Sunday, May 22, 2011

chap 13 (accidentally inluv)

CHAPTER THIRTEEN
“Devon, mauuna na kami doon ha?” sabi ni Jenny sa kabilang linya.
“O, sige. Sabay na kami ni James. Magkita na lang tayo doon. Salamat. Bye.” Sagot niya.
“No problem. Bye!” at tinapos na nito ang kanilang usapan.
Pagkatapos n’un ay nagmamadali na siyang lumabas at sumakay ng taxi. Pupuntahan niya si James sa kanilang bahay. Tinanghali na siyang makaalis sa kanilang bahay dahil kailangan pa niyang maglaba. Mabuti at nandyan ang kanyang mga kaibigan upang tulungan siya. Naisipan niya kasing sa labas naman ng DAMP sila maglesson.
Dahil kilala na siya ng mga katulong sa bahay ay pinapasok na siya kaagad sa loob. Nagkataon namang walang lakad ang mama ni Ivan.
“Magandang umago po, tita.” Bati niya. “Magandang umaga din naman, iha. Susunduin mo ba si James?” tanong nitong nakangiti. “Opo. Ahh, nandyan po ba siya?” sagot niya. “Oo, nandoon pa sa kwarto niya. Halika, puntahan natin,” nasisiyahan pa rin nitong sabi.
Kiming sumunod si Devon. Kahit pa malapit na siya sa mama ni Ivan ay nahihiya pa rin siya tuwing magkasama sila. Hindi naman ito mahirap abutin bagkus ito pa nga ang nagsasabi sa kanya ng h’wag ng mahiya dahil parte na daw siya ng pamilya. Ang ama pa nga ng kasintahan ang halos walang imik tuwing magkasama sila.
“Devon, iha,” pagbubukas nito ng usapan. “Alam mo bang simula n’ung nagsimula na iyong lessons ninyo ni James ay malaki na ang pagbabago niya,”
“Hmm, ganun po ba?” nahihiya niyang tugon.
Alam na alam na talaga nito ang tungkol sa kanilang pinaggagawa. “Oo! Wala na siyang masyadong churva, o chaka, o ano pa iyon sa kanyang pagsasalita at iyong mga galaw niya hindi na masyadong mahinhin.”
Ngumiti lamang siya.
“Salamat iha, ha?” lumingon ito sa kanya. “Salamat talaga ng marami. Matutuwa iyong kapatid ko- siya ‘yong mama ni James,”
“Wala pong anuman, tita. Hindi pa naman po gan’on kalala si James, eh.”
“Siguro nga, iha. Ay, naku, baka tulog pa ang batang ito,” kumatok ito sa pintuan ng silid ng binata. Ilang katok pa ang ginawa nito bago ito bumukas. Nakapajama lamang si James at magulo pa  ang buhok. Halatang kakagising lang nito.
“Tita, g-good morning, bakit po?” maang tanong ng lalaki.
“James, iho, nandito si Devon-“ sabi ng kanyang tita ngunit hindi pa naman nito natatapos ang kanyang sasabihin ay isinara na ni James ang pinto. “Uhmm, po?”
“I said Devon’s here, may lakad yata siguro kayo.” ulit nito.
“Hmm. Yes, tita, just a sec!” tugon nito. Nagkatinginan na lamang sina Devon at ang kanyang tita. Nagtataka sila kung bakit ganoon ang reaksyon ni James.
WHAT THE! WHAT’S SHE DOING HERE? Hindi mapakali si James sa loob ng kanyang kwarto. Nabigla siya sa pagdalaw ng dalaga. Hindi naman sa ayaw niyang makita ang dalaga (ang totoo ay sabik na sabik pa siyang makita ito), gayunpaman, hindi siya nakapaghanda. Naabutan pa siya nitong tinanghali ng gising. Mabilis niyang inayos ang kanyang kama at naghanap ng maluwag na t-shirt. Abala pa siya sa kakahanap ng bumukas na ang kanyang pinto.
Nagdadalawang-isip na pumasok si Devon sa loob ng kwarto ni James. Hindi siya sanay na pumasok ng kwarto ng iba lalung-lalo na sa lalaki. “Ahmm, sorry. Pinapasok na kasi ako ni Tita,”
“Oh, it’s okay.” Tipid niyang sagot.
“Ah, naku, ang tagal mo pa lang gumising,” ‘yun lang ang naisip nitong sabihin. Para kasing naiilang ito.
