Saturday, September 29, 2012

chap20(accidentally inluv)


chapter TWENTY
Hi James! OHMYGOSH! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, sinabihan ko na rin ang ibang kababata natin. Ito na!!!
.
.
.
IM GOING TO BE ENGAGED. Whew. AND WITH YOUR OWN COUSIN, IVAN DORKNER. Hmm, may nasabi naba siya sau? Isn’t it exciting? I’m going there on his birthday. Missya. Mwatsup! HAHAHAHA.
Ilang ulit niyang binasa ang text message ng kababata ngunit ‘di pa rin niya akalaing ang Trixie na pinag-uusapan ng mag-ama kanina ay ang kabarkada niya mula pagkabata sa Nueva Ecija. Magkaibigan ang pamilya nilang dalawa. Malamang ay nakilala nito ng kanyang tito ang pamilya nito dahil sa kanyang mama. Mayaman sila Trixie Bersola. Konti lamang sa dalawampu ang pagmamay-aring sakahan at bukirin ng pamilya nito. At kahit pa siguro ilang naghihingalong kompanya ang nais na magpatubos sa kanila ay makakaya nila. Mabait ang pamilya nito. Kaya naman napaisip siya bakit nito kailangan ang pagpapakasal para lang tulungan ang kompanya ng mga Dorkner?
Agad siyang nag-empake ng gamit at nakatulog na sa kaiisip.
Kinabukasan, maaga siyang nag-almusal at hinintay na lamang ang pamilya Dorkner na bumaba sa kumedor upang siya ay makapagpaalam na. Hindi pa alam ng mag-asawa ang balita kaya marahil ay magugulat ito kapag nalaman nila ang kanyang dagliang pag-uwi.
Tinatapos pa niya ang kanyang gatas nang mabosesan na niya ang tinig ng kanyang tita, “James, may ipapamigay ka pa bang damit?”
Tumungo na siya sa sala, “Good Morning po tita, wala na po,”
“Eh, ano bang nasa loob ng bag mo? Bakit bulky ‘yan? May presentation ba kayo sa school ngayon?”
“Hm, tita, uuwi po sana ako ngayon saprobinsya,”
Nagulat nga ito, “Teka, bakit? May nangyari ba sa mama mo’t daglian yata?”
“Ah, mom’s better. It’s tito Roy who’s feeling ill. Bibisitahin ko lang po,”
Sumilay ang ngiti mula sa labi nito, “James, that’s a good idea. Alam kong gusto mo ring makasama ang foster dad mo,”
“Opo naman. Ngayon, mas natutunana kong pahalagahan ang mga taong nagmamalasakit sa ‘kin,” he also smiles. “Oh, of course, dear. Eh, ‘di nab a ‘yan mamove ngayong Sabado? Alanganin nang lumiban ka ng Miyurkules,” suhestiyon nito.
“Gusto ko po sana, tita, eh naghahanap na daw po kasi si tito. Gusto kong igrant naman iyong request niya,”
“Okay. Tell him to get well, okay? And pakikimusta ako sa mama mo,”
“Sure, tita.”
Niyakap siya ng kanyang tita. At siya rin namang pagbaba ni Ivan. Mugto ang mata nito at makikita ang pasa sa kanyang pisngi dahil sa suntok niya kagabi. Tiningnan lamang niya ito.
“Anak, hindi papasok ngayon si James. Uuwi siya ng probinsya,”
Tiningnan nito ang kanyang mama at pagkatapos ay siya naman. Sa akalang ‘di ito magsasalita ay nagpaalam na ang lalaki, “Sige po tita, aalis na po ako para maaga akong makarating doon,”
“Ahm, sige. Tawagin mo na lang si Gorio at pahatid ka sa terminal ng bus,”
“H’wag na  po. I’ll call a taxi na lang tita, salamat na lang po.”
Hindi na tumutol ang kanyang tita at kinuha na niya ang kanyang bag. Biglang umimik si Ivan, “Ako nap o ang maghahatid sa kanya ma. Mamaya pa namang ten ang klase ko,”
Pinabayaan na niya si Ivan. Ang totoo ay kakausapin din naman niya ang binata tungkol sa isyung kanyang narinig. Kinuha nito ang susi ng kotse. Pagkatapos ng pamamaalam ay umibis na ang kotseng lulan ng dalawang binata. Sa una ay walang kibuan ang dalawa. Nagkataong may rally kaya naman ay napatigi sila sa gitna ng matinding traffic. Binuksan ni ivan ang usapan. “Why did you punch me last night?”
“Akala ko ako ang mas may karapatang magtanong,” sabi ni James.
“Ano ba ang pinagsasabi mo?!” Ivan look puzzled.
Nakatingin lang siya sa labas, “Kagabi, ‘di ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ninyong mag-ama sa kusina,” simula niya. “And I hate what I heard. Ba’t hindi mo ipinagtanggol si Devon?”
Napatigil ito.
“Akala mo ba ikaw lang masasaktan kapag pumayag ka sa gusto ng papa mo? Mahal mo naman siya, ‘di ba?”
“Wala kang alam kaya h’wag kang magreact ng ganyan,” sagot ni Ivan. “At isa pa, bakit ka nakikisawsaw ng masyado sa aming dalawa ni Devon? Nagkasama lang kayo ng ilang linggo dahil sa walang kwenta mong transformation!”
“Oo nga, dalawang linggo lang kaming nagkasama at naging kaibigan ko na siya, ngunit sa loob ng panahong iyon nakita ko ang kanyang halaga. Eh, ikaw, bakit sa dalawang taong naging kayo, ‘di mo pa rin nakita iyon?” Si James.
“Matagal ko ng pinahalagahan si Devon, James. Kung alam mo lang kung gaano ko siya minahal…”
“Kung mahal mo siya, ‘di sana’y hindi ka pumayag sa papa mo.”
Tiningnan siya nito. “Naghihingalo na ang kumpanya James, at ito lang ang paraan upang makabayad sa mga utang.”
Seryoso siyang nagtanong, “Paano si Devon?”
“Sasabihin ko ang tungkol dito sa kanya…” sagot nito. “At ano? Hihiwalayan mo? Ivan, mahal na mahal ka ni Devon, alam mo ba iyon? Mahalaga ka sa kanya. Pumayag nga siya sa request mong kaibiganin at baguhin ako. Hindi niya iyon gagawin kung hindi dahil sa’yo!” tumaas na ang kanyang boses. Nawawalan na siya ng pasensya sa kausap. Hindi niya masakyan ang walang kwenta nitong dahilan.
“James, kung sana nga lang may magagawa ako. Kung sana nga lang may lakas ng loob akong aminin sa kanya ang lahat sa mas maagang panahon, ginawa ko na. Ngunit wala na akong magawa eh, nandito na.”
“You sound like all this time you cheated Devon. And what you are now seems you don’t care for her, instead you prioritize the company,”
“Mahal ko siya, James.” Pagdidiin ni Ivan.
“Sana panindigan mo ang pagmamahal na sinasabi mo,” Si James.
“Nakikiusap ako sa’yo James, h’wag mong sabihin ito sa kanya. Ako na ang magsasabi. At ako rin ang mag-aayos ng gusot na ito...”
Matiim niyang tiningnan ang lalaki. “Bakit?”
“Makakaya ko ito. Lahat aayusin ko,”
The cars behind them start to honk loudly. Umusad na ang trapiko, at pinaandar na ni Ivan ang sasakyan upang pawiin ang tensyon sa loob ng kotse. Nagitla siya sa mga katagang binitawan ni Ivan. Nanlumo siya sa sarili matapos ang komprontasyon.
Tahimik sila pareho hanggang marating nila ang terminal. Bumaba na si James at kinuha ang kanyang bagahe sa likuran ng sasakyan. Bumaba na rin si Ivan at tinawag ang pinsan, “James.”
Lumingon lang ang binata.
“Sino ba si Devon para sa’yo?”
Mapakla siyang ngumiti, “She’s my everything.” Nakita niyang nanlaki ang mata ng binata sa kanyang sinabi. “Ivan, salamat sa paghatid. At sana sa pagbalik ko ay mapapasalamatan na naman kita dahil hindi mo sinaktan si Devon.”

