CHAPTER TWELVE
Apat na araw na ang nakakaraan matapos simulan nina James at Devon ang kanilang proper-lessons-for-manhood. Naging opisyal na ‘classroom’ na nila ang DAMP. KAdalasan ay sinusundo ni James ang dalaga. Alam na ng magulang ni Devon ag kanyang plano, maging ang mga magulang ni Ivan. Kaya naman ay hindi siya masyadong nahihirapan. ‘Di na rin kadalasang ginagamit ng lalaki ang mga gay lingos.
Masayang kasama ang lalaki. At marami na naman siyang nalalaman dito tungkol sa kanyang pamilya. Bunso si James sa dalawang anak nina David at Anastasia. Babae ang kanyang nakakatandang kapatid na kasalukuyang naninirahan kasama ang kanyang ama sa Australia. Simula nang maghiwalay ang mga magulang nito ay nawalan na rin ito ng komunikasyon. Nahirapang masyado si James na tanggapin ang kanilang paghihiwalay, idagdag pa ang muling pag-aasawa ng kanyang ina sa kababata nito sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
“I became so feminine, and it made my stepdad go crazy. That’s why they sent me to my dad in Australia hoping I’ll change, but they’re hell wrong as usual,” nasabi ni James kay Devon minsan.
Ngunit hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang ina ng binata. Pinatira na siya sa bahay ng kanyang mga tito’t tita (magulang ni Ivan) sa nais na mabago ang anak. At kaya naman ay ‘di sinasadyang nasali si Devon sa problema nila.
“You know, hindi mo na kailangang itransform ako sa pagkalalaki. I can be what I want,” sabi nito sa kanya. “I won’t allow you to be what you want,” sagot naman niya. “I just want you to be what you need.” And, as expected, she wins over him.
Hindi masyadong mainit ang araw kaya naman ay napagpasyahan nilang sa bangka mag-usap. NAkatali pa rin ito sa isang tinusok na kawayan sa gilid ng ilog. Puno ng chichirya ang kanilang upuan. Point two na sila sa kanilang proper lessons.
Pahigang nakatingala sa asul na langit si James habang kumakain ng mani. “What’s our point number two, ma’am?”
“Hmm,” nakaupo naman si Devon sa kabilang banda ng bangka na may hawak-hawak na notebook. Isipin mo na lang, 45-year-old teacher siya. “Ang point two po natin mister ay ang ‘Attitude Check’.”
“Attitude Check? Ano na naman ba iyon?”
“Mister-“
“Pwede bang miss na lang? Ang awkward ng mister eh,” pampuputol ni James sa sinasabi ni Devon. “Kung suntok kaya, gusto mo?” pananakot naman niya. Humagikhik na lamang ito. “Parang wala ka pang natutunana sa first lesson natin eh,” sambit nito. “Baka gusto mo balikan natin?”
Napabalikwas ito ng bangon. “No! Alam ko naman ang point one natin. Hmm, it’s Junk the Lingos. I must not use any word from the gay lingos, plus I must also speak Tagalog,”
Napangiti siya. “Very good! You’re doing great, student,”
“Yeah! I know. That’s why there’s no need for repetitions,”
“Kaso, bagsak ka pa rin sa quiz natin para sa poin one natin,”
“Oh, why?” tanong nito. “Hear yourself loud and clear Mister Student. Ingles ka pa rin ng ingles,” pamumuna niya. “Fine. I’ll do better next time.” Sabi na lamang nito.
“Kailangan lang. Wala kang makukuhang award sa akin kapag puro bagsak ka,”
Napatingin ito sa kanya at pilyong ngumiti. Tumabi na ito sa kanya. “Ma’am, anong award kaya iyong makukuha ko mula sa iyo?”
Na-concious si Devon sa maliit na distansya ng kanilang katawan. Mas lalo pa nang ilapit ni James ang muka nito sa kanyang muka. Subalit napako ang kanyang mga mata sa mga mata nito. She seemed magnetized. Seeing the same most beautiful eyes she adored, how could she resist at staring back?
