CHAPTER ELEVEN
Maghapong nag-aral ang dalawang nilalang na kapwa nakalimutan ang oras dahil sa saya. Binigyan ni Devon si James ng ‘DON’T-SPEAK-THIS-RATHER-USE-THIS-list’ na naglalaman ng mga salitang-bakla at ang mga katumbas na kahulugan nito. Napapatawa lang si James tuwing pinipilit ng dalaga na sabihin ang isang salita na mali-mali.
Inis nang nagsalita si Devon . “A-ano ito? K-korek k-kakok p-plangekngak ng-ngyok p-ploka ni Nora… Nora Aunor?!?”
“Korek kakak plangekngak nguk plaka ni Nora Aunor! And that means Yes!” napatawang sagot ni James.
“I strictly advise you to quit saying this lingos; I barely understand it,” komento niya at napalunok na lamang.
Tumawa lang nang tumawa ang binata. Natatawa siya sa mga reaksyon ng babae. Kahit pa man nahihirapan si Devon ay inaamin niyang nag-enjoy siya ng husto sa naging takbo ng unang araw ng klase nila ni James. Minsan ay pinababayaan lang niya ang binata na turuan siya nito ng mga salita. At minsan din ay nahuhuli siya nitong nakatingin sa kanya.
Kung mahuli man siya ni James ay nahuhuli din naman niya ang binatang nakatingin sa kanya. Siguro ay kapwa lang nila na-miss ang isa’t isa kahit pa ilang oras lang silang nagkasama sa eroplano. Hindi na iniisip ni Devon kung ano man ang ibig sabihin ng kanyang nararamdaman. Para sa kanya, isang tunay at masayang pagkakaibigan ang namumuo sa kanyang damdamin para kay James. Si James, sa kabilang banda, ay ganoon din naman ang iniisip.
I ought not to feel anything peculiar… palaging iniisip ni James.
Natapos ang unang araw ng lesson nina James at Devon sa pagkain ng jumbo hotdog mula sa isa sa mga stall sa parke. Pinilit ni James si Devon na ihatid siya nito ngunit umayaw ang dalaga dahil alam niyang pagod rin lalaki. They both parted ways with a smile.
Papasok pa lang ng bahay si Devon nang tumunog ang kanyang phone.
“Hello?” sagot niya. “Hmm, hello. Diday-girl?” ganting tanong ng tumawag. “James? Bakit?” nakilala niya ang boses na iyon.
“Ahh, do we have a class tomorrow?” si James.
“Oo meron. Same place, bakit? May lakad ka bang iba?”
“Wiz naman. I know a place you will bonggang-bonggang like! Okay lang kung change route tayo?”
Napataas ang kilay ng dalaga. “Wala naman, you must say. And erase the word ‘bonggang-bongga’,”
“Oh, yeah, yeah. Yes, ma’am. But, but, is it okay with you?” sagot na lamang ng binata at ‘di pinansin ang sinabi ni Devon . “Saan ba ‘yan?” tanong niya. Ngumiti si James sa kabilang linya. “Actually, it’s a place called DAMP—” at biglang naputol ang kanyang linya.
“Hello? James? Hello James?” tawag ni Devon . Napatingin siya sa kanyang phone. Siya pala ang nawala dahil lowbat na ito. “Ugh! Saan ba iyong DAMP?” napahawak siya sa kanyang batok.
At siya namang paglabas ng kanyang mama. “O, iha, mabuti nandiyan ka na. Nasa loob sina Jenny.”
“Ay, opo. Papasok na nga po ako,” sabi na lang niya at nagmano. Pumasok na siya na nagtataka kung saang lupalop ng Pilipinas matatagpuan ang DAMP. Nakakunot ang noo niya nang makita siya ng mga kaibigan sa loob ng sala.
Tinawag siya ni Bret. “Devs, good afternoon! Okay lang ba kung nandito kami?”
