Devon ang kasiyahan sa kanyang puso. Maganda ang boses ng binata. Sa bawat kanta nila ay tila ba nagsasayaw, nagkakaintindihan, nag-uusap ang kanilang mga damdamin na kapwa sila lamang ang nakakaalam. Pagkatapos ng kanta ay pareho na silang nakangiti. Pumalakpak naman ang kanyang mama’t si Dhemy.
Pinukaw sila ng kanyang ama, “Eherm, ayan tapos na kayong kumanta. Aalis ‘di ba kayo?”
“Hmm, ahh, opo.” Siya na ang sumagot. Tumayo na sila pareho. “Ate, pwedeng sumama?” hirit na kanyang kapatid. “H’wag ka nang sumama Dhemy. Sasamahan mo pa ang mama mo kina Ninang Felice mo,” agad naming sambit ng kanyang papa. Nasira ang mukha nito. Tumango lamang si Devon.
“O sige na, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo pag-uwi,” sabi ng mama niya.
“Opo, aalis na kami. Tayo na James,” nagpauna na siyang lumabas. Nagpaalam naman ito sa mga nakakatanda, “Uncle, Auntie, salamat ng marami sa lunch. Nabusog po talaga ako. Dhemy, sa susunod na lang ha? Sige po, pupunta na kami.”
“Walang anuman iyon iho. Salamat din sa pagtulong. Bumalik ka ulit ditto upang maturuan pa kita ng mas maraming putahe, okay?” ang mama niya ang sumagot.
Hanggang gate lamang sila hinatid ng kanyang mga magulang. Sa dalang black BMW ni James sila sumakay. “So, where are we going?” tanong nito nang paandarin na ang makina. “Manila Ocean Park po tayo,” kalmante niyang sagot. Napalingon ito sa kanya. “Please. Kailangan mong makita ang mga kaibigan kong pating doon,” she gave him an authoritative look. Walang nagawa si James kundi bumuntong-hininga at sinunod ang sinabi ng dalaga.
Mabuti na lamang at hindi masyadong traffic kaya naman ay maaga-aga pa silang dumating sa lugar. Naiinis si James sa napiling lugar ni Devon. How he hate spending time undersea. Ayaw na ayaw niya ang maalon, nahihilo siya. He had never been a fan of fishes or any creature down there either. Ngunit hyper si Devon sa paggala sa loob ng park. Siya mismo ang kumuha ng ticket nilang dalawa. Sa loob ay masigla siyang hinihila ng dalaga upang pagmasdan ang mga isda. Ang totoo ay nadala na siya sa kakulitan ng dalaga. Tila ba tinuruan siya nitong mahalin ang mga isda kahit pa hindi nito direktang sinasabi. Nagfish-feeding din sila. Pagpasok sa loob ng aquarium ay hindi pumayag si Devon na umalis sila kaagad. Binigyan siya nito ng pagkakataong maramdaman ang hiwaga ng dagat at ang mga nakatira dito. And she felt solitude especially she was seating beside him, taking care of him. Of course, they took pictures.
Sunod nilang ginawa ay ang Shark Attack. Muntikan nang mahilo si James nang malaman niyang bababa sila at haharapin ang mga pating. “James, kaya mo ‘to ‘di ba? Face our fears, right?” pinalakas ni Drevon ang loob niya. “Yeah. Matapang ako eh…” pangungumbinsi niya sa sarili. Yes, I’m not afraid. I can do this…
Nang bumaba na ang kinalalagyan nila ay ‘di siya mapakali. Nagthumps-up sa kanya si Devon. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kahit pa unang pagkakataon lang din nitong makaharap ang mga pating ay kinaya nito ito, siya pa kaya. Nahawa na rin siya sa excitement ng dalaga at unti-unti nang nawala ang kanyang takot. Iilan ding lumapit sa kanila ang mga pating ngunit hindi naman ito nananakot. Para pa ngang naghahanap ito ng kalaro. Nahawakan nilang pareho ang kinikilalang mabangis na hayop sa ilalim ng dagat. Umahon silang parehong nasiyahan.
