Saturday, November 27, 2010

accidentally inlove(2)



CHAPTER TWO

            Dalawang buwan ang lumipas…

“Ay naku Devon, parang ‘di tayo matutuloy sa lakad natin mamaya, ah.” Pabirong pasangil ni Jenny habang naka-umpok ang buong barkada sa mesang gawa sa Acacia sa ilalim ng malaking puno ng Mahogany sa loob ng kanilang paaralan. Kasama niya sina Fritzie Barcelona, ang magandang-mahinhin, si Jenny Keem, ang kwelang Haponesa, si Bret Jockanson, ang half-American/half-Pinoy na musikero, at si Ryan Bung, ang makulit na Koreano.

Nakangiting sumagot si Devon sa kaibigan na tila alam na ang dahilan. “At bakit naman?” Napataas ang kilay nito kasabay nang paglaki ng mata na ikinatuwa ng barkada, “Well, look who’s coming! The Great Ivan of your life,” sabay turo nito sa papalapit na lalaki na nakasuot ng gray fitted-shirt at maong pants. Bahagyang nagulo ang buhok nito ngunit mas nakadagdag pa ito sa kagwapuhan ng lalaki na mga 5’8 ang taas, at may maputing balat. Kape at gatas nga ang tawag sa kanilang dalawa at ang kanilang anak ay tiyak mocha ang labas.

Lumabas na ang ngiti sa mga labi ni Devon. Pilit man niyang itago ay kinikilig pa rin siya ng makitang may bitbit itong tulips, ang kanyang paboritong bulaklak. “Uy, girl, laway mo tumutulo na,” hirit pa ni Jenny na sinamahan pa ng mahinang pagsara sa baba niya. Nakabuka ba ang baba niya? Eww. Napahagikhik ang buong barkada. Yamot lang ang tugon niya. Bahala kayo, basta ang Papa Ivan ko parating na, bulong niya sa sarili na halatang nagniningning ang mga mata.

Ini-slow mo pa ni Ivan ang kanyang paglakad na parang rumarampa na sa catwalk. Feel na feel yata ang pagmomodelo nito- ng tulip? Hah, pero, sa wakas, nasa harapan na niya ito’t abot-tenga inilahad kay Devon ang bulakalak. “Hi,”

“Hello,” nagmistulang dalagang Pilipina si Devon sa pagpapakipot nito sa lalaki kahit na kulang na lang ay yakapin niya ito. Kinuha niya ang bulaklak, at umupo naman si Ivan sa tabi niya.

Tuluyan nang tumayo si Jenny at iwinaksi ang kanyang kamay, tsaka nagkomento, “Gosh! Magha-hi at maghe-hello lang, may bulaklak pang nalalaman.”

“Jenny, huwag ka nang umangal. Ganyan talaga ang mga inlove, nagagawa ang kahit ano maski corny,” saway ni Fretzie.

“I know why Jenny’s like dat,” singit ni Ryan na sinabayan na rin si Jenny sa pagtayo. “Bakit???” tanong ng grupo. “Because, she lilly, lilly hate it. She doesn’t have a boyfriend yet,” biro nito. Halakhakan ang lahat. Sampal at palo naman ang natanggap ni Ryan mula kay Jenny. “Arrg, you freak!”

Nauwi sa harutan ang bangayan ng dalawa at walang tigil naman ang tawanan ng barkada. “I’m not freak! I’m human, you know,” pilosopong kantiyaw nito upang mas lalong magalit ang babae.

“You are not human! You’re- EWWWWWWWWWW!!!” bulyaw nito sa kanya. Susugurin na nito si Ryan ng tumakbo na ito. Palibot-libot silang dalawa at wala ni isa mang nais sumuko. Nagsalita na si Bret, “Hey guys, stop!” agaw nito sa kanilang atensyon. Napatigil sa kakatakbo ang dalawa. “’Di ba boyfriend lang naman ang wala kay Jenny?”

“Yes, and so?” sagot ni Devon.

“It’s not a problem anymore for there is a solution already!”

“Ano na naman?” si Fretzie.

“Huh! It’s Ryan! They will surely make a cute couple.”

Mas lalong lumakas ang tawanan na may kasama ng hiyawan. Kapwa nayamot ang dalawa sa sinabi ni Bret ngunit sinag-ayunan naman ito ni Fretzie, “Right, pwede na rin.”

