CHAPTER SEVENTEEN
Lakad-takbo ang ginawa ni Devon. Alastres-y-media na siyang pinayagan ng papa niyang lumuwas ng Maynila. Ginunita nila ang pangalawang ataw ng Undas sa Laguna, ang probinsya ng kanyang papa. Mas lalo siyang natagalan sa pagpunta sa DAMP nang tawagan siya nina Jenny na kailangan niyang magcasual dress. Ayon sa kanila na nag-organisa sa date-examination ni James habang wala siya, ay isang ‘prestihiyusong’ pagkakataon ito kaya naman kailangang paghandaan. Naniwala naman siya sa mga ito dahil batid niyang isang espesyal na okasyon ito, hindi lamang kay James maging din sa kanila.
Sinuot niya ang binigay na asul na bestida ng kanyang mama. Hanggang tuhod lamang ito at may pink ribbon ito sa bewang. Bagsak ang kanyang buhok at gumamit na lamang siya ng pink headband. Nakasapin siya ng baby-pink ng doll-shoes at ternong baby blue na sling bag. Konting pulbo lamang ang kanyang nilagay, at agad na siyang dumiretso sa lugar.
Natanaw niya sina Jenny at Ftretzie na nakangiti. Nang makalapit na siya sa mga kaibigan ay napansin niyang nakapantalon lamang ito’t t-shirt.
“Teka, akala ko ba casual wear tayo ngayon?” agad niyang tanong.
Ngumisi si Jenny. “We said YOU must wear casual, and not WE must wear casual.”
Nasamid siya. Bakit ba hindi niya iyon inintindi? Pakiramdam niya ay na-overdress siya sa okasyon.
“But Devs, you look dashing kaya ‘wag kang mag-alala. Fit na fit ang dress mo ngayon,” sabi naman ni Fretzie. Nagtaka siya sa mga tinuran ng kaibigan. “Ah, ano bang plano ninyo sa date na ito? Hindi porke’t nanghingi ako ng tulong sa inyo about this dahil nasa Laguna ako ay hindi niyo na sasabihin sa akin ang mga plano niyo,” sabi niya.
“Kaya nga eh, may sasabihin nga kami sa’yo.” Si Fretzie.
Tumango naman si Jenny, “Bret and Ryan are still not here. May kailangan pang ayusin doon sa may bangka. Paano na ‘yon?”
Napahawak siya sa kanyang batok. Ayaw na ayaw niyang mapapalpak ang examination nila. Baka mapahiya pa si James sa kadate nito. “Wala pa ba si James?”
“Wala pa.” sabay na sagot ng dalawa.
“Hmm. Good. Titingnan ko na lang kung ano ang problema sa bangka, and I’ll see if I can fix it, okay? Kayo naman ihanda niyo ang dapat na ihanda since kayo naman ang may mas alam sa date na ito.”
Kapwa tumango ang dalawa. Nagsimula na siyang lumakad papunta sa ilog nang magtaka siya kung sino ang kadate ng lalaki. Sa dalawang araw na hindi sila nagkita ng binata ay nakaramdam siya ng lungkot. Tila nadagdagan pa ito ng malaman niyang may nakita na itong kadate. Nagmistula kasing sabik na ang lalaki na matapos ang kanilang lessons.
“Guys?” tawag niya. Lumingon ito sa kanya. “Ahh, s-sino ba ang kadate ni James?” tanong niya. Ngumiti lamang ang dalawa, at si Jenny ang sumagot, “You’ll know later. But I heard she looks dashing tonight,”
“Ahh, ganun ba. Thanks.” Pagkatalikod niya ay sumimangot ang kanyang mukha. Dashing? Magkatulad pa naman kami ng adjective ng babaeng ‘yon. Wala sa sariling pagmamaktol niya. Ewan kung bakit naiinis siya na isipin ang date ng binata.
Maliban sa maliwanag na kubo ay nadatnan niyang may nakatayo ng Umbrella-tent sa gitna ng malawak na damuhan. May mesang pangdalawahan at inayos pa itong mabuti. Candle-light dinner ang drama nito. Nang makalapit na sa bangka ay nakita niya na inayusan talaga ito ng mabuti at bagong pintura pa. Sa may upuan ay may hugis ice-cream na unan. May basket na marahil ay pinaglagyan ng mga pagkain nina James at ang kadate nito. Tatlong puting rosas ang nakapatong sa basket. May portable dvd din sa gilid.
Na-touch si Devon sa nakita. Hindi niya akalaing ang date na ibibigay ng mga kaibigan kay James ay katulad sa gusto niyang date. Yet she felt miserable. Ito ang kanyang dream date pagkatapos iba pa talaga ang makikinabang. She couldn’t blame James. Pareho sila ng gusto.