Pagkatapos doon ay nagpafish spa sila. Tawa lang sila nang tawa habang nakikiliting dulot ng mga isda. Narelax silang pareho. Nang pabalik na sila sa baba ay binilhan nila ang isa’t isa ng souvenir. Isang stuff toy na kulay pink ang binili ni Devon para kay James, at kulay blue naman ang kinuha ng binata para sa dalaga. Hindi rin nila pinalampas ang pagkain ng cotton candy bago bumalik sa parking lot. Nais pa sana nilang tumingin ng dolphin show kaso mamaya pang gabi iyon.
“This is the best part of our lessons! I enjoy sooo much!” sabi ni James.
“Ako rin, nag-enjoy masyado. Naku, kalian kaya ako nag-enjoy nang husto? Parang ‘di ko na maalala eh,” sagot nito. Nasa loob sila ng kotse at handa ng lisanin ang lugar. “I never thought sharks are good,” pabiro niyang sabi. “Ako nga rin. First time ko kayang harapin sila,” pagkikwento nito. “But mas gusto ko ‘yung mga isdang maliit. Nakakaliti iyong ginagawa nila eh,”
“Hmm. Yes, sa fish spa. Sinabi mo pa,” segunda naman niya.
“Akala ko nga kakainin na nila ‘yung buong paa ko,” sabi nito. Kapwa silang tumawa. “Thank you nga pala,” nagmellow-down na ito. “Para sa’n?” tiningnan siya nito. “For making me realize how coward I am,” tiningnan din siya nito.
Ngumiti lamang ang dalaga. Pinisil niya ang ilong nito na kanyang nakagawian. “D’you know how happy I am right now?”
“Wala iyon. Masaya din naman ako kaya quits lang tayo,” patawa nitong sagot.
“But you make me happier each day we’re together…”
Sumeryoso ang mukha ng dalaga. “…maybe it’s because I found a best friend in yourself. Thank you again.” Dugtong ng binata. Mas lalong lumalim ang titig ni Devon sa binata. Nakatingin lamang ito sa harap. Hindi alam ni James kung ano ang iniisip ng dalaga, ano pa man iyon ay sana maintindihan nitong ito pa ang dapat nitong malaman mula sa kanya. “Are we going home, ma’am?”
“Ahh,” naialis nito ang titig sa kanya. “Teka, hmm, ireview mo nga ang lahat ng lessons natin? From the top.”
“No problem, teacher! Point one, Junk the Lingo. Point two, Attitude Check. And point three, Male Panache.” Pagmamayabang niya. “Very good. Mabuti at alam mo pa,” tugon nito. “But teacher, ano ba ang point four natin? At kalian ang lesson natin n’on?” usisa niya.
Wala pa rin siyang ideya na ang pinaggagawa nila ngayong araw na ito ay ang ikaapat na nila na pagtuturo. “Point four, Expunge fears. And we are already doing it today.”
“Ano? You mean everything we did today was part of the lessons?”
“Oo. Alam mo, totoong mahirap baguhin ang sarili kaya kailangan mong i-unattach sa buhay mo ang lahat ng uncertainties na kinasanayan mo na. Kailangang harapin natin ang mga kinatatakutan natin, in that way, inaalis na rin natin sa atin ang takot na baguhin ang ating sarili.”
Mangha niyang nilingon ang nagsalitang dalaga. “Kailan ka pa ba mawawalan ng sorpresa?”
“As a teacher, you need to surprise your students to let make them going,”
“Tsk. Bilib na talaga ako sa’yo. And s’an mo nalaman na takot at ayaw ko sa mga ganitong bagay?”
Mahina siya nitong pinalo sa braso. “Well, marami akong sources.”
“Sure? Hmm, wait, it seems you spell out my name with this points-to-remember…J, junk the lingo, A, attitude check, M, male panache, then E, expunge fears, kulang na lang ang S.”