“Hmm, siguro KimBang ang tawag sa kanilang dalawa, di ba?” sabi ni Ivan sa pagitan ng tawa. “Oo nga no? Ang cute!” salo naman ni Devon. Kombinasyon ang pangalang iyon sa mga apliyedo ng dalawa.

Naningkit ang mata ni Jenny, “Even if he’s the last man alive, I’m going to kill myself not just to marry him,” Napalunok naman si Ryan, “Ha! I’m not going to marry a frog either,”

Hindi pa rin magkamayaw ang barkada. “The more you hate, the more you love…” sugsog na naman ni Bret. Napikon na yata ang dalawa nang susugurin nila pareho si Bret. Kumaripas ng takbo ang binata, at tatawa-tawa pang nagtanong, “Bakit ba ako ang hinahabol ninyo???”

“Kasi ikaw ang may pakana ng lahat!!!” sigaw ni Jenny na habol pa rin habol kay Bret.

Si Ryan naman na nasundan si Bret paliko sa corridor ay malakas pa ring bumulyaw ng, “I LILLY LILL HATE YOU BRETTTTTT!!!!”

Sumakit na ang tiyan nina Devon sa kakatawa. Tuwing hapon ay tila nakaka-relax na sila matapos ang mahabang araw ng klase kapag umaandar na naman ang kakulitan ng tatlo. Parang nagkataong hindi na nila kailangang pumunta ng Zircoh o ano pa para lang matawa. Sa apat nilang taong magkaibigan ay hindi nila inalintana ang kaibahan nila ng kurso. Sina Devon, Fretzie, at Ryan ay nasa B.S. Psycho, si Jenny nman ay PolSci, habang sina Bret at Ivan(kasali na rin sa barkada) ay nasa kursong Management.

“Devon, sila rin siguro ang makaka-late sa pupuntahan natin. Feel kong malayo pa ang kanilang tatakbuhin eh,” sabi ni Fretzie habang kumukolekta pa ng sapat na hangin sa kakatawa.

Napalingon si Ivan sa kanya at nagtanong, “Saan ba kayo pupunta?”

Tumingin muna si Devon kay Fretzie na parang nag-aalinlangan. Tango lang ang isinagot ni Fretzie. “Ah, Ivan, may handaan kasi sa bahay nila Bret. Birthday ng mama niya, ininvite nya kami, so we plan na pumunta, okay lang ba sa’yo na sumama ako? Uhm… kung gusto mo sumama ka na rin,”

Blangko ang mukha nito’t akala ni Devon na hindi ito papayag. Natahimik tuloy siya. Baka tuluyan nang magalit si Bret sa kanya maging ang iba pang barkada. “Why the sad face?” pukaw ni Ivan.

Iling lang ang kanyang sagot. Ayaw n’yang makita ni Ivan ang kanyang ekspresyon, baka ‘yun lang ang apag-awayan nila. Hindi naman sa talagang istrikto ang lalaki sa mga lakad niya kaso para itong tatay niya, bawat lakad binabantayan. Ayaw na ayaw nito na umuwi siya lampas sa alas-otso y medya tuwing may klase weekdays at kung wala’y hanggang alas-siyete lang siya sa labas. Kaya siguro botong-boto ang papa niya sa kanya.

Tumingin ito sa kanyang wrist watch at nagsabi, “Maaga pa naman, ihahatid ko na kayo. May dala akong sasakyan eh,”

Nagulat siya. Tama ba ang kanyang narinig??

“Devon, pumayag si Ivan. Ayos!” singit ni Fretzie na nakiumpok na sa kanilang dalawa sa upuan. “Ahh, are you sure?” pangungumpirma ni Devon. “Yes, bakit ayaw mo ba? Ihahatid na lang kita sa inyo,” sagot ni Ivan. Tuluyan ng umaliwalas ang mukha ni Devon, “Naku! Hindi naman. Ahh, nawala lang ako,” Ngumiti si Ivan.

Tumayo na si Fretzie at nilinis ang mesa. Binitbit na niya ang bag ni Bret, Jenny, at Ryan, at nagpaunang lumakad sa kanila, “Tayo na. Doon na lang siguro tayo sa parking lot maghintay, tiyak doon din ang finish line nila,” biro ni Fretzie.