Iwinakli na niya ang panibughong iyon at tiningnan na ang bangka kung ano ang problema. Maayos naman ang tali nito at halatang handa na ang mga gamit sa loob. Aabutin pa sana niya ang sagwan upang suriin ng ‘di sinadyang nadulas siya. Muntikan na siyang mahulog sa ilog nang may nakasalo sa kanya sa likod.
Bumagal ang takbo ng isipan ni Devon. Kilala niya ang mga bisig na iyon, pati na ang pabango nito. Naalala niya ang pangalawang pagkikita nila. Tila ba bumalik ang oras kaso ngayon ay hindi na siya nagalit bagkus sabik siyang makita ang binata.
Pinaharap siya ng binata na hindi man lamang binibitiwan. Niyakap pa rin siya nito. “Don’t you dare soak this dashing dress in the river. Mahaba pa ang gabi natin,”
Tanging malalim lang na titig ang naisagot ni Devon. Nawalan siya ng salita.
Marahan nitong pinisil muli ang kanyang ilong at nagsabing, “Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako sa dalawang araw na hindi tayo nagkita? I miss you so much Devon,”
Muntikan na siyang muling mahulog. Mabuti na lang at malakas ang mga bisig ni James kahit pa hindi naman ito kalakihan. Lumunok siya. At nagmalikmata. Ngunit ang mga nakangiting mata pa rin ng binata ang kanyang nakita. Bigla siyang natauhan. Isang malakas na suntok ang kanyang ibinigay sa braso nito. Bigla siyang nabitawan nito sa kaliwang kamay. And on a reflexive manner, napayapos siya sa batok nito.
Naramdaman niyang mas humigpit ang pagkayakap ng kanang kamay nito sa kanyang bewang. Naguluhan na talaga siya sa nangyari kaya naman agad siyang bumitiw at naiinis na nagsalita, “Ano ba James? H’wag mo nga akong utu-utuhin sa mga praktis mo! Maghanap ka ng ibang kausap d’on! Paepal ka talaga!”
Hinimas na nito ang kanyang braso. “So far, iyon ang pinakamasakit na suntok mo,”
Hindi niya iyon pinansin. “Ewan ko nga sa’yo. Mabuti pa sunduin mo na ang kadate mo at para maaga tayong matapos dito. November 2 pa po kaya,”
“But she’s already here,”
Kumunot ang kanyang noo. “Eh, di kung nandito na, nasa’n? Naku, baka hinayaan mo iyong pumunta dito. At dahil diyan alanganin kang makapasa sa exam natin. Mawala kaya iyon, mabuti pa tawagan mo na.”
“Ahh—” akmang magsasalita ito nang matigilan. At sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti. Gamit ang kanang kamay ay kinuha nito ang kanyang phone at nagsimulang magdial. Umiling na lamang siya at lumakad na paalis sa lugar.
Kring!
Biglang tumunog ang kanyang phone. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang pangalan ng tumawag. Tiyak ay si Dhemy na naman iyon. Nangungulit sa mga pangyayari sa date ng kuya James nito.
“Hello?” walang-ganang sagot niya.
“Oh, you’re voice seems so cheerless. And I hate to hear it,” sabi ng boses sa kabilang-linya. Nakilala niya ang tinig. She abruptly turned around. James beamed wholeheartedly. “Bakit ba tila bugnutin ka ngayong araw na ito?”
“Now what? Nawrong-dial ka lang siguro,” tugon lamang niya at pipindutin na sana niya ang end button subalit humabol pa ito, “You can’t put it down. I’m not mistaken; I’m calling the right person.”
Wala na talaga siyang naintindihan sa mga sinasabi nito.
Nagpatuloy ito. “Hmm, Ms. Devon Seron, I know you’ll hate what I’m going to ask right now, but I have no choice, my heart tells me to do so. Ahh, will you be my date tonight?”
Muntikan nang mabitawan ni Devon ang phone. A man, James Keid, was asking her on a date. That was a priviledge! “Are you insane? Assignment ko ‘yan sa’yo na maghanap ka ng kadate tapos ngayon you’re requesting me to play the role?”
“Devs! Ang ganda na ng speech ni James-ko, sisirain mo pa?! Pumayag ka na!!!” may sumigaw sa kanyang likuran. Si Jenny, kasama niya sa loob ng kubo sina Fretzie, Bret at Ryan.
“Oo nga best! Mas okay na iyon kasi ikaw ang teacher, ikaw ang nando’n, alam mo kung ano ang ibibigay mong score!” sumang-ayon naman si Fretzie. Tawa lang nang tawa sina Bret at Ryan.
