chapter SIX
Kakauwi lang ni Devon mula sa paaralan. Kasama niya sina Fretzie at Jenny pag-uwi dahil maghapon niyang hindi nakita ang kasintahan. Ang totoo niyan ay tila ‘di niya masyadong naalintana ang absence ni Ivan. Maliban kasi sa dalawang oras niyang laboratory class ay kasama niya ang mga Girlfriend niya pati na rin si James. Nagkataon din naman kasing break time nito.
“Ano? Pinsan ba talaga ito ni Ivan???” bulong ni Jenny na halatang gulat. Pinakilala niya ang bakla sa mga kaibigan upang makahingi ng opinyon kung gaano kalala na si James. “Oo nga! Bakit ba ayaw mong maniwala?” ganting bulong ni Devon . “Best Devs, ang gwapo niya para maging bakla!” komento naman ni Fretzie na pabulong din. Si James naman ay deadma sa pinaggagawa ng mga babae, abala ito sa pag-aarange ng kanyang notebooks.
“O, ano sa tingin niyo? May pag-asa pa ba?” tanong niya sa mahinang boses. Tumaas ang kilay ni Jenny at hinagod ng paningin ang kabuuan ng lalaki. Nakasuot ito ng fitted shirt and denim, malayang nahahawi ng hangin ang buhok na malimit namang inaayos nito, hindi ito nakadekwatro ngunit bahagya itong naka-upong patagilid, at straight body! (Infairness!)
Napakagat-labi si Jenny nang pagmasdan na nito ang mukha ng binata. “Devon ! Jackpot na jackpot siya! Kaya kung ako ikaw, I will do everything to make him a man!” panggigigil nito. “Pagkatapos tutal naman ay may Ivan ka na, akin na lang,”
Naghagikhikan silang tatlo. “Bad girl ka talaga Jenny!” si Fretzie.
Tuluyan nang lumingon si James sa kanila. “Can’t you share your gossips with me? Chika naman kayo!”
Nagulat sila ngunit si Jenny kay daling nakabawi at ngumiti pang umupo katabi ng binata. “Ah, James, right?” pauna nito. Mahinhin itong tumango. “James. I love your dress! BTW, what’s your course?” tanong ni Jenny. “PolSci. You?”
Biglang napatayo si Jenny at sumigaw. “Yes! Atlast! May ka-PolSci barkada na talaga ako!!! This is what we call destiny!!!” nasorpresa man si James ay nakisabay na rin siya kina Devon at Fretzie sa pagtawa.
Pagkatuwa at pagkabigla ang naramdaman ni Devon sa nangyari buong araw. Una, hindi niya akalain na magkikita silang muli ni James Keid, and in all places ay sa school pa nila. Pangalawa, inaway na naman niya ito sa pangalawa nilang pagkikita. Pangatlo, pinsan pala ito ni Ivan na kasintahan niya. At ang huli at kagimbal-gimbal sa lahat ay ang katotohan sa katauhan nito: he’s a GAY. Certified gay. Expect the unexpected, ika nga.
Pagkatapos kumain ay dumiresto na siya kanyang kwarto at naligo. Pakanta-kanta pa siyang naliligo. Masaya siya. Kitang-kita naman eh.
Hindi malaki ngunit hindi naman maliit ang kwarto niya na kulay blue. Ang kanyang kama ay nasa gitna, at nasa gilid naman ang kanyang mesa. Sa kabilang dako naman ay ang kanyang salamin at cabinet. Sa ibabaw nito ay ang mga stuff toy na regalo ng kanyang magulang at Ivan. Ang bintana niya’y nasa bandang kanan na may sky blue ding kurtina. Pagkabihis ay napa-upo na siya sa kanyang study table at tatapusin na ang mga research paper niya nang napatingin siya sa dakong may picture silang dalawa ni Ivan. Hindi naman sila nakayapos, o naghahalikan, ito’y isang masayang larawan lamang na magkatabi silang kumakain ng balot. Naalala niya ang boyfriend, tsaka naman tumunog ang kanyang cellphone.
Si Ivan.
Sinagot niya ang tawag. “Hello,”
“Hi Baby Devs, sorry ngayon lang ako nakatawag ha?” sabi nito sa kabilang linya. “Okay lang. Absent ka ba kaninang hapon?” tanong niya. “Oo eh. Tumawag kasi si Papa, pinauwi ako.” Sagot nito. “Sorry hindi ako nakapagpaalam.”