Napakamot na lamang siya ng ulo. Napahiya nga siya. “I just slept late last night because of…” naghanap siya ng palusot. “Because of- of guitar. Yeah! Naggigitara ako kagabi,” ang totoo ay marami siyang inisip kagabi. Maraming bagay na bumabagagabag sa kanyang damdamin.
“Ahh, gan’on ba…”
Sa wakas, nakita na rin niya ang kanyang hinahanap. Nagsuot na siya at hinarap ng maayos ang dalaga. “So, where are we going?” tanong na lamang niya.
“Ahh, teka lang, hmm, pwede bang makita iyong loob ng closet mo?”
“Huh? Why?” kumunot ang kanyang noo.
“Hmm, point three! Manly panache! Er, I mean, kailangan ‘yung fashion sense mo panglalaki din. Hmm, I’m really here for the lesson…”
“Oh,”
“Okay lang?” may ngiti na sa labi nito. Pinagbigyan na niya ang dalaga. Tinuro na lamang niya ang kanyang closet. Napapalakpak ito’t tinungo na ang kanyang kabinet.  Binuksan ito ng dalaga. Pinagmamasadn niya lamang ang bawat galaw ng dalaga. Kahit pa maingat ito sa pagtingin ng kanyang mga gamit ay batid niyang nasisiyahan ito sa kanyang nakita. There were no trace on his closet that he was a gay.
Nakahanger ang kanyang mga polo’t long sleeve. Nakahanay naman ayon sa kulay ang kanyang mga shirts at jacket. Sa kabilang panig ay ang kanyang mga shorts, pantalon at jeans. Ang kanyang mga personal na gamit ay nasa itaas. Ang kanyang mga sapatos ay maayos na nakahanay sa ilalim ng cabinet.
Sumandal siya sa gilid ng kanyang cabinet, at tuksong ngumiti kay Devon. “I’ll better say that I already got an A+ with this lesson,”
Pinagdilatan siya nito. “Infairness, pasado ka nga sa dress-code mo ngunit bagsak po kayo sa color-coding mo!”
“What?” tiningnan niya ang kanyang mga damit. Kadalasang kula nito ay yellow, pink, orange o pale green. Ang kanyang mga pantalon ay may iilang neon colored din. “Uh-oh!”
Humagikhik si Devon. “I love the colors, but I hate it for you.” Isa-isa nitong kinuha ang kanyang mga damit at itinapon sa kama.
“Anong gagawin mo d’yan?” tanong niya.
“Fold them, boxed them, or throw them,” sabi nito. Napalo niya ang kanyang ulo. Nasasayangan siya sa mga ito. “Is there no option ‘keep and use ‘em’ ?” giit niya.
“Sorry, wala po.” Patuloy pa rin ito sa pagkuha ng mga shirts at pants. Manakanaka namang dinadampot ni James ang kanyang mga gamit. “Uy, ang nice nitong fitted shirt mo. Hmm, magenta...” mangha ang dalaga sa nakitang damit.
May naisip siyang na katuwaan. Lumapit siya sa dalaga st kinuha ang fitted shirt. “Akin na nga,”
“Uyy, ano- ano… hmm,” sumimangot ito- halatang nagustuhan talaga ang damit. Tumalikod na ito at nagpatuloy. Napangiti si James. Umikot siya sa likuran nito at maingat na sinuot sa dalaga ang shirt. Nagulat ang dalaga. “Ano ba?!”
“C’mon, wear this on. Baka bagay sa’yo,” pang-engganyo niya.
“Ugh, you’re driving me nuts!” komento nito.
“How can you say no to fun?” sabi niya.
Napaisip ito sandali at tsaka malutong na tumawa. “Sige na nga!” maayos na nitong sinuot ang kanyang shirt.
Humarap sa kanya ang dalaga at nagpose. Humalakhak siya nang humalakhak. Natutuwa siya sa dalaga. Nakisali na rin siya. Kumuha siya ng asul na shirt at sinuot. Nakisali na rin siya sa pagporma. May nakitang necktie si Devon at isinuot niya ito sa leeg ni James. Ang nakita namang ganoon ng binata ay ginawang headband sa buhok ng dalaga. Hindi mapigil ang kanilang halakhakan.
Sunod na kanilang pinagdiskitahan ay ang mga jacket ng binata. Sa bewang itinali ni James habang isinuot naman ni Devon ang jacket na kapwa dilaw ang kulay. Sinuotan naman siya ng dalaga nang nakitang baseball cap. Nag-high-five ang magkaibigan.
