Saturday, September 29, 2012

Accidentally inlove (chap19)


Chapter nineteen
Napahigpit ang kanyang yakap sa kasintahan. Nais niyang maramdaman ulit ang kasabikan at kasiyahan sa piling ng binata. Pilit niyang binabalik ang dating sigla tuwing kasama niya ito- na sana ay mapawi ang kakaibang naramdaman niya kay James. At masasabi rin niya sa sariling wala siyang kasalanan. Na hindi siya naging ahas.
Hinaplos ng binata ang kanyang buhok. “Baby, namiss mo ba ako?”
“Ang daya mo. Bakit minsan ka lang tumawag?”
Binitawan siya nito’t tingnan siya. “I’m sorry. Masyado kasing busy sa States eh, maraming inasikaso si daddy. I’m really sorry,”
“Paano ba naman kita masisisi? Alam ko naman ang dahilan ng pinunta ninyo doon,”
“Salamat, baby. Palagi kitang iniisip doon, every second, every minute, every hour, every day…”
Napangiti siya at marahang . “Ikaw talaga. Bolero!”
“’Yun talaga ang totoo. Kumusta ka na? Miss na miss na miss talaga kita.”
“M-miss din kita…” tanging sambit niya. Hindi niya alam kung iyon ba ang tunay niyang nararamdaman ngayon. Dahil nag-iba na ang lahat simula ng umalis ang nobyo at naging malapit kay James. Kung noon ay nagagalit na siya tuwing nakakalimutan ni Ivan na tawagan siya, ngayon ay hindi na nga niya napansing malimit na lang ang kanilang tawagan. Nasanay na rin sana siya sa mga kanta ng Maroon 5 dahil iyon ang paborito ng nobyo subalit kamakailan lang ay naengganyo na siya sa mga kantang OPM na palaging pinapakinggan at ginigitara ni James. Sa kanilang muling pagkikita ay pilit niyang buhayin muli ang mga nakagisnan. Kailangan.
Hinaplos ni Ivan ang kanyang pisngi. “Are you okay, baby? Parang ang tamlay mo yata ngayon.”
Mahina siyang sumagot. “I’m fine. It’s just kailangan ko pa palang hanapin si Ms. Grimms. May ipapasa pa akong requirement,”
“Samahan na kita. Gusto kung bumawi sa dalawang linggong ‘di kita nakasama.” Suhestiyon nito. “I’ll report to my adviser, too.”
Mas lalo siyang naasiwa. Nakikita niya sa ekspresyon at gawi ng lalaki ang kasabikang makasama siya. “Okay.”
Bumuntong-hininga ito at nagsalita, “Hm, let’s go. Fritzie, hahanapin muna namin si Ms. Grimms, gusto mong sumama?”
“Ah, no! May hahabulin pa akong klase eh. And I know you both miss each other. Para na rin makapag-usap kayo.” Ngumiti ito at lumakad na palayo sa kanila.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at nagsimula ng lumakad. Sumunod din siya sa lalaki. Gusto niyang umiyak. Nahihiya siya sa kanyang sarili. Nalilito na talaga siya.

