Saturday, September 29, 2012

chap21(accidentally inluv)


chapter TWENTY-ONE
Abala sina Devon, Fritzie, at Jenny sa paggala sa mall. Nagpasama si Devon upang mamili ng bibilhing regalo para kay Ivan. Kaarawan na ng kanyang kasintahan kinabukasan, at nais niya itong sorpresahin.
“Devs, may party ba si Ivan bukas? Parang wala siyang sinasabi ‘no?” tanong ni Jenny.
Nasa men’s section sila ng magbukas ng usapan si Jenny. “Wala rin naman siyang sinasabi sa ‘kin. Ewan ko. Susurpresahan ko na lang siya,” sagot ni Devon.
Sumabat si Fritzie, “Eh, wala bang nasabi si James sa’yo?”
Natigilan ang dalaga. Ilang linggo na ang dumaan nang hindi na sila masyadong nag-uusap ni James. At aminado siyang miss na niya itong kasama. “’Di ba tatlong araw nang lumiban si James sa klase? Umuwi yata siya dahil nagkasakit ang kanyang papa,”
“Ay, oo nga pala. Pero napansin ko lang ha? Ba’t ‘di na kayo masyadong nagkikwentuhan ni James? I mean, both of you seem to be affected on Ivan’s presence.” Komento ni Jenny.
Tinapunan siya ng tingin ni Fritzie. Napalunok siya, “Ahh, hindi naman. Masyadong busy lang talaga sa school,”
“Ganun ba. Pero at least naging anghel ka sa buhay niya dahil natutunan niyang patawarin ang papa niya,” sabi na lamang nito.
Hindi na umimik si Devon. Nais niyang pagtuunan ng pansin ang pamimili ng regalo para sa kasintahan. Sapat na ang ilang gabing iniyakan niya dahil sa kalituhan at katanungan. Sa pagkakataong ito ay determinado na siyang ituon ang atensyon kay Ivan.
Siniko siya ni Fritzie, “Hm, ito na ang ibigay mo. Para lagi niyang isuot,” ipinakita nito ang isang black-leather strap Timex watch. “Wow, ang ganda. ‘Yan ang bibilhin ko sa kanya,” sabi niya.
Nagulat ito, “Sure ka? Hindi mo man lang ako tatanungin sa presyo nito?”
“Fritzie, gusto ko talagang ibigay sa kanya ang best gift sa birthday niya. At feel ko ito na iyon,”
“Talaga lang ha?” tanong na naman nito. “Oo nga. Dali ito na ang bibilhin natin at gabi na kaya,” ngumiti ito at kinuha ang relos. Fritzie is left astounded. Ang mahal kaya n’on.

TAHIMIK na nakatanaw si James sa labas ng bahay. Kakatapos lang niyang samahan ang kanyang amain sa pagkain at nauna na rin itong natulog. Sa tatlong araw niyang paglagi sa mansyon ay mas tumibay na ang relasyon nilang mag-ama. At masaya siya dahil labis na nagalak ang kanyang ina sa kanilang pag-aayos.
“Anak, ba’t nandito ka? Aren’t you going to sleep?” Nasa likod ang kanyang ina at may dalang isang baso ng gatas. “O, inumin mo ito.”
“Thanks mom.” He smiles. “May iniisip lang po ako,”
Tumabi ito sa kanya at nagsalita, “Ano bang iniisip mo? Share mo sa akin,”
Humigop muna siya, “Wala lang po. Gusto ko lang po sanang mag-sorry sa lahat ng pagsisinungaling ko,”
“Kahit kalian hindi ko ‘yon inisip na pagkakamali mo. At matagal ko ng alam ‘yon. Sinabi sa akin ni Trixie.”
“Sorry po talaga kasi nasaktan ko pa kayo,”
“Past na iyon, ‘nak. Ang mahalaga ay ang bagong simula ng pamilya natin.” Ngumiti ito. Niyakap siya nito nang mahigpit. “Salamat po. Si Trixie pop ala, nakauwi na? Tuwing hapon na ang pumupunta sa kanila ngunit wala pa rin ito,” tanong niya. Gusto niyang kausapin ang kababata kahit pa humingi ng pabor sa kanya si Ivan.
Binitawan siya ng ina, “Ang pagkakaalam ko’y sa susunod na linggo pa ito uuwi.”
“Ang tagal naman niya,”
“Hindi pa ba sinasabi ng pinsan mo na ngayon ang engagement party nila?”
Kumunot ang kanyang noo sa naging tugon ng kanyang ina, “What are you saying, mom?”
“Your tito texted me na matutuloy daw ang engagement nila. Imbitado pa nga tayo,”
Agad na napatayo ang binata. “Mom, I think you’re wrong. Hindi pwede! Hindi maaari!” Tumayo na rin ito at kinalma siya, “James, may problema ba?”
Balesa pa rin si James. Hindi siya mapakali. Kailangan niyang tawagan si Devon at sabihin ang nalalaman. Ngunit nangako si Ivan na aayusin niya ang lahat. Baka mapipigil pa ito ng pinsan niya. Dapat magtiwala siya. “James, don’t tell me, may gusto ka sa kababata mo at ayaw mong matuloy ang selebrasyon?”
“Ma, parang kapatid ko lang si Trixie, ‘yun lang po ang tingin ko sa kanya.”
“Then, why are you reacting like that?”
He starts to mellow down. Sa tuwing napag-uusapan ang tungkol kay Devon ay nanghihina siya. Tila ba ‘di niya matiis ang dalaga. “Mom… remember the girl that I used to talk to you over phone calls? Si Devon?”
Tumango lang ito. At siya’y nagpatuloy.
“Kasintahan siya ni Ivan until now. Dalawang taon na sila. Ang totoo niyan, nahulog ako sa kanya. Ang bait niya, kay ganda, at walang deskripsyon ang makakapantay sa kanyang katauhan. Pero… I know she loves Ivan much. She’s ready to risk everything for him… If the wedding will push through, paano na si Devon, mom? Hindi ko kayang masaktan siya…”
“Anak,”
“Kahit ano gagawin ko lumigaya lang siya. Even it will take a lifetime sacrifice from me just to let her happy, kakayanin ko…”
Muli siyang hinagkan ng ina, “Ganyan talaga ang pag-ibig, anak. Hindi mo kayang pigilan, puno ng sakripisyo at pasakit… ngunit magbubunga ‘yan ng isang maganda at masayang relasyon. Maybe this lifetime is not  intended for your lovestory, malay mo baka sa susunod n’yong buhay kayo na,”
“Anong gagawin ko? I need to comfort her. kung kaya ko lang ibigay sa kanya ang lahat,”
Kinulong ng mga palad ng ina ang kanyang namumulang mukha. “Naisip ko lang, how can you give her everything if on the first place, you can’t give her the truth?”
Bumaba siya ng tingin. “Hindi niya ako mapapatawad…”
“Lahat ng tao nagpapatawad. Tsaka mo lang makikita ang halaga ng pagsasakripsyo mo para sa kanya if you both settle things with each other,”
Ngumiti siya sa ina. Lahat ng sinabi nito ay totoo. Niyakap niya ito. Tomorrow, I’ll do what is the right thing to do. This is for Devon. Only for her.