Abala sila sa pagkuha ng kanilang pictures gamit ang kanilang cellphones. Different styles, same expression- enjoyment.
Nakangiting napaupo si Devon sa kama ni James. Natapos na sila sa kanilang kalokohan. “T’was fun!”
Si James naman ay sa kanyang comfy couch, at kinuha ang kanyang gitara. “Told ya. Think we should do that often,”
“Oo nga,” sng-ayon nito. “Teka, bago ko makalimutan. Gusto mo pa bang rumampa?”
“What’s on your mind?”
“C’mon. I’ll be your guide today. Pupuntahan natin sina Jenny,”
“How about this?”
Tumayo ang dalaga. “I repeat, it’s either we are going to fold them, boxed them, or throw them.”
Napahawak na lamang siya sa batok, “Haha, I’ll just boxed them. Ay, baka you have a favorite here,”
“Bakit, kung meron?” lumawak ang ngiti nito. Tumayo siya at kinuha ang shirt na magenta. “Here. I know you like this; it’s yours.” Iniabot niya ito sa kanya. “Oh?” ang cute nitong tingnan. Namimilog ang mga mata nitong tinitingnan ang kanyang iniabot na shirt.
“And, since you don’t want me to wear these shirts, including these jackets, this one is also for you,” ang isinuot nitong dilaw na jacket ang binigay niya. “Hmm, suhol ba ito o ano?” si Devon.
He chuckled. “Iniisip mo iyan? Of course not!”
“Talaga lang ha?”
“If you don’t want it, then, okay, fine. I’ll just throw it away. Mabaho na ito. Napawisan na,”
“My gosh! Ang arte! Akin na nga ‘to. Sayang naman.” Hinablot na nito ang shirt at jacket mula sa kamay ng binata. Patawa namang tumalikod si James. “Kukunin naman pala,” bulong niya.
“Naririnig ko ang sinasabi mo, student.” Puna nito. “Let’s just boxed them fastly para makapunta na tayo sa dapat nating puntahan,”
“Loud and clear, ma’am!”
Sinimulan na nilang ligpitin ang mga kalat. Maayos nila iyong tinupi at inilagay sa nahanap na plastic na kahon ni James. Pumanaog na sila at nagtanghalian kasama ang mama ni Ivan. Binida nito sa kanila ang paboritong pagkain ni Ivan, ang chicken adobo. Pagkatapos kumain ay naligo na ang binata, at dumiretso na sila sa isang malapit na mall  kung saan magkikita ang buong barkada.
Sinalubong sila ni Ryan. Tumungo na sila sa stall kung saan ang iba. “Naglunch na ba kayo, Ryan ko?” ‘yun ang tawagan nina Devon at Ryan. “Oh, we’re finished na, Devon ko. Baka kayo wala pa,” sagot nito. “Hmm, tapos na kami. Doon na kami pinakain ni tita,” sabi niya. “Oki-oki! Oh, how’s his closet? May skirt ka bang nakita? Spaghetti kaya?” bulong nito sa kanya nang nagpauna sila ng lakad.
“Ryan ko, believe it or not, wala akong nakitang mga skirt o dress, kahit isa.” Pambibisto niya.
“Ohh? Baka nasa taas lang iyon, itinago nang maayoz,”
“Ewan, ngunit wala talaga akong nakita, eh.”
“So, ganun naman pala. What’s the purpose now?”
“He had a bad taste of color. I mean pambabae talaga ‘yung mga kulay ng damit niya…”
“Eww, that’s ridiculous.” Napailing pa si Ryan.
Magsasalita pa sana siya nang may kumalabit sa kanyang likuran. “Where are we really going?” maasim na ang mukha nito. “Malapit na tayo, ‘di ba Ryan?” tanong niya sa kaibigan. “We are lilly, lilly near na!” pabiro nitong sagot. Tumawa silang pareho ngunit si James tila wala sa mood na sumabay. Nagtaka siya. Kanina lang ay ‘di mapigil ang tawa nito, ngayon parang ang ‘di na mabiro. Ang seryoso ng mukha. Nakisabay na siya sa lakad nito. Pinabayaan lang siya ni Ryan at nagpatuloy sa paglakad.
“O? Ba’t nandito ka? Why did you leave Ryan there?” mahihimig ang sarkastikong tono sa kanyang mga salita. She beamed. Lumingon sa kanya ang binata at nagpatuloy lang sa paglakad. “What’s that smile for?”
