Friday, March 11, 2011

chap 8 (*accidentally inluv)


chapter EIGHT
“Ano?!?”
Mas lalong nainis si Devon kay Jenny. Kanina pa siya nag-eexplain sa gagawin niyang transformation kay James ngunit tila hindi maintindihan ng dalaga ang ibig niyang sabihin.
“Excuse me Ms. Jenny Keem and Ms. Devon Serano, kung ayaw n’yong mapalabas dito sa library ay hinaan niyo ang boses niyo. Last warning ko na ito, isa pa at palalabasin ko na kayo,” tuluyan ng lumapit sa kanila si Ms. Calay, ang kanilang school librarian.
Dumagdag na iyon sa inis niya. Nasa libarary sila’t nagreresearch para sa gagawain nilang group report ngunit hindi diya maka-concentrate dahil sa kakulitan ng kaibigan. “Last ka na rin sa akin Jenny Keem,” pananakot niya.
Umismid ito at tumabi sa kanya ng maayos. “Eh, kasi naman Devon, I’m just worried about you. Paano mo gagawin ang bagay na iyon na wala ka naman palang lessons na nalalaman?”
“Bahala na. Ang mabuti ay napapayag ko na siya na gagawin ko ang ano mang gusto ko. Tutal naman ay exam pa, hindi ko muna iyon iisipin,”
“Ewan ko sa’yo, baka sa bandang huli ay manghihingi ka na naman ng advice sa akin,”
“Hindi naman ako sa’yo hihingi ng payo, ke Fretzie na.”
Lumaki ang mata nito. “Ha? Sus, ganyan ka naman talaga, others na talaga ako dito,”
Humagikhik siya. Mahilig talagang mag-emote ang kaibigan. “Kasi po, kung sa’yo ako manghihingi, may kasama pa iyong sermon. Mabuti na si Fretzie, wala...”
Jenny acted as if she was crying. Tawa lang ang naging tugon ni Devon. Sanay na kasi siya sa mga drama ng kaibigan. Ika nga, best actress ito in a major, major role! “Oo na! Inaamin kong ako’y ‘di perpekto ngunit don’t you know that I always care for you because you’re my friend? Can’t you see the point?” patuloy pa rin ni Jenny.
“Sshh, h’wag ka ng masyadong maingay baka pagalitan na naman tayo ni miss at palabasin,”
“Ewan ko ba diyan kay Ms. Calay, ang sensitive ng ears. Nakakarinig pa rin kahit whisper lang. Hay naku!” komento ni Jenny.
“Kaya nga ‘wag ka ng maingay,” pangsasaway pa rin ni Devon.
“Tsk. Kasi naman!” sabi ni Jenny. Umirap siya sa kaibigan na abala na sa kanyang sinusulat. Bahagya itong nakayuko kaya naman makikita niya ang mga taong labas-masok sa silid-aklatan. Kukunin pa sana niyang muli ang atensyon ni Devon nang makita niya ang pamilyar na pigura na papalapit sa kanila. Hindi ito pakendeng-kending ngunit kay gaan nitong lumakad na nagmistulang kaluluwa. Ang swabe nitong tingnan. Makalalag panty, parang ganun yata.
“Akin ka na lang...” wala sa sariling nasambit ni Jenny.
Umangat na ang tingin ni Devon at nagtatakang tiningnan ang bff. “Huh?”
“Excuse me, matatabunan mo siya...” wala pa rin sa sariling tugon nito. Dahil sa labis na pagtataka ay napalingon si Devon sa likuran. At hindi sinasadyang napatigil ang ikot ng mundo. She was staring straight and close to the most beautiful eyes she had ever seen in her entire existence. It was smiling. There was only an inch-gap on their faces, yet no one moved. Both of them were captured on the moment their eyes spoke to each other. It seems they had their own language, own perceptive. The guy innocently smiled, and took out a pink tulip. Then, she recovered and withdrew her stares at him.
“J-J-James...” napabulong si Devon ngunit bigla siyang nag-angat ng mukha. “I-Ivan? Ano na naman ito?”
Umupo na rin si Ivan sa tabi niya. “Wala lang. Pumunta kasi ako sa Dangwa upang asikasuhin ‘yung inorder naming bulaklak para sa program. Nakita ko itong tulip, maganda... kasingganda mo kaya binili ko na,” sabi nito.
Ngumiti siya at inamoy ang bulaklak. Naramdaman niyang mayroong isang parte sa kanyang puso na nagdiriwang. “Salamat. Nag-abala ka pa,”
“Kahit kalian ay hindi ka naging abala sa akin,”
“Eherm!” pang-aagaw ni Jenny. Ngunit nalakasan niyang masyado kaya naman ay ang leeg ni Ms. Calay ay tumataas na naman. Kiming yumuko si Jenny at nag-astang nagsusulat. Pinipigilan naman nina Ivan at Devon ang tumawa. Nang hindi na makita ang leeg ng librarian ay agad na itong nagsalita. “Whew, muntikan na iyon.”
“Ikaw naman kasi, nilakasan mong masyado eh,” si Devon.
“Heh! Tayo na nga. Labas na tayo,” pang-anyaya nito. Mukhang kanina pa itong nagpipigil na dumaldal. “Tapos ka na ba?”
“Sige, tapos na rin ako,” sabi ni Devon. “Tayo na pa?” tiningnan niya si Ivan. Tumango naman ito at tinulungan na silang magsauli ng mga libro. Lumabas na sila sa silid pagkatapos. “Salamat!!! Fresh air na talaga!!!” bulalas ni Jenny, palibhasa kasi ay hindi ito sanay na maglagi sa loob ng library. Tumawa na rin silang dalawa.
Dala ni Ivan ang kanyang mga gamit at hawak naman niya ang tulip. Masaya silang naglalakad patungo sa kanilang tambayan. Hindi na kasi mapigilan si Jenny sa kakadaldal. Sa kabilang dako naman ay nakatayo si James sa may pasilyo ng paaralan at nakasunod ang tingin kina Ivan, Jenny at Devon. Papunta siya sa itaas ng mahagilap ng kanyang tingin ang masiglang usapan ng tatlo ngunit mas lalong nasentro ng kanyang atensyon sa magsing-irog.
Matagal ng inuusig  ang kanyang isipan ng mga tanong ng kanyang puso. At isa na doon ang tanong na kung ano nga ba si Devon sa buhay niya. Ang sabi ng kanyang isip ay kaibigan ngunit bakit sutil ang puso? Ang sigaw kasi nito’y espesyal si Devon- mas espesyal pa sa kanyang pamilyang kinalakihan.