Humarap siya kay James. Hindi pa rin nawala ang ngiti nitong abot-tenga. Sinimangutan niya ito. “Hindi mo ba ibaba ang phone mo?”
“I don’t care. I won’t put this down, unless ka papayag ka,”Sagot nito.
“Nagsasayang ka lang ng load,”
“Kaya kong mag-aksaya ng load kapag para sa’yo.”
Inamin ni Devon sa sarili na kinilig siya sa mga binitawang salita ng binata. Naisip niyang tama ang kanyang mga kaibigan, mas mapapadali ang kanyang trabaho kapag siya mismo ang kadate ng binata. “Hmm. Sige na nga.”
“What? I can’t hear you,”
“Oo na, ako na ang kadate mo ngayon.”
“Talaga?” ulit pa rin nito.
Naasiwa na siya sa mga mata sa likod kaya hindi niya mapigilang magtaray. “Ahh, hindi, hindi! Sabi kung ako na ang kadate mo, parang ayaw mo naman. Hala, maghanap ka ng iba!”
“Oops, joke nga lang!” at in-off na nito ang kanyang phone. Napatawa naman siya. Nilapitan siya ng lalaki at ginaya papalapit sa bangka. Tinulungan sila nina Bret upang pumalaot na sila.
Nag-aalinlangan siya. Marunong kayang magsagwan ang binata? “Teka, alam mo ba kung paano magsagwan?”
“If you didn’t know, my father is a great sailor; he taught me well.” At iniabot nito ang tatlong putting rosas sa kanya.
Naniwala na siya sa binata. Pakiramdaman niya ay ligtas siya sa piling nito. Kayganda palang tignan ang DAMP mula sa gitna ng ilog. Malinis. Berde. Malamig sa mata.
Tahimik lang ang binatang nagsagwan. Bago pa lang niya napansin ang suot nito. Naka-white fitted long sleeve at black jeans ito. Simple ngunit ang angas tingnan. He was devastatedly handsome, ‘ika nga.
“Baka matunaw ako niyan.” Nahuli siya ng binata.
Umirap siya. “Ewan ko sa’yo. Ngayon ko lang nalaman na mayabang ka pala,”
Humagikhik ito. “You should congratulate yourself for that, instead. You really straightened me up,” Natuwa siya sa sinabi nito. “Gan’un pala iyon?”
“Yes. Ganun ‘yon.”
“Malay ko ba.” Sabi niya. “Hanggang saan ka ba magsasagwan?”
“May alam akong parte dito sa DAMP na magugustuhan mo. Maganda ang view doon kapag magtatakipsilim na.” sagot nito.
Hinayaan na lamang niya ang lalaki. Nagsagwan ito nang nagsagwan hanggang pumasok sila sa ‘di kasukalang lugar sa ilog. Napanganga siya ng makita ang mga malalaking puno na kukunti na lang ang dahon. Ang mga ugat nito ay tila bumagsak mula sa ulap. Well-trimmed ito’t may mga wild flowers ding nakatanim. Iba’t iba ang kulay nito, may kahel, lila, dilaw, o pula. Kung tumingala ka sa langit ay masisiyahan ka sa korteng-pusong naiporma ng mga sanga ng mga puno. Kitang-kita mo ang alapaap.
Saktong pagtigil nila ay nagsimula nang magtakipsilim. The sky was painted orange, yellow, and red. There were streaks that could captivate your imagination.
“Wow, paano niyo ginawa ang lugar na ito?” manghang tugon ni Devon. “Devon, we didn’t make it, God did. But we just made a little touch-up,” sagot nito. Hindi pa rin niya inalis ang mga mata sa magandang paningin. Pinabayaan siya ni James at inayos nito ang portable dvd. Medyo magalaw ang lalaki dahil lumipat ito sa kanyang tabi.
She was distracted. “James, can you stop moving? Tataob tayo sa ginagawa mo eh,”
Tiningnan siya ng lalaki na nagtagumpay na lumipat sa kanyang tabi. “And can you stop scolding me? Let me take care of everything, okay?”
Tinaasan lang niya ng kilay ang lalaki. Pinisil nitong muli ang kanyang ilong at naglagay na ng disc sa portable dvd. “Hmm, gutom ka na ba?”
Napahawak siya sa kanyang tiyan. Namalayan na niyang kumakalam na ito. “Oo…”
Mula sa gilid ay kinuha nito ang basket at binuksan, “I was planning to prepare ice cream for you, but since I can’t because it might melt, I prepared fruits. Okay lang sa’yo?”