“O sige, akin na bag ni Jenny,” kuha ni Devon. “I’ll take Ryan,” si Ivan. Lumakad na silang tatlo patungong lot.

Tama nga si Fretzie. Humantong ang tatlo na puro pagod sa kakatakbo sa parking lot. Nagulat din ang tatlo nang malaman nilang pumayag at sasama si Ivan sa kanila ngunit ang drama nila’y no comment. Tutal nagdala din ng sasakyan si Bret ay hahatiin sana nila ang grupo ngunit natapos lang naman silang sina Devon at Ivan lang sa sasakyan ng lalaki at ang iba’y ke Bret na.

Dumating sila sa simple ngunit malaking bahay nina Bret. Nakagayak na ang buong bahay sa birthday ng mama nito. May malaking handaan sa labas ng kanilang bakuran at umpukan na rin ang mga bisita.

Bumaba na ang barkada mula sa kanilang mga sasakyan. “I think we’re late,” sabi ni Jenny. “Don’t worry, walang late-late basta birthday ang pinag-uusapan,” biro ni Devon. Napahagikhik sila.

“Oo nga, tama si Devs. O, tara pasok tayo sa loob,” giya ni Bret.

Sumunod naman ang barkada. Nakilala nila ang ina ni Bret na hindi naman ganun katanda, mukhang bata pa nga ito.

“Happy Birthday tita, sori wala po kaming dalang regalo,” tugon ni Fretzie.

“Okay lang para naman akong nagdebut nyan na kelangan pang may regalo. Masaya ako’t nakapunta kayo dito,” saad nito. “Naku, di po namen kayu mamimimiz,” sagot naman ni Ryan. Tumawa ng matunog ang ginang. “O sige na, dumiretso na kayo doon sa mesa para makakain na. Bret, pakiasikaso mo sila ha?” sabi ng ginang.“Yes mom,” sagot ni Bret.

Kanya-kanyang kuha ng paglagay ng pagkain ang barkada at nag-umpukanna sila sa sala set ng bahay nila Bret. Hindi naman magkamayaw ang kanilang kulitan at usapan. Malimit na tinitingnan ni Devon ang kanyang kasintahan kung nababagot na ba ito ngunit tila enjoy na enjoy naman ang lalaki. Hindi nagtagal ay nagkayayaan silang kumanta sa videoke nila Bret. Game na game ang lahat lalo na si Ryan na nauna pang tumayo upang kunin ang mic.

“Diz song is for Tita, happy burtday!” sabi nito habang ang ina naman ni Bret ay tawa ng tawa. Pinili kasi nito ang kantang Careless Whisper.

Palakpakan at sigawan ang lahat. Sinabayan pa ni Ryan ng giling–giling nito. Hindi pa ito nakunteto ng isa at dinagdagan pa niya ng Terminal na kanta ni Papa P. “Sana you’re bery happy and we all rilly rilly love you!” tapos nito na halatang napagod na sa kakanta.

Muling pumalakpak ang mga nakadinig. May pa-bow-bow pa itong nalalaman. Nang matapos siya’y bumalik na sa kani-kanilang usapan ang mga bisita. Ang ina naman ni Bret ay umumpok na rin sa kanyang mga kumare. “Devon, ikaw naman,” si Jenny.

“Ha? Bakit ako?” maang tanong ni Devon. “Para naman ma-discover ‘yang voice mo,”

Tumawa siya. “Naku, huwag mo nga akong bulahin. Baka gumuho itong bahay nila Bret, lagot ako.” Tumabi si Bret sa kanya at inakbayan, “Sige na Devon, please!”

Tumingin siya nito at pagkatapos kay Ivan na katabi lang niya. Kinunsulta muna niya ito sa mata. “Go,” ngiti nito. “Hmmph, sige na nga,” suko niya. Tumayo siya at namili. “Request na lang kayo, wala akong mapili ditto eh,” sabi niya. “’Ge, ang book iabot mo,” utos ni Jenny.

Sila ang pumili ng kanta at in the end ang request ng Papa Ivan niya ang nasunod, A Thousand Miles. Kumanta na siya. Nakisabay na rin sina Fretzie, at Jenny. Sinamahan na rin nila ng sayaw na ginanahan na sa pagkanta.