“Ang talino mo, nakuha mo kaagad. Ayy, ginawa ko lang ‘yan para mas madali mong maalala, no? ‘Yung letter S, yan ang batayan natin kung pasa ka ba sa lessons natin. I’ll give Shumpak o Shokal!”
Kumunot ang noo niya. Pinigilan niya ang tawa. “Shumpak? Shokal?”
“Shumpak kung pumasa ka habang Shukal naman kung hindi,” giit nito at inirapan siya, “Paandarin mo na itong kotse at mahaba pa ang gabi natin.”
“Saan naman ba tayo?” at pinaandar na ang kotse. “I know you hate heights, so let go sky-diving. Malayo na kung mag-out-of-town pa kaya sa Mall of Asia na lang tayo,” utos nito. Pumangit ang kanyang ekspresyon. Mawawalan na talaga siya ng malay sa babaeng ito. “Gosh! If after this sky-diving is buying of rats, I’m going to freak out!” bulong niya sa sarili. Bagkus narinig siya ng babae. “Don’t worry, James. Takot ako sa daga.” Tangi lamang nitong sambit. He looked at her and smiled. The smile was never erased throughout the ride. Laking pasalamat niyang may pagkaparehas sila ng dalaga.
Muling nawala ang takot ni James sa height. Salamat kay Devon na palagi siyang chinicheer-up tuwing nahihilo siya kapag tumitingin siya sa baba. Para silang mga batang sabik na lumipad. Pati ang mga nag-aasikaso sa kanila ay nahawa na rin sa kanilang kakulitan. Nagpapicture pa sila kasama ang mga ito.
Kumain na sila pagkatapos magsky-diving. Upang matunaw ang kanilang kinain ay naglakadlakad sila sa MOA boulevard. Marami silang napag-usapan gaya nang kung ano ang kanilang gusto at ayaw, kung anong mga plano nila sa buhay, at kung anong mga pinagdaanan nila. Nang mapagod sila ay napagpasya na silang umuwi.
Pagdating sa kanikanilang bahay ay agad silang humiga na kapwa niyakap ang dolphin-stuff toy at binalikan ang nangyari sa buong araw.

chap 14(accidentally inlove)

CHAPTER FOURTEEN
Abala ang mga Serano sa loob ng kanilang kusina. Pinakiusapan kasi ni Devon ang kanyang papa na lutuin ang putahe nito na sisig na bangus, at sa kanyang mama naman ang ginataang manok. Pinabili naman niya ang kanyang kapatid ng maanghang na mani. Mabuti na lamang at naintindihan ng magulang niya ang kanyang hiling. Kahit alam na nito ang kanyang napasukan ay palagi pa rin nitong pinapaalala sa kanya na mag-ingat sa tukso dahil ano pa man ang pinapakita nito ay lalaki pa rin daw ito. Iyon na lamang ang kanyang laging iniisip. Kahit pa minsan ay iba talaga ang dulot ng presensya ni James sa kanya.
“Ate Devon, kainin na natin itong mani. Ang sarap eh,” nakatingin si Dhemy sa isang mangkok na mani na handang-handa nang kainin kung papayag man siya.
Inilipat niya ang mangkok sa ibabaw ng ref, “Dhemy, h’wag mo ‘tong pagnasaan, ha? Mamaya na, maghintay ka.”
“Tsk, bakit ba ate? Ipapakain mo ba iyan kay kuya James? Naku, mabuti pa siya binibilhan mo ng ganyan,” pagmamaktol nito. “Uyy, nagseselos ba itong kapatid ko? Eh, binibilhan naman kita, ‘di ba?” pang-aamo niya at ginulo na niya ang buhok nito.
Pinigil iyon ni Dhemy. “Ate, tama na nga. Umaasta kang parang si kuya eh,”
“Si kuya lang ba ang pwedeng magganyan sa iyo?” At mas ginulo ni Devon ang buhok ng kapatid. Naiinis namang winawakli ni Dhemy ang kanyang kamay.