Biglang tumigil ang oras, at nagmistulang nayelo ang dalawa sa kanilang posisyon. Kapwa nakasentro ang kanilang gunita sa mga ngiti’t tawanang pinagsaluhan. Tila bang nag-uusap ang kanilang mga mata.
Hindi talaga mapigilan ni James na pakatitigan ang mga matang kay amo, sobrang inosente. Iyon bang kahit titigan mo iyon inch-away ay hindi kailanman masisira ang iyong mata kaso, masisira ang iyong puso’t isipan sa kakaisip sa nagmamay-ari ng mga matang iyon.
Perpekto na sana nang biglang… KRING! Tumunog ang phone ni James.
“Hrmm, maybe Sam’s number will be a nice award; you’re friends, right?” tumagilid na ito ng upo, at kinuha ang cellphone nito.
Kay lalim ng buntonghiningang pinakawalan ni Devon at napayuko. Nagtatalo ang kanyang sistema:
PUSO: Tsk! Sayang naman! Bitin! Aburidong cellphone na iyon,
ISIP: Ano ka ba naman Puso, mabuti nga iyon kesa ano pang mangyari. At ‘di mu ba narinig ang sinabi niya? Ang gusto niyang award ay iyong number ni Sam, ‘di ba Tenga? Bakla nga pa rin iyon,
TENGA: Oo, iyon iyong pumasok sa aking departamento. Loud and clear.
PUSO: Iyon nga lang ang sinabi niya ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay si Devon ang gusto niyang award. Kitang-kita naman sa kanyang mga mata, tanungin mo pa si Mata mismo!
MATA: Ang lalim ng kanyang pagkakatitig. Iba. Halos ‘di na nga makapagtrabaho ang mga ugat ko dito dahil hindi pa nakarekober sa kanyang titig.
ISIP: Maaaring iba ang kanyang pahiwatig sa mga titig na iyon,
PUSO: At ano? Na gusto niya tayong kainin? Hindi bampira si dd James. Anghel pa nga siguro iyon.
ISIP: Ano ka ba naman Puso? Nalimutan mo na ba si Ivan?
PUSO: Mali ba kung makikita mo ang iyong sarili na nahuhulog sa ibang lalaki?
ISIP: Oo, maling-mali. Isipin mo ang sasabihin ng ibang tao.
PUSO: Naisip ko lang, bakit ang palaging iniintindi ng mga tao ay ang kung anong iniisip ng iba, at hindi ang nararamdaman ng kanilang puso?Palagi na lang ang isip at minsan lang ang puso.
ISIP: Alam ng isip kung ano ang dapat,
PUSO: Ang dapat lang ang alam mo, hindi ang tama.
TIYAN: Ahm, guys, alam kong pang-Oscars na ang inyong drama diyan ngunit itigil niyo muna ha? Please lang. Gutom na kasi kami dito eh, ‘di niyo ba naririnig ang aming alarm?
Napahawak si Devon sa kanyang tiyan. Gutom na siya. Napatingin siya sa kanyang relos, alas-dose na pala. Nagtetext pa rin si James. Nahihiya siya sa lalaki subalit ‘di na niya kaya ang gutom. Kaya naman maingat siyang tumayo. Bago pa man siya makababa ng maayos sa bangka ay kailangan muna niyang dumaan sa harapan nito. Napatingin sa kanya ang lalaki.
“Oh, where are you going?” tanong nito.
Nag-aalinlangan siyang tumingin ng diresto sa kanya. “Ahh, g-gutom na kasi ako. K-kakain lang ako sa loob,”
Yumango ito. “Hmm, ganun ba? Anong oras na ba?” Tumayo na rin ito at inalalayan siya sa pagbaba. “Alas-dose na,” sambit niya na asiwa pa rin. “You know, I think you don’t want me to eat. You didn’t remind me of the time,” biro nito.
