Friday, June 24, 2011

chap15(acidentally inluv)

CHAPTER FIFTEEN
Maingat na iniabot ni Dhemy ang kahon kay Devon. Pinagmasdan ni James ang kahon. Nagtaka siya kung ano ang laman nito. Si Devon naman ay pangiti-ngiting sinilip ang loob. “James, ready ka na bang makita si Oddie?”
“Ahh, yes, of course! I’m eager to see Oddie, whatever he is,” kalmante pa niyang sagot.
“That’s a perfect answer.” Ngumiti si Devon. “James, meet Oddie, ang paboritong alaga ng kuya ko,”
Inilapag na nito ang kahon at maingat na kinuha ang takip. Sumilip rin siya sa loob. At kung gaano man siya kabilis sumilip sa kahon ay gan’on din kabilis siyang tumayo at napahawak sa kanyang dibdib. Ilang beses siyang napamalikmata. Humingal siyang napakapit sa posteng malapit sa kanyang kinatatayuan. “It’s …” ‘di niya nagawang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. Takot na takot siya.
“It’s spider, specifically, a tarantula.” Pagmamalaking sambit ni Devon.
Namutla siya sa kumpirmasyon. Totoo nga ang nakita niya. Isa iyong tarantula, isa sa mga hayop na kinatatakutan niya.
“Alam mo, James, maamo iyan si Oddie. Paborito pa nga iyan ng mga barkada ni kuya,” patuloy nito. Tumango lamang siyang hindi man lamang tinitigan ang hayop. “Tingnan mo naman, James…” pangungulit nito.
Umiling siya. “No, thanks.”
“Kuya? Takot ka ba sa mga gagamba?” maang tanong ni Dhemy.
“I just hate it…” mahina niyang sagot.
“Naku, ganun naman pala. Devon isauli mo na itong si Oddie sa itaas at nanginginig na si James sa takot.” Utos ng papa nito. Ngunit ‘di pa rin natinag ang dalaga sa kinatatayuan niya. “Pa, ‘di ba may kasabihan tayong ‘we must face our fears’? Ngayon na ang time na gamitin ni James ang kasabihang iyon,” rason nito . “So? You want me to die in fright dahil lang sa gagambang iyan?” pang-aaway niya.
“Well, sino ba ang may sabi na mamamatay ka kung titingnan mo ang gagambang iyan?” sagot naman nito.
“What’s with that tarantula that you want me to see?”
“I want you to see yourself! I want to let you know how coward you are, and that you already need to revise yourself,” makahulugan nitong sagot. Natigilan siya pati na ang pamilya nito. Nilapitan ng mama nito ang dalaga at hinimas ang likuran nito. “Devon.” Sabi nito. Huminga muna ito ng malalim tsaka nagsalita, “I’ll sing later. Magbibihis lang ako,” at tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan silang nakatingin sa papasok na dalaga. “Iho, sori sa dalaga ko ha? Siguro nagiging mahigpit na siyang masyado sa iyo,” panghihingi na paumanhin ng ama nito.
Ilang minuto muna siyang nag-isip. Tumingin siya dito at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “She had never been too much to me, rather she’s just enough.” And with all courage he could collect, he took a glimpse on the crawling creature inside the box.
NAGDALAWANG-ISIP si Devon na lumabas. Nag-alala kasi siya na baka nasobrahan siya sa pagpapahiya sa lalaki kanina. Hindi naman sana ganoon kagrabe ang gusto niyang mangyari kaso gan’on ang lumabas. Paano kung umalis na si James? Paano kung nagalit siya? Anong gagawin ko? Naisip ng dalaga. Eee, nakakainis ka naman kasi Devon! Hindi mo napigilan ang bunganga mo! Sa harap pa mismo ng magulang mo siya pinagalitan, pang-away niya sa sarili. Tatalikod na sana siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. “Diday-girl,”
Napalingon siya. Bahagya siyang ngumiti.
“Are we going now?” tanong ni James. Maaliwas na ang mukha nito, at mismong nasa harap pa nito ang kahon na naglalaman kay Oddie, the tarantula.