“Kelan pa ba hindi naging okay ang prutas sa akin? Okay na okay ‘yan sa akin,”
“Good. But nakita mo ang ice-cream pillow na ‘yan? I personally bought it para sa’yo upang ‘di mo masyadong ma-miss ang ice cream ngayon,”
Inabutan siya nito ng mansanas. Kumagat siya. Matamis ito. Nagsimula na ang palabas. Nanood sila ng isang short documentation tungkol sa pagmamahalan nina Prince William and Duchess Kate Middleton. Nadala si Devon sa napanood, sa bawat kagat niya sa kanyang mansanas ay pinipisil naman niya ang braso ni James. Yet, he couldn’t stop from smiling.
Dahil short film lang iyon, at hindi na nagdala ng ibang dvd si James ay nagkwentuhan na lamang silang dalawa. Kwentuhang lalaki sa babae. Kwentuhang getting-to-know-each-other. Kahit pang miminsan na silang nag-uusap ay hindi pa rin sila mawalan ng paksa. Paminsan-minsan naman ay sinusubuan ni James si Devon, maging ang dalaga sa binata. Naglaro din sila ng kahit anong maisip.
Makikita na ang buwan nang mapagpasyahan nilang bumalik na sa tabing-ilog. May nakitang alitaptap si Devon. Mabilis ang kamay ni James na hulihin ito. Maingat niya itong inilapit upang makita ng dalaga. Tila batang atat siya na makulong sa mga palad niya ang insekto. Kapwa sila nabighani sa munting ilaw na dala nito. Kahit pa nasiyahan siya ay pinalaya din niya ito. Nang makalipad na ito palayo sa kanila, pareho silang ngumiti.
Unang bumaba si James at inalayan si Devon. Hindi na sila nagsapin pa sa paa. Niramdam nila ang lamig ng damo sa bawat tapak na kanilang ginawa.
“Thank you so much. Honestly, binalik mo ang pagkabata ko,” pasasalamat ni Devon.
“You’re welcome. And I, too, must say thank you to you.” Sabi nito. Napahawak ito sa kanyang batok. “I don’t know, but everytime I’m with you, I’m at my best condition,”
“Ikaw lang? Ako din, no? Para bang opposite pole tayo na naatract sa positive energies.”
“Hindi naman tayo opposite, ‘di ba? Marami pa nga tayong common,”
“Ayy, ewan. Siguro. Hmm, let’s go na ba?” si Devon.
“Wait,” hinawakan nito ang kanyang palad. Nagitla ang dalaga. Nagpatuloy ito.“Can I say… ‘let’s go somewhere and live together forever’?”
“Ha?” she was tongue-tied.
“I love every bit of your personality Devon. I love every detail of your life. I love you more than you know,” marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha at unti-unti nang binaba ni James ang kanyang mukha sa kanya. Hindi na ito makapagtimpi. Ang mga mata nito ay tila ba nagsusumamo sa kanya na pagbigyan ito sa kanyang nais. She, on the other hand, couldn’t urge her feelings to halt rather she closed her eyes and waited for his lips.
Pero! SWOOSH !
Umulan sa paligid nila. Bumukas ang lahat ng water-fountain sa DAMP. Natigilan sila. Nagkahiyaan, nagkatinginan at biglang paklang naghalakhakan. Kahit pa basa na ay tumakbo sila upang sumilong sa umbrella-tent. May nakitang towel si James at niyakap niya iyon kay Devon. He also warapped his self with a towel. Wala pa halos silang hangin nang may pumutok sa kalangitan. Fireworks. Iba’t iba ang ang kulay. May mataas, may mababa.
Mas lalong namangha si Devon. She was at total awe. Hindi niya alam ang sasabihin. Lahat ng nangyari ay ayon sa kanyang ideal date. Tumulo ang kanyang luha. Kung noon ay siya ang sumusurpresa kay James, ngayon ay ang binata na mismo ang sumusurpresa sa kanya. Nasa likuran niya ang binata na nakatingin din sa fireworks. Nilingon niya ito na hindi man lang siya tinitigan. She smiled. At niyakap niya ang lalaki.
“Salamat. Salamat talaga.”
Niyakap rin siya ng lalaki. “Sabi ko namang basta para sa’yo, gagawin ko,”
ayieeeeeeeeeeeeeeeee
ReplyDeleteshocks! nakakakilig..NEXT NA:">
ReplyDeleteOhMyGosh!!! Lalaki na talaga c James!!!
ReplyDeleteThis chapter is uber kilig!! grabeh!! as in!! naiiyak din ako kc natouch ako kc super nag-effort talaga c james para maisakatuparan ang ideal date ni devon!!! waaaaaaaaaa
Pero pano na c Ivan??
Next chap na puhleaseeeeeee!!!