“Magsitigil nga kayong dalawa. Mabuti pa ligpitin niyo na itong mga kalat at tulungan ang mama niyo sa kanyang lulutuin,” sita ng kanilang papa.
Tumigil na sila at nagsimula nang ligpitin ang mga kalat. Nagkomento na ulit ang kanyang kapatid. Marami nga itong napansin! “Ate, ang dami mo yatang handa ngayon, ha? Pansin ko lang, ‘pag si kuya Ivan ang pumupunta dito, simple lang iyong mga pagkain, ngayon si kuya James, ang dami!”
Napatingin lamang si Devon kay Dhemy. Sinalo na siya ng kanyang ina na kakapasok lamang ng kusina at narinig ang sinabi nito. “Dhemy, alam mo naman na kapag kaibigan niyo na first time pa lang pumunta dito ay hinahandaan talaga natin,”
“Oo, Dhemy. Mabuti na rin ‘yong gan’un para makilala talaga naming mabuti ang mga kaibigan ninyo,” segunda naman ng kanyang ama.
Whew! Salamat papa at mama! Naibulong ni Devon. “At tsaka, kasali pa rin naman ito sa lesson namin eh,” pagdadahilan niya.
Tila naniwala naman ito at nagkibit-balikat na lamang. Sinimulan na nilang hiwain ang mga putahe para sa ginataang manok ng kanyang mama nang tumunog ang kanilang doorbell. Si Dhemy ang nagbukas ng gate. Pagbalik nito sa kusina ay abot-tenga na ang ngiti nito. Kasama na nito si James.“Eherm, nandito na si kuya James,”
“Good noon po,” bati nito. He was handsomely dressed. White long sleeve at tinernuhan niya ito ng maong jeans. Wala na itong light make-up. Napatingin na lamang si Devon sa binata.
“Iho, magandang tanghali.” Ganti ng mama niya. Tumango lang ang kanyang papa. “Devon, mabuti pa samahan mo muna siya sa sala kasi tatapusin ko lang ang niluluto ko.” Utos ng mama niya sa mahinang boses.
“Ahh, opo, ma.” Wika niya at lumapit na kina James. “Hmm, doon muna tayo sa salas?”
Tumingin din sa kanya si James at ngumiti. “Sure. Hmm, ang bango naman ng luto niyo.”
“Ayy, naku, iho. Sana magustuhan mo ang lulutuin kong ginataang manok,” pambibida ng kanyang mama.
“Ginataang manok? Wow, that’s my favorite.” Tugon naman nito. “Actually, my mom loves to cook that one, and she also taught me how.”
“Talaga? Marunong ka pa lang magluto?” silang dalawa ang nag-uusap. Nagkatinginan na lamang sina Devon, Dhemy, at ang kanilang ama. “Hmm, slightly.” Sagot nito. “Mabuti pa iho, tulungan mo akong magluto,” pag-anyaya ng kanyang ina.
Napalingon sa kanya si James na tila kumukonsulta. Kumunot lamang ang kanyang noo. “Hmm, I’m afraid it might give a bad result…”
“Sige na, iho. Minsan lang akong manghihingi sa’yo ng pabor,” nakangiti ito sa kanya.
Muli itong lumingon kay Devon. Nag-aalinlangan naman itong ngumiti. “Ahh, okay. Sure, I’ll help you auntie,” at lumapit na ito sa mama niya. Walang nagawa sina Devon kundi tumulong na lang sa kusina. Masigla namang nagluluto ang kanyang ina at si James. Nagkasundo ang dalawa na kapwa paborito ang pagluto. Nakuha ni James ang kanyang galing sa pagluto mula sa kanyang ina. Pinangakuan naman ito ng mama niya na tuturuan siya ng iba pang resipe.
Nang malapit ng maluto ang ginataan ay kinuha na nina Devon at Dhemy ang mga bagong plato sa cabinet. Nakagawian na nilang gamitin ang mga bagong plato kapag may bisita. Napatigil si Devon sa pader ng kanilang kusina at tiningnan ang masayang pag-uusap ng kanyang papa, mama, at James.