“….and I miss you,
And I need you,
And now, I wonder…”

Kanta ni Devon habang nakatingin kay Ivan. Malalim lang itong nakatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito. Ngunit sapat na ang sumilay na ngiti nito sa kanya upang maunawaan niyang mahal siya nito, na kahit ano, at sino man siya ay handa siya nitong tanggapin at ipaglaban. At magtiwalang walang hangganan ang kanilang pag-ibig katulad sa kanyang mama’t papa.

Natapos ang kanta at bumalik na ang tatlo sa kanilang kinauupuan. Binigyan kaagad ni Bret si Fretzie na tubig na maligamgam. Ang swerte ng bestie niya, isip niya.

Pag-upo naman niya sa tabi ni Ivan ay umakbay ito sa kanya. Ngumiti siya kahit naguguluhan. “Bakit?” tanong niya. “It’s already 7:30, tara uwi na tayo,” sabi nito. “Ah, ganun ba? Teka, kumanta ka muna,” hiling niya. Napangiwi ito sa kanyang pakiusap. Ano ba naman? Minsan lang akong mag-request, isip niya. “Ah, huwag nalang muna baby devs, paos si Papa Ivan ngayon eh,” lambing nito sa kanya. Ang corny kung tutuusin ang tawagan nila ngunit kinikilig siya sa tawagang ito.

“Papa Ivan naman eh,” hirit pa niya baka kako mapayag pa niya ito.

Kinuha nito ang kanyang kamay at pinipisilpisil, “Baby, wala talaga eh, baka ako pa ang makasira ngayon ng bahay,” Humagikhik siya. “Sige na nga ,”

“Hoy! Kayong dalawa ha? Ang PDA, nakakainggit.” Singit ni Jenny.

“Jenny, sumisira ka talaga ng moment, ano?” ani ni Devon. Tawanan na naman. “Well, that’s her role,” sabi ni Bret. “Eh, pasalamat ka Bret teritoryo mo ‘to, kung hindi…” may kasama pa itong pananakot. Tumawa lang ito nang malakas.

“Ah, Bret, uuwi na kami,” sabi ni Ivan. “Ahh, ganun ba. Sige, okay lang mag-e-eight na din kasi,” sabi nito. Tumayo na silang dalawa. “O, kayo ayaw n’yo pang umuwi?” tanong ni Devon nang mahalatang silang dalawa lang ni Ivan ang tumayo.

Kumuha ng pinya sa mesa si Jenny. “Mamaya na kami Devon, malapit lang naman ang bahay,” Pati rin si Ryan at Fretzie ay magpapaiwan muna sa party. “Devs, wala pa kasi si mama ngayon sa bahay kaya hindi muna ako uuwi,” sabi ni Fretzie.

“Ganun ba? O sige.” Sagot niya. Nag-aalinlangan tuloy siyang umalis.

“Don’t worry Devs, ihahatid ko sila,” panigurado ni Bret.  Matapos magpaalam sa ina ni Bret ay umalis na silang dalawa sakay sa sasakyan ni Ivan. Kunting milya lang naman ang tatakbuhin pauwi sa kanilang bahay mula kina Bret.

Nagsalita si Ivan, “Baby Devs? Naalala mo ba yong kinukwento kong pinsan sa iyo noon?” Napaisip siya. Parang meron nga itong naikwento. “’Yun ba ‘tong taga-Nueva Ecija na pinsan mo? ‘Yong minsan lang kayo nagkakilala, galing ata siya ng Australia at wala kang masyadong alam sa kanya? Tama ba?”

Napamangha ito sa kanya, “Galing naman ng memory mo Baby, naalala mo nga,”

“Eh, diba last month mo pa yon sinabi sa akin? Alangan naman na makalimutan ko. Bakit ba Pa?”

“Ah, dito na siya mag-aaral sa Manila. Actually, bukas ay papasok na siya,”

“Talaga? Wow, eh di maganda iyon para maging close kayo,” ewan kung bakit na-excite niyang makita ang pinsan nito. “Oo nga eh, ngayong hapon yata siya dumating sa bahay,” sabi ni Ivan. 