She even smiled more dearly. Iba kasi ang kanyang nararamdaman sa inaasal ng lalaki. Kinikilig siya sa mga inaasta nito. “Eh, bakit ikaw, nakasimagot? Para saan ba ‘yan?”
“Nakasimangot? Duh.”
“Hmm, kung hindi ka nakasimangot, don’t tell me nagseselos ang expression na ‘yan?” then, she chuckled.
Tuluyan nang humarap sa kanya ang binata. Naiinis itong nagsalita. “Me? Nagseselos? With who? Over my dead, sexy body, I won’t get jealous with Ryan, okay?”
Humalakhak ang dalaga. “Hindi ko namang sinasabing kay Ryan ka nagseselos.”
“Ang with who, Diday-girl?” tumaas na ang kilay nito.
“Sa akin!” patawa niyang biro. “Nagseselos ka sa akin dahil close kami ni Ryan, ‘di ka niya kasi pinapansin. May gusto ka sa kanya, ano?” tukso niya. “Hell, no!!!” agad nitong dipensa.
Tawa nang tawa si Devon. “H’wag ka nang magdeny. Okay lang iyon sa akin, ano? Hindi naman ako strict teacher eh. Tsaka, alam ko na mahirap talagang mag-adjust sa bago mong personalidad.”
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Malalim pa rin itong nakatitig sa kanya. Nagpatuloy siya. “And I’ll loosen up this day for you, total pasado ka naman sa dress code mo. Pero, refined ka pa rin ha? Remember, bagsak ka sa choice of color mo,”
“Are you serious with what you’re saying?”
She just giggled. Hindi kasi maipinta ang mukha ng binata. “You know what, you are really surprising.” Ayon nito.
“Surprising, surprising…” pambibiro niya sa pamamagitan nang pag-ulit sa salitang binibitawan nito. “Hindi lang naman siguro ako ang full of surprises. We are many, because ika nga sa paborito kung quote, life is full of surprises,”
Binulsa nito ang kaliwang kamay. “Honestly, I hate surprises…” sambit nito. “but if that surprise came from you, I hate it no more.” At mahinang pinisil ang kanyang ilong, gaya nang nakagawian nito.
Then, again those stares; hindi na naman niya maiwasan. Kung hindi lang lumitaw si Ryan ay magtatagal sila sa kakatitig sa isa’t isa. “Devon ko, dali. May nakita na silang mga damit.”
Dahil sa gulat at hiya ay nasuntok ni Devon si James sa braso. “Echus itech!”
“May problema ba, Devon ko?” si Ryan.
“Ah, wala Ryan ko. May asungot lang dito. Alam mo, paepal.” Ganting tugon niya.
Mahinang tumawa si James. “You lose, Diday-girl.” Bulong nito. Akmang susuntukin ulit ni Devon ang braso ng binata nang iwan na siya nito. Naiinis siya. Napamaktol siya. “Eherm, Diday, ba’t ka nakasimangot? Para saan ba ‘yan?” tawag nito.
Tuluyan na siya nitong iniwan. Napameywang siya at tiningnan ang papalayong lalaki. “Hmp. Kung ‘di ka lang cute magalit, matagal na kitang pinakain sa mga buwaya.”
MASAYA ang buong barkada. Pinasuot nila si James ng iba’t ibang pormang panlalaki. Thanks to Bret and Ryan. Pinalitan na ni Devon ang pinatago niyang mga damit ni James gamit ang sobra sa naipong pera at ang perang bigay sa kanya ni Ivan. Bawal na kay James ang mga loud colors, balik na siya sa mga asul, itim, o gray na kulay. Bago nila maisipang umuwi ay nilibre sila ni Fretzie. Nakatanggap na kasi ito ng pera mula sa kanyang ama. Sabay-sabay na rin silang umuwi. Huling hinatid ni James si Devon sa kanila. Nasa labas na sila ng kanilang bahay.
“See, nakagasta ka tuloy dahil pinatapon mo ang mga damit ko,” sabi ni James.
“Sus, wala iyon. H’wag mo na iyong isipin.” Pagwawalang bahala ni Devon.
“Hmm, since ikaw na rin ang nagtake-over sa mga dati kong damit, ano bang gagawin natin d’on?”
“’Di ba inilagay na natin iyon sa kahon?” ayon nito.
Nag-isip siya. “Alam ko na, why don’t we donate it?”