“Ate,” untag ng kapatid na nakasunod na pala sa kanya. “Can you give me a favor?”
“Ano?”
“Kung lalaki na si kuya James, sabihin mo sa kanya na ligawan ako. Tutal, graduating na ako sa high scholl, magco-college na ako. Hindi masyadong malayo ang age gap namin,” seryosong sambit nito na nakatingin din sa mga ito.
Pinagdilatan niya ito. “Kung sabihin ko kayang h’wag na siyang makadalaw dito dahil may umaaligid sa kanyang linta?”
“Grabe ka naman, as in, to the highest degree! Joke nga lang iyon,” wika nito. “Mabuti dalian mo na d’yan para makakain na tayo. Gutom na ako.” Tanging nasabi niya at tuluyan nang lumakad. Napagtanto niyang nasaktan siya sa sinabi ng kapatid. Tila ba nagseselos siya kahit hindi naman dapat.
PAGKATAPOS maihanda ang mesa ay kumain na sila. Tila ginanahan si James sa nakita niyang pagkain sa hapag. Mapapakain talaga ako nito, naisip niya. Matapos magdasal ay kanya-kanya na silang kuha ng kanin. Magkatabi sila ni Devon. Biglang tumayo si Devon, “Naku, may nakalimutan ako.”
May kinuha ang dalaga at nang bumalik na ito ay dala nito ang isang pinggang sisig na bangus. ‘Di sinadyang napangiwi siya. Tinapat iyon ng dalaga sa kanya. Napatingin siya nito. Kay tamis ng ngiti nito. “Hmm, ito ang specialty ni papa, sisig na bangus. Naku, maraming sili ang inilagay dito. Try mo James, it’s delicious!”
Hindi siya umimik. Tinitigan lamang niya ang pagkain.
“Ayaw mo ba ng sisig, iho?” tanong ng papa ng dalaga.
“Ahh…”
“Pa, baka naman allergic si kuya James ng bangus. Sana ‘yung mukha na lang ng baboy ang ginamit mo.” Pag-aalala ni Dhemy.  “Allergy ka ba ng bangus, iho?” konsulta din ng mama niya.
“Hmm, no. Hindi naman ako allergic ng bangus.” Sambit nito.
“Ganun naman pala, eh. ‘Di kailangan i-try mo itong sisig ni papa,” Devon insisted. “And James, you know, hindi ito masyadong maanghang. Why don’t you give it a try?”
Napalunok muli si James. Hindi sa ayaw niya ng sisig ngunit natatakot lang talaga siyang tumikim ng maanghang. “Diday-girl, I really can’t. I don’t like eating spicy foods,” bulong niya sa dalaga.
Pabulong din itong sumagot. “James, pagkain lang iyan na maanghang, kung ‘di mo kayang kainin ang maanghang, paano mo kaya haharapin ang ilan pang nakakatakot na bagay sa mundo?” nakapagtanto siya. “And besides, every real guy is brave- brave enough to face dare especially eating spicy foods,” she added. Sumimangot siya.
“Ahh, iho, kung ayaw mo nitong sisig ko ay ‘di na kita pipilitin,” sabi ng ama ni Devon. “Sayang naman ‘tong niluto ko na para talaga sa’yo.”
Napalingon siya nito, at tsaka sa sisig sa mesa. Lumunok ulit siya. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng laway. Sa kanyang likuran naman ay hindi niya napansin ang pagkindat ni Devon sa kanyang papa at ito naman sa dalaga. “Uhh, no, sir. Actually, I want to try it…” alanganin niyang sambit.
“Ano? Ulitin mo nga?” pangungulit ng dalaga. “I said, I want to try it.” Muli niyang sabi.
“Oooh?” pa-cute nitong reaksyon.