Kaya pala gusto nitong umuwi sila ng maaga . parang nakaistorbo pa yata siya sa lakad ng binata. “Naku Pa, sinabi mo sana sa akin na ngayon ang dating niya para hindi na kita niyayang pumunta sa party,”

“Okay lang ‘yun Baby, nadoon naman si mama. I know they can handle,”

Tumahimik na lang siya. Dumating na sila sa bahay nila. Hindi na niya ito inimbitahanang pumasok. “Pa, dito ka na lang. Huwag ka nang pumasok,” sabi niya. Napasimangot ito, nagkamali yata ito ng pagkakaintindi. “Pa, para makauwi ka na’t maasikaso ang pinsan mo, okay?” sabi niya.

Ngumiti ito at muling kinuha ang kamay. “Fine, yes baby Devs. Uuwi na ako. Ako din may request,” sabi nito. “Ano?” tanong niya. “I hope you’ll be nice with him bukas ha?” tugon nito.

Nabigla siya ngunit nakabawi din kaagad. Ayaw na muna niyang magtanong. “Oo naman. Kailan pa ako nagging rude sa family mo,” ang tanging sagot niya. “Bababa na ako. Good night! Mag-ingat ka sa pag-drive, ha?” haplos niya sa kamay nito.

“Good night, too, baby. Dream of me tonight,” ginawaran ng halik ng lalaki ang kanyang kamay at tuluyan na siyang lumabas. Kumaway siya nito at hinintay pang mawala sa kanyang tingin ang sasakyan bago pumasok sa kanilang bahay.

Saturday, November 20, 2010

accidentally in love (1)

CHAPTER ONE

Nakakainis.

Bulong ni Devon sa kanyang sarili habang nakaupo sa upuan ng eroplano at nag-aantay sa paglipad nito. Salamat at malapit ng mapuno, dagdag niya. Kanina pa siya nayamot sa mabagal na pag-usad ng oras sa Australia. Gusto na niyang makauwi sa Pilipinas dahil nabalitaan niyang may sakit ang kanyang ina. Nagbakasyon lang kasi sIya ng dalawang linggo sa banyagang lugar dahil doon na naninirahan ang kanyang kuya.

Tumanaw siya sa labas, at makikita niyang matagal na naman siyang makakatapak sa lugar na ito sapagkat saad ng kanyang kuya na sa Pilipinas muna siya magtrabaho pagkatapos ng kanyang graduation. Isa rin sa dahilan ng kanyang pag-uwi ay ang makahabol sa enrollment nila, hindi na kasi maaari pang ang kanyang ina ang mag-asikaso. Graduating na siya ngayong taon sa kursong Psycho at plano niyang pumasok sa kompanya ng pamilya ni Ivan Dorkner, ang kanyang long-time current boyfriend. Merchandiser kasi sila ng isa sa sikat na brand ng sasakyan.

Si Ivan. Sana magustuhan niya ang pinabili ko, napangiti si Devon habang iniisip ang mga ito. Dalawang taon na sila, at kahit kailan ay hindi siya nagsisi sa pagsagot niya sa binata. Kahit minsan ay bossy ito ay nakakahanap pa rin siya ng dahilan upang unawain ito. Isa pa’y kilala na niya ang pamilya nito, at maging ang lalaki sa kanila.

Hindi na yata niya namalayan na may nakaupo na pala sa kanyang tabi.

Napalingon siya. Aba, gwapo ang loko. Maputi at makinis ang balat, cute at inosenteng-inosente ang mata, matangos ang ilong, kissable ang lips; ‘yung bang perfect lips for masculine that the ladies go-gaga with, at hindi naman siya ganun kalakihan ang katawan ngunit pwede na rin. Hindi yata ito Pilipino. Napahagod na ata  ang tingin niya sa katabi. Ewan kung napansin ba siya nito dahil wala itong imik at tila abalang-abala sa kanyang i-phone. Aaminin niyang minsan lang siya ma-attract sa isang lalaki ngunit parang ang lakas nang karisma nito sa kanya.

Napalunok siya, at binawi ang tingin. Ano ka ba anaman, Devon??? Kababae mong tao tapos kung makatingin ka sa katabi mo, talo mo pa ang isang totoong manyak. Sita niya sa kanyang sarili at napasandal na lang sa kanyang upuan upang pawiin ang inis pati sa kanyang sarili. Nag-iisip ka pa kanina ke Ivan, ngayon parang nagiging unfair ka na sa kanya.