“Hmm, tama! But, this December na lang sa school,” pagsang-ayon ni Devon. “Mabait ka naman pala,”
Ngumiti siya. “Is that a joke?”
“Depende kung paano mo ‘yon iintindihin,” biro nito. “Hmm, I’ll just take it as a compliment.” sagot niya. She just chuckled. “So, tomorrow is Sunday. Where are we? Balik sa DAMP?” tanong niya.
“Hmm, Sunday na pala bukas, ano…” nag-isip ito. “Yeah, malapit na ang second sem natin, this Thursday na. Malapit na ba tayong matapos?”
Tumingin sa kanya ang dalaga. “Excited ka yatang matapos ang lesson natin?”
Tumingin din siya nito nang diretso. “’Yun nga ang problema eh, malapit na tayong matapos. And I hate it.” There was an amusement in her eyes. “Well, ‘di mo talaga magugustuhan ang sasabihin ko dahil malapit na tayong matapos. Isang point na lang, tapos exam na natin.”
Bumuntung-hininga siya.
“O, bakit ganyan ang itsura mo? Dapat nga masaya ka dahil makikita mo na ang outcome nang pinaghirapan mo,”
“I’m not the only one who strived, you did most. Thank you,”
Sumagot naman ito. “Tsaka ka na mag-thank you kung feel mo na talaga na isa kang ganap na lalaki.”
Ngumiti na rin siya. “Okay, ma’am. So, saan tayo bukas?”
“Ahh, dito ka na lang maglunch bukas, okay? Maghihintay ako.” Sabi nito. Tumango siya. “You don’t have to wait; I assure you I’ll be here tomorrow.”

chap 12 (accidentally inluv)

CHAPTER TWELVE
Apat na araw na ang nakakaraan matapos simulan nina James at Devon ang kanilang proper-lessons-for-manhood. Naging opisyal na ‘classroom’ na nila ang DAMP.  KAdalasan ay sinusundo ni James ang dalaga.  Alam na ng magulang ni Devon ag kanyang plano, maging ang mga magulang ni Ivan. Kaya naman ay hindi siya masyadong nahihirapan. ‘Di na rin kadalasang ginagamit ng lalaki ang mga gay lingos.
Masayang kasama ang lalaki. At marami na naman siyang nalalaman dito tungkol sa kanyang pamilya. Bunso si James sa dalawang anak nina David at Anastasia. Babae ang kanyang nakakatandang kapatid na kasalukuyang naninirahan kasama ang kanyang ama sa Australia. Simula nang maghiwalay ang mga magulang nito ay nawalan na rin ito ng komunikasyon. Nahirapang masyado si James na tanggapin ang kanilang paghihiwalay, idagdag pa ang muling pag-aasawa ng kanyang ina sa kababata nito sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
“I became so feminine, and it made my stepdad go crazy. That’s why they sent me to my dad in Australia hoping I’ll change, but they’re hell wrong as usual,” nasabi ni James kay Devon minsan.
Ngunit hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang ina ng binata. Pinatira na siya sa bahay ng kanyang mga tito’t tita (magulang ni Ivan) sa nais na mabago ang anak. At kaya naman ay ‘di sinasadyang nasali si Devon sa problema nila.
“You know, hindi mo na kailangang itransform ako sa pagkalalaki. I can be what I want,” sabi nito sa kanya. “I won’t allow you to be what you want,” sagot naman niya. “I just want you to be what you need.” And, as expected, she wins over him.
Hindi masyadong mainit ang araw kaya naman ay napagpasyahan nilang sa bangka mag-usap. NAkatali pa rin ito sa isang tinusok na kawayan sa gilid ng ilog. Puno ng chichirya ang kanilang upuan. Point two na sila sa kanilang proper lessons.
Pahigang nakatingala sa asul na langit si James habang kumakain ng mani. “What’s our point number two, ma’am?”
“Hmm,” nakaupo naman si Devon sa kabilang banda ng bangka na may hawak-hawak na notebook. Isipin mo na lang, 45-year-old teacher siya. “Ang point two po natin mister ay ang ‘Attitude Check’.”
“Attitude Check? Ano na naman ba iyon?”
“Mister-“
“Pwede bang miss na lang? Ang awkward ng mister eh,” pampuputol ni James sa sinasabi ni Devon. “Kung suntok kaya, gusto mo?” pananakot naman niya. Humagikhik na lamang ito. “Parang wala ka pang natutunana sa first lesson natin eh,” sambit nito. “Baka gusto mo balikan natin?”