Napangiti si James. He couldn’t fail to miss the smile of this lady seated next to her. Kinuha na niya pinggan na may sisig at kumuha ng piraso. Tinikman niya ang ulam. Sa una ay tumikhim siya ngunit kailangan niya itong kayanin, sumubo pa siya sa pangalawang pagkakataon. Mainit na ang kanyang pakiramdam. Nakatingin lang sa kanya ang buong Serano. Ngumisi lamang siya.
“Ayy, kumakain naman pala si kuya James ng sisig, eh.” Bulalas ni Dhemy.
Tinapik siya ni Devon at nagthumb-up sign. Tumugon din siya nito sa pamamagitan ng thumbs-up. Sa kalaunan ay hindi na naaanghangan si James sa sisig. At masigla na silang kumain. Tumagal ang kanilang kainan dahil sa kwentuhan at tawanan. Nang matapos na ay hindi na siya pinayagan ng mama ni Devon na tumulong sa paghugas ng pinggan. Hindi na rin siya nagpumilit at dumiretso na sa labas. Nakita niya si Dhemy na abala sa kanyang gitara.
Umupo siya katabi nito. “You play guitar.” Pambubukas niya ng usapan.
Tumigil ito sa kanyang ginagawa at humarap sa kanya. “Naku, hindi naman po masyado,”
“Is this your guitar? It’s nice.”
“Ahh, opo. Regalo ng kuya ko sa akin.Marunong po ba kayong maggitara?” tanong nito.
Tumango siya. “I have one at home,”
“Ganun po ba? Gusto niyo pong maggitara? Ito po,” iniabot nito ang gitara sa kanya. Nahihiya naman niyang tinanggap ito. “Tuturuan na lang sana kita,” sabi niya. “Hmm, gusto ko pa talaga. Pero, pwede magrequest?” sambit nito.
“What is it?”
“Kumanta po muna kayo. Please!” pagmamakaawa nito. “Ha? Uhh, ikaw na lang,” nahihiya niyang tugon. “Sige na kuya. Please?” niyugyog na siya nito. Napakamot siya sa kanyang ulo. “Hmm, sige na nga.” Sumuko na siya at binigyan ng sample ang dalaga. Nakangiti naman itong nakatingin sa kanya habang kumanta siya ng Your Call ng Secondhand Serenade.
Napapalakpak ito nang matapos na siya. “Ayee, kuya ang galing mo palang maggitara at kumanta.”
Ngumiti siya. “Salamat, pero may mas magaling pa sa ‘kin, ‘no?”
“Naku, ikaw ang da best sa ‘kin kuya,”
He chuckled, then remembered something. “Dhemy, can I ask something?”
“Ano po iyon?”
Bahagya siyang lumapit dito at bumulong. “Ang ate Devon mo, does she sing?”
“Ay! Kuya, ‘di mo alam magaling kumanta ang ate ko. Mas magaling pa iyon sa akin,”
“Really?”
“Really. Pakantahin mo mamaya para malaman mo,” suhestiyon nito. “Hmm. Sige, pakakantahin natin mamaya.” Salo din niya. Lumabas ang papa nito at inutusan si Dhemy na bumili ng softdrinks. Magkakantahan daw muna sila habang naghihintay kay Devon. He agreed, and he loved it.
SA gilid ng pintuan ay nakatanaw si Devon. Naisip niya kung gaano kadali naging close si James sa kanyang pamilya, hindi katulad ni Ivan. Siguro ay may mga bagay na magkahawig ang pamilya niya at si James kaya ganun. Bumuntong-hininga siya. Malapit na ang pasukan nila, at malapit na ring umuwi si Ivan. Ibig sabihin niyan ay malapit na ring matapos ang kanilang lessons. Kahit pa maikling panahon lamang silang nagkasama ng binata ay tiyak malulungkot siya. Parang ‘di pa niya kayang magmove-on.
“Iha? Baka mabitawan mo pa ang mangkok kung hindi mo pa iyan ilalabas,” pukaw ng mama niya sa likuran.
Muntikan na niyang maitapon ang mani dahil sa gitla. “Mama naman, nanggugulat.”
