chapter FIVE
Alas onse na ay hindi pa rin dumarating ang lalaki o bakla(o ano pa man ang saktong itawag sa kanya).Nakadekwatro na lang si Devon sa loob ng canteen habang kinakagat ang egg burger na binili niya kanina, ginutom na siya sa kahihintay sa lalaki. “Hmp, nagmake-up pa siguro iyon o nakakita na ng mga kalahi. Argh, naman!” pagmamaktol ni Devon sa sarili. Kanina pa siya naiinis sa sarili dahil hindi pa rin niya makumbinsi ang sarili na si James ay isang bakla at hindi isang magandang lalaki na inakala niya.
Two months had just gone past ngunit sariwa pa rin sa kanyang isipan ang naging pagkikita nila ng binata sa airport. That was when he was still a man, and not a gay. O baka bakla nga talaga siya pa man at napagtripan lang siya nitong utuhin? Napasimangot si Devon sa naisip.
“Hindi naman siguro…” bulong niya. “Ang lalim ng boses niya, at pati kilos niya lalaking-lalaki. He has a Cupid’s tongue na siguradong ka-i-inlovan ng mga babae, pinuri nga niya ako, lalo na ang balat ko…Ah!” napatutop si Devon sa kanyang bibig nang may namuong konklusyon sa kanyang isipan. “...naku! Baka iyong sinabi niyang gusto niya ang skin ko dahil nais din niyang maging ganun ang balat niya- maging babae!” lalong nanlumo siya sa kinauupuan. Nawalan na siya ng gana na kainin ang natitira pang burger sa kamay niya. Eh kung may dadaan mang estudyante sa kanyang harapan ay tiyak pagtatawanan siya dahil tila baliw na siyang nagmumunimuni. “Kaya pala ang dali niyang bitiwan ang salitang I love you…
“Ah, sinabi ba niya iyon??? Hmm , sabi lang niyang I intend to, kaso naunahan mo ako, e. Agh! Feeler ka talaga Devon ! Huhuhu.” Pang-aaway ni Devon sa sarili. Mukhang baliw na talaga siya! Hindi na niya maintindihan ang sarili.
Akmang tatayo na si Devon upang lalabas na sa school campus at kakain na lang ng tanghalian nang makita niya si James na mahinhing lumalakad papalapit sa kanya. Kimi namang ngumiti sa kanya ang lalaki. Agh! The smile… Hindi mapigilan ni Devon na pagmasdan ang mukha ng lalaki. Wala itong make-up, at tiyak na tiyak na kay gwapo nitong tingnan. Hindi bakla si James- hinding-hindi!
Lumapit si James sa kanya at magaan siyang pinalo, “Hey Diday-girl! Kalurkey ka ha?! I saw you from the distance and you look like a crazy woman!”
“Ha?”
“Well, you look terribly sad, and afterwards you were on cloud-nine; after that, you were sad again.” Sabi nito na may kasamang manipis na tawa.
Kumulo ang dugo ng dalaga. May gana pa itong pansinin ang kanyang private open forum ng kanyang damdamin, na on the first place ang pagka-late niya ng 30 minutes ang syang dahilan??? Tumaas ang kilay ng dalaga at napameywang siya ng wala sa oras. “Excuse me! Hindi ako baliw! Ha! Kung ikaw kaya ang paghintayin ng taong tila wala ng planong pumunta dito? Tingnan natin kung hindi ka masisiraan! Gosh! Akala ko ba pusong babae ka? Wala ka bang time etiquette!?!?”
Imbes na makitaan niya ito ng pagkagulat sa mata ay iba ang kanyang nakita- ito iyong kagalakan at kasabikan. “You never change talaga!” sambit nito.
Natunaw siya sa mga titig nito. Parang bumalik silang dalawa sa airport na kapwa nakatayo at nagbibitawan ng pangako. “Hmmp!” irap na lamang niya.
“Hmm,” pawi ni James sa namumuong conciousness sa pagitan nilang dalawa. “Er, well! With that, I’m sorry! I do have my time etiquette dear, kaso may nakatagpo akong friends doon so I got stranded on their talk,”
Bumuntung-hininga si Devon . Maniniwala ba siya?
Kinuha ni James ang mga notebooks ni Devon sa mesa at nagsalita. “You know, I hate to argue with my kalahi because I’m a good girl. C’mon let’s go! I’m excited to see the school,”
Tumingin siya sa lalaki. Nakangiti ito. “Ahh,” napaisip siya. “Ang init kaya! Tingnan mo, tirik na tirik ang araw.” Pagmamaktol pa niya.
“Don’t worry, ayokong masira ang skin ko under the heat of the sun kaya naman I bring umbrella, ta-da!” kasabay nito ang pagkuha na isang pink na payong sa bag, at malayang iwinagayway sa hangin.
Nagawang humagikhik ni Devon . “Girl scout ha?”
“Naman! Naman! Haha, mahirap nang masira ang skin ko dahil only Belo touches my skin! Who touches yours?” pagbibiro ni James. Tuluyan nang tumawa si Devon . Si James naman ay matamang tinitingnan si Devon kasabay ng pagpinta ng ngiti sa labi. “Eh, pinagagaan mo lang ang loob ko!” si Devon .