HINDI nagtagal ay nasa alapaap na pala ang eroplano. ‘Di n’ya ata ito napansin ng makatulog siya ng mahimbing. Nagising siya ng kumakalam na ang kanyang sikmura at salamat ay nagkataon ding nagbibigay na ng pagkain ang mga stewardess. Napaayos siya ng upo at kinapa ang sarili.

Naku, sana hindi tumulo ang laway ko habang natulog ako, nakakahiya naman sa katabi ko. Isip niya. Sa totoo lang, hindi naman siya naglalaway eh, ngunit kung pagod na pagod na siya’y hindi na niya alam. Siguro.

Dahan-dahan siyang tumingin sa lalaki. Ewan kung gising ba ito o hindi dahil naka-shades na ito. Hmm, where is the sun pala ang drama nito, patuloy na sabi ng kanyang isip. Nakikinig ito sa kanyang i-phone base sa mga earphones na nakalagay sa kanyang tenga. Napabuntonghinga siya. Ito ang pinakayaw niya sa pagbibiyaheng mag-isa lalo na sa eroplano. Sobrang tahimik. Boring. Walang maka-usap. Hindi pa naman siya sanay na palaging tikom ang bibig. Kamakailan nga nang papunta pa sila ng Australia ay tatlong beses siyang sinita ng kanyang kuya dahil sa kakadaldal sa upuan.

Sa wakas ay nasa harapan na nila ang stewardess. Ngumiti siya sa babae halatang pagod na sa kabibigay ng pagkain sa dami ng pasaherong sumakay.

“We have ham and cheese, or bacon in your burger. What do you want?” may galak pa rin nitong sabi.

Hay salamat! Isip niya.

“Ah…” nag-iisip pa siya kung anong pipiliin, baka kako hindi umayon ang tiyan nya.

“Bacon!” naunawaan niyang sabay silang tumugon sa lalaking katabi niya. Nagulat siya. Kung ganun, gising pala ito. Tuluyan nang dumilat ang lalaki na halata ding nagulat, at kinuha ang shades. Napatingin ito sa stewardess na halatang nakangiti, pagkatapos ay sa kanya.

“Bacon for both of you?” tanong ng dalaga.

Sa akalang hindi na sila magsasabay ay dagling napasagot si Devon, “Yes, please.” Ngunit nakisabay pa rin ito sa pagsagot niya.

Ewan kong matatawa ba siya o hindi. Ngunit aminado siyang nais niyang matawa.

“Oh, then sir, ma’am, here is it,” inilagay na ng babae ang kanilang pagkain. “For drinks, water, or juice, or maybe some champagne?”

Si Devon, “Water will do,” Ang lalaki, “Water please.” In short, magkasabay na naman ulit.

Napahagikhik ang stewardess at tila nagaganahan siya sa pagcho-chorus nilang dalawa. “What a cute couple…” pakli nito habang inaabot sa kanila ang botilya ng tubig. “I should say, you enjoyed your, uhmm, supposed your honeymoon in Australia.” Sabi nito.

HONEYMOON? MAY GANUN?

Napatingin siya sa kanyang katabi. “Hmm, yes. Australia’s great!” narinig niyang sabi. Huh? Nangunot ang kanyang noo sa kanyang narinig. “Well, congratulations!!!” ngiting pahayag ng babae, at tuluyan nang itinulak ang cart. Hindi man lang siya nakapag-object.

Hindi pa rin niya kinukuha ang tingin sa lalaki na abala pagnguya sa kanyang burger. Naman! Ang cute niya pati sa pagkain. Pinipigil pa niya ang kanyang sarili sa pagpuna sa kakisigan nito. Nahalata yata siya ng lalaki kaya nama’y nagsalita ito, “Sorry for bringing it too much on you, I just did it to make it all done,”

Napamalik-mata siya. Ayun, nakuha mo na talaga ang presensya niya.  “Ahh, okay lang. Nabigla lang ako, hindi mo man lang ako kinunsulta kahit sa tingin man lang,” saad niya.

Napatingin sa kanya ang lalaki, tila nabigla. “Oh, so you’re not angry? Huh, I thought you’ll go mad sa ginawa ko. At totoo ang hinala kong Pinay ka nga,”

Simpleng ngiti ang kanyang tugon, “Alam mo, hindi naman lahat ng babae ay ayaw na ng adventure at fun, ipalagay na nating gusto ko rin ng ganoong thrill sa buhay,” ngunit muling nangunot ang noo niya sa sinabi nitong hinala. “And, yes you’re true, Pinay ako, bakit ba at paano mo nalaman?”

