Monday, November 28, 2011

dd&mmchap18


Chapter eighteen
Kaya ko ‘to. Kakayanin ko.
Tahimik lang na nakatitig si James sa likuran ni Devon. Nakaumpok ang barkada sa loob ng klasrum maliban kay Fritzie. Kababalik lang nila pagkatapos ng dalawang linggong semestral break. Abala sila sa pag-uusap tungkol sa bago nilang professor. Nakatutok naman ang mga mata ng mga estudyante sa kanila o siguro ay kay James. Nagulat sila sa bagong anyo ng binata. Mas lalo itong gumwapo’t lumakas ang appeal.
Kinalabit siya ni Jenny. “James, hoy, ano bang nangyari sa’yo? Kanina ka pa walang imik d’yan, ha?”
Nabaling ang atensyon ng barkada sa kanya. Humarap din sa kanya si Devon. Napasulyap siya sa dalaga at nagsalita. “Hmm, nothing. I just remember something.”
“Ano ba ‘yon? Hindi naman ziguro azzignment kasi kapapachok pa lang natin.” Usisa ni Ryan. “Yeah. It’s not an assignment. It’s actually about-” Ngunit ‘di natapos ang binata nang si Jenny na ang tumapos sa kanyang sasabihin. “Maybe it’s actually about your total transformation! Siguro, naaasiwa ka pa?”
“Ah, yeah. Of course. I f-felt a l-l-little uncomfortable…”
Ramdam niya ang pagkakatitig ng dalaga sa kanya at ‘di niya matiis na ‘di tingnan ito. Nang gawin niya ito’y bumaba naman ito ng tingin. “Naku, ganyan lang talaga ‘yan.” Si Jenny. “Devs, ang galing mo namang magturo at very successful ang lessons ninyo ni James,”
Tumango lang ito na ‘di pa rin makatingin sa kanya. “She’s a very good teacher…the best pa nga. Hindi lang niya ako ginawang lalaki, binigyan pa niya ako ng bestfriend,” sabi niya na ang mata’y nasa dalaga.
Then, there was an awkward silence. It was like a rotation of world between Devon and James na silang dalawa lang ang nakakaintindi. Inaamin ni Devon sa kanyang sarili na hindi siya asiwa sa mga  titig ni James bagkus takot siyang tingnan ito. Baka mas lalo niyang hindi maintindihan ang sarili. Si James naman ay takot din. Takot na baka ito na ang huling matitigan niya ang dalaga na mataimtim at sa kanya lamang.
“Eherm.” Pamumukaw ni Bret at inakbayan si James. “Oo naman, James. Binigyan ka talaga ni Devs ng bestfriendSSS.” At diniinan ang S sa huli.
Pumalakpak naman si Ryan. “Ahahaha! Oo! Tayo ‘yon!”
Tumawa na lamang sila. Tinapik siya ni Bret na tila ba sinasabi sa kanyang maghinay-hinay lang at alalahanin ang kanyang limitasyon. May syota na ang dalaga’t isang pagtataksil ang maaari niyang planuhin. Tinapik din niya ito’t nagsimula nang lumakad.
“I better get going, guys. I still have a class to catch up,” sabi niya. “O, sige, James. Kita na lang tayo mamaya.” Tugon ni Bret.
Subalit nagitla siya nang magpaalam na rin si Devon sa barkada. “Ayy, kailangan ko pa palang hanapin si Ms. Grimms. Mauuna na rin ako.” Lumapit ito sa kanya. “Sabay na lang tayo, James?”
How could he refuse? Agad naman siyang tumango na tinatago ang ngiti sa labi.  
Magkasabay silang umalis. Kapwa tahimik ang dalawa. Nagpakiramdaman. Tila naiilang. Hangga’t ‘di na makatiis si Devon. “James. Ano ba talaga ang iniisip mo kanina?”
“Ha?”
“Alam kong nagsinungaling ka sa barkada kanina. Ano ba talaga ang dahilan?”
Nagpatuloy lang siya sa paglakad. “Teka nga. Akala ko ba bestfriends tayo? Bakit ‘di mo ma-share ang burdens mo diyan sa loob mo?” at pinigilan niya ito sa siko. Napaharap sa kanya si James. “Ano ba ang gusto mong malaman, Diday?”
Ngumiti muna siya. Nakikiliti talaga siya sa pangalang Diday. “Eh, gusto ko lang namang malaman kung ano ba talaga ang iniisip mo. Akala ko kasi hindi ka na masyadong thinker pagkatapos ‘yong lessons natin. Akala ko nabago ko na rin iyong attitude na’yon.”
“Diday, it’s not all the time you can change the attitudes of others. Sometimes it stays the same.”
Yumuko lang siya. Tama ang binata. Hindi lahat ng pagkakataon pabor sa kanyang kagustuhan.
“Pero kung gusto mong malaman, I’ll tell you.” at pinisil nito ang kanyang ilong. “Alam kong masisiyahan ka rin naman ‘pag nalaman mo ito.”
Tiningnan na niya si James. Mapakla itong ngumiti. “It’s about Ivan.”
“Ivan? B-bakit?” hindi niya maintindihan ang sarili. Tila ba mas tumindi ang takot at pag-aalinlangan.
“He’s- he’s here.” He finally managed to utter. “Kahapon lang siya dumating.”
Matutuwa ‘di ba dapat ako? Naisip ni Devon. Bakit ‘di niya matagpuan ang kasiyahan at kasabikan sa pagbabalik ni Ivan? Dalawang linggong nawala si Ivan at sa loob ng mga linggong iyon ay halos limang beses lang tumawag ang syota. Dapat na niyang ma-miss ang binata. Ngunit tsaka lang niya iyon naisip nang tapos na sila ni James sa kanilang lessons. Ang totoo’y pakiramdam niyang siya ay taksil. Para bang wala siyang maihaharap kay Ivan. O baka wala nga TALAGA.
“Devon!” alam niyang ibang boses iyon at hindi si James. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si Fritzie iyo at kumakaway. “Devon! Hulaan mo kung sino ang kasama ko ngayon.”
“Ah, s-sino ba?” nasabi rin niya kahit pa kinolekta pa niya ang kanyang diwa. “Sino pa ba? Eh di si Papa Ivan mo!” banggit nito’t nasa likuran na nito si Ivan na may dalang tulip.
Buong ngiti nitong ibinigay ang paboritong bulaklak. “Para sa pinakanamiss at pinakamaganda kong baby Devon.” Ang tanging nagawa niya’y titigan ang tinanggap na tulip. Nababalisa siyang tingnan si Ivan. Niyakap siya nito.
At sa gilid ng kanyang mata’y nakita niya si James na lumakad palayo sa kanila. May kirot siyang naramdaman sa paglayo ng binata. Nais niya itong habulin at aluin. Subalit hindi niya iyon magagawa. BAWAL. Kailangan niyang maging tapat sa syota dahil ganoon siya bilang babae. Dahil ganoon kahalaga si Ivan. Ganoon dapat kahit pa batid na niyang nasasaktan siya.
James.