Napalingon siya. “Ay, oo naman. Kalian pa ba kayo naging bawal dito?” ngumiti siya. “Para kasing may iniisip ka eh,” sabi nito. “ Ahh wala naman. Teka, magbibihis muna ako.” Sagot niya at dagling pumanhik paitaas.
Nagbihis na siya at nakalimutang i-charge ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag. Pumanaog na siya at umupo katabi ng kanyang mga kaibigang sina Bret, Fretzie, Jenny at Ryan. “Saan ba kayo galing ha?” pagbubukas niya sa kwentuhan.
“Galing kami kina Ryan. Kagagaling lang pala niyan ng Laguna,” sabi ni Fretzie.
“Uhuh. I lily lily like der. So many foods! I brought some for you too,” pagbabahagi ni Ryan. “Kaso nasa mom muna iyon,”
Ngumiti siya. “Eh, ke mama mo naman palagi inaabot ‘yung mga regalo mo sa akin eh,” biro niya. “I don’t know why it always falls on the hand of you mom. Si tita kasi, eh, ang init magwelcome sa amin,” biro din nito. Tumawa lang sila.
Iniba ni Jenny ang usapan. “Wait! Di ba ngayon ang first day of class niyo ni James? So, how was it?”
Napaisip si Devon at may sumilay na ngiti sa kanyang labi. “T’was fun. ‘Di na niya masyadong ginagamit ‘yung gay lingos niya,”
“Uyy, ngumingiti siya.” Panunukso ni Ryan. “Hmp, h’wag kang ganyan Ryan ha? Ikaw talaga,” depensa niya. “Hahaha, what’s wrong with smiling, Devon ko?” hirit pa rin ni Ryan. Napailing na lamang ang dalaga. Humahagikhik naman ang kanyang mga kaibigan.
“Pero Devs, magkikita pa ba kayo bukas?” tanong na lamang ni Fritzie.
Tsaka lamang niya naalala ang sinabi ni James na lugar- ang DAMP. Itatanong na lamang niya sa mga kaibigan baka alam nila. “Oo, pero may problema eh.”
“May problema? Bakit?” si Fritzie pa rin.
Tiningnan niya ito pagkatapos ay ang kanyang mga kaibigan. “Er, guys, alam niyo ba kung saan iyong DAMP?”
“DAMP?” pag-uulit ni Bret.
“Yup. DAMP.”
Napaisip ang buong barkada. Ganyan sila. Kapag may kailangan ang isa, tinutulungan nila. “Don’t tell me it’s the cemetery you are talking about?” nagtatakang tanong ni Jenny. “Cemetery? Sementeryo?” pagdadalawang-isip ni Devon . “Hmm, oo. ‘Di ba may Don Anselmo Memorial Park ? Malapit lang din iyon sa subdivision nila.” Sabi ni Jenny.
Nag-alinlangan ang buong barkada. Nagtataka sila kung bakit gusto ni James na doon sila magkita. “Naku, bakit naman doon pa? Baka naman kung ano ang iniisip ng baklang iyon,” sabi ni Bret. “Oo nga Devon ko, baka ano gawin sa iyo ng beki na iyon.” Pagsang-ayon naman ni Ryan.
Nakakunot naman ang noo ni Devon at pinagtanggol ang binata. “Guys, thank you sa concern, but believe me hindi ganoong tao si James. Hindi ba nakilala ko na siya sa airplane,”
“Tama si Devon . Hindi ugali ni James ang ganyan,” salo ni Fretzie. “I super, super agree with that also. Hmm, baka naman may rason siya kung bakit doon niya gusto, kung doon nga…” sambit ni Jenny.
“DAMP lang iyong sinabi niya eh, ‘di ba wala ng ibang DAMP na place dito?” tanong niya.
