Thursday, December 30, 2010

accidentally inlove(4)


CHAPTER FOUR

Sunod-sunod ang paglunok ni James. Kanina pa siya nagtitimpi na huwag lingunin ang nagsasalitang babae subalit ito na rin ang nagtulak sa kanya. Totoo, thrilled siyang makita ang babae, maka-usap at makatawanan ngunit iba talaga yata ang nangyari. Tama ang kanyang hinalang aawayin siya ng dalaga kapag nahanap siya nito, lalung-lalo na’t hindi niya naisuli ang phone nito.

He was staring straight to the same lady-in-green at the airplane seating beside him on the day way backed in the Philippines, and strangely caught his little heart’s admiration. Nakatingin siya ngayon sa matang tila bituin sa gabi’t busilak ng araw sa umaga. Nasorpresa ito, at maging siya. God, please let her say ‘Uhmm, hey, I’m Devon Serano, remember me?I miss chatting with you.’ dalangin ng munting boses sa kaibuturan ng puso ni James.

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Nagmistula silang na-estatwa sa kanilang kinatatayuan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng dalaga, at ayaw rin niyang isipin iyon. Hindi na siya mapalagay. Ang hirap, ah!

Sa wakas, nagsalita na siya. “Devon.” Binanggit niya ang pangalan, hindi iyon tanong o tawag.

Napamalik-mata ito’t bumalik na yata ang gunita. Napalingon ito sa kung saan at kinundisyon ang sarili. Si James nama’y napahawak sa kanyang sariling braso bilang pagkalma sa sarili. Nararamdaman niyang may pader nang nakahadlang sa kanila.

Hindi pa rin ito nagsalita. Napansin ng pinsan niya sa likuran ang kanyang ‘di mapakaling galaw o ang pagbanggit niya sa pangalan at lumakad ito sa tabi niya. Nagsimula na ring mag-usisera ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila dahil sa kanilang pagtigil.

Devon? Are you okay?” tanong ni Ivan sa dalaga.

He might know this lady, napabulong si James sa sarili.

Naging balisa ang dalaga. “Ahh, oo. O-oo,” napahakbang ang kanyang pinsan palapit kay Devon at hinawakan ang balikat. “Sigurado ka? Ah, ano ba iyong sinasabi mong phone? Hmm, nawala phone mo?” tanong nito na bakas ang labis na pag-aalala sa tinig. Nagtaka siya ngunit kaya niyang makinig sa usapan ng dalawa kahit umabot pa ito ng maghapon.

“Hmm, s-sigurado ako.” Tiningnan ni Devon si Ivan at tsaka umiwas. “’Y-yung phone ko kasi n-nawawala. A-akala ko kasi nasa k-kanya…” bahagyang napatingin ito sa kanya. “…ngunit w-wala ata sa k-kanya. N-nagkamali yata ako…”

Tumingin si Ivan sa kanya. ‘Yung tingin bang binibigyan siya ng babala na parang may masama siyang nagawa sa dalaga. “Ah, pa, may nabangga kasi ako kanina, katulad kasi ng p-pigura niya,” agaw ni Devon sa tingin.

Pa. What does it mean? Nahagip niya ang tawagang iyon. Mas naging balisa tuloy siya sa kinatatayuan at naguguluhan pati ang kanyang isip.

“Ganun ba?” naniwala na ang kanyang pinsan sa sinabi.

Napahawak siya sa kanyang bulsa, nasa loob doon ang cellphone ni Devon. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang pagtakpan ng dalaga. May dalawa ng missed call sa phone ngunit kung ibibigay niya ng harap-harapan ay baka mapahiya pa ang dalaga sa harapan ng maraming tao. Minabuti na lang niyang huwag munang ilabas. He let himself enjoyed playing the victim.

“Oo, ganun nga.” May ngiting sumilay sa labi nito. Hindi ito nalagpasan ng kanyang tingin. Oh, that same smile, wala sa sariling napaisip si James. “So, tayo na pa. Nandoon sina Fretzie at Jenny,” nagpaunang lumakad si Devon. Ngunit ikinabigla niya ang pagpigil ni Ivan sa dalaga. Hinawakan nito ang palad ng dalaga.

Believe it or not, lumaki ang mata ni James. It was unexcpected- para sa kanya.

Nagsimula nang umalis ang mga nakapaligid. Na-boringan na siguro. “Devs, teka. May ipapakilala ako sa iyo,” sabi ni Ivan.

Lumingon ito sa lalaki. Naaasiwa ang dalaga, ramdam niya. “Sino?”

Akala niya’y matutulungan siya ng kanyang pinsan ngunit mas ikinabigla pa niya ang sumunod na usapan nilang tatlo. Bumaling sa kanya ang lalaki. “Pinsan,” tawag nito. Ngumiti siya. “I heard kanina na kilala mo siya.”

“Hmm, uh, sort of. I think it was at the airplane…”mahinang sagot  niya.

“Ahh, I see. But I supposed you only know her in first name. By the way, this Devon Serano, my girlfriend.” Pakilala nito. Now, it had made all sense. Alam niya bakit pa, siguro papa o papi o ano pang ‘pa’ na sweet pakinggan. “And baby, si James. James Keid, my cousin.” Bumadha pa ang pagkagulat sa mukha ng dalaga. She was speechless. Why?