TANGHALI na nang dumating si James sa Nueva Ecija. Sorpresa ang kanyang pag-uwi kaya mag-isa lang siyang umuwi sa kanilang town house.  Ang huling naalala niya sa lugar na ito ay ang pag-aaway nilang dalawa ng kanyang stepdad. Galit na galit ito dahil hindi niya maatim ang kanyang pagkabinabae. Muntikan na siyang masuntok nito kung ‘di lang pinigil ng kanyang mama. Puno ng galit ang kanyang puso noon sa kanyang amain. He never intends to accept his stepdad. Ever. Subalit nagbago ang lahat nang makilala niya si Devon. Ang dalaga ang tumulong sa kanya na tanggapin ang mga bagay na hindi na maaari pang baguhin. At ngayon sa kanyang pagbabalik, dala niya ang paghingi ng tawad at pagtanggap sa kanyang amain.
Malaki ang kanilang tatlong palapag na mansyon. Ito ay pamana ng kanyang lolo sa kanyang ina. Spanish style ito na may malaking hardin sa harapan. Likas na mabait ang kanyang ina kaya naman ay mga pamangkin nitong walang bahay ay sa kanila na nakatira.
Before he push the doorbell, he takes a deep breath. Dalawang tunog lang at may bumukas na sa malaking gate. Nagkataon namang ang dating katulong nakabukas kaya’y nakilala siya kaagad. “Sir, kayo po pala. Pasok po kayo, sir. Welcome back!” magiliw nitong bati.
Ngumiti siya at agad na pumasok ng mansyon. Natanaw niya kaagad ang kanyang ina- kay ganda pa rin nito kahit pa medyo na nangayat. Nakaalalay ito sa isang lalaking payat na at sinemento ang kanang paa. Gayunpaman, masaya ang dalawa. Paika-ika pa ang lalaki at minsa’y natutumba ngunit tinatawanan lang nila ito.
Tuluyan na siyang lumapit, “Mom.”
Lumingon ang dalawang pigura. Nasurpresa ang dalawa at kapwa nagkatinginan. Pagkaup ng kanyang amain ay agad siyang niyakap ng kanyang ina. Ngumiti siya. Alam niyang maayos na ang pamilya niya.

No comments:

Post a Comment