MATULING lumipas ang isang buwan mula nang dumating si Ivan mula sa States, at isang buong linggo ring walang kibuan sina James at Devon sa isa’t isa. Nagkakasama sila sa umpukan ng barkada o ilang activities sa paaralan ngunit hanggang tango at ngiti lamang ang kanilang kominakasyon. Ni minsan ay hindi sila nabigyan ng pagkakataong mag-usap na silang dalawa lamang. Naging abala silang lahat sa kanilang mga thesis at kanya-kanyang pagsisikap na upang makamartsa sa darating na Graduation. Bantay-sarado si Ivan kay Devon na halos sa pagtulog o pagkukubeta ng dalaga ay nakasunod ito. Ika nito ay nais lang nitong bumawi sa mahabang panahong pagkakawalay sa kanya. Si James naman ay nag-aastang manhid na lamang sa magkasintahan lalo na kay Devon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang pasanin ng dalaga. Napansin niyang masaya na ito sa piling ng kanyang pinsan. At naisip niyang isang temptasyon lamang ang kanyang nararamdan. Kaya kahit masakit ay lalayo siya. Siya ang magpaparaya.
Tanging si Bret lamang ang nakakaalam sa kanyang sikreto. Ayon nga nito ay mas mabuti pang isantabi muna ang nararamdam alang-alang sa kanilang pagkakaibigan. Mahirap nga ang magparaya ngunit sa pagkakataong ganito ay dapat mayroong gumawa ng sakrapisyo.
Malalim na ang gabi subalit nasa labas pa rin ng bahay si James. Maalinsangan kaya naisipan niyang magpahangin muna at mag-isip-isip na rin. Aminado siyang miss na niyang kasama si Devon. Tuwing naaalala niya ang kanilang ‘lessons’ ay napapangiti siya. Malilimutan ba niya ang Junk the lingos na kung saan pinagbawalan siya nitong magsalita ng Gay Lingos, ngunit kalaunan ay nahawa ito sa kanya. Dahil din sa lesson na ito kaya nahasa siya sa pagtatagalog. Maging ang Attitide Check at Male Panache lessons nila ay ‘di rin niya mabura sa kanyang isip. Naging lalaki kaya siya dahil dun. At ang paggala nila sa MOA sa lesson nilang Expunge fear na gabi-gabi niyang binabalikan at pagtago niya sa laruang binili sa isa’t isa ay ‘di niya mawaglit kailanman.
Bigla siyang nalungkot at nanlumo sa sarili. Naging sakim siya sa dalaga. Hindi siya naging totoo. Napaiyak siya. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito dahil sa isang babae. Sa isang babaeng natutunan niyang mahalin nang patago. Pinahid niya ang mga luha at tumayo. Alam niyang tama ang kanyang desisyon. Para rin naman iyon sa dalaga- ang kanyang mahal.
Pabalik na siya sa kanyang kwarto nang marinig niya ang ingay mula sa kusina. Tanging ang parting ito ng bahay ang maliwanag. Tinungo niya ito upang tingnan kung sino ang nandoon nang mabosesan niya si Ivan. Tumigil na lamang siya gilid at nakinig.
“Dad, what are you saying? I can’t do that. Don’t expect me to do it,” tiim baga nitong tugon.
Pabulyaw namang tumugon ang ama nito, “You can’t do that, son. Kailangan mong gawin ito, kung hindi, mapupunta sa alanganin ang kompanya natin.”
“Now what?! Paano ang buhay ko?”
“May buhay pa rin naman pagkatapos mong gawin ang nais kong ipagawa sa’yo…”
Mukang masyadong maselan ang pag-uusap ng mag-ama kaya balak na sanang magtungo sa kanyang kwarto si James. Subalit narinig niya ang isang pangalan. Napatigil siya. “Paano si Devon, dad? ‘Di ko siya kayang saktan,” si Ivan.
Si Devon.
“Anak, hindi lang naman siya ang babae sa mundo. Maaaring ngayon mo lang iyan mararamdaman,”
“Dad…”
“I know how good Devon is; however, you ought to choose what is better. Tutal naman mula naman sa magandang pamilya si Trixia. At mabait siya.”
Hindi na umimik si Ivan. At napansin niyang lumabas ito sa kumedor. Nagtago siya sa malaking vase sa gilid ng hagdan. Subalit parang wala sa sarili ang lalaki at tuloy-tuloy lang na umakyat sa itaas. Sinundan na lamang niya ito ng tingin.
Nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Iyon ang nais niyang paniwalaan. Batid niyang hindi magagawa ng kanyang tito ang pamimilit kay Ivan na pakasalan ang isang babaeng hindi nito mahal. Wala itong masamang sinasabi kay Devon at payag naman ito sa relasyon ng dalawa. Subalit narinig niya iyon nang tama at klaro. Nais nitong hiwalayan ng anak si Devon. ‘Di dapat masaya ako dahil hihiwalayan na ni James si Devon? Ngunit bakit galit ako kay Ivan? Ba’t ‘di niya ipinaglaban si Devon? Bakit hinayaan niya iyon?
Nagpupuyos sa sariling tinungo  niya ang kwarto ni Ivan. Hindi na niya kayang abutin pa ng bukas ang kanyang inis sa pinsan. “Ivan, can we talk?” tawag niya. “If that’s about thesis, I can’t help you now. I’m tired, James. Bukas na lang ‘yan,”
 Tugon nito.
“Open the door, and we’ll talk now.” Seryoso pa rin ang boses niya.
“Ano ba, alas dose na. Matulog ka na doon. Gigisingin mo lang sina mom sa kabilang kwarto,”
“If you don’t want them to wake up, then upen this goddamn door now.”
Narinig niya ang papalapit na yabag nito patungo sa pintuan. Binuksan nito ang pintuan. “Ano ba ang nangyayari sayo James? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman!”
Sa galit at inis ay nasuntok niya ang lalaki. Nasubsob ito papasok sa kwarto nito at napahawak sa kanyang panga. Kuyom pa rin ang kanyang kamao at tinitigan ng maigi lang ang lalaki. “Kanina ka pa nambwibwisit ha!” bulyaw nito at mabilis itong nakatayo at sinugod siya. Akma na siyang dadapatan nito nang pumasok sa eksena ang ama nito.
“Hey, anong nangyayari rito?!?”
Napaatras ito at padabog na bumalik sa kanyang kama. “Shit. Wala. Umalis na kayo sa kwarto ko ngayon din.”
“What happened James?” Sa kanya bumaling ang kanyang tito. “Wala po.” Iyon lang at iniwan na niya ang mag-ama. Bumalik na siya sa kanyang kwarto at ‘di pa rin makapaniwala sa narinig. Paano nila nagawang paglaruan si Devon?
Humiga siya sa kanyang kama at kinuha ang cellphone. Nais niyang tawagan si Devon. Gusto niya itong kausapin at… ANO? Sasabihin ang nalaman? Baka siya pa ang makakalala sa sitwasyon. Isa pa, hindi pa niya narinig ang saloobin ni Ivan. Nasuntok nga lang niya ito. Isinantabi na niya ang phone nang mapansing may text messages siya. Malungkot ang balita mula sa kanyang mama. At napagtanto niyang umuwi muna at hanapin muli ang sarili matapos ang nangyari. Ngunit mas nakakagulat ang nabasa niyang mensahe mula sa kababata- si Trixie.

No comments:

Post a Comment