“Ahh, oo, sana.” Lumapit na siya sa kanila. “Okay. But we won’t leave unless you’ll sing. You promise that to us,” sabi nito. “Hmm,” lumunok muna siya. “C’mon, auntie and Dhemy told me you have a nice voice,” pang-eengganyo nito. “At hindi lang naman kami ang naghihintay sa kanta mo, pati si Oddie gusto ka ring marinig.” Sinilip nito ang hayop sa loob ng kahon tsaka ngumiti. Batid ni Devon na hindi na ito masyadong takot sa tarantula. Gayunpaman, halata pa rin ang mabagal na kilos nito tuwing sumisilip.
Nasiyahan naman ang kanyang magulang sa nakita. “Well, tumutupad ako sa pangako kaya ano bang kanta ang gusto niyong kantahin ko?”
“Ate, mag-duet na lang kayo ni kuya James,” suhestiyon ng kanyang kapatid.
“Tama ka, anak, magduet na lang kayo,” pagsang-ayon ng kanyang mama.
 Tsk. Si Dhemy at mama nga naman! “Okay lang ba sa’yo, James?” konsulta niya sa lalaki.
“Walang problema Anong kanta ba ang gusto niyo?” mas nasiyahan pa nga ito sa ideya. Napasubo nga talaga siya. “Kuya, ate, kantahin niyo ‘yung paborito kong kanta. Hmm, Two is better than one,” si Dhemy.
“Alam mo ba ‘yon?” tanong niya kay James. “C’mon, aketch ang numero unong fanatxt ni Taylor Swift!” pabiro nitong sagot. Tumaas ang kanyang kilay at akmang susuntukin ang lalaki ngunit ‘di niya iyon natuloy nang magsimula na itong maggitara at kumanta. Palalampasin kita ngayon, pero mamaya humanda ka, bakla ka! Pagmamaktol niya sa sarili.
Subalit, kalaunan sa kanilang kanta ay naramdaman ni Devon ang kasiyahan sa kanyang puso. Maganda ang boses ng binata. Sa bawat kanta nila ay tila ba nagsasayaw, nagkakaintindihan, nag-uusap ang kanilang mga damdamin na kapwa sila lamang ang nakakaalam. Pagkatapos ng kanta ay pareho na silang nakangiti. Pumalakpak naman ang kanyang mama’t si Dhemy.
Pinukaw sila ng kanyang ama, “Eherm, ayan tapos na kayong kumanta. Aalis ‘di ba kayo?”
“Hmm, ahh, opo.” Siya na ang sumagot. Tumayo na sila pareho. “Ate, pwedeng sumama?” hirit na kanyang kapatid. “H’wag ka nang sumama Dhemy. Sasamahan mo pa ang mama mo kina Ninang Felice mo,” agad naming sambit ng kanyang papa. Nasira ang mukha nito. Tumango lamang si Devon.
“O sige na, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo pag-uwi,” sabi ng mama niya.
“Opo, aalis na kami. Tayo na James,” nagpauna na siyang lumabas. Nagpaalam naman ito sa mga nakakatanda, “Uncle, Auntie, salamat ng marami sa lunch. Nabusog po talaga ako. Dhemy, sa susunod na lang ha? Sige po, pupunta na kami.”
“Walang anuman iyon iho. Salamat din sa pagtulong. Bumalik ka ulit ditto upang maturuan pa kita ng mas maraming putahe, okay?” ang mama niya ang sumagot.
Hanggang gate lamang sila hinatid ng kanyang mga magulang. Sa dalang black BMW ni James sila sumakay. “So, where are we going?” tanong nito nang paandarin na ang makina. “Manila Ocean Park po tayo,” kalmante niyang sagot. Napalingon ito sa kanya. “Please. Kailangan mong makita ang mga kaibigan kong pating doon,” she gave him an authoritative look. Walang nagawa si James kundi bumuntong-hininga at sinunod ang sinabi ng dalaga.