Napabalikwas ito ng bangon. “No! Alam ko naman ang point one natin. Hmm, it’s Junk the Lingos. I must not use any word from the gay lingos, plus I must also speak Tagalog,”
Napangiti siya. “Very good! You’re doing great, student,”
“Yeah! I know. That’s why there’s no need for repetitions,”
“Kaso, bagsak ka pa rin sa quiz natin para sa poin one natin,”
“Oh, why?” tanong nito. “Hear yourself loud and clear Mister Student. Ingles ka pa rin ng ingles,” pamumuna niya. “Fine. I’ll do better next time.” Sabi na lamang nito.
“Kailangan lang. Wala kang makukuhang award sa akin kapag puro bagsak ka,”
Napatingin ito sa kanya at pilyong ngumiti.  Tumabi na ito sa kanya. “Ma’am, anong award kaya iyong makukuha ko mula sa iyo?”
Na-concious si Devon sa maliit na distansya ng kanilang katawan. Mas lalo pa nang ilapit ni James ang muka nito sa kanyang muka. Subalit napako ang kanyang mga mata sa mga mata nito. She seemed magnetized. Seeing the same most beautiful eyes she adored, how could she resist at staring back?
Biglang tumigil ang oras, at nagmistulang nayelo ang dalawa sa kanilang posisyon. Kapwa nakasentro ang kanilang gunita sa mga ngiti’t tawanang pinagsaluhan. Tila bang nag-uusap ang kanilang mga mata.
Hindi talaga mapigilan ni James na pakatitigan ang mga matang kay amo, sobrang inosente. Iyon bang kahit titigan mo iyon inch-away ay hindi kailanman masisira ang iyong mata kaso, masisira ang iyong puso’t isipan sa kakaisip sa nagmamay-ari ng mga matang iyon.
Perpekto na sana nang biglang… KRING! Tumunog ang phone ni James.
“Hrmm, maybe Sam’s number will be a nice award; you’re friends, right?” tumagilid na ito ng upo, at kinuha ang cellphone nito.
Kay lalim ng buntonghiningang pinakawalan ni Devon at napayuko. Nagtatalo ang kanyang sistema:
PUSO: Tsk! Sayang naman! Bitin! Aburidong cellphone na iyon,
ISIP: Ano ka ba naman Puso, mabuti nga iyon kesa ano pang mangyari. At ‘di mu ba narinig ang sinabi niya? Ang gusto niyang award ay iyong number ni Sam, ‘di ba Tenga? Bakla nga pa rin iyon,
TENGA: Oo, iyon iyong pumasok sa aking departamento. Loud and clear.
PUSO: Iyon nga lang ang sinabi niya ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay si Devon ang gusto niyang award. Kitang-kita naman sa kanyang mga mata, tanungin mo pa si Mata mismo!
MATA: Ang lalim ng kanyang pagkakatitig. Iba. Halos ‘di na nga makapagtrabaho ang mga ugat ko dito dahil hindi pa nakarekober sa kanyang titig.
ISIP: Maaaring iba ang kanyang pahiwatig sa mga titig na iyon,
PUSO: At ano? Na gusto niya tayong kainin? Hindi bampira si dd James. Anghel pa nga siguro iyon.
ISIP: Ano ka ba naman Puso? Nalimutan mo na ba si Ivan?
PUSO: Mali ba kung makikita mo ang iyong sarili na nahuhulog sa ibang lalaki?
ISIP: Oo, maling-mali. Isipin mo ang sasabihin ng ibang tao.
PUSO: Naisip ko lang, bakit ang palaging iniintindi ng mga tao ay ang kung anong iniisip ng iba,  at hindi ang nararamdaman ng kanilang puso?Palagi na lang ang isip at minsan lang ang puso.
ISIP: Alam ng isip kung ano ang dapat,
PUSO: Ang dapat lang ang alam mo, hindi ang tama.
TIYAN: Ahm, guys, alam kong pang-Oscars na ang inyong drama diyan ngunit itigil niyo muna ha? Please lang. Gutom na kasi kami dito eh, ‘di niyo ba naririnig ang aming alarm?
Napahawak si Devon sa kanyang tiyan. Gutom na siya. Napatingin siya sa kanyang relos, alas-dose na pala. Nagtetext pa rin si James. Nahihiya siya sa lalaki subalit ‘di na niya kaya ang gutom. Kaya naman maingat siyang tumayo. Bago pa man siya makababa ng maayos sa bangka ay kailangan muna niyang dumaan sa harapan nito. Napatingin sa kanya ang lalaki.