“Ah, wala lang. Naisip ko lang since sa ‘Pinas din ang uwi mo, plus your skin,”

Tumingin siya sa kanyang balat, nang-iinsulto ba ito? At tuluyan ng uminit ang kanyang dugo. She couldn’t afford na insultuhin lang ang kanyang balat. “Mister, kung sasabihin mong maitim ako’t walang class ang balat ng mga Pilipina ay nagkakamali ka. Aba, huwag mong maliitin ang mga kutis namin. Ikaw, sa kung sino kang kano na marunong mag-tagalog, parang magaganda ang mga kutis ng kalahi mo, hindi naman!” mahabang litanya ni Devon na pinipigil pa ang sarili na tumaas ang boses.

Napatawa ng manipis ang lalaki. “At may gana ka pang tumawa? May guts ha?” hirit pa niya. Napatingin siya sa ibang upuan at baka nang-iistorbo na sila sa kanila ngunit tila wala naman itong pakialam.

“Hmm, maybe I said the wrong words, or I spoke in wrong intonation, but I really meant nothing to insult you. Sa katunayan ay medyo tama ka na kano ako pero half-Australian at half-Pinoy ako. Nanay ko Pinay, kaya nga marunong akong magtagalog at doon na ako nakatira for almost two years na rin,” sabi nito. Nasamid ang dila niya, napahiya pa yata siya. “You know what, you’re not angry on what I had done awhile ago na I said a lie between us sa stewardess, but you had gone annoyed nang akala mo’y minaliit ko na ang kalahi ng mama ko. I conclude, Filipinas are really dangerous,”

Napayuko siya, at namula na ang kanyang mukha. “Naman eh, satsat ka kasi ng sasat hindi mo na alam ang mga pinagsasabi mo!” mahinang bulong niya. Malapit na tuloy niyang makumot ang burger.

Tuluyan ng humarap sa kanya ang lalaki, “Er, about the skin. I don’t dislike it. Honestly, I love your skin,” ngumiti ito sa kanya. Lalo tuloy siyang napayuko upang itago ang namumula niyang pisngi. Kainis! “Hmm, so I hope you’re not mad anymore. For the second time, my apology.”

Nag-iisip pa siya kung maniniwala ba siya dito o hindi. Pero parang nagsasabi naman ito ng totoo, ramdam niya. Fine, I’ll give it a chance.  Takbo ng isip niya. Tinaas niya ang kanyang ulo at parang batang nag-sorry din sa kanya. “Eh, sorry din. Para akong bata kung mag-react, hindi ko man lang pinakinggan ang side mo.”

“Ngunit sa ginawa mo, nasabi ko naman ang dahilan, ‘di ba? So, parehas lang tayo.” Sagot nito.

Sobrang bait naman ng mokong ito. Naisip niya. Napasandal na ito sa kanyang upuan na hindi pa rin kinukuha ang tingin sa kanya. “By the way, I’m James- James Keid,” iginawad nito ang isang kamay. Sumilay na sa kanyang labi ang ngiti at masayang iniabot ang kamay, “Devon Serano.”

Malamig ang kamay nito dahil na rin siguro sa emperatura sa loob ng eroplano. Kay gaan nito at malambot, wala atang trabaho. Naramdaman niya ang mahinang pagpisil nito sa kanyang palad at nagdulot ito ng kunting kiliti sa kanya. Napangiti din ito’t labas ang ngipin na pantay-pantay at maputi.   “You scold like mom, which reminds me of her.”

Napatawa siya. “Ginawa mo pa akong mama ngayon. Siguro, ganun talaga mag-react ang mga Pinay. Kumbaga, trademark na namin iyon,” ganti naman niya.

“Well, maybe. Your reactions make me miss mom a lot, but I suppose I must not since few hours less, I’ll be home, atlast.” Sabi niya.

Ang bait nga talaga nito dahil mahal na mahal niya ang kanyang mama. Kulang na lang ata ay paliparin ng todo-todo ang eroplano upang makarating na sa ‘Pinas, katulad ng nais niya. “Huwag kang mag-alala, malapit na naman tayong dumating eh,” medyo nilakihan niya ang kanyang mata upang iparating sa kanya na hindi pa nito binibitawan ang kanyang kamay. At nakuha naman ito ni James nang patawa itong binitiwan ang kanyang kamay. “I think it’s the third time I ought to say sorry to you.” Sabi nito.