“Iyong memorial park lang ang alam namin,” sagot ni Jenny. Napaisip si Devon . Ayaw niyang lagyan ng malisya ang desisyon ng binata na doon sa sementreryo sila magkita. Tama si Jenny, may dahilan ang lalaki kung bakit doon niya gusto. “Well, baka doon nga siguro ang gusto niya…” Sabi na lamang niya. “Tahimik kasi. Para maka-focus sa lesson namin?”
“Siguro. But girl please be careful, okay?” tanging nasabi ni Bret.
Ngumiti siya. “Opo, kuya.”
Iniba na nila ang kanilang usapan. Tuluyan nang nakalimutan ni Devon ang kanyang phone. Gabi na nang umuwi ang kanyang barkada at dahil na rin sa pagod ay matapos maligo ay nakatulog na siya ng mahimbing. Si James naman ay hindi mapakali. Kanina pa niya tinatawagan si Devon upang sabihin na siya na lang ang kukuha sa kanya kinabukasan.
“What happened to that girl? Why isn’t she answering my calls?” pagmamaktol ni James sa loob ng kanyang kwarto.
Nakakailang tawag na siya ngunit hindi pa rin ito sumasagot. “Grr, where the hell is her cellphone?!” Patuloy pa rin niyang maktol. Humiga na siya sa kanyang kama at hawak-hawak pa rin ang kanyang phone at tinatawagan ang babae. Hanggang nakatulugan na lamang niya iyon.
NAGDADALAWANG-ISIP si Devon na pumasok sa loob ng sementeryo. Alas-otso pa lang ng umaga ay nasa tapat na siya ng sementeryo. Tahimik at payapa ang paligid. Siya lamang ang nasa lugar na iyon. Kahit takot ay naisip pa rin niyang galawin ang kanyang mga paa. Kaninang madaling-araw pa niya naisipang i-charge ang kanyang cellphone. Malas pa nga ay wala na siyang load at ‘di niya matawagan si James upang kumpermahin ang lugar.
Lumilingon pa siya sa paligid nang tumunog ang kanyang phone. Si James.
“Now, where are you?” agad niyang sambit. Napatawa ang lalaki. “I thought, ako ang dapat magsabi niyan,” sagot nito. “Yeah. Pero hindi mo naman sinabi kung saang DAMP tayo magkikita,” pang-aaway niya.
Narinig niyag bumuntong-hininga ito. “Gosh, I called you a million times already last night, but you never answered. My fault now?”
“Hmp. Fine. Ako na ang mali . Hindi ko na-charge iyong phone ko, sorry.” sarkastiko niyang sagot.
“Good thing you admitted you’re mistake,” sabi nito. “Yeah. Whatever.” Tugon niya.
“Where are you?” tanong nito.
Lumunok muna siya tsaka nagsalita. “Nasa DAMP, I think.”
“You know the place?” maang tanong nito. “Of course. It’s Don Anselmo Memorial Park, isn’t it?” she sounded proud enough. Ngunit tumawa ito nang tumawa. Tila narinig niya ang isang tawang nakakabighani, ‘di nakakasawang pakinggan. “Okay. Jaust wait there. I’ll pick you up,” sabi nito na nasa boses pa rin ang tawa.
Napatigil siya. “Wait. Hindi ba ito ang sinasabi mong DAMP?”
“Hell, no.” sabi pa rin nito sa pagitan ng tawa. “Wait for me there, Diday-girl.” At pinatay na nito ang linya.
Napasimangot na lamang ang dalaga. So, I’m wrong, and I’ll wait here, and I hate it. Nakakahiya! Tanging naisip ni Devon . Alam naman niyang normal lang na magkamali ang isang tao ngunit tila madalas na sa minsan ang mga pagkakamaling nagawa niya kay James. She couldn’t stop herself from being clumsy towards him.