Mabuti na lamang at hindi masyadong traffic kaya naman ay maaga-aga pa silang dumating sa lugar. Naiinis si James sa napiling lugar ni Devon. How he hate spending time undersea. Ayaw na ayaw niya ang maalon, nahihilo siya. He had never been a fan of fishes or any creature down there either. Ngunit hyper si Devon sa paggala sa loob ng park. Siya mismo ang kumuha ng ticket nilang dalawa. Sa loob ay masigla siyang hinihila ng dalaga upang pagmasdan ang mga isda. Ang totoo ay nadala na siya sa kakulitan ng dalaga. Tila ba tinuruan siya nitong mahalin ang mga isda kahit pa hindi nito direktang sinasabi. Nagfish-feeding din sila. Pagpasok sa loob ng aquarium ay hindi pumayag si Devon na umalis sila kaagad. Binigyan siya nito ng pagkakataong maramdaman ang hiwaga ng dagat at ang mga nakatira dito. And she felt solitude especially she was seating beside him, taking care of him. Of course, they took pictures.
Sunod nilang ginawa ay ang Shark Attack. Muntikan nang mahilo si James nang malaman niyang bababa sila at haharapin ang mga pating. “James, kaya mo ‘to ‘di ba? Face our fears, right?” pinalakas ni Drevon ang loob niya. “Yeah. Matapang ako eh…” pangungumbinsi niya sa sarili. Yes, I’m not afraid. I can do this…
Nang bumaba na ang kinalalagyan nila ay ‘di siya mapakali. Nagthumps-up sa kanya si Devon. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kahit pa unang pagkakataon lang din nitong makaharap ang mga pating ay kinaya nito ito, siya pa kaya. Nahawa na rin siya sa excitement ng dalaga at unti-unti nang nawala ang kanyang takot. Iilan ding lumapit sa kanila ang mga pating ngunit hindi naman ito nananakot. Para pa ngang naghahanap ito ng kalaro. Nahawakan nilang pareho ang kinikilalang mabangis na hayop sa ilalim ng dagat. Umahon silang parehong nasiyahan.
Pagkatapos doon ay nagpafish spa sila. Tawa lang sila nang tawa habang nakikiliting dulot ng mga isda. Narelax silang pareho. Nang pabalik na sila sa baba ay binilhan nila ang isa’t isa ng souvenir. Isang stuff toy na kulay pink ang binili ni Devon para kay James, at kulay blue naman ang kinuha ng binata para sa dalaga. Hindi rin nila pinalampas ang pagkain ng cotton candy bago bumalik sa parking lot. Nais pa sana nilang tumingin ng dolphin show kaso mamaya pang gabi iyon.
“This is the best part of our lessons! I enjoy sooo much!” sabi ni James.
“Ako rin, nag-enjoy masyado. Naku, kalian kaya ako nag-enjoy nang husto? Parang ‘di ko na maalala eh,” sagot nito. Nasa loob sila ng kotse at handa ng lisanin ang lugar. “I never thought sharks are good,” pabiro niyang sabi. “Ako nga rin. First time ko kayang harapin sila,” pagkikwento nito. “But mas gusto ko ‘yung mga isdang maliit. Nakakaliti iyong ginagawa nila eh,”
“Hmm. Yes, sa fish spa. Sinabi mo pa,” segunda naman niya.
“Akala ko nga kakainin na nila ‘yung buong paa ko,” sabi nito. Kapwa silang tumawa. “Thank you nga pala,” nagmellow-down na ito. “Para sa’n?” tiningnan siya nito. “For making me realize how coward I am,” tiningnan din siya nito.
Ngumiti lamang ang dalaga. Pinisil niya ang ilong nito na kanyang nakagawian. “D’you know how happy I am right now?”
“Wala iyon. Masaya din naman ako kaya quits lang tayo,” patawa nitong sagot.
“But you make me happier each day we’re together…”
Sumeryoso ang mukha ng dalaga. “…maybe it’s because I found a best friend in yourself. Thank you again.” Dugtong ng binata. Mas lalong lumalim ang titig ni Devon sa binata. Nakatingin lamang ito sa harap. Hindi alam ni James kung ano ang iniisip ng dalaga, ano pa man iyon ay sana maintindihan nitong ito pa ang dapat nitong malaman mula sa kanya. “Are we going home, ma’am?”