TINANGHALI nang gising si Devon. Mabilis siyang pumunta sa banyo at pakantakanta pang naligo. Kaarawan ng kasintahan at gusto niyang bumawi dito. Naisip niya na tiyak masusurpresa ang lalaki sa pagpunta niya sa bahay nito at may regalo. Excited na siya. Pagkatapos maligo ay sinuot na nito ang isang simpleng asul na bestida at naglagay ng manipis na kolorete sa mukha.
Tinitigan niya ang repleksyon sa salamin. Bakit ‘di niya makita ang saya sa kanyang mata bagkus lungkot ang kanyang nakita. Naalala kasi niya ang naging date nila ni James. Magkatulad na bestida ang kanyang sinuot noon. Ugh, ano ba Devon! Isipin mo si Ivan, siya lang dapat. Iwinaksi na niya ang alaalang iyon at lumabas na sa kwarto.
Sumakay na lang siya ng taxi papunta kina Ivan matapos makapagpaalam sa kanyang ina. Tila kinakabahan siya. Ewan kung bakit. Ang alam lang niya, kailangan niyang puntahan ang binata. Pagkarating niya sa bahay nito ay nakita niya ang mga malalaking sasakyang nakaparke sa tapat ng gate nito. May ilang lalaki ring nagbubuhat ng lamesa’t silya sa loob. Nagulat siya. Walang natanggap na imbitasyon ng isang birthday party ang barkada mula sa kasintahan, maging siya wala.
Nagpatuloy na lamang siya. Baka sa ibang event gagamitin ang mga iyon. Pinapasok siya ng katulong sa loob ng sala at iniwan na rin siya. Lumabas naman mula sa kumedor ang kakilala niyang yaya ng pamilya, si Manang Loring.
“Magandang araw po, Manang Loring.” Bati niya. “Iha, ang aga mo naman yata. Mamayang gabi pa ‘di ba ang party?” sagot nito.
Party? Magbibirthday party si Ivan?
“Po? Party?” pag-uulit niya. “Oo, ah, siguro ngayon ka pa lang iimbitahin ni Sir Ivan dahil nagmamadali ‘yong umalis sa bahay, eh.” Sagot nito. Tumango na lamang siya, “Ganun po ba,”
“Manang Loring, iyong mga flowers po nas’an na?-” mula sa hardin ay pumasok ang isang matangkad at seksing babae na nakasuot ng lilac jumpsuit dress. Maganda ito at meztisa. Napalingon sina Devon at Manang Loring, “Oh, may bisita pala tayo.”
“Ah, ma’am. Opo, ang bulaklak kukunin ko na. Maiiwan ko na po kayo,” dagli itong lumabas ng bahay. Naiwan ang dalawang dilag sa sala.

No comments:

Post a Comment