Ang totoo ay hindi niya alam kung bakit. Sa lahat ng mga kaibigan niyang bakla ay kay James pa siya naging close masyado. Simula kasi nang maging sila ni Ivan ay miminsan na siyang nakikihalubilo sa ibang tao maliban sa kanilang barkada. Naging kontento na kasi siya sa kanyang mga nakakasalamuha. Napatingin siya sa mga nakalibing sa sementeryo. Naisip niya kung ano kaya ang buhay mayroon ang mga namatay noong buhay pa sila, at kung saan na sila na ngayon. Napagdaan din kaya nila ang dinadaanan ko ngayon?
Nakatingin siya sa kalayuan nang biglang may kumalabit sa kanyang likod. She tiptoed!
Batid niyang si James iyon. Naiinis siyang lumingon. “Ano ba? Alam mo namang sementeryo ito tapos nananakot ka ng ganyan,”
Ngumiti ito. Kay gwapo nitong tingnan sa pulang polo-shirt at maong pants. “Chaka! Kung scared ka, eh ‘di you’ll not lingon-lingon kaagad!” komento nito. Pinagdilatan niya ito. “Ikaw, paepal ka talaga. Lahat ng sinasabi ko, may rason ka.” Sagot niya. Tumawa ito. “Blame my wittiness, Diday-girl!”
“Teka, teka! Oo nga, nakalimutan ko,” saad niya habang kinukumpas ang kamay. “Bawal na sa iyo ang intonation at mga words na iyon, ‘di ba? At isa pa may idadagdag ako sa ‘Junk the Lingo’ lesson natin,”
Pinisil ni James ang kanyang ilong. “Yes, ma’am. But let’s not talk our lessons here, this is not yet our classroom,” Maigi lang niyang tinitigan ang lalaki. “C’mon, tayetch na!”
Magaang suntok sa braso ni James ang reaksyon ni Devon . Napahawak si James sa kanyang braso. “Again?” komento nito. “Hmm?!?” tugon niya na nakataas ang kilay. Napailing na lamang si James. “Fine, I get it. C’mon, let’s go,” at kinuha na nito ang kanyang palad. Tuloy-tuloy na itong lumakad na hawak-hawak ang kanyang kamay. Napatingin na lamang si Devon sa kanilang mga palad at kay James. Nakatalikod ito at mahinhin lang na naglalakad.
Wala naman sigurong masama sa paghoholding-hands sa isang kaibigang bakla, Tanging naibulong ni Devon sa sarili.
MALAYU-LAYO ang kanilang nilakbay patungo sa DAMP na sinasabi ni James. Papasok pa lang sa lugar ay nakahanay na sa gilid ang mga malalabong puno. Maganda ang daan at presko ang simoy ng hangin. Tahimik lamang na nagmamaneho si James at abala naman si Devon sa kakatingin sa kanyang paligid.
Huminto sila sa isang malawak na lupain sa tapat ng ilog. Sa gitna ay may isang kubo sa lilim ng kaisa-isang puno ng Mangga na maraming bunga. Nakalatag ang mga damo na malinis naman ang pagkakaputol. Sa bandang ilog ay naroon ang isang bangka. Nakakabighani ang ilog dahil tila nagniningning ito mula sa sikat ng araw. Malaya ding nilalaro ng hangin ang buhok ng dalaga na manghang-mangha pa rin sa kanyang nakita.
“So, ito ang DAMP?” tanong ni Devon .
“Yup. David and Anastasia Majestic Place ,” pagmamalaki ni James.
Humalakhak si Devon . Nakabulsang tinitigan ni James ang tumatawang dalaga. Napangiti siya. It was the nicest feeling in the world seeing a friend laugh out loud without limits. “Well, tahimik doon sa DAMP na akala namin, and tahimik din sa DAMP na dapat pala nating puntahan. May pagkaparehas naman ngunit maling-mali talaga ang lugar na pinuntahan ko,” napahawak na lamang ito sa kanyang batok.
“I don’t know why you went there,” patawa din niyang sagot.
“Akala nina Jenny na doon sa Don Anselmo Memorial Park , DAMP din naman iyon. Malay ba naming may ganitong DAMP na lugar pala,” sabi nito. “Teka, sino ba ‘tong sina David and Anastasia?”