“Ano bang tinitingnan mo diyan ha?” nakitayo rin ito sa kanya. “Si James ba?” panunukso nito.
“Mama! Hindi ah,” she denied. “May naisip lang ako kaya ako napatigil,”
“Talaga? Eh, ano na naman ba pumasok sa isipan mo?”
Pabiro siyang ngumiti sa kanyang mama at nagtanong. “Ma, nasaan ba iyong Oddie ni kuya? Nasa kwarto niya pa ba?”
Pinalo muna siya ng kanyang mama tsaka nagsermon, “Ikaw’ng bata ka! Wala ka na talagang magawa sa buhay, ano? Bakit pati ang alaga ng kuya mo, gusto mong pakialaman? Naman, iha, kung matakot si James at tumilapon ‘yong hayop? Lagot tayo sa kuya mo,”
“Talagang matatakot siya, takot ‘yan sa mga ganun eh.” Cool niya pa ring sagot. “Besides ma, don’t worry, I’ll take care of everything. Akong bahala!”
“Ewan ko sa’yo. Ilabas mo na ‘yang mani at makain na iyan. Samahan mo iyan ng tubig dahil maanghang iyan, kawawa na si James.” Sabi nito at lumabas na.
Sumunod na rin siya sa ina. Wala siyang planong kumuha ng tubig. Ang gusto niya ay masanay ang binata sa pagkain ng maanghang. “Peanuts!” inilapag na niya ang pinggan. “Magbibihis lang muna ako James tapos lakad na tayo,”
“Wait. You sing first,” pinigilan siya nito sa kamay. Napatitig siya sa kanyang kamay. “Hindi pwede. Namamalat ako.” Tanggi niya at sinubukang kumalas ngunit lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. “Okay lang. Tayo lang naman,” giit ni James.
“Sige na anak. Kumanta ka na. i-share mo naman iyang talent mo,” singit ng kanyang mama.
Pinanghinaan siya ng loob ngunit wala siyang planong bumigay. “Hindi talaga pwede. Baka masira pa itong bahay natin kapag kumanta ako,”
Nagsalita na rin ang kanyang papa, “Okay lang ‘nak kung masira, may house insurance naman tayo sa bangko.”
Lumaki ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Tila ba pinapaboran pa ng kanyang mga magulang ang mokong na si James kesa sa kanilang sariling anak. Nilagyan yata ng gayuma ni James ang kanyang nilutong pagkain upang bumait ang mga magulang niya sa kanya.
“Hay naku, ‘wag nga kayong maniwala kay ate, hindi naman ‘yan namamalat eh. Kumanta pa nga ‘yan kanina habang naliligo,” pambibisto ng kanyang kapatid na kakapasok lang sa loob ng bahay bitbit ang nabiling softdrinks.
Kulang na lang ay sugurin niya ang kapatid at kurutkurutin upang tumahamik lamang. Pinagkakaisahan na talaga siya ng buong pamilya. Pangiti-ngiti naman siyang pinagmasdan ni James na binitawan na ang kanyang kamay. Wala na talaga siyang lusot.
“Fine. I’ll sing. Pero bago muna iyan, gusto kong nandito si Oddie.” Sabi niya.
“Who’s Oddie?” tanong ng binata.
“Anak, sure ka ba?” sambit naman ng kanyang mama.
“Makikilala mo rin siya James, and mom, I’m sure.” She mischievously smiled. “Dhemy, pakikuha mo naman siya, please.” Baling niya sa kapatid. Nag-aalinlangan itong bumulong sa kanya. “Ate, ‘yong alaga ni kuya? Baka matakot si kuya,”
Bumulong din siya. “May iba bang Oddieng alaga si kuya? Wala naman, ‘di ba? And I know, he’s going to love it. Kaya kunin mo na,” tinulak niya ang kapatid, at napilitan itong pumanhik sa itaas. Hindi mapawi ni Devon ang pilyang ngiti habang puno naman ng pagtataka si James. Her parents couldn’t stop worrying.