Mauubos na siguro ang laway ni James sa kalulunok. Alangan naman, kay hirap ng parte niya. He extended his hand and smile, “Hi Devon! Can I call you Diday?” lumabas sa kanya ang mga katagang iyon na tila mapaklang kanta ng isang baklang asumera. Hindi naman sana siya nahihirapan ng ganito noon, bakit ngayon kay hirap?

HA? Ahh, ulitin nga ? naguguluhang tanong ni Devon sa isipan. Nais niya iyong sabihin. Hindi iyon ang tinig ng lalaki- tinig ng isang James Keid na nakilala niya sa eroplano. He souns like- GAY. Eww.

Ngumiti si Ivan. “James, your mother was definitely right that you really need a help,”

James smiles flirtatiously. “As if you don’t know mom. She always blurts out I need help, in the first I don’t need any. I am what I am!” at tuluyan na niyang iwinaksi ang kamay sa ere. Ang gaan tingnan.

Napanganga na lang si Devon sa nasaksihan. Parang kailan lang, pinupuyat niya ang kanyang sarili sa kaiisip kung bakit kailangan pa niyang maging unfaithful kay Ivan ng konti dahil lang sa lalaking ito ngunit, ARGH! bakla pala ito?

“Oh, pinsan! I love your school! Hindi mo ba ako i-tou-tour?” sabi nito kasabay sa marahang paghaplos nito sa buhok.

“Ahh, about that, parang hindi yata…”

Sumimangot si James na may kasamang pa-cute. Effortless lang naman itong nagpacute eh, kasi cute na ito noon pa man. Isip ni Devon.

“…but don’t worry, I already have plans for it.”dagdag ni Ivan.

“What?” si James.

Tumingin muna si Ivan kay Devon na parang hindi pa nakarecover sa mga pangyayari tsaka nagsalita, “You will be with Devon. She’s going to tour you around the campus, right babe?”

“Ha?” nagulat si Devon. Ako?

Natulala si James. Ano kaya ang nasa utak ng mokong na bakla na ‘yan? bulong ni Devon. Kung alam lang niyang mas balisa si James sa ideyang iyon dahil sa kanyang kalokohan. Bagkus, mabilis na nakabawi sa James sa gulat at nagpaunang lumakad- o kumendeng. “Er, well, why not? I’ll be glad to make friends with my future cousin-in-law,” pakli nito sabay tingin sa kanya.

Hindi na napigilan ni Devon na harapin ang mga mata ni James. Ang matang kulay asul na nakapagduda sa kanyang nararamdaman ni Ivan.

“Ganun naman pala. Wala na tayong problema pa,” agaw ni Ivan. Awtomatikong napabaling ang kanyang tingin kay Ivan. “Ah, okay…” kiming pakli niya.

“Good! Good! Well, if that’s it, I will go proceed now to my room. I still have my first class at nine,” sabi nito. “Where can we meet Diday?” tanong niya sa akin.
Diday. Tahimik na napatawa si Devon. Para kasing hindi si James ang nagsasalita. Hindi iyong baritonong boses ang naririnig niya ngayon kundi manipis at mahinhing tinig.

“Baby? Saan daw kayo magkikita?” pukaw ni Ivan. Ulit, napamalikmata siya. “Er, ah, sa canteen na lang. Wala na akong klase after 10 up to lunch time,” sabi niya. “That would be fine, but can you wait for 30 minutes, may class pa ako until 10:30,” sagot ni James. “Okay.” Tipid niyang tugon. That was the shortest talk ever since they met each other.

“Okay, okay! I’ll be going! Baboosh girl, couz! See yah!” nagpaalam na ito’t nagpauna nang lumakad ang lalaki. Sinundan na lamang nang tingin ni Devon ang papalayong lalaki. I must be in a nightmare!

Marahang pinisil ni Ivan ang kanyang braso. “Baby Devs, okay ka lang ba talaga? Is it my cousin?” tanong nito. Tumingin siya sa lalaki, “Ah, bakla siya. Hindi mo iyon sinabi sa akin,” sabi niya.

“Does it matter?”

Napailing siya. “No. I was just shock. Hindi ko man lang nalaman iyon,”

“Isa iyon sa dahilan kung bakit pinapunta siya dito ng mama niya. Nais kasi ni aiuntie na maging lalaki yun si James,”

“Ah, sice childhood ba o kamakailan lang nagladlad?”

“I really don’t know, but alam mo na, gusto rin naming tulungan si auntie.” Tugon ni Ivan. Ah, then kailangan kung malaman kung ano ang tunay na dahilan! Determinadong pasya ni Devon. “I hope you’ll help me with him. I could see na magkaka-vibes kayo, sana huwag mong masyadong i-tolerate ang kanyang mga gawing pambabae, okay?” pakiusap ng lalaki.

“Ahh, oo naman, I’ll help you,”

“Salamat,” pakli nito. “Di ba may klase ka pa? Halika na, ihahatid na kita.” Mabuti na lang ay ipinaalala nito ang kanyang klase kung hindi maghapon siyang nakatunganga doon at iisipin kung ano ang kanyang napasukan. 

3 comments:

  1. hahaha.. nagulat din ako sa transformation ni james... i didn't see it coming??? interesting... next chap puhleaseeee... hehehe...


    HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!

    ReplyDelete