“David is my dad, while Anastasia is mom,” tugon niya. “Ahh, ayos ha? Siguro palagi kayong pumupunta dito as family, ano?” tanong nito. “That was before my dad and mom got separated,” sambit niya.
Napalingon ito sa kanya. “Hm, I’m sorry to hear that one,”
“Nah, it’s okay,” sabi niya. “It’s okay… that’s what they always told me. That it is okay that they were separated than to have an unworked relationship.”
“Sino bang maysabi?”
“They. They, who know the real world,”
“Dapat ang sinabi mo, ‘they, who know nothing about the real world’.”
“Ha?” nagtatanong ang kanyang mga mata sa dalaga. “Alam mo, hindi normal ang buhay kung magkahiwalay ang parents mo. You can’t enjoy the real world. Kaya mali sila ng sabihin nilang okay lang na maghiwalay ang mag-asawa. Marami namang paraan upang mag-work ang isang relasyon, ‘di ba?” tugon nito.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kapwa sila nakangiti.
“Thank you,” si James.
“Para saan?” tanong ni Devon .
“Para sa sinabi mo,” mas lumawig ang ngiti sa kanyang labi. “You are the first person who told me that separation is one damn thing,”
Ngumiti rin ang dalaga. “Echus naman! Haha.” At tinapik ang kanyang braso. “Alam mo, ayaw ko lang talaga sa mga hiwalayan-hiwalayan topic ever! But you’re welcome…”
“In that case, magkakasundo tayo. And I think we’ll be the best of friends because you are starting to love my lingos!”
Tinakpan nito ang kanyang bibig. “Oops! Wala akong sinasabing ganun.” At nagsimula na itong lumakad papalapit sa kubo. “Magsimula na nga tayo,”
Sinundan lang ng tingin ni James ang papalayong dalaga. Masaya siya dahil may kaibigan na siyang mapagsasabihan ng kanyang mga saloobin. Nakakahawa kasi ang aura ni Devon . Unang kita pa lang niya sa kanya ay paborito na niya itong kaibigan, kakilala, o kung magiging cousin-in-law. Sa ‘di malamang dahilan ay nakaramdam siya ng kirot. I ought not to feel anything peculiar… inisip niya, but I really can’t help it.
Kinawayan siya ng dalaga. “James! Halika na, dali!”
“Yes! I’m coming!” lumakad na siya papalapit sa dalaga. “What is the additional point, by the way?”
Nagpacute pa ito. “Speak Filipino, refrain using English words,”
“Seriously? I might fail,”
“Matalino ka naman,” rason nito. “At kailangan talaga na gamitin mo ang sariling linggwahe natin, nasa Pilipinas ka na kaya,”
“Hmm, you already told me about that back in the airport. Hindi ka talaga nakakalimot,”
“Talaga! Kung nasa Australia ka, mag-ingles ka nang mag-ingles. And ‘di ba kung nasa Australia ang mga Pilipino, kahit mali-mali ‘yung English, nag-eenglish talaga, kaya dapat ikaw din dito magtagalog,”
Tawa lang nang tawa si James. “Ma’am, yes, ma’am!”
Nakitawa na rin si Devon. Kapwa na sila pumasok sa loob ng kubo. Maliit lang ito- may maliit na mesa at upuang kawayan sa gitna. Sa bandang likuran ay may maliit ding kusina. May nakasabit na larawan ng pamilya ni James sa likod ng pintuan. Kinuha iyon ni Devon at nilipat sa gitna ng pader.
“James, alam mong kaibigan mo na ako. Promise, hindi lang kita gagawing certified male, tutulungan pa kita sa ano mang problemang bumabagabag sa iyo. I’ll be a teacher and a listener at the same time,” sabi ni Devon na bukal sa loob.
Makahulugang ngumiti si James at yumango. At sinimulan na nila ang kanilang mahabang araw.
No comments:
Post a Comment