“Ewan ko nga sa’yo, ginanahan ka na.” napahagikhik siya. Nakisabay na rin ito sa kanya. Hindi na sila nawalan pa ng pag-uusapan. Kahit ano, tungkol sa Australia, kung bakit siya nandoon at kahit ano pa. Nalaman niyang binisita lang din ni James ang kanyang ate’t ama na nakatira doon, at babalik na rin ito sa Pilipinas upang doon mag-aral. Hiwalay na ang mga magulang nito at may kanya-kanya ng pamilya. Nasabi din nito na halos anim na buwan din itong namalagi sa Australia, at tila batid ni Devon na hindi simpleng bagay ang dahilan kung bakit ganun siya katagal nanatili doon.

Pareho na nilang hindi namalayan ang oras at dumating na pala eroplano. Kapwa na sila ngayon nakatayo sa may baggage area at kinukuha ang kanilang mga gamit. Nag-uusap pa rin silang dalawa hanggang marating nila ang arrival’s area.

“So, we’re here, and I think may kanya-kanya tayong sundo,” pakli nito habang nakatingin sa kanya. “Oo nga,” sagot niya na abala sa kakatingin kung nandoon na ba ang kanyang ama. “I enjoyed your company, hindi naging boring ang pagsakay ko. Hanggang sa muli,” paalam nito.

“Ako rin, na exercise yung panga ko. Salamat sa iyo,” biro niya kasabay ng halakhak.

“I love your smile, your laugh,”

Napatigil siya at napalunok. Naging conscious siya tuloy sa kanyang mga kilos. “Ikaw naman. Kanina, sabi mo sa akin na you love my skin, ngayon naman ang smile pati laugh ko, baka sa susunod sabihin mo ng I love you,” hirit niya habang tinatago ang kaba. Batid niyang sobra na siyang na-attract sa lalaki.

Ngumiti ito ng may kahulugan. “I intend to, kaso naunahan mo ako, e.”

Napahagikhik siya ng pagak. Ayaw na niyang itodo baka mas lalong hindi ito tumigil at mahulog siya ng husto. “Naku, hindi na pwede, may boyfriend na ako,” ayon lumabas na ang mapait na katotohanan. Natigil din ito at mapaklang ngumiti, “Oh, you’re boyfriend must be very lucky,”

“Bakit naman?”

“He has the entire reason to love you because there are lots to say on you,”

Nag-blush siya. Biniyayaan ata ito ng matamis na dila. Kimi siyang nagpasalamat, “Thank you. Sige na, lalakad na ako. Baka mahanap ko doon si tatay.”

“Okay. Goodbye,” hindi na siya pinigilan nito, at umuna na siyang lumayo sa lugar na kanilang kinatatayuan. Nagpasalamat na rin siya dahil hindi na ito nagsalita pa. Tiyak mami-miss niya ang pagsakay ng eroplano.

“Ah, Devon.” Narinig niyang tumawag ito. Napalingon siya. “I will miss you. Please, don’t change,”

Napangiti siya. “Mami-miss din kita, at ako rin may request!” pasigaw niyang tugon sa pagitan ng ilang distansyang layo nilang dalawa. “Ano?” sagot nito. “Puwede bang huwag ka ng masyadong mag-english, nasa Pilipinas ka na, wala ka na sa Australia,” sigaw niya. Napatawa ito ng malakas at sumagot, “I’ll try,” napataas ang kanyang kilay. At naunawan siya nito at kahit nahihirapan ay nagsabing, “Sisikapin ko po,” tumawa na rin si Devon, at kumaway kay James. Nasisiyahan naman ang mga taong nakapaligid sa kanila na ewan kung ano ang iniisip.

Friday, November 12, 2010

trying

i am trying to write , but i couldn't ...











PA NGAYON ... :))))

wait lng kayo . malapit ng matapos !!!!

Tuesday, November 9, 2010

my addiction

this is only a start !!!

yes !!! i love jaevon and umabot na ito sa hobby kung pagsusulat .
enjoy my stories . please do . thanks .:)))