Napabuntung-hinga siya. “Okay lang.”
“May sakit ka ba Baby? Parang walang buhay ang boses mo,” napansin na nito ang panghihina niya. “Ahh, hmm. Wala naman Pa, pagod lang siguro ako,”
“Ganun ba? Bad timing talaga ako. Magpahinga ka na, uminom ka ng tubig at please huwag ka ng magpagabi sa kasusulat ng research papers mo, okay?”
Na-touch ang dalaga sa sinabi ni Ivan. Mahal nga siya ng lalaki dahil hindi nito nakakaligtaang payuhan siya sa kalusugan niya. “Okay Pa. Promise.”
“I’ll end this call na. Sleep ka na lang,”
“Papa.” Sambit ni Devon .
“Yes?”
“I enjoy being with James. Okay naman siya eh, kailangan ba talagang maging lalaki siya?”
“Oh, I see. I’m glad that you and James are already friends.” Sagot nito. “And baby, unico hijo lang kasi iyan sa James, may kapatid siyang babae. Ang kay tita kasi ay kung may magagawa pa siya upang ibalik si James ay gagawin niya.”
Bahagyang natigilan si Devon . Oo naman, mama ‘yon eh. “Baby Devs?”
“Ay! Oo! Ahh…”
“I think you need to sleep na. You’re tired, I know. Sleep tight baby…”
“Okay. Ikaw din. Pumasok ka na bukas, ha?”
“I promise I’ll be in school tomorrow. Na-miss na kita eh,”
Bahagya siyang napatigil. “I miss you too,” mahina niyang sambit. “Can’t wait for tomoorow, pero ngayon matulog ka na. I love you,” sabi ni Ivan sa kabilang linya. Napangiti siya. Ramdam niya ang sinseridad ng mga katagang iyon. “Mahal naman kita pa,” sagot niya.
“I love you more,” hirit pa nito.
“Hmm, I love you too,” sagot pa niya. “Oo, I love you so much,” sabi pa nito . tumawa siya. “Pa kung hindi tayo titigil sa kaka-I-love-you ay tiyak na hindi tayo makakatulog. Sige na. Good night! Mwaah!” puna niya. Tumawa din ito. “Tama. I love you din baby. Mwaah!” tinapos na nito ang usapan.
Sa dalawang taon na pagsasama nila Ivan ay hindi niya maikakailang naging masaya siya. Ang lalaki ang nagsisilbi niyang unan, panyo, stuff toy, pati na siguro comforter. Hindi siya nagsisi sa pagsagot sa lalaki. Minsan nga ay pumapasok sa kanyang isipan na si Ivan na talaga ang kanyang mapapangasawa at makakapiling kailanman. Ngunit hindi niya hawak ang panahon, marami pa ang pwedeng mangyari.
Bumalik na siya sa kanyang mesa. Sinimulan na niyang tapusin ang mga dapat tapusin. Sapat na siguro ang mga naganap sa buong araw para gawin niyang inspirasyon upang tapusin na ang kanyang mga gawain. Abala siya sa kanyang ginagaw ng tumunog muli ang kanyang phone.
May nag-text! Unregistered number.
Binuksan niya ang message na may ganitong text:
Hi diday-girl Still awake??? Hehe. I just want to thank you for the tour kanina…I LOVE the school so much!! As in to the highest level!! It’s chakaness!!! Hehe. BTW, I got your cp num from eklatch Bret. Havey na havey ako sa kanya. Pls. sleep tyt. J james-beauty here.!
May sumilay na ngiti sa labi ni Devon . Ewan kung bakit. Ang alam lang niya na James always made her smile. Iyon yung ngiti na ‘di sinasadya, ngiting ‘di mapigilan. Mabilis siyang nag-reply.
Hi too, james. J
Ahh, ur welcum.. Chika nman tau bukas ha? Ahh, di ka na makk-skor ke Bret, may Fretzie na iyon.. Iba na lang.. kelangan girl.. :) G’night, tc.
Masaya niyang iniligpit ang kanyang mga gamit at humiga na sa kanyang kama . Itinabi pa niya sa kama ang kanyang cellphone. She was not expecting a reply from James, but she couldn’t erase her hope that he will.
bitin ako.... i'm also expecting a reply from james!! lol
ReplyDeletehindi ako convince n gay c james may iba akong feeling!! ako na ang echusera!! lol
sana may next chapter... i'm so loving this FF talaga!!