Kapwa na sila nakababa mula sa bangka. Bagkus ay hindi pinatulan ng dalaga ang biro nito. “Ay, hindi naman. Nagugutom lang siguro ako masyado. Dalhin mo na lang iyong mga junk foods sa loob tapos sumunod ka na rin. Mauuna na ako,” at tuluyan na siyang lumakad papalayo sa binata.
Nag-aalalang tiningnan ni James ang dalaga. Hindi niya sinadyang magkatitigan silang dalawa kanina. He couldn’t stop hisself. Naghahanap pa siya kung sino ang pwede niyang pagbintangan. Na-gi-guilty na kasi siyang masyado.
Hmm, don’t blame us. Blame your admiration, blame your own self, narinig niya ang kanyang puso. You know, we are just following orders. dagdag ng kanyang isipan.
Naguguluhan na siya.
Biglang may tumunog sa kanyang tiyan, You’re hungry because we already are. So, get your feet moving. Hey, don’t feel bad in going there. You’re also human, you also have system to feed.
Napahawak na rin siya sa kanyang tiyan. Nababaliw na siya. Naisip niya. Napa-iling na lamang siya at kinuha na ang mga chichirya at nagsimula nang sundan ang dalaga sa loob. Gutom na nga siya. Baka pagkatapos niyang kumain ay tatahimik na ang kanyang sistema.
Maagang silang umuwi dahil kailangan pang samahan ni Devon ang kanyang mama sa palengke. Nangako naman siyang maaga siya kinabukasan at nagsabi pang huwag na lang siyang sunduin dahil isasama niya sina Jenny at Freizie upang tulungan siya sa klase nila bukas. Hinayaan na ni James na siya ang magdesisyon.
Pagkarating sa bahay ay agad na pumasok si Devon sa kanyang kwarto. Nagbibihis na ang kanyang mama ngunit nais muna niang magnakaw ng kahit konting tulog- iyong sapat lang upang pawiin ang nalolokong pakiramdam niya.
“Ano bang nangyari kanina?” bulong niya sa sarili. Iba kasi ang tinitibok ng kanyang puso. Tuluyan na kayang nakuha ni James ang kanyang loob dahil lamang sa mga titig nito? Oh, those beautiful eyes… naisip niya at siya ay napangiti.
Lumilipad ang kanyang isipan nang tumunog ang kanyang phone. Dagli niya iyong sinagot sa pag-aakalang si James ngunit hindi pala.
“Hello baby Devon,” sabi ng nasa kabilang linya.
“Sino ito?” tanong niya. ‘Di niya kasi mairehistro ng maayos ang boses nito dahil iba ang kanyang iniisip. “Baby. Ako ‘to, si Papa Ivan mo,” sagot nito na nagtataka. “Okay ka lang ba dyan?”
Parang natapunan siya ng malamig na tubig mula sa mahimbing tulog. “Pa! Ikaw pala. Sorry, na-na-ewan ko ba, h-hindi ko kasi masyadong narinig iyong boses mo,” pagdadahilan niya.
“Ganun ba? Okay lang iyon. Kumusta ka na? Miss na miss na miss na kita.” Parang naniwala naman ito sa kanya.
“I’m fine.” Tipid niyang sagot.
“Parang ‘di mo ako namiss…” nanlulumo nitong sambit.
“Pa… I miss you, of course. Ahh, tatalong araw ka kayang ‘di nakatawag,” nasabi niya na lamang. Masama bang ibalin sa kanya ang mali kahit ako dapat ang sisihin? Sigaw ng kanyang isipan.
Narinig niyang bumuntaung-hininga ito. “Oo nga, baby. I’m so sorry. Nagin busy kaagad kami dito ni papa. This is also a quick call. Hindi kita matiis,”
“Natiis mo na nga ako ng tatlong araw…” bulong niya sa sarili. “Ano ‘yon baby? ‘Di kita marinig eh,” sabi nito.
“Hmm, pa. Please, go home soon. Please…” totoo iyon. Nais na niyang umuwi ang kasintahan, baka sa ganoon ay hindi na masyadong magulo ang kanyang damdamin. “I’ll go home as soon as we’re finish here, okay? H’wag kang masyadong mag-alala.”