“Ahh,” naialis nito ang titig sa kanya. “Teka, hmm, ireview mo nga ang lahat ng lessons natin? From the top.”
“No problem, teacher! Point one, Junk the Lingo. Point two, Attitude Check. And point three, Male Panache.” Pagmamayabang niya. “Very good. Mabuti at alam mo pa,” tugon nito. “But teacher, ano ba ang point four natin? At kalian ang lesson natin n’on?” usisa niya.
Wala pa rin siyang ideya na ang pinaggagawa nila ngayong araw na ito ay ang ikaapat na nila na pagtuturo. “Point four, Expunge fears. And we are already doing it today.”
“Ano? You mean everything we did today was part of the lessons?”
“Oo. Alam mo, totoong mahirap baguhin ang sarili kaya kailangan mong i-unattach sa buhay mo ang lahat ng uncertainties na kinasanayan mo na. Kailangang harapin natin ang mga kinatatakutan natin, in that way, inaalis na rin natin sa atin ang takot na baguhin ang ating sarili.”
Mangha niyang nilingon ang nagsalitang dalaga. “Kailan ka pa ba mawawalan ng sorpresa?”
“As a teacher, you need to surprise your students to let make them going,”
“Tsk. Bilib na talaga ako sa’yo. And s’an mo nalaman na takot at ayaw ko sa mga ganitong bagay?”
Mahina siya nitong pinalo sa braso. “Well, marami akong sources.”
“Sure? Hmm, wait, it seems you spell out my name with this points-to-remember…J, junk the lingo, A, attitude check, M, male panache, then E, expunge fears, kulang na lang ang S.”
“Ang talino mo, nakuha mo kaagad. Ayy, ginawa ko lang ‘yan para mas madali mong maalala, no? ‘Yung letter S, yan ang batayan natin kung pasa ka ba sa lessons natin. I’ll give Shumpak o Shokal!”
Kumunot ang noo niya. Pinigilan niya ang tawa. “Shumpak? Shokal?”
“Shumpak kung pumasa ka habang Shukal naman kung hindi,” giit nito at inirapan siya, “Paandarin mo na itong kotse at mahaba pa ang gabi natin.”
“Saan naman ba tayo?” at pinaandar na ang kotse. “I know you hate heights, so let go sky-diving. Malayo na kung mag-out-of-town pa kaya sa Mall of Asia na lang tayo,” utos nito. Pumangit ang kanyang ekspresyon. Mawawalan na talaga siya ng malay sa babaeng ito. “Gosh! If after this sky-diving is buying of rats, I’m going to freak out!” bulong niya sa sarili. Bagkus narinig siya ng babae. “Don’t worry, James. Takot ako sa daga.” Tangi lamang nitong sambit. He looked at her and smiled. The smile was never erased throughout the ride. Laking pasalamat niyang may pagkaparehas sila ng dalaga.
Muling nawala ang takot ni James sa height. Salamat kay Devon na palagi siyang chinicheer-up tuwing nahihilo siya kapag tumitingin siya sa baba. Para silang mga batang sabik na lumipad. Pati ang mga nag-aasikaso sa kanila ay nahawa na rin sa kanilang kakulitan. Nagpapicture pa sila kasama ang mga ito.
Kumain na sila pagkatapos magsky-diving. Upang matunaw ang kanilang kinain ay naglakadlakad sila sa MOA boulevard. Marami silang napag-usapan gaya nang kung ano ang kanilang gusto at ayaw, kung anong mga plano nila sa buhay, at kung anong mga pinagdaanan nila. Nang mapagod sila ay napagpasya na silang umuwi.
Pagdating sa kanikanilang bahay ay agad silang humiga na kapwa niyakap ang dolphin-stuff toy at binalikan ang nangyari sa buong araw.

No comments:

Post a Comment