“Oh, where are you going?” tanong nito.
Nag-aalinlangan siyang tumingin ng diresto sa kanya. “Ahh, g-gutom na kasi ako. K-kakain lang ako sa loob,”
Yumango ito. “Hmm, ganun ba? Anong oras na ba?” Tumayo na rin ito at inalalayan siya sa pagbaba. “Alas-dose na,” sambit niya na asiwa pa rin. “You know, I think you don’t want me to eat. You didn’t remind me of the time,” biro nito.
Kapwa na sila nakababa mula sa bangka. Bagkus ay hindi pinatulan ng dalaga ang biro nito. “Ay, hindi naman. Nagugutom lang siguro ako masyado. Dalhin mo na lang iyong mga junk foods sa loob tapos sumunod ka na rin. Mauuna na ako,” at tuluyan na siyang lumakad papalayo sa binata.
Nag-aalalang tiningnan ni James ang dalaga. Hindi niya sinadyang magkatitigan silang dalawa kanina. He couldn’t stop hisself. Naghahanap pa siya kung sino ang pwede niyang pagbintangan. Na-gi-guilty na kasi siyang masyado.
Hmm, don’t blame us. Blame your admiration, blame your own self, narinig niya ang kanyang puso. You know, we are just following orders. dagdag ng kanyang isipan.
Naguguluhan na siya.
Biglang may tumunog sa kanyang tiyan, You’re hungry because we already are. So, get your feet moving. Hey, don’t feel bad in going there. You’re also human, you also have system to feed.
Napahawak na rin siya sa kanyang tiyan. Nababaliw na siya. Naisip niya. Napa-iling na lamang siya at kinuha na ang mga chichirya at nagsimula nang sundan ang dalaga sa loob. Gutom na nga siya. Baka pagkatapos niyang kumain ay tatahimik na ang kanyang sistema.
Maagang silang umuwi dahil kailangan pang samahan ni Devon ang kanyang mama sa palengke. Nangako naman siyang maaga siya kinabukasan at nagsabi pang huwag na lang siyang sunduin dahil isasama niya sina Jenny at Freizie upang tulungan siya sa klase nila bukas. Hinayaan na ni James na siya ang magdesisyon.
Pagkarating sa bahay ay agad na pumasok si Devon sa kanyang kwarto. Nagbibihis na ang kanyang mama ngunit nais muna niang magnakaw ng kahit konting tulog- iyong sapat lang upang pawiin ang nalolokong pakiramdam niya.
“Ano bang nangyari kanina?” bulong niya sa sarili. Iba kasi ang tinitibok ng kanyang puso. Tuluyan na kayang nakuha ni James ang kanyang loob dahil lamang sa mga titig nito? Oh, those beautiful eyes… naisip niya at siya ay napangiti.
Lumilipad ang kanyang isipan nang tumunog ang kanyang phone. Dagli niya iyong sinagot sa pag-aakalang si James ngunit hindi pala.
“Hello baby Devon,” sabi ng nasa kabilang linya.
“Sino ito?” tanong niya. ‘Di niya kasi mairehistro ng maayos ang boses nito dahil iba ang kanyang iniisip. “Baby. Ako ‘to, si Papa Ivan mo,” sagot nito na nagtataka. “Okay ka lang ba dyan?”
Parang natapunan siya ng malamig na tubig mula sa mahimbing tulog. “Pa! Ikaw pala. Sorry, na-na-ewan ko ba, h-hindi ko kasi masyadong narinig iyong boses mo,” pagdadahilan niya.
“Ganun ba? Okay lang iyon. Kumusta ka na? Miss na miss na miss na kita.” Parang naniwala naman ito sa kanya.
“I’m fine.” Tipid niyang sagot.
“Parang ‘di mo ako namiss…” nanlulumo nitong sambit.
“Pa… I miss you, of course. Ahh, tatalong araw ka kayang ‘di nakatawag,” nasabi niya na lamang. Masama bang ibalin sa kanya ang mali kahit ako dapat ang sisihin? Sigaw ng kanyang isipan.
Narinig niyang bumuntaung-hininga ito. “Oo nga, baby. I’m so sorry. Nagin busy kaagad kami dito ni papa. This is also a quick call. Hindi kita matiis,”
“Natiis mo na nga ako ng tatlong araw…” bulong niya sa sarili. “Ano ‘yon baby? ‘Di kita marinig eh,” sabi nito.
“Hmm, pa. Please, go home soon. Please…” totoo iyon. Nais na niyang umuwi ang kasintahan, baka sa ganoon ay hindi na masyadong magulo ang kanyang damdamin. “I’ll go home as soon as we’re finish here, okay? H’wag kang masyadong mag-alala.”
“Thank you,”
“Hmm, I’ll hang up na. Matutulog lang ako sandali tapos may lakad na naman kami ni papa.”
“O, sige. Ayusin mo trabaho mo diyan ha? Para sa business ng papa mo,”
“Of course. Purely business ang priority naming dito for the best outcome.” Tugon nito. “Bye baby.”
“I trust you. Sleep tight, papa. Bye.”
“I love you,” habol nito. Mapaklang ngumiti si Devon. “You know I also do,” at pinatay na niya ang linya. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Dumiretso na lang siya sa banyo at naligo.
KINABUKASAN ay napuno nang halakhakan at sigawan ang DAMP. Kasama nga ni Devon sina Jenny at Fretzie. Humingi siya ng tulong sa dalawa sa ikalawang aralin nila ni James. Ang bawat tikas at galawng bakla kasi ang pinupuna nila. Bawal na sa kanya ang mga kumpas-kumpas ng kamay, mahinhing pag-upo, pakendeng-kundeng na lakad, o maging ang paglagay ng foundation sa mukha.
Nagmistulang catwalk ang malawak na lupain sa gilid ng ilog. Kahit pa nahirapan sa una si James sa paglakad ng straight and masculine ay nakuha din naman niya ito at, infairness, tila totoong male model ito sa pagrampa. Ang kanyang mga palad ay pinapalo ni Jenny kapag nalulugay ito ay nagagaan ang pagkumpas. Dinidibdib talaga nito ang kanyang pagiging guro. Tinuturuan naman ni Fretzie kung ano at paano ang tamang pagkausap sa mga babae sa paraang panglalaki. Si Devon ang nagtuturo sa kanya kung ano ang kanyang mga dadalhin bilang lalaki. Tinalakay din nila kay James kung gaano kahalaga ang pagiging real gentleman at hindi iyong reel. Na kailangan paunahin ang mga dalaga sa paglakad, o bigyan ng upuan sa bus ang mga matatanda. Ang pagiging tactful sa mga usapan at maging sensitibo sa ibang tao.
Lumawig pa ang pagkakaibigan nilang apat. Minsan, kung dalawin sila ng likot at biro ay hinahayaan nilang si James ang magturo sa kanila ng ilang tips sa pagiging babae. Sinusuway naman kaagad ni Devon ang tatlo.
“O, ‘di ba James, you learn from us, and we also learn from you,” nagsalita si Jenny nang magbreak muna sila sa kanilang klase. “Tamuh!” sabi niya. “Eherm,” pamumuna ulit ni Devon. Tumawa ang dalawa. “I mean, yes. Ang galing niyong magteach eh,” pag-uulit na lamang niya.
“Hay naku! Ayos, may pag-asa na pala tayong maging teacher,” biro ni Fretzie. “But, ano bang next nito, ma’am Devon?”
Napaisip si Devon. Kinilatis niya si James. Kahit pa naaasiwa siya ng konti sa lalaki ay ginagawa niya ang lahat upang mawala iyon. “Hmm, I think kailangan natin si Bret and Ryan sa next lesson natin,”
“Oh!” si Fretzie. “Ano kaya ang pangatlo?”
Ngumiti lang siya. “Student, ano nga iyong point one natin?”
“Hmm , Junk the lingos, ma’am.” sagot naman ni James. “How about point two?” tanong pa niya.
“Ah, attitude check po!”
“Good! Now, from the top of point two.” Utos niya at nagsimula na ulit sila.
Nararamdaman ni James na kahit gaano man kadami o kaliit ang lesson na inihanda ni Devon para sa kanya ay tiyak naman na magtatagumpay ito sa kanyang planong gawin siyang lalaki. He was ready to give in already. Masaya siya sa mga pagkakataong magkasama silang lahat. Para kasi sa kanya, kasali na siya sa barkada. Kasali na siya sa mundo ni Devon. Isa na siya sa nakakapagpaligaya nito. At iyon ang mas nakakapagpasaya sa kanya.