“Thank you,”
“Hmm, I’ll hang up na. Matutulog lang ako sandali tapos may lakad na naman kami ni papa.”
“O, sige. Ayusin mo trabaho mo diyan ha? Para sa business ng papa mo,”
“Of course. Purely business ang priority naming dito for the best outcome.” Tugon nito. “Bye baby.”
“I trust you. Sleep tight, papa. Bye.”
“I love you,” habol nito. Mapaklang ngumiti si Devon. “You know I also do,” at pinatay na niya ang linya. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Dumiretso na lang siya sa banyo at naligo.
KINABUKASAN ay napuno nang halakhakan at sigawan ang DAMP. Kasama nga ni Devon sina Jenny at Fretzie. Humingi siya ng tulong sa dalawa sa ikalawang aralin nila ni James. Ang bawat tikas at galawng bakla kasi ang pinupuna nila. Bawal na sa kanya ang mga kumpas-kumpas ng kamay, mahinhing pag-upo, pakendeng-kundeng na lakad, o maging ang paglagay ng foundation sa mukha.
Nagmistulang catwalk ang malawak na lupain sa gilid ng ilog. Kahit pa nahirapan sa una si James sa paglakad ng straight and masculine ay nakuha din naman niya ito at, infairness, tila totoong male model ito sa pagrampa. Ang kanyang mga palad ay pinapalo ni Jenny kapag nalulugay ito ay nagagaan ang pagkumpas. Dinidibdib talaga nito ang kanyang pagiging guro. Tinuturuan naman ni Fretzie kung ano at paano ang tamang pagkausap sa mga babae sa paraang panglalaki. Si Devon ang nagtuturo sa kanya kung ano ang kanyang mga dadalhin bilang lalaki. Tinalakay din nila kay James kung gaano kahalaga ang pagiging real gentleman at hindi iyong reel. Na kailangan paunahin ang mga dalaga sa paglakad, o bigyan ng upuan sa bus ang mga matatanda. Ang pagiging tactful sa mga usapan at maging sensitibo sa ibang tao.
Lumawig pa ang pagkakaibigan nilang apat. Minsan, kung dalawin sila ng likot at biro ay hinahayaan nilang si James ang magturo sa kanila ng ilang tips sa pagiging babae. Sinusuway naman kaagad ni Devon ang tatlo.
“O, ‘di ba James, you learn from us, and we also learn from you,” nagsalita si Jenny nang magbreak muna sila sa kanilang klase. “Tamuh!” sabi niya. “Eherm,” pamumuna ulit ni Devon. Tumawa ang dalawa. “I mean, yes. Ang galing niyong magteach eh,” pag-uulit na lamang niya.
“Hay naku! Ayos, may pag-asa na pala tayong maging teacher,” biro ni Fretzie. “But, ano bang next nito, ma’am Devon?”
Napaisip si Devon. Kinilatis niya si James. Kahit pa naaasiwa siya ng konti sa lalaki ay ginagawa niya ang lahat upang mawala iyon. “Hmm, I think kailangan natin si Bret and Ryan sa next lesson natin,”
“Oh!” si Fretzie. “Ano kaya ang pangatlo?”
Ngumiti lang siya. “Student, ano nga iyong point one natin?”
“Hmm , Junk the lingos, ma’am.” sagot naman ni James. “How about point two?” tanong pa niya.
“Ah, attitude check po!”
“Good! Now, from the top of point two.” Utos niya at nagsimula na ulit sila.
Nararamdaman ni James na kahit gaano man kadami o kaliit ang lesson na inihanda ni Devon para sa kanya ay tiyak naman na magtatagumpay ito sa kanyang planong gawin siyang lalaki. He was ready to give in already. Masaya siya sa mga pagkakataong magkasama silang lahat. Para kasi sa kanya, kasali na siya sa barkada. Kasali na siya sa mundo ni Devon. Isa na siya sa nakakapagpaligaya nito. At iyon ang mas nakakapagpasaya sa kanya.
No comments:
Post a Comment