Hindi pa rin sumuko ang binata at marahan pang tinulak si Devon palabas sa canteen. “Diday, total naman cousin-in-law kita’t tour guide pa, lilibrehan kita ng ice cream plus treat ko na rin ang lunch natin!”
“Gusto ko chocolate ice cream!” kunwaring hingi niya.
“Chocolate? You’ll get fat with that girl! Kaloka!” saway nito na hindi pa rin kinukuha ang kamay sa balikat niya.
Tawa siya ng tawa. “So what kung tumaba ako? Hindi na ako maghahanap ng partner na tatanggap sa akin dahil I have your cousin na, si Ivan!”
Napatigil ang lalaki. Huminto sila sa gitna ng pathway. May ilan namang estudyanteng lakad nang lakad sa paligid nila. Lumingon siya nang nahimigan niya ang ‘di pag-imik ng lalaki sa kanyang tinuran kahit na may ngiting sumilay sa labi, “Ahh, James.”
“Hmm?”
Expressionless pa rin ito. “Ahh,” Ang hirap naman! Ang tactless ko talaga! Hinablot na lamang niya ang payong mula sa kamay nito at binuksan. “Ako na ang hahawak nito! Er, binilin ka kaya ng pinsan mo sa akin na ibalik ka sa pagkalalaki. Men don’t normally carry a pink umbrella around, okay?”
“Echus! Did you commit a promise with him regarding about that?”
“Oo! Bakit ba?”
“So, ayaw mo ng cousin-in-law na bakla?”
Napaamang siya. “Hindi naman…pero iyon ang gusto ni Ivan. Humingi siya ng tulong sa akin,”
“Is it out of commitment or true love?” tanong pa nito.
Why is he asking questions like this? Ano nga ba talaga ang dahilan? “Alam mo James, pagmahal mo kasi ang isang tao, nakahanda kang tulungan ito kahit ano pang mangyari. Ibibigay mo ang lahat para lang matulungan siya kahit pa mawalan ka na para sa iba o maging sa sarili.”
“So it’s indeed true love…” mahinang sambit nito.
“I love him, yes! Pero hindi lang naman siya ang kaya kong pag-alayan ng ganitong pagmamahal. My parents do also have this kind of privilege,” makahulugan niyang sabi. “Sana makuha ko rin ang ganoong prebilihiyo,” pilit na tugon ni James sa wikang Tagalog na hindi na-sta-stammer. Natigilan sila pareho. Nagpakiramdaman.
Napayuko ang lalaki marahil sa pagkakaasiwa sa katahimikang bumalot sa kanila. Upang makabawi ay ngumiti siya at lumapit kay James. Kumapit siya sa braso ng lalaki at sinabayan ito sa paglakad. “Ah, oo naman! Pero kailangan mo munang maging lalaki! Hahaha!” pilit niyang pinagagaan ang usapan. Tumawa na rin ito at dahan-dahang inayos ang kanyang buhok. “Ahh!!! Kalurkey ka talaga at so heavy!!! Tingnan lang natin kung ma-transform mo ako, baka maging si Cinderella pa ako!!!” at kinumpas ang kamay na may dala sa kanyang mga notebooks.
“Weeh! Huwag mo ngang ganyanin ang kamay mo! At hindi ako mabigat ano?” suway niya. “Diday-girl, heavy is not mabigat! It’s serious!” pangongorekta nito.“Good heavens! I think I need plans!” Sabay silang humalakak sa huli niyang tinuran.
NILIBOT nila ang buong paaralan mula sa physics, chem., at bio lab, pati na rin ang computer room, library, function hall, guidance and dean’s office, council’s room at iba pa. Napadaan din sila sa Home Economics Building at lumibot pa sa garden na nasa likuran nito. Masaya namang tinuturo at nilalarawan ni Devon ang mga department buildings sa school campus. Bawat madaan nilang parte ay may magaan na patawa si James para sa babae. Mula sa magulo at nakakalokang pagkikita nila ay unti-unti nang may namumuong closeness sa dalawa. Marahil siguro’y kapwa sila ‘pusong-babae’ o ano pang mas malalim na dahilan.
“I love the school’s architecture! Super!” bulalas ni James.
“Eh, saan ka ba nag-aaral dati?” tanong ni Devon .
“Nakapag-aral ako sa Nueva Ecija,” sagot niya. “Ano bang pinagkaiba ng school namin sa school ninyo in terms of design?” pagtataka ni Devon . “Hmm, wala lang. Girl, your school looks modern than ours, but you know, it’s still under repair,” si James. “Hindi pa ba ginugutom ‘yang bulate sa tiyan mo? My tummy’s growling already,” dagdag nito habang hinihimashimas ang tiyan.
Nagpakawala ng hagikhik si Devon . “Kanina pa nga sila nagwewelga sa loob eh, kaso ang magpapakain sa kanila’y nagt-tour pa!”
“Kaloka! Well, you seemed so engrossed in talking about your school, so how could I disturb you?” pagbibiro nito at bahagyang pinisil ang kanyang namumulang ilong dahil sa init. Sa una’y nagulat siya, ang kanyang paboritong lolo lamang ang gumagawa ng ganoon sa kanya. Ngumiti ito’t nagsalita, “Pampatangos ng ilong…”
Sumilay na rin ang ngiti sa kanyang labi. “Heh! Matangos na ang ilong ko,”
“Uy, confidence ha?” sabi nito sabay tawa.
“Hindi naman. Haha. You act like my lolo,”
“Ginawa mo pa akong lolo ngayon,”
Naalala niya ang mga katagang iyon- ‘yun yung nasa eroplano sila’t nag-uusap. “Ahh James,” sambit ni Devon . Napa-isip siya’t napakomento na lang. “Hmm, psych!”
Hindi na niya nagawang ilahad ang kanyang sasabihin dahil nagsimula na itong lumakad palabas sa gate. “You know Diday, let’s eat. I know you and I had a lot to talk.”
SA malapit na fast-food chain kumain sina James at Devon . Alas-dose y media na ngunit marami pa rin ang kumakain. Konti lang naman ang binili nila dahil kapwa busog na sila matapos unang kainin ang chocolate ice cream. Magiliw naman silang nag-uusap, ika nga Girls’ Talk. Magaan ang kanilang pag-uusap na parang walang nangyari kaninang umaga lang.
Binuksan ni James ang paksa sa tungkol sa kanyang phone. “Ahh, Diday, your phone.” Sabi nito’t ipinatong ang kanyang phone sa mesa. Napatingin sa kanya ang dalaga at kimi itong kinuha. “Thanks. Naku, sorry kanina ha?” hingi ng paumanhin nito.
Ngumiti siya. “Wala iyon. Chaka ka rin naman ano? Pero don’t worry, I understand it. On the first place, it was my fault. I must have run after you to give it back.”
“Ganun pa rin, naging rude ako sa iyo. It’s improper, you know, especially babae ako.”
“Any lady who lost her things will always react like that,” pangkakalma niya. “Anyways, if iba ‘yong nakabangga mo, aawayin mo pa rin ba?”
“Ha? Bakit naman hindi? Walang excemption no.”
Tumawa ito. “I thought not. I was thinking why I must always be the victim? It’s kaloka!”
Ngumiti din siya. “Ewan ko nga. Ikaw naman kasi,”
Tumigil na si James sa pagtawa at sumeryoso. “You never change, permit me to say it twice.” Natigilan din si Devon . “You know, I wonder why you didn’t continue to tell Ivan that I was really the one who lost your phone. But thank you for that,”
Wala siyang maisip na dahilan. Ang totoo ay hindi nga rin niya alam kung bakit ayaw na ayaw na niyang ilagay sa alanganin ang lalaki. Ang masasagot lang niya na komento doon ay ang hindi niya pagbabago. “Hindi naman ako nagbago eh, kaso…”
“Kaso?”
Ibinaba muna niya ang kanyang tingin at dinugtungan ang kanyang sasabihin, “Kaso ikaw ‘yong nagbago. You’ve change – a lot! Akalain mo pa naman english ka pa rin ng english tapos…”
“Tapos?”
“Tapos…” hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin. May bumara sa kanyang lalamunan. “Kalurkey, please continue what you’re saying.” Komento nito. Hindi na nagawang magtimpi ni Devon . Magsasalita na talaga siya. “Ang daya mo eh! Bakit hindi mo sinabi sa akin na bakla ka?! May nalalaman ka pang mga salitang hmm- ARRG !!”
Nasorpresa ito sa kanyang sinabi. Ngunit alam niyang alam nito na tatanungin talaga niya ito. “Ha?”
“James naman…”
Nag-iipon pa ito ng hangin. Nakasimangot siya. Kulang na lang ay iiyak na siya. Gosh, bakit ba ganito ang inaasal ko? “Diday…”kinuha nito ang kanyang kamay. Nagpaubaya na ang dalaga. May munting kiliting nadama si Devon . Tila milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang ugat. “One more lie…” sambit niya.
“This is kalurkey but,” huminga muna ito ng malalim at sabi, “I’m sorry it was just so complicated,”
“Tumigil ka nga sa kakalurkey mo! Ano ba ito? Since birth or what?”
“It’s kinda personal…”
Hindi na siya nagsalita pa. Alam niyang hindi pa handa si James na umamin kung ano talaga ang rason kung bakit siya nagkakaganito. I know having this kind of self-crisis is hard, isip niya. Pero ayaw naman niyang pilitin ang binata na maging tunay na lalaki kung ito’y bakla talaga. He is what he is.
“Devon ,” pinisil muli nito ang kanyang ilong. Itinaas niya ang kanyang tingin at bahagyang ngumiti. “Makakaya kaya kitang gawing lalaki?” maang tanong niya.
He smiled. “I have a heart of a woman, but there is a piece of me of a man. Nevertheless, try me.”
"try me" .
ReplyDeletebkt nging bakla c james ???
i like the twist in your story . kinda nkaka-lurkey ..
well , abangan ang mga susunod na kabanata